Chapter 30


Napatingin akong muli sa kalendaryong nakasabit sa likod ng pinto ko. Hindi ko namalayan na June na pala at three days nalang ay birthday na.

Ang bilis ng araw. At habang dumadaan ang mga araw ay mas lalo lang namin nakikita ang paghihirap ni Andrei.

Simula noong nangyari sa garden ay pinagbawalan na siyang kumilos masyado. Kailangan daw munang mapahinga ni Andrei.

Masyadong napagod si Andrei dahil sa dami na rin nang ginawa niya noong nakaraang buwan. Mas lalo siyang nanghina.

Nang makarating sa ospital ay nadatnan ko ulit siyang nanonood. Nandito rin sina Clark at Keifer.

"Good morning!" Masayang bati ko sa kanila. Kapag nandito kami sa ospital ay lagi lang namin pinapakita kay Andrei na masaya at ayos lang kami. Ang sabi niya ay ayaw niya daw kaming nakikitang malungkot dahil sa kaniya.

"Good morning, Katie!" Masayang bati rin niya. Napatingin siya sa hawak kong box ng donut at mas lalo lang siyang natuwa.

"Para sakin ba 'yan?" Tanong niya. Umiling naman ako.

"Hindi eh. Para kay Clark at Keifer 'to." Biro ko. Nakisabay pa yung dalawa.

"Wow! Sarap niyan!" Sabi ni Keifer.

"Nag-abala ka pa Katie pero salamat pa rin." Nakangiting sabi ni Clark.

Tinignan ko si Andrei at nakabusangot na ang mukha niya. Sabay-sabay kaming tumawa nila Clark at Keifer.

"Joke lang! Para sayo talaga 'to." Sabi ko at inabot na sa kaniya yung donut.

Ngumiti naman agad siya at tinanggap 'yon. "Thank you, Katie!"

Ngumiti ako at naupo sa tabi niya.

"Labas muna kami ah." Paalam ni Clark at lumabas na silang dalawa ni Keifer.

Kumuha na rin ako ng donut at tinutok ang paningin ko sa TV. Nanonood ulit si Andrei ng SpongeBob. Favorite daw niya 'yan eh.

"Katie..."

"Hmm?"

Naramdaman ko ang yakap niya mula sa likod ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Katie..."

"Bakit?"

"Katie..."

Kumunot ang noo ko. Ano bang gusto niyang sabihin.

"Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na ngayon." Sabi ko sa kaniya.

"Wala. Gusto ko lang ulit-ulitin yung pangalan mo." Ngumuso nalang ako para pigilan ang ngiti ko.

"Baliw." Bulong ko.

"Baliw na baliw sayo."

"Luma na 'yan." Biro ko. Natawa naman siya.

"Dapat ata nasa mental hospital ako eh." Sabi niya. Ako naman ang natawa ngayon.

"Gusto mo dalhin na kita ngayon?" Tanong ko. Hindi siya sumagot.

"Katie..."

"Bakit na naman?" Tanong ko.

"Diba sabi ko sayo gusto kitang ligawan?" Tanong niya. Tumango naman ako.

"Wag mo nalang ako sagutin." Natigilan ako sa sinabi niya.

Bakit naman kaya? Ayaw niya na ba sakin? Nag sawa na ba siya sa pagmumukha ko dahil ako nalang lagi ang nakikita niya?

"Bakit naman?" Pinilit kong hindi mabasag ang boses ko at ngumiti nalang.

"Ayokong maging tayo," Hindi niya na nga ata talaga ako mahal.

"Para hindi natin maranasan yung break-up. Hindi tayo masasaktan. At kung mawawala man ako, hindi ka mahihirapan." Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

"Find a better man when I die, Katie. I want you to be happy with someone else and that 'someone' is not me, because I can't promise that I can give you the happiness that you deserve."

Hindi ko na napigilan ang luha ko. Humarap ako sa kaniya at niyakap nalang siya.

***

"See you tonight, Katie." Ngumiti ako at humiwalay sa yakap ni Andrei.

Hapon ang uwi ko pero mamayang gabi ay babalik ulit ako dito sa ospital dahil nag text kanina si Tita Alexis na hindi daw siya makakapunta. Uuwi nalang muna ako para kumuha ng iba pang gamit.

"Babalik din ako agad." Sabi ko sa kaniya. Pagkatapos mag paalam ay lumabas na ako sa kwarto niya.

Baka doon na rin ako matulog mamayang gabi para may magbabantay sa kaniya.

***

Pagkakuha ko ng gamit ay bumalik agad ako sa ospital. Nandito na ako ngayon sa tapat ng kwarto ni Andrei.

Binuksan ko ang pinto at nakaramdam agad ako ng kaba nang hindi makita si Andrei doon sa kama niya. Walang katao-tao sa kwarto niya.

Tumakbo agad ako sa nurse station para mag tanong.

"Nurse, nasan po yung pasyente sa Room 105?" Kinakabahang tanong ko.

Hindi pa nakakasagot yung nurse nang may tumawag sakin.

"Clark!" Lumapit agad ako kay Clark na kalalabas lang ng elevator.

"Nasan si Andrei?" Tanong ko sa kaniya.

"Sumama ka sakin." Sabi niya at hinila ako pasakay sa elevator. Nakita kong pinindot niya ang button papunta sa rooftop.

"Nasan si Andrei?" Tanong ko ulit pero hindi siya sumagot. Bigla akong nakaramdam ng inis.

"Clark! Sabihin mo sakin kung nasaan si Andrei!" Sigaw ko sa kaniya.

Hindi na naman siya sumagot hanggang sa bumukas na yung elevator.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you! Happy birthday, Katie!~"

Kung hindi pa ako hinila ni Clark ay hindi pa ako lalabas sa elevator.

Bumuhos ang luha ko habang tinitignan kung sino-sino ang nandito. Si Ben at Mich ay may hawak na mga regalo. Si Tito Lucio at Tita Ciara ay may hawak na cake. Samantalang, sina Tita Alexis at Dexter ay may hawak na balloons. Si Keifer naman ay may dalang camera. Huli kong tinignan ay si Andrei na nasa gitna at nakasakay sa wheelchair. May hawak siyang gitara.

Three days pa bago ang birthday ko pero nakakatuwa dahil nandito sila para i-celebrate ito.

Niyakap nila ako isa-isa at inabutan ako ng regalo. Nang mayakap nila ako ay lumapit ako kay Andrei para yakapin siya. Alam kong siya na naman ang naka isip nito.

"Thank you, Andrei."

Niyakap niya rin ako pabalik.

"Kainan na!" Natawa ako nang sumigaw si Ben.

Sabay-sabay kaming kumain at nag kwentuhan. Tama nga ako at si Andrei ang nakaisip nito. Ikwinento nila sakin ang mga inutos ni Andrei sa kanila.

"Paano mo nalaman na malapit na birthday ko?" Tanong ko sa kaniya.

"Pag mga gwapo, maraming paraan para malaman ang gusto nila." Sabi niya at kumindat pa.

Nagtawanan lang kami. Kung ano-ano pa ang ginawa namin. May mga palaro din silang inihanda at ang pinaka natuwa doon ay si Dexter.

"Tara, ibibigay ko sayo ang regalo ko." Nakangiting sabi ni Andrei. Tumayo ako at itinulak yung wheelchair niya. Lumayo muna kami sa mga kasama namin.

"Masaya ka ba?" Tanong niya sakin. Tumango naman ako. Naupo ako sa katabing upuan niya.

"Sobra!" Sagot ko. Paano niya nasabing hindi niya ako kayang pasayahin eh sobra sobra na nga ang kasiyahan na ibinigay niya sakin.

May kinuha siyang pahabang kahon at binuksan niya ito. Nanlaki ang mata ko at namangha sa laman nun.

Isang yung necklace at may pendant na moon. Napakaganda nun at mukhang mamahalin.

Pumunta siya sa likuran ko at dahan-dahan na isinuot sakin yung kwintas.

"Happy birthday, Katie!" Napangiti ako at hinawakan yung pendant na kwintas.

"Wait. Meron pa." Sabi niya at bumalik sa pwesto niya. Kinuha niya yung gitarang nasa tabi niya at nag simulang mag strum.

Tumingin siya sakin at ngumiti.

It's the sunrise
And those brown eyes, yes
You're the one that I desire
When we wake up
And then we make love
It makes me feel so nice

Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanood siya.

Itinigil niya ang pag strum sa gitara niya at hinawakan ang mga kamay ko.

You're my water when I'm stuck in the desert
You're the Tylenol I take when my head hurts
You're the sunshine on my life

Hinila niya ako kaya napayakap ako sa kaniya. Unti-unting tumulo ang luha ko. Napayakap ako lalo sa kaniya nang maramdaman kong nabasa ang balikat ko.

Umiiyak si Andrei.

I-i just wanna see...how beautiful y-you are
You know that I see it
I know you're a s-star...

"Andrei..."

W-where you go I follow...
No m-matter...how far

Bumagal ang pagkanta niya at naramdaman ko ang paghihirap niya.

"I love you, Katie."

"I love you, too, Andrei. Thank you for everything."

If l-life is a movie
T-then you're the best part...

"Andrei, are you h-happy?" Ramdam ko ang dahan-dahan niyang pagtango. Napapikit nalang ako.

Katie, kung ano man ang mangyari, tanggapin mo 'to. Masaya na si Andrei, and you should be happy, too.

Ayoko ng mahirapan si Andrei...

Y-you're the best part...

Tumigil na siya sa pagkanta niya at hindi ko na rin maramdaman ang pag hinga niya.

Three days before my birthday, Andrei left me. He already left us.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top