Chapter 28


Lumipat muna sa ibang mesa si Keifer pati na rin ang nanay niya para daw makapag-usap kami nang maayos ni Sir Lucio.

"Katie, sorry sa mga nasabi noong pumunta ka sa bahay." Panimula niya.

Nainis ako sa kaniya noong araw na 'yon pero nawala din ang inis na 'yon nang makita ko silang magka-usap ni Andrei kanina.

Ngumiti ako. "Ayos lang po, Sir Lucio. Ang mahalaga ay nakapunta kayo dito."

"Just call me Tito Lucio. Gusto ko rin mag thank you sayo dahil tinutulungan mo ang anak ko." Saad niya. "Hindi ko naalagaan nang mabuti si Andrei pati na rin ang kapatid niya pero masaya ako dahil nakahanap siya ng kaibigan na tulad mo. Napaka swerte ng anak ko sayo."

"Swerte din po ako dahil nakilala ko ang anak niyo. Napakabait po talaga ni Andrei. Siya po ang unang tumulong sakin."

Ngumiti siya at mas lalo kong nakita ang pagkakahawig nila ni Andrei. "Sa sobrang bait niya ay hindi manlang siya nakaramdam ng galit sakin. Akala ko magagalit siya pag nagkita kami pero hindi pala. Naiinis tuloy ako sa sarili ko. Nahihiya ako sa anak ko dahil wala ako habang lumalaki siya."

"Gustong-gusto po kayong makausap ni Andrei kaya bakit naman po siya magagalit? Hindi nga po ata siya marunong mag tanim ng galit eh." Saad ko.

"We will stay here in Manila for one month. Gusto kong makabawi kay Andrei." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Kung kailangan niyo po ng tulong, sabihan niyo lang po ako."

Tumango naman siya. "Maraming salamat, hija."

"Thank you din po. Pupuntahan ko po muna si Andrei sa kwarto niya." Paalam ko.

"Mabuti pa nga. Kanina ka pa niya hinahanap lalo na nang nasabi ko na pumunta ka sa probinsya para maka usap ako." Nagulat ako sa sinabi niya.

Alam na pala ni Andrei.

"Ganun po ba? Sige po, mauuna na po ako." Sabi ko at tumango naman siya.

Nang makabalik ako sa kwarto ni Andrei ay nadatnan ko pa siyang nakangiti habang nanonood.

Bakas pa rin ang saya niya dahil sa pag-uusap nila ng tatay niya.

Nang makalapit ako sa kaniya ay nagulat ako nang bigla niya akong hilahin para yakapin ako.

"Thank you, Katie..." Napangiti ako at niyakap rin siya.

"Tinupad mo ang hiling ko." Bulong niya. Naramdaman ko rin ang paghalik niya sa buhok ko.

Humiwalay ako sa kaniya. Tinignan ko siyang mabuti at ngumiti. "Pwede rin ba akong humiling, Andrei?"

Ngumiti naman siya at tumango-tango. "Sure. Kahit ano pa 'yan, susubukan kong tuparin."

"Andrei, please don't leave me. Don't leave us." Bulong ko. Alam kong malabong matupad, pero hihilingin ko pa rin. Ayoko pang mawala siya sakin.

Niyakap niya lang ulit ako tulad ng ginawa niya noong huling beses na sinabi ko sa kaniya na 'wag niya kaming iwan. Sa tuwing sinasabi ko sa kaniya 'yon, isa lang ang tanging sagot niya.

"I love you, Katie."

Pumikit lang ako at niyakap rin siya ng mahigpit.

"I love you, too, Andrei."

***

Napatingin ako sa kalendaryong nakasabit sa likod ng pinto ng kwarto ko. Ilang araw nalang ay June na. Malapit na naman ang birthday ko.

Kinuha ko na ang bag ko sa kama at lumabas ng kwarto. Nagulat ako nang makarinig ng busina mula sa labas ng bahay.

Nagmamadali akong lumabas at nakita ko si Clark na nakasandal sa kotse niya.

"Pupunta ka na rin ba sa ospital?" Tanong ko sa kaniya nang makalapit ako.

"Ah oo. Tara, sabay na tayo." Sagot niya. Tumango nalang ako at sumakay na sa kotse niya.

Napansin ko pa ang isang bouquet ng flowers doon sa backseat pagkasakay ko. Tahimik lang kami habang nasa byahe at hindi ko na tinanong kung para kanino 'yon.

Kumunot ang noo ko nang mapansin na hindi naman papunta sa ospital ang daan na tinatahak namin.

Akala ko ba pupunta kami ng ospital?

"Saan tayo pupunta? Hindi naman 'to yung daan papunta sa ospital ah." Tanong ko sa kaniya.

Oh my God!

Tinignan ko ulit yung bulaklak na nasa backseat. Baka naman isasama pa ako nito sa date niya.

Hindi siya sumagot sa tanong ko. Binalik ko ulit ang tingin ko sa daan. Wait! Bakit parang familiar sakin ang daan na 'to?

May mga nakikita na akong nagtitinda ng mga bulaklak at kandila. Naging mabagal nalang ang pagpapaandar ni Clark sa sasakyan lalo na nang malapit na kami sa gate.

Nasa sementeryo kami. Sino kaya ang dadalawin ni Clark dito? Ito rin yung sementeryo kung saan nilibing ang mga magulang ko.

Pagka park ni Clark sa sasakyan ay lumabas na kami.

"Clark, sino ang dadalawin mo dito?" Tanong ko.

"Ikaw ang may dadalawin dito." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Dadalawin namin sila mama at papa! Nakaramdam ako bigla ng saya. Mahigit isang buwan ko na rin silang hindi nadadalaw. Miss na miss ko na sila.

Papalapit pa lang kami sa puntod nila mama at papa nang may naaninag na ako na dalawang tao.

Nakilala ko agad sila kahit nakatalikod---Si Tita Alexis at si Andrei na nakaupo sa wheelchair niya.

Bakit sila nandito? Paano nila nalaman na dito nakalibing ang parents ko?

Nakakagulat man pero hindi ko pa rin maiwasan na mapangiti.

Biglang lumingon si Andrei sa gawi namin at kumaway-kaway pa. Binilisan na namin ang paglalakad para makalapit agad sa kanila.

"Ang tagal niyo. Nakilala na ako ng parents mo." Sabi ni Andrei.

Tumingin ako sa puntod nila mama at papa. Naupo ako sa damuhan at nilapag ang bulaklak na nasa backseat kanina ni Clark.

"Maiwan muna namin kayo." Paalam ni Tita Alexis.

Tumingin ako kay Andrei at nakita ko siyang nakangiti rin habang nakatingin sakin.

"Are you happy?" Tanong niya.

Tumango ako. Pinunasan ko muna ang luha ko bago lumapit sa kaniya at yakapin siya.

Pilit akong bumabawi sa kabutihan at tulong niya sakin pero heto siya ngayon at may ginawa na naman siya para mapasaya ako.

"Thank you, Andrei." Bulong ko at ngumiti.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top