Chapter 23: The Twins
Verse of the Day.
"Seek ye Jehovah and his strength; Seek his face evermore."
1 Chronicles 16:11
Chapter 23
The Twins
[ James Bradley ]
NAPATINGIN KAMING lahat sa mga pangalang nakasulat doon sa nakalutang na monitor. Nandoon lahat ang mga pangalan sa kung sino ang kalalabanin mo. Ganoon pa rin ang setup. Rank SUPREMUS will only fight within that rank and no one else with.
Ang bestfriend kong parang pader laban sa kakambal niya. Ang babaeng pilit kong itinatanggi na gusto ko laban sa 'kin. Ang nakakatakot na boyfriend ni Hilary laban sa mahangin na babaeng anak ni Professor Kalbo. The girl who doesn't care to anyone versus the girl who became our instant friend because of Maureen. At ang magiging ka-duel naman ng medyo baliw na mangkukulam ay ang lalaking enhanced geek na kung tawagin.
Nabasa ko rin ang makakalaban ni Mau na paniguradong ang saya-saya na ngayon. Si Bea Desiree na inisang suntok niya lang at nawalan na ng ulirat. Katakot pala 'tong mairita! Mas nakakatakot pa kay Kendreck, naku naman. Hindi ko alam kung paanong sila ang magkalaban pero mukhang pakana 'yon ng pinsan ni Ella, si Bea.
A revenge, I guess? Well, sana magtagumpay siya. Kung hindi naman, ipagdasal ko na lamang ang kaniyang kaluluwa.
Nasa red benches kami ng mga senior at kitang kita ko kung paano ngumisi nang malawak si Maureen habang nakatingin sa screen ng monitor pagkatapos ay lumingon sa 'kin. Napakurap ako nang kumindat siya.
Pakshet! Dios mio mahabagin! Ano na naman ba'ng kalokohan ang pumasok sa kokote ng babaeng ito?!
Ngumiti nalang ako nang alanganin na siyang ikinairap niya. Ang taray talaga ng malanding 'to!
Pero hindi ko pa rin nakalimutan ang sinabi niya noong unang araw ng Blue Moon. Liligawan daw si bestie?! Sino naman kaya ang nag-suggest sa kaniya no'n? Wala talagang kahihiyan sa katawan ang babaeng 'to! Ah, maliban pala noong nandoon kami sa library pero parang mas tumapang na ito ngayon.
Ano kaya ang nakain nito? Para makain ko na rin at hindi na maging torpe.
"Natatae ka, James?" rinig kong tatawa-tawang tanong ni Sofia sa gilid ko. Ha! Halikan kita diyan, eh! "O kinakabahan ka na sa 'kin? You know, even though you're a guy, you can never defeat a lady like me," she blurted before leaving and sat beside Hilary. Hindi ko siya pinansin at baka asarin na naman ako nito.
Katabi naman ni Hilary sa kabila ang kapatid nitong nakabusangot at iritang-irita na sa tinitingnan. Tiningnan ko rin 'yon at nakita ko kung pa'no siya kinindatan at binigyan ng flying kiss ni Maureen.
Napangiwi ako. Jusko! Kahit nasa malayo ay nagawa pang manlandi! Ano 'yan, long distance landian?
Lumapit ako kay Jack na parang kaunting pitik na lang ay bubuga na ng apoy, kahit mukhang lupa naman ang maibuga. Napalingon ito sa 'kin at agad akong sininghalan, "What?!"
Napaatras ako at kalauna'y tumawa nang malakas. "Anong mukha 'yan, bestie? Nilalandi ka na naman ba?" I tapped his back for him to get calm. Hindi pwedeng irita itong lalaban dahil baka mapuruhan ng sobra ang kakambal niya. Lagot talaga 'yan sa 'kin ang Maulande na 'yan!
Are you jealous, dear James? Don't tell me, you like my husband?!
Napaitlag ako sa sigaw sa loob ng aking ulo. Bakit niya ako nakakausap sa isipan gayong kami lang namang mga Supremus ang naka-mind link? Sinubukan ko naman siyang sagutin pero hindi ko magawa-gawa.
Napabuntong-hininga na lamang ako at hindi na siya pinansin dahil mas kailangan ko ngayon mag-focus sa match. Unang magalalaban ang senior level hanggang sa junior level. The first to fight are the twins.
Bumaba na silang dalawa dahilan para tumili ang mga babae at magsigawan ang mga lalaki. This is gonna be an exciting fight like last year! Sino na naman kaya ang mananalo nito ngayon?
"Hi, little bro," I heard Hilary's greetings.
Hindi siya sinagot ni Jack at tumitig lamang ito sa kaniya, nagpapakiramdam. Umatras ng kaunti si Hilary at nagsummon ng chain whip na may nagbabagang apoy sa kabuuan nito, hindi man lang siya napaso. She can summon weapons through fire though. Hinampas niya ito sa sahig nang ilang beses at inambaan ang kakambal niya pero nakaiwas ito. The ground began shaking when Jack stomped his foot.
May naglalabasang malalaking puno at nanganak ang mga ito ng iba't ibang mababangis na hayop na nakatira lamang sa lupa. Ngumisi si bestie, obviously mocking his sister but Jane just rolled her eyes. Sumugod ang mga hayop pero bago pa sila makalapit sa babae ay lumiyab na ito ng apoy.
"Let's stop playing, twinny. You might drain your stamina," mapanlokong aniya.
Nawala ang chain whip niya at naunang sumugod sa kakambal. Her fists were burning with red-orange flames! Sinuntok niya si Jack pero nakaiwas agad ang huli.
Jack fists bcame rock, literally. Sinuntok niya ang kinatatayuan at may nagsilabasan na mga lupa na may nakapulupot na vines. Natumba kaagad sa sahig si Hilary, but she managed to backflip and kicked her brother. Jack caught her feet and throw her at the edge of the platform. Para namang balewala si Hilary pero ramdam ko ang sakit.
Sino ba naman ang hindi masasaktan kung taong bato ang gagawa sa 'yo no'n?! Sila lang yata.
Hilary immediately ran towards him that made them stumbled on the ground. Sa likod ni Hilary ay may unti-unting nabubuo na taong bato at punongkahoy pa ang magkabilang kamay. Nagsigawan naman ang mga tao sa pagkamangha. Nang mabuo iyon, hinampas niya ang likuran ni Hilary dahilan upang tumalsik na naman ito.
She gritted her teeth and raise her hand; and there, a burning blue flames are hugging the one-meter sword.
Woah! So, she already mastered the blue flames!? After that, a serpent-dragon appeard on her back and we heard it said 'mistress'. Again, people gasped in awe. You can only summon that serpent-dragon when you already mastered all the fire magic!
The two beasts growled and start fighting with each other. Naglabas din ng sandata si Jack, isang dagger ito na puno ng vines. Sumugod sila sa isa't isa. Nadaplisan ang mukha ni Jane na naging sanhi ng pag-summon niya ng katamtamang laki ng fireball. Iniwasan ito ni Jack pero kusa itong sumusunod sa kaniya.
The stone giant deflected the fireball, so thousand of fire flickers was produced by Hilary. Maganda ito at nagmukha ng nagf-fireworks sa loob ng platform. Ang fire flickers ay nakapapaso kahit maliliit ito. The stone giant got all the damage from the fire flickers causing it to vanish.
"Two versus one," Hilary stated and winked at her twin. Jack just scoffed and this time, he's the one who attacked first. Jack managed to punch her face as he stab Hilary's gut. Nagalit naman ang serpent-dragon kaya binugahan niya ng apoy si Jack.
Jack immediately made a barrier but the flame is strong enough to hit him. The burnt is visible on his left hands. Jane keeps teleporting using her fire manipulation, maybe to make Jack confused. Jack, on the other hand, summoned his gumiho— a nine-tailed fox mystical beast.
Makapagsu-summon ka lang din nito kung gamay mo na ang lahat ng kapangyarihan ng lupa. Namamangha talaga silang magkapatid.
The gumiho immediately attacked the serpent-dragon.
Nahuli ni Jack ang leeg ng kakambal niya kaya ibinalibag na naman niya ito at nagpalabas kaagad siya ng mga poisonous earthly-vines. Ipinulupot niya ito sa kakambal niya at itinaas ito sa kaniyang ibabaw. Nakita ko kung paano ngumisi si Jack pero nginisihan lang din siya ni Jane at inirapan.
Nagulat na lamang kami nang ipinitik ni Jane ang kaniyang mga daliri at lumabas ang napakaraming blue fire flickers at spear na may nagbabagang apoy.
Woah! Kahit napakarami nang nagamit na magic energy, hindi pa rin nauubos ang stamina niya? Iba rin.
Napunta ito lahat kay Jack at hindi niya ito naiwasan kaya naman nabitawan niya si Jane na nagiging ube na ang kulay dahil sa poisonous vines. Dinahan-dahan na ng poisonous vines ang pagkuha ng kaniyang hininga kaya gano'n. It was one of the deadly magic weapon Jack has.
Jane stumbled on the floor. Agad niyang hinabol ang sariling hininga. The mystical beasts are still fighting and looks like no one wants to lose. Hindi naman naiwasan lahat ni Jack ang mga patalim at apoy ni Jane na mukhang itinanim niya pala noong nagt-teleport siya gamit ang apoy.
I thought she's allergic to teleportation? Baka sinanay na niya ang sarili para sa plan and strategy niya laban sa kambal. She eventually wished to lose his twin na ngayon ay namimilipit na sa sakit dulot ng apoy.
Dahil nanghihina na nga si Jack, hindi na niya makontrol nang maayos ang gumiho niya kaya kusa itong nawala. Jane immediately made her serpent-dragon disappear. Napaupo naman siya sa platform at pilit iniinda ang saksak niya sa tagiliran. Namumutla na rin ito dahil sa pagkakuha ng dugo.
The emcee announced the winner and that is Jane Hilary. However, Jack's points still increases. From 84 to 86, siguro dahil napalabas niya ang mystical beast niya. Umangat naman ng lima ang puntos ni Hilary. Mula 82 ay naging 87. Tuwang-tuwa na siguro siya ngayon dahil sa wakas ay nalamangan niya ang kapatid pagdating sa labanan.
Baka hindi nakapag-concentrate si Jack dahil sa inis niya. Hahaha!
Dinala kaagad sila sa grupo ng mga healers na hindi na lalaban ngayon. Gumaling naman kaagad sila dahil magagaling naman ang manggagamot na mga sophomores. May royal doctors din na tumulong dahil utos iyon ng reyna.
Napabuntong-hininga ako. Ako na pala ang kasunod na lalaban. Sana naman ay may lakas ng loob ako na labanan siya. Pero dapat talaga ay mayroon. Last year ay nakapagpigil pa ako na hindi siya saktan nang todo dahil babae siya at nasasaktan akong nakikita siyang nasasaktan. Marupok ako, e! Pero hindi na ngayon na mukhang lumakas na nga siya dahil nagawa pa niyang mang-asar kanina.
Hindi pwede! Ako dapat ang manalo para hindi na ako asarin ng tukmol kong ama at kapatid. Palagi nalang nila akong inaasar na sobra daw akong marupok pagdating kay Sofia. Ano pa ba ang magagawa ko?
Mahal ko, e.
@eggarru
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top