Chapter 16: The Foes

Verse of the Day.
"And Peter said unto them, Repent ye, and be baptized every one of you in the name of Jesus Christ unto the remission of your sins; and ye shall receive the gift of the Holy Spirit."
‭‭Acts‬ ‭2:38‬ ‭

Chapter 16
The Foes
[ Third Person ]

"NAIBIGAY MO ba?" tanong ng isang lalaki na nasa mid-40s ang edad. Malaki siyang tao at nakasuot ng damit na panghari. Makikita mong maganda siyang lalaki noong kabataan pa niya ngunit ang kaniyang mga mata ay nanlilisik at mapupula. A creepy smirk form into his lips after he said those words.

Nanginginig na tumango ang babae na mas bata pa sa kanya ng sampung taon. "O-Opo, Mahal na Hari..." sagot niya sabay yukod dito.

"Magaling kung gano'n. Magiging madali ang aking plano. Makatutulong nga ang mala-anghel mong mukha, Omna. Ngayon, lumayas ka sa harapan ko dahil hindi mo nabantayan na may nagbigay na pala sa kaniya ng kaalaman tungkol doon!"

Agad na tumalima ang babae na nagngangalang Omna dahil sa pagbabago ng mood ng kaniyang tinatawag na hari at dahil na rin sa takot.

"D-Dad! Don't worry about the knowledge you're talking about. Paniguradong hindi pa niya iyon nahahalata dahil suot pa naman niya 'yon," biglang nagsalita ang bagong dating na dalaga.

"Binabantayan mo ba siya nang mabuti?" tanong ng hari habang nanlilisik ang mapulang mga mata nito. Agaran namang tumango ang dalaga. "Mabuti. Alam mo ba ang kahalagahan ng bagay na iyon?"

"Malalaman mo ang mga lugar na mapupuntahan niya sa pamamagitan no'n. Kumbaga 'tracker' sa mundo ng mga tao," kaagad na sagot ng dalaga.

Tumatango-tango naman ang hari at tumahimik. Ngunit kalauna'y nagtanong ulit. "Ano ang pinagkakaabalahan niya roon? May plano ba siya? Bakit siya napunta rito?" sunod-sunod niyang tanong.

Mapapansin naman sa mukha ng dalaga ang sakit sapagkat siya ang anak pero iba ang pinagtuunan ng pansin ng kaniyang ama. Ni-minsan sa kaniyang buhay ay hindi siya nito tinanong gaya ng pagtatanong ng kaniyang ama sa ibang tao. Ni-hindi siya nito kinakamusta ngunit pinili pa rin niyang sumunod sa mga utos nito. Sa isip ng dalaga ay baka ito na ang paraan para mapagtuonan siya ng pansin.

"A-Abala po siya sa pagtuklas ng mga bagay-bagay at hindi ko alam ang kaniyang mga plano. Hindi siya pala-salita kung ano ang nasa kaniyang isipan, Dad." Nakakuyom ang mga kamao nang magsalita ang dalaga.

Maganda ang dalaga. Maputi at makinis ang balat. Itim na itim ang kulay ng hanggang kili-kili niyang buhok. Strikta kung tingnan ang kaniyang kilay ganoon din ang kaniyang itim na mga mata. Matangos ang ilong at parang natural na nakanguso ang rosas na labi. Balingkinitan din ang kaniyang katawan at kung ikukumpara sa kaniyang malaking tao na ama, hanggang kili-kili lamang siya rito.

Kahit nag-aalinlangan ay isinantinig niya ang kaniya saloobin sa kaniyang Ama, "S-Sa akin, Dad, hindi ka magtatanong?" Napaangat siya ng tingin sa kaniyang ama ngunit agad ding binawi dahil nanlilisik na naman ang mga mata nito nang humarap siya. Ikinuyom niya ulit ang kaniyang mga kamao at itinago sa kaniyang likuran.

"Huwag mo akong matawag-tawag na 'Dad' kung hindi mo maisagawa nang mabuti ang iyong trabaho! Lumayas ka rito sa harapan ko! Lapastangan!" sigaw sa kaniya ng hari.

Tumatango-tango ang dalaga na tila naintindihan niya kung bakit ganiyan ang kaniyang ama. Tumalikod siya at tuluyan nang rumagasa ang kaniyang mga nagbabadyang luha kani-kanina pa.

"Why it's always be her?"

LUMILINGA-LINGA ang binatang lalaki sapagkat siya'y naliligaw. Hindi na niya alam ang daan na kaniyang pinatutunguhan papunta sa direksyon na ibinigay ng kaniyang kausap kamakailan lang.

"Before you'll go to Willson City, you must have your disguise. Huwag mong ipahalata na hindi ka roon nanggaling at baka ikaw ay madakip," paalala ng isang lalaki na nakasuot ng itim na balabal. The cloak has a little design on its chest part—a skull with a horn of a demon and scarfed snake.

"S-Saan ako d-dadaan?" the teenage boy stammered. Matangkad ang lalaki at ang pangangatawan ay sakto lang para sa kaniyang edad. His skin was fair. Makakapal ang kilay at kulay hazel brown ang insik na mga mata. Katamtaman lang ang taas ng kaniyang ilong at kurba ng labi. Mayroon din siyang bilugang mga salamin.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, bata? Ano ang iyong dahilan at kusa kang sumama sa 'min?"

"I don't want to be always behind. I wanted to be on top! Pero mas importante pa rin sa kanila ang kapangyarihan." Sa isang iglap ay biglang nagbago ang ugali nito. Nawala ang takot at pag-alinlangan sa kaniyang mukha at mga mata. Napalitan ito ng poot at paghihiganti.

"Sabagay, kapangyarihan naman talaga ang bumubuhay sa mga tao rito. But they doesn't even consider me as a top! Kung wala ang aking katalinuhan, what would be their strategies, then? They're so dumb! Palagi nalang ako ang nasa huli!"

"Then do whatever you want to avenge them." Nakangisi na ngayon ng mala-demonyo ang lalaking nakabalabal.

Napabalik siya sa reyalidad nang may mabangga siya. Hindi man lang siya natumba. Tinulungan niyang tumayo ang kaniyang nakabangga ngunit agad ding nabitawan ang kamay sa nasaksihan. Gulat na gulat ang mukha ng binata, ganoon din ang kabangga. Isa itong babae.

"What . . . what are you doing here?" Naunang makabawi ang binata.

Pagkakataon nga naman! Bakit pa may kakilala pa akong nakita! Pero baka pareha lang kami ng sadya rito. Tama!" Isipan nilang dalawa.

"Ako dapat ang nagtanong niyan sayo dahil dito ako nakatira. Ano ang sadya mo rito? Huwag mong sabihing 'wala' dahil alam ko kung saang direksyon ang iyong pinatutunguhan. Alam ko rin na nagbabalat kayo ka lang bilang isang mamamayan dito dahil naliligaw ka," saad ng dalaga. Akala siguro niya ay hindi ko siya mamumukhaan kahit nagbabalat-kayo siya.

Napakurap ang binata bago siya nakapagsalita. "H-How did . . . did you know about my disguise?"

"It's obvious," napairap ang dalaga at humahalukipkip. "Now tell me, where is your destination?" pag-uulit ng babae sa kaniyang tanong.

"Sa lugar na pinanggalingan mo."

Inihatid siya ng dalaga ngunit hanggang sa malaking tarangkahan lamang siya. Ayaw niyang sumama dahil baka mapagalitan pa siya. Tinanguan lang niya ang lalaki at naglakad na siya paalis. I think I know the reason why he's here . . .

SA KABILANG banda, yumukod ang binata, na inihatid kanina ng dalaga, upang ipapabatid ang paggalang sa lalaking nasa kaniyang harapan. "Pagbati sa M-Mahal na Hari ng Willson City, ikinagagalak ko kayong makita ng personal . . ." pagbati niya sa hari. Umayos na siya ng tayo at inayos ang kaniyang suot na salamin.

Hindi nagsalita ang hari at tiningnan lamang siya nito ng kaniyang pulang nanlilisik na mga mata. Yumuko siyang ulit dahil hindi niya makayanan ang titig ng hari. "Nan-Nandito po ako p-para ipahayag na ako ang i-iyong magiging e-espiya sa katunggaling kaharian," nauutal na saad ng binatang may salamin sa mata.

Napukaw iyon ng atensyon ng hari at nagsalita, "Paano mo masisiguro na hindi ka tatalikod sa 'kin gayong ikaw ay roon nanggaling?" makapangyarihang aniya.

Nanginig naman sa takot ang binata dahil sa lalim ng boses ng kaniyang kinikilalang hari. Para itong galing pa sa ilalim ng hukay. Kahit nanginginig ay nagawa pa rin niyang makasagot ngunit pati ang kaniyang boses ay nanginginig na rin. "M-M-May g-galit ako sa lahat ng na-nakatira doon dahil h-hindi sila . . . sila marunong mag-appreciate ng aking . . . aking kakayahan. Palagi nalang akong nasa huli kahit ako ang nararapat na nasa unahan! Kaya nais kong maparusahan at maghiganti sa kanila, Mahal na Hari!" Nakakuyom na ang kaniyang mga kamao sa ipinapakitang emosyon. Tila ito'y galit na galit at handang pumatay para lamang sa kagustuhan.

"Kung ganoon ay . . . ikaw ay akin ng espiya. Hindi mo na kailangang isatinig ang iyong kapangyarihan dahil alam ko na iyon. Bukas na bukas ay magsimula ka na at iyong kasama ay ang aking inutil na anak. Siya ay ang magbabantay sa aking pinagbabantayan. Ikaw naman na alam kong matalino ay alamin mo ang kanilang mga plano. Lahat ng kanilang plano." Ipinagdiin pa niya ang salitang 'lahat'.

"A-Anak? Si-Sino ang anak na iyong sinasabi, Mahal na Hari? At maaari ko bang malaman ang taong iyong pinagbabantayan?" tanong ng binata na tila ang kaniyang takot at galit ay nawala sa isang iglap nang dahil sa kuryosidad nito.

"Iyong naghatid sa iyo rito. Ang taong pinagbabantayan ko ay ang aking alas upang masakop ko na ang buong Magic Realm!" dumadagundong ang 'sing-lalim ng hukay na boses ng hari.

Napaigtad naman ang lalaki at bumalik ang kaninang humupa na takot sa kaniyang buong katawan. Ibinigay ng hari ang pangalan ng kaniyang sinasabi na binabantayan ng anak na nakapagpalaki ng mga mata sa binata.

Hindi siya nakapagsalita at tahimik lamang hanggang sa makabalik siya sa kaniyang sariling silid sa loob ng Rivendelle Academy, ang paaralan na kaniyang pinapasukan. Isang salita lamang ang namutawi sa kaniyang bibig dahil sa labis na pagkagulat at pagkamangha sa kaniyang nalaman. Batid na niya kung bakit may kakaiba sa taong binanggit ng hari base na rin sa sinabi nito. Siya ang alas.

"How . . . ?"

***
DESSY'S NOTE:
My nose bleeds... am I improving?
-2021 writer self

@eggarru

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top