Chapter 42: "Where is she?"

Verse of the Day.
"Always be full of joy in the Lord. I say it again — rejoice!"
Philippians 4:4

Chapter 42
"Where is she?"
[ James Bradley ]

NAALIMPUNGATAN AKO dahil sa ingay na nagmumula sa ibaba. Papungas-pungas akong bumangon at bumaba para tignan ang nangyayari, pero agad ring nanlaki ang mga mata nang makita silang lahat na nakaupo sa lahat ng sofa sa living room.

"Ano'ng meron at nandiyan kayong lahat?" Lahat sila ay napatingin sa gawi ko, dahilan ng aking pag-atras paitaas ng hagdan. I squinted my eyes on them. "Ano'ng tingin 'yan?"

Tumayo si Sofia at lumapit sa'kin. She hooked her arms with mine, guiding me through the sit she was sitting in. Nang makaupo, napansin ko na ang lahat ay mayroong seryosong tingin, maliban sa'kin, gaya ng nakasanayan na nila.

Hindi nila ako sinagot. Magsasalita pa sana ako nang lumapit si Sofia sa tainga ko at bumulong. "We will first plan the executing of the remaining quarters of the Dark Entities before we proceed to the place where we planned to bond..."

I nodded, not giving her my full attention, and cleared my throat. Pilit kong pinapaseryoso ang mukha ko sa pamamagitan ng pagkunot ng aking noo. Hindi ko siya nilingon dahil baka ano pa ang magawa ko habang nasa harapan nilang lahat. Baka mapingot na naman ni Maureen ang tainga ko.

Wait, speaking of... Inilibot kong muli ang aking paningin sa buong sala. "Where's Maureen? Where is she?"

Nalaglag ang panga ko. Nagkasabay kami sa pagtatanong ni Jack! Lagot ako nito! Hala, baka isipin na naman nila na may gusto ako sa amazonang 'yon! Wala kaya. Maganda lang siya pero ayaw ko sa ugali niya! Nakakatakot, eh! Brrr...

Nahuli kong napatingin sa kinaroroonan ko ang best buddy kong si Jack. "Hehehe," kimi kong pagtawa. Jusko! H'wag naman sana niya akong bugbugin nito. Gusto ko pang pakasalan si Sofia... huhuhu!

Katahimikan ang namayani sa buong sala sa loob ng labing limang minuto, at sa mga oras na iyon, hindi pa rin bumababa si Maureen. Mas maaga siyang natulog sa'min, kaya papaanong hindi pa siya gising? Ang alam ko ay hindi lalagpas sa siyam na oras ang kaniyang tulog. At sa katahimikang ito, gusto ko ng sumigaw ng wagas.

Napakaboring! Nasaan na ba kasi ang malditang babaeng iyon!

Hindi ko na matiis ang katahimikan kaya tumayo na ako at lalabas na sana nang mapansing nakatingin silang lahat sa'kin. Tumayo na rin pala si Jack! Ano ba 'yan! Does our intestines entangled together? Kung anong gagawin ko, 'yon rin ang gagawin niya! Napagkakamalan ako nitong may gusto sa malditang girlfriend niya, eh! Tsk!

"A-Ano? Magpapahangin lang a-ako sa labas, napakatahimik niyo kasi! H-Hindi ako sanay," saad ko habang kinakabahang tumawa. Ano ba 'yan! Ako na lang lagi ang mapagkakamalang kabit ng mga mahal nila, huhu! Buti na nga lang at hindi na ako napagkakamalan ni Kendreck na may gusto kay Jane.

Lalapit na sana si Sofia sa lugar ko nang magsalita si Jack, "Pupunta lang ako sa kwarto niya. Maybe she just overslept." he said in a surprisingly cold tone.

Totoong napakunot na talaga ang noo ko sa inasal niya. Hindi naman ganiyan ka-lamig ang boses niya simula noong dito na tumira si Maureen sa mansyon... anong nangyari do'n? Nagseselos? Pero alam ko naman na hindi siya magiging gano'n sa mga walang kabuluhang bagay.

Tuluyan na siyang umakyat sa itaas, tumatakbo pa nga siya. Lumapit na sa'kin si Sofia at bumulong ulit, natatakot na basagin ang katahimikang namayani sa lahat. "I can feel him... he's nervous," she said. "At ano ba'ng problema mo? Bakit mo ako iniiwasan?" iritado niyang dagdag.

"Baka ano pa ang magawa ko..." bulong ko sa kaniya pabalik at tumawa ng mahina.

Nakita ko siyang umirap sa hangin. "Tsk. Ang manyak mo talaga! Sana si Helios na lang ang nagustuhan ko, ang tahi-tahimik pa." I glanced at the place where Helios was standing at, and glared. Maang naman siyang napatingin sa'kin na siyang inismiran ko lang.

Bumalik ako sa pagkakaupo, pero hindi pa nga ako nakakaupo ng tuluyan, namataan ko na si Jack na mabibilis ang hakbang pababa. Malamig pa rin ang awra niya pero mababakasan mo ng pagkabahala ang kaniyang mukha. "She's not in her room!"

"Find her!" Jack yelled in full of authority. Hindi na kaibigan ko ang nagsalita nito! Isang prinsipe na nawalan ng prinsesa ang nagsalita...

Malalaki ang mga mata kong tumayo at agad na hinigit si Sofia papuntang Guardian's Palace, ang lugar kong saan ko minsang makikita si Maureen. Pero wala akong naabutan roon... only her amazing guardian. Malungkot na lumabas kami sa lugar at hinigit muli si Sofia papuntang hardin ng akademya, ang Rivelle Garden.

"Sofia, sa tingin mo nasa'n si Maureen? Alam ko namang hindi 'yon aalis dahil may plano tayong lumabas ngayon..." nag-aalalang sabi ko.

Iritado namang lumingon siya sa'kin. "You know, I'm jealous. But I know you just said those words because you are worried of our friend."

"Oh?" ani ko. "Nagseselos ka? Sa wakas, umamin ka rin!" At kahit tumatakbo papuntang hardin, na malayo ang lokasyon mula sa mansyon, humalakhak ako ng todo.

Todo hampas naman siya sa'kin at talaga namang kinukurot pa ako! "You really are a jerk!" she said in annoyance.

Tumigil kami sa pag-aasaran nang marating namin ang hardin. Pero gaya noong una, wala pa ring maliwanag na tsokolateng buhok, mala-karagatang kulay ng mga mata, at bukod-tanging mukha ang nagpapakita.

Where's that girl?! Kami ang pinapagod niya, eh! Kalmado naman ang mukha ng mahal ko pero baka mahimatay na 'to... aish! May hinahanap kami kaya kailangan kong mag-concentrate!

Bumalik kami sa mansyon ng may pawis na pagmumukha. Takbuhin ba naman namin ang katumbas ng buong laki ng quadrangle na distansiya ang hardin patungong mansyon? Sinong hindi mapapagod? Although we experienced excessive trainings, nakakaramdam pa rin kami ng pagod lalo na kung marami kaming iniisip habang ginagawa ang isang bagay.

"We didn't found her," Sofia and Jane said in unison. Kadarating lang rin nila, kasama niya si Helios at Kendreck.

Sunod na dumating si Zoe, Jenelyn at Oscar. Both Zoe and Oscar has problematic expression pasted into their faces, while Jenelyn shows a little worried towards our missing friend. Dumating na rin si Andrea na kasama si Mia Laurriel at Ella Stone. Kahit may eyebags si Andrea at alam kong problemado rin sa pagtraydor ng kaniyang ama, masaya ako dahil tumulong pa rin siya imbes na mag-mukmok sa sariling kwarto.

"Fuck it!" Huli si Jack, na nakasakay sa isang eleganteng kulay kayumangging kabayo. Napahilamos siya sa kaniyang mukha at biglang hinampas ang inosenteng nilalang sa harapan niya, dahilan upang humuni ito ng paulit-ulit.

Nilapitan ko siya at tinapik ang likod niya. I sighed and tried to console him, "Chill, bro. Makikita rin natin siya, baka nga pinaglalaruan—," pinutol niya ang dapat kong sasabihin.

"No!" he interrupted. "She's missing and I can feel it... I can feel that she's not playing with us!"

Magsasalita pa sana ako nang tinawag niya ang isang staff mula sa akademya. "Call the Royal Guards! Assemble a meeting in the gymnasium. It's a prince's order, and that's absolute."

Dali-daling tumango ang staff at mabilis na tumakbo papuntang hilaga, literal na mabilis. Speed siguro ang ability niya. Ilang minuto lang ay may isang tinig ang nag-announce sa lahat ng lumulutang na bubble speaker sa paligid. Namataan rin namin ang kalmadong mukha ng punongguro namin. Mabibilis ang hakbang niya patungo sa lugar kung nasaan kami.

"What's happening, Mister Amores? Bakit ka nagpatawag ng pulong sa buong akademya? At nagpapunta ka pa ng Royal Guards rito!" dumagundong ang boses niya sa paligid.

Jack only sighed in frustration. "Maureen is missing! She's nowhere to be found, Mister Cliffton!" Nakipagtagisan sila ng titig. Walang nagpatalo kaya nagsalita ulit si Jack. "I'm sorry for shouting, Headmaster... I was just worried for her."

"Alright," HM Kashmir said, "Pumunta na kayo sa gymnasium at nandoon na lahat ng estudyante, and the Royal Guards." And then he left.

Nagtungo nga kami sa gymnasium. Naabutan naming nandoon na lahat ng estudyante na nag kaniya-kaniyang bulungan nang makita kami. Napabuntong-hininga na lamang ako. Ganito naman sila palagi, eh. Tsk.

Humakbang patungo sa stage ang prinsipe at prinsesa, habang kami ay umupo na lamang sa unahang pwesto. The twins cleared their throats, as words slipped out of their mouth, "Greetings. I know everyone of you is confused at the reason why we've called all of you here..." pagsisimula ni Jack.

Sumunod naman sa kaniya ang kaniyang kakambal. "Our dear friend and rankmate is missing..." she revealed, the reason why the crowd's gasping voice echoed in the whole gymnasium, plus their own hushed whispers. "Silence... We are here to ask for help to all of you. We are asking for your help to find Megami Maureen Shimizuo. In behalf of our friends and comrades, thank you if you'll cooperate."

Mabilis lumipas ang segundo, minuto at oras. Ngayon ay nakaupo kami sa sala ng mansyon, tinatanaw ang nagwawalang lalaki sa harapan namin. Nakatatakot ang awrang nakapalibot sa kaniya ngayon. Na parang kahit anumang oras ay papatay na siya ng tao sa kung sino man ang kumuha sa mahal niya...

"Wala pa ring balita?!" sigaw niya. "I SWEAR TO THE RIVER OF SOUSE, WHOEVER GETS MY LOVE WILL TASTE MY WRATH IN EVERY SECONDS OF HIS LIFE!"

Alam kong nakakatakot siya pag nagwawala pero hindi ko mapagilang mapatanong, "Paano mo nalamang lalaki iyon? 'His'?" tanong ko, pilit tinatago ang takot na nagsimula nang umusbong sa aking pagkatao. Kahit kaibigan ko siya, hindi ko pa rin mapigilang matakot sa kaniya, lalo na sa sitwasyon ngayon. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang naging ganito.

Akala ko kung ano na ang gagawin niya nang tinitigan niya ako ng matagal, pero laking ginhawa ko na lang nang umismid lamang siya sa'kin.

At sa araw na iyon, lumipas ang mga oras nang hindi namin siya nakita...

***
DESSY's NOTE:
And cut! This is just a short chapter, since 'yan lang ang napiga ng utak ko gamit ang chapter title. We are almost done, my pretty supporters! Kaunting kembot na lang, at matatapos na rin ito... kaya kung ikaw ay nakaabot sa ganito kalayong kabanata nang walang reklamo, congratsss! I love you, mwah!

Next chapter: Endless Chasm

***

@eggarru

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top