Chapter 4
Kinabukasan ay maaga na naman ako nagising. Dahil nga walang pasok ay naisipan kong pumunta ulit sa playground para magpakain ng mga pusa.
Pinakain ko muna ang pusa kong si Lili bago umalis ng bahay.
Nang makarating sa playground ay nakita ko na ulit ang mga pusang madalas na nasa likod ng isang malaking puno.
Napansin ko ang medyo kalat-kalat pa na cat food pagkalapit ko sa kanila. May nagpakain ba sa kanila?
Kahit may kinakain pa sila ay binigay ko na rin ang dala kong cat food.
"Ate Katie!" Napangiti ako nang makita ang tumawag sa akin. Agad siyang lumapit sakin.
"Good morning, Dexter." Bati ko sa kaniya. Mag-isa na naman siya. Natakasan na naman niya si Andrei.
"Good morning, ate."
"Humiwalay ka na naman sa kuya mo. Baka hinahanap ka na nun." Sabi ko sa kaniya.
"Hindi ko po kasama si kuya." Bahagya akong nagulat sa sinabi niya.
"Si mommy po ang kasama ko pero kanina ay nandito po si Kuya Andrei at pinakain niya ang mga pusang 'yan." Mas lalo akong nagulat sa sunod na sinabi niya. So, tama nga ako. May nagpakain na sa mga pusa at si Andrei 'yon!
Itatanong ko na sana kung nasaan ang kuya niya pero may biglang lumapit sa amin na babae. Tingin ko ay nasa 40s na ang babae.
Tinignan ko si Dexter at ang babae at napagtanto ko agad na ito ang mommy niya dahil sa pagkakahawig nila.
"Mommy!" Humawak si Dexter sa kamay ng nanay niya.
"Dexter, sa susunod hindi na kita dadalhin dito kung lagi kang aalis sa tabi ko. Hindi na rin kita pasasamahan sa Kuya Andrei mo." Sumimangot si Dexter sa sinabi ng babae.
"Sorry po. Gusto ko lang po kasi puntahan si Ate Katie." Anito. Bumaling naman sakin ang babae.
"Hija, ikaw ba ang tinutukoy niya?" Tanong niya.
Tumango ako. "Opo. Good morning po."
"Pasensya na kung ginugulo ka ng anak ko. Makulit kasi talaga 'to eh." Sabi niya na agad kong inilingan.
"Naku, ayos lang po. Nakakatuwa nga po ang anak niyo eh." Sabi ko. Ngumiti siya sakin at naglahad ng kamay.
"Ako nga pala si Alexis, mommy ni Dexter." Sabi niya. Agad kong tinanggap ang kamay niya.
"Nice to meet you po. Ako po si Katie."
"Mommy, friend po siya ni Kuya Andrei." Singit ni Dexter. Bahagyang nagulat ang mama niya pero ngumiti rin agad.
"Ikaw siguro yung kinukwento niya samin. Kakakilala niyo pa lang daw?" Ako? Ikinukwento ni Andrei sa kanila?
"Ah, opo." Sagot ko. Maya-maya lang ay nag paalam na ang mag-ina. Naisipan ko na rin bumalik sa bahay.
Pagkauwi sa bahay ay naligo muna ako. Hindi ko mapigilang isipin kung ano ang ikinukwento ni Andrei sa pamilya niya. Kakakilala pa lang namin pero naikwento niya na agad ako.
Alas dos ng hapon ay nag pasya akong pumunta doon sa convenience store na malapit sa school namin. Nang malapit na sa school ay napansin ko pa ang ibang estudyante. Palagay ko ay nag-aayos sila ng clearance. Buti nalang tapos na ako.
Pagkapasok sa convenience store ay napatingin agad ako sa counter. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Andrei. May trabaho pala siya tuwing Linggo?
Kumaway siya sakin kaya nginitian ko siya. Naghanap muna ako nang makakain at maiinom.
"Good afternoon." Bati ni Andrei nang makalapit ako sa counter.
"Good afternoon din," nilapag ko ang mga pinamili ko sa counter.
"May pasok ka pala pag Sunday?" Tanong ko.
"Ngayon lang. Male-late kasi yung isang kasamahan ko." Tumango ako. Nilagay niya na ang mga pagkain sa plastic.
"Wait, wala akong biniling chocolate." Kunot-noo ko siyang tinignan. May nilagay siyang chocolate bar sa plastic.
"Para sayo talaga 'yan." Kumindat pa siya at inabot sakin ang plastic. Natawa nalang ako.
"Gusto mo bang magka diabetes ako? Laging chocolate binibigay mo eh." Biro ko.
"Bakit may iba ka pa bang gusto? Sabihin mo lang para mabili ko." Seryosong sabi niya. Agad naman akong umiling.
"Joke lang. Saka 'di mo naman kailangan na lagi akong bilhan." Sabi ko. "Thank you pala." Dagdag ko.
Umalis na ako doon sa counter para makapag bayad yung iba. Naupo muna ako sa isang mesa dito.
Habang kumakain ay may biglang naupo sa tapat ko.
"Hi, Katie." Inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang isang kasamahan ko doon sa coffee shop kung saan ako nag pa-part time job.
"Paul, pauwi ka palang?" Tanong ko. Ang alam ko ay ganitong oras ang uwi niya eh.
"Ah oo. Bumili lang ako ng pagkain." Aniya at tinuro ang dala niya.
"Mag-isa ka lang?" Tanong niya.
Tumango ako. "Oo, maya-maya ay uuwi na rin ako."
"Papasok ka ba bukas?" Tanong niya.
MWF kasi ang pasok ko sa coffee shop. Pero dahil summer na ay pinag-iisipan kong makiusap sa may ari kung pwedeng araw-araw na ako pumasok.
"Balak kong mag paalam kay Sir Arthur kung pwedeng araw-araw ako pumasok. Wala naman na kaming pasok sa school eh." Sabi ko. Natuwa naman siya sa sinabi ko.
"Ayos 'yan! Sigurado papayag 'yon." Ngumiti ako sa sinabi niya.
Pagkatapos mag-usap ay nagpaalam na siyang umalis.
"Sino 'yon?" Nagulat ako nang may biglang nag salita sa tabi ko. Lumingon ako at nakita si Andrei.
Naka gray v-neck shirt na siya ngayon at maong na pants. Uuwi na ba siya?
"Si Paul, kasamahan ko sa trabaho." Sagot ko. Naupo siya sa pwesto ni Paul kanina.
"May trabaho ka? Saan?" Tanong niya.
"Sa isang coffee shop. D'yan lang sa likod ng school namin." Sagot ko. Tumango naman siya at pinagmasdan ako. Umiwas ako ng tingin at ininom yung juice na binili ko.
"Tapos na ba ang trabaho mo?" Tanong ko.
"Oo. Dumating na yung kasama ko." Aniya at tinuro ang counter. Nandoon ang isang lalaki at tumingin samin. Ngumisi ito kay Andrei.
"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong niya.
"Uubusin ko lang 'tong juice ko." Sagot ko.
Ngumiti siya. "Sabay na tayo. Hatid na kita." Aya niya. Tumango nalang ako.
Habang naglalakad ay puro kwentuhan lang kami. Napansin ko na pag si Andrei ang kasama ay hindi talaga mawawalan ng pag-uusapan. Ang dami niyang baong topic.
"Nakita ko nga pala si Dexter kanina sa playground." Sabi ko.
"Si Tita Alexis ang kasama niya kanina. Siya rin pala yung may-ari ng convenience store na 'yon." Bahagya akong nagulat sa sinabi niya.
"Pinakain mo daw pala yung mga pusa kanina." Sabi ko nang maalala ang sinabi ni Dexter kanina.
"Oo. Natuwa kasi ako kahapon sayo habang pinapakain mo sila. Sinubukan ko at masaya dahil ang cute nilang tignan habang kumakain." Sagot niya. Napangiti ako.
"Summer na ibig sabihin mapapadalas ka doon sa playground? Diba sabi mo pag walang pasok nagpapakain ka ng mga pusa." Tumango ako sa sinabi niya.
"Siguro. Bago pumunta sa coffee shop, dadaan muna ako doon." Sagot ko.
Nang makarating sa tapat ng gate ay tumigil na kami.
"Salamat sa pag sabay." Sabi ko. Nginitian niya naman ako. Hindi ko mapigilan mapatingin sa mga mata niya tuwing ngumingiti siya. Ang cute lang dahil singkit siya at kapag ngumingiti siya ay mas lalo siyang nagiging singkit.
"Kuya!" Napatingin kami sa tumawag at nakita namin si Dexter na tumatakbo papalapit samin.
May hawak na bulaklak si Dexter. Sa tingin ko ay pinitas niya lang ito. Kunot-noo siyang lumapit samin.
"Kuya, kayo na ba ni Ate Katie? Bakit lagi kayong magkasama? Diba kagabi sabi mo mag kasama rin kayo?" Nanlaki ang mga mata ko sa mga tanong ni Dexter. Naramdaman ko rin ang pag-init ng pisngi ko.
Kakakilala ko pa nga lang kay Andrei tapos kami na agad.
Tinignan ko si Dexter at pilit na tumawa.
"Dexter, mag kaibigan lang kami ng kuya mo." Sabi ko pagkatapos ay tinignan si Andrei na nakangiti lang.
May binulong si Andrei sa bata na mas lalong nagpasimangot dito.
"Kuya, 'wag na!" Sabi ng bata at pinalo siya. Pinagmasdan ko silang dalawa. Natatawa lang si Andrei. Ano kayang sinabi niya?
"Ate, para sayo po 'to." Kahit nakasimangot ay inabot parin ni Dexter ang bulaklak sakin.
"Wow! Thank you!" Sabi ko at kinurot ang pisngi niya. Ang cute!
"Tsk! Tara na. Bata-bata mo pa marunong ka na gumanyan." Sabi ni Andrei, pinalo lang ulit siya ni Dexter.
"Sige na, Katie. Pumasok ka na. Iuuwi ko na rin 'tong batang 'to." Natatawang sabi niya.
Tumango ako at nginitian sila. "Sige. Babye!"
Pagkapasok ko ay sumilip ulit ako sa bintana. Karga na ni Andrei ang bata pero masama pa rin ang titig nito sa kaniya.
Napangiti nalang ako. Ano kaya ang binulong niya kay Dexter at bakit nainis sa kaniya?
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top