Chapter 29


"Hello po, mama at papa. Sorry po kung ngayon nalang ulit ako nakadalaw sa inyo." Sabi ko habang nakatingin sa puntod nila mama at papa.

"Si Andrei nga po pala yung kasama ko ngayon. Kaibigan ko po siya. Siguro po nakapagpakilala na po siya sa inyo kanina at kung ano-ano na rin ang sinabi niya sa inyo." Nakangiting saad ko at bumaling kay Andrei.

"Alam na nga rin nila na liligawan kita eh. At payag daw sila." Ngiting-ngiti na sabi niya. Natawa nalang ako.

Inalalayan ko si Andrei na makatayo mula sa wheelchair niya para makatabi siya sakin. Kinausap lang namin yung puntod nila mama at papa. Ang dami rin kwento ni Andrei.

"Ma, pa, pasensya na kung medyo maingay 'tong kasama ko ah. Ganyan po talaga siya pero mabait naman po siya kaya lang minsan ay medyo mahangin. Hehe." Biro ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Andrei.

"Wag po kayong maniwala sa kaniya. Gwapo lang po ako pero hindi mahangin." Sabi ni Andrei at ngumisi pa.

Biglang humangin ng malakas at nagkatiniginan kami ni Andrei.

"Naramdaman mo 'yon? Hindi naniniwala sila mama na gwapo ka!" Pang-aasar ko sa kaniya. Ngumuso lang siya kaya natawa ako.

Ilang oras din kami nag tagal dito sa sementeryo. Nagkwentuhan lang kami at kumain kasama sina Tita Alexis at Clark.

Nagka-ayaan lang kami na bumalik sa ospital nang biglang tumawag ang tatay ni Andrei kay Tita Alexis. Pupunta daw sila sa ospital ngayon.

***

Nandito kami ngayon sa garden ng ospital. Nag-aya dito si Andrei kanina pagkabalik namin galing sa sementeryo. Nandito na rin sina Tito Lucio, kasama ang asawa niya at si Keifer.

May mesa at mga upuan dito sa garden at doon naupo sina Tita Alexis, Tito Lucio at ang asawa niya.

"Woooooh!" Nanlaki ang mata ko nang mapatingin kay Andrei. Nakakandong sa kaniya si Dexter at mabilis na tinutulak nila Clark at Keifer ang wheelchair niya.

Agad akong napatakbo papalapit sa kanila.

"Tumigil nga kayo!" Sigaw ko sa kanila.

Natatawa pa si Andrei nang tumigil sina Clark at Keifer sa pagtulak wheelchair niya.

"Isa pa! Isa pa!" Sigaw ni Dexter. Isa pa 'tong batang 'to. Tuwang-tuwa din.

Isa-isa ko silang tinignan ng masama. Napayuko lang sina Clark at Keifer. Si Andrei naman ay nag peace sign habang si Dexter ay nakangiti lang.

"Ate Katie, sali ka po sa laro namin!" Nasampal ko nalang ang noo ko dahil sa sinabi ni Dexter.

"Sinong nakaisip ng larong 'yan?" Tanong ko sa kanila.

Sabay-sabay nilang itinuro si Andrei. Napailing nalang ako. Ang kulit talaga niya kahit may sakit!

Napalingon kami sa gawi nila Tita Alexis nang tinawag niya kami.

"Kumain muna tayo dito!" Sigaw niya.

"Tara, kain daw muna tayo." Aya ko kina Andrei.

Nagulat nalang ako nang bigla nalang itulak nila Clark at Keifer yung wheelchair ni Andrei. Tawa naman nang tawa sina Andrei at Dexter.

Hindi ko alam na ganito pala sila kakulit lalo na pag nagsama-sama.

Sumunod nalang ako sa kanila. Naupo ako sa katabing upuan ni Andrei.

"Kumain muna kayo. May dala kaming adobo. Si Ciara nagluto nito." Nakangiting sabi ni Tito Lucio. Si Tita Ciara ang asawa niya.

"Sana magustuhan niyo ang luto ko." Sabi naman ni Tita Ciara habang inilalabas yung adobo.

"Amoy palang po, masarap na!" Sabi ni Andrei.

Natawa naman si Tita Ciara. "Manang-mana ka sa tatay mo, pareho kayong bolero." Nagtawanan kami sa sinabi niya.

Habang kumakain ay nag kwentuhan kami.

"Paano nga pala kayo nagkakilala?" Tanong ni Tito Lucio saming dalawa ni Andrei.

Naalala ko bigla yung una namin pagkikita ni Andrei. Well, hindi ko naman talaga siya nakita noong gabing 'yon dahil nakayuko ako at umiiyak. Hindi ko lang alam kung paano niya ako namukhaan.

"Niyakap ko po siya!" Sabi ni Andrei. Parang proud na proud pa siya sa sarili niya kahit bigla nalang siya yumakap sa hindi naman niya kilala.

Nakita ko ang pag kunot ng noo ni Tito Lucio. "Hindi pa kayo magkakilala pero niyakap mo agad siya?" Tanong niya. Tumango naman si Andrei.

"Katie, hindi ka manlang ba natakot nung bigla ka nalang niyakap ni kuya?" Tanong naman ni Keifer.

Dahan-dahan akong umiling. Kahit ako ay hindi ko alam kung bakit hindi manlang ako nakaramdam ng takot.

"Baka naramdaman niya na mabait at gwapo yung yumakap sa kaniya." Sabi ni Andrei. Natawa naman si Tito Lucio.

"Eh bakit nga pala bigla mo nalang niyakap si Katie?" Si Tita Ciara naman ang nag tanong.

"She was crying that night. Parang kusa nalang gumalaw yung katawan ko at niyakap siya." Sagot ni Andrei kaya napatingin naman sakin ngayon si Tita Ciara.

"May nyctophobia po kasi ako. Noong gabing 'yon bigla nalang po akong may naalala at nakaramdam ng takot." Sagot ko.

"But, are you okay now? May nyctophobia ka pa rin ba?" Tanong niya. Umiling naman ako at tumingin kay Andrei.

Simula nang yayain niya ako lumabas noon tuwing gabi, nararamdaman ko na unti-unting nawawala ang takot ko.

"Mabuti naman." Sabi ni Tita Ciara.

Nagpatuloy kami sa pagkain habang sina Tito Lucio naman ang nagkukwento ngayon.

"Maganda doon sa probinsya nila Ciara. Pag okay na si Andrei, isasama namin kayo doon. Ayos lang ba sayo 'yon---" Hindi na natuloy ni Tito Lucio ang sinasabi niya nang may narinig kami na may nabasag.

Sabay-sabay kaming napalingon kay Andrei at nagulat ako nang makita siyang nakahawak sa ulo niya at dumudugo ang ilong.

"Tumawag kayo ng nurse!" Sigaw ni Tito Lucio. Agad naman tumakbo sina Clark at Keifer.

"A-aray!" Daing ni Andrei habang nakahawak pa rin sa ulo niya.

Oh my God! Anong nangyayari kay Andrei?

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top