Chapter 43: Endless Chasm

Verse of the Day.
"The people who walk in darkness will see a great light. For those who live in a land of deep darkness, a light will shine."
Isaiah 9:2

Chapter 43
Endless Chasm
[ Third Person ]

SA GITNA ng tahimik na gabi, isang dalaga ang lumabas mula sa kaniyang kwarto. Pikit ang mga mata, animo'y natutulog habang naglalakad. Sa gitna ng kaniyang paghakbang, mayroong napakagandang boses ang siyang naggagabay sa kaniya.

Nakahahalina... nakakabighani... at talagang mapapasunod ka sa anumang iuutos nito. "Trust me, my child..." a voice from nowhere said.

As if the lady is awake, she answered, "I trust you, Mother..." Nakababa na siya ng hagdanan, papunta na sa labas ng kanilang mansyon. Ang ibang tao sa loob ay nasa kaniya-kaniyang kwarto, natutulog ng mahimbing, at walang kamuwang-muwang na mayroong lumabas sa kanilang lungga.

Sa pagtapak ng nakayapak na paa ng dalaga sa mamasa-masang damo sa labas ng kanilang dormitoryo, kaagad na nagsilabasan ang iba't-ibang uri ng maliliit na diwata sa paligid. Napakaganda nitong tignan... sila'y nagsasayawan, gaya ng mga katribo na sinasayawan ang kanilang pinuno.

Samantala, ang mga mata ng dalaga ay nanatiling nakapikit, na parang napakahimbing ng kaniyang tulog sa ilalim ng maliwanag na sinag ng buwan. Patuloy lamang siyang naglalakad, binabaybay ang madilim na daanan ng kawalan. Hindi nagtagal sa kaniyang paglalakad, mula sa kaniyang pwesto ay may isang napakalaking tarangkahan.

At dahil nasa kalagitnaan na ng gabi, walang ni-isang tao ang nakakita sa dalagang palakad-lakad sa harap ng tarangkahan. Huminto ito, kasunod ng pagsasalita noong nakabibighaning boses ng babae.

"Go... Go out and follow the path I'll give..." anito.

Gaya ng inaasahan, sumunod nga ang dalaga. Lumabas siya sa tarangkahan na sa hindi malamang dahilan ay bumukas ng kusa; kahit hindi na gumagana ang mahikang nakapaloob nito — na awtomatikong magbubukas kapag mayroong tao na dapat pumunta sa loob — sa kadahilanang gabi na.

Nakalabas nga ang dalaga. Nagmumukha siyang dyosang naglalakad sa kaniyang suot na puting bestidang pantulog. Isinasayaw ng banayad na hangin ang kaniyang umaalon na buhok at humahaplos sa kaniya ang malamig na simoy ng hangin sa gabing tahimik.

Sa kaniyang paglalakad, unti-unti nang nawawala ang sigla ng liwanag ng mga diwata sa kapaligiran. Unti-unti na silang nagtatago, na para bang natatakot sa maaaring sumalubong sa kanila kapag sila ay nagpatuloy sa pagsunod sa dalaga. Ang hangin ay mas lalong lumamig at mas lumakas ang pagsasayaw ng mga kahoy at dahon sa kaniyang paligid.

"You are almost there..." Tumango ang dalaga sa boses. Ang kapaligiran ay mas lalong tumahimik. Mapapansin sa paligid na kaniyang nadadaanan ang mga matang nakamasid, naghihintay ng tyempo pero hindi sila makalapit, marahil may nagbabantay sa taong kanilang nakikita ngayon.

In her walk, lamentations of hiding monsters echoed the place, as if someone just stopped their movement. The lady finally stopped in an unknown reason, as though the surroundings became quite, that you wouldn't want to create any noise in that creepy silence. Once again, an enthralling voice resonated in the hearing sense of the girl.

"Go inside..."

Gubat ang bumungad sa kaniyang pagpasok. Nakakikilabot ang katahimikang namayani. Mas dumarami ang mga matang nagmamasid. Mas lalong lumakas ang ragasa ng hangin sa mga punongkahoy at tuyong dahon. Madilim, ngunit sa gitna ng dilim, mayroong isang berdeng liwanag ang nangunguna.

The glowing emerald light was walking ahead of the lady, urging her to follow it. And so, she really followed it, without knowing the consequences since her eyes are closed. Emerald light was humming some ancient song, as if the light was so happy on what it did.

At dahil alam ng liwanag na unti-unti nang bumabalik ang kamalayan ng dalaga, minadali niya ang pagpasunod nito sa kung saan. Naiinis siya dahil maliit lamang ang oras na ibinigay ng kaniyang kapatid upang mapapunta ang dalaga sa lugar na nais niyang mapapunta ito. Dalawang oras! Dalawang oras lamang! The owner of the light was proud to how the lady passed the test of his brother, but at the same time, pissed. Paano kung magising ito ng hindi pa sila nakaaabot doon? Edi hindi na matutuloy ang propesiya!

Malapit na sila sa kanilang destinasyon... malapit na. Sa unahan, makikita ang napakadilim na bahagi ng gubat. Ang bahagi kung saan walang nakakapunta. Sa gubat ng Delphic, ang bahaging ito ay siyang tinatawag na Endless Chasm — tinaguriang bangin ng kamatayan. Dahil sa paniniwala, walang ni-isa ang pumupunta sa parteng ito ng gubat, maski ang mga hayop o halimaw na siyang naghahari-harian sa buong lugar.

Ngunit ngayon, ang liwanag ang nagsisilbing gabay ng dalaga upang pumunta ito roon sa bangin; habang walang kamalay-malay ito. Nang nasa harapan na sila, mas lalong lumakas ang hangin. At kung noon ay sobrang tahimik ng lugar, ngayon ay napupuno na ito iyak at ungol ng mga halimaw, animo'y sila ay nasasaktan sa pagtapak ng mga paa ng dalaga sa harapan ng bangin.

Before she could even stepped into the cliff of death, the light radiates so bright, as to its own voice radiated in the whole forest, too. "My child, you are the hope of this hopeless world. You are the light in the middle of darkness. Do not disappoint us, save the world we created. Save the Magic Realm..." And the lady who owns the name Ava finally let herself go to the cliff of darkness.

That day was the day of her final journey. Ava just jumped to the cliff that is known to be the cliff of death, but never did the whole world suspected the cliff as a portal towards the another dimension that the universe owned. The realm where the people's lives was endless, another realm where creatures has its own powers.

The realm where every individual is known as immortals. The Immortal Realm.

***
DESSY's NOTE:
So far, this chapter was the shortest one among all the chapters I wrote. Babawi ako sa next chapter entitled "Immortals".

***

@eggarru

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top