Chapter 27
Isang linggo na naman ang lumipas. Malapit na naman mag June. Hindi pa rin lumalakas si Andrei.
10AM na ako umalis sa bahay para pagdating ko sa ospital ay siguradong gising na si Andrei.
Dumaan muna ako sa convenience store para bumili ng pagkain. Nadatnan ko doon si Mich na mag-isa. Nahiya tuloy ako bigla. Ilang linggo na rin akong hindi nakakapasok.
"Good morning, Katie!" Bati niya sakin.
"Good morning!"
"Pupunta ka na ba kay Andrei?" Tanong niya.
Tumango ako. "Oo. Pasensya na kung hindi ako nakakapasok ah." Sabi ko sa kaniya.
"Ayos lang. Alam kong kailangan ka ni Andrei ngayon kaya naiintindihan ko kung bakit hindi ka na nakakapasok." Nakangiting saad niya.
Ngumiti din ako. "Thank you, Mich."
Pagkabayad ko sa mga pinamili ko ay dumiretso na ako sa ospital. Pagkarating ko sa kwarto ni Andrei ay nadatnan ko siyang nanonood ng TV. Yakap-yakap din niya yung niregalo kong stuffed toy sa kaniya.
"Good morning." Nakangiting bati ko.
Ngumiti siya ng malapad at umupo sa kama. "Good morning, Katie!"
Nilapag ko ang mga dala ko sa mesa at naupo sa tabi niya.
"Kumain ka na?" Tanong ko.
"Oo, nagdala si tita ng almusal. Kakaalis niya lang din." Sagot niya. "Ikaw?" Tanong niya.
"Kumain na ako bago ako umalis sa bahay." Sagot ko.
Nagulat ako nang hilahin niya ako pahiga. Nahiga rin siya at pinulupot niya ang braso niya sakin.
"Andrei..."
Pumikit siya at mas niyakap ako. "Inaantok pa rin ako, Katie. Tabihan mo muna akong matulog." Bulong niya.
Wala na akong nagawa kundi mahiga sa tabi niya. Pinagmasdan ko siya habang nakapikit siya. Mukhang antok pa nga talaga siya dahil ang bilis niyang nakatulog.
Pumikit ako at niyakap din siya. Sana ganito nalang kami palagi.
Sana lumakas na si Andrei. Alam kong mahirap ng gumaling pag may cancer. Traydor ang sakit na cancer. Pero sana lumakas manlang siya para magawa niya ulit ang mga gusto niya.
***
"Clark, pupunta lang ako sa canteen." Paalam ko. Tanghali na at si Clark ang nagdala ng pagkain namin. Kumakain na rin si Andrei ngayon.
Lumabas ako ng kwarto niya at pumunta sa canteen. Bibili lang ako ng tubig dahil malapit ng maubos yung dala ni Clark.
Habang naglalakad sa hallway ay nadaanan ko ang isang pamilyang umiiyak malapit sa ICU. May mga nakasalubong din akong nurse na nagmamadali papunta doon.
Natigilan ako nang may narinig na nag-uusap.
"M-mama, iniwan na ako ni Jude..." Tumingin ako sa isang sulok at may nakita akong dalawang babae.
Yung isang babae na mukhang matanda lang sakin ng ilang taon ay umiiyak at nakayakap doon sa tinawag niyang 'mama'.
Dahil doon sa sinabi niya ay mukhang alam ko na kung ano ang nangyari doon sa ICU. Bigla akong natakot kaya binilisan ko nalang ang paglalakad hanggang sa makarating na ako sa canteen.
Binili ko agad kung ano ang kailangan ko. Nang makapagbayad ay lumabas na ako sa canteen.
Sumakay nalang ako ng elevator para hindi ko na ulit madaanan yung ICU. Nasa second floor kasi ang canteen at kanina ay sa hagdan lang ako dumaan.
Nasa tapat na ako ng pinto ni Andrei nang marinig kong may umiiyak. Dahan-dahan kong binuksan yung pinto at sumilip sa loob. Wala si Clark doon sa couch. Tumingin ako sa kama ni Andrei at nagulat ako nang makita kung sino ang kausap niya.
"Papa...miss na miss kita." Rinig kong saad ni Andrei. Umiiyak siya pero nakangiti siya. Bakas na bakas ang saya sa mukha niya habang nakatingin sa tatay niya.
Narinig ko rin ang paghikbi ng tatay niya. "I'm sorry, anak. Sorry kung ngayon lang ulit ako nagpakita sayo."
Hindi na ako tumuloy sa pag pasok at sinara nalang ang pinto. Ayokong maka-istorbo sa kanila. Alam kong ito yung matagal ng hinihintay ni Andrei. Masaya ako para sa kaniya dahil dumating ang papa niya at nakapag-usap na sila ngayon.
Naisipan kong bumalik nalang ulit sa canteen. Doon nalang muna ako uupo.
***
Isang oras na ako dito sa canteen. Hindi pa ako nakakabalik sa kwarto ni Andrei dahil baka nag-uusap pa rin sila ng papa niya.
Biglang tumunog ang phone ko at rumehistro sa screen ang pangalan ni Tita Alexis.
"Hello." Sagot ko.
"Hello, Katie. Nandito si Clark sa bahay at ang sabi niya ay dumating daw si Lucio Zamora. Totoo ba?" Tanong niya.
"Opo, tita. Magka-usap po sila ni Andrei kanina." Masayang sagot ko.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni tita. "Mabuti naman at naisipan niya ng magpakita sa anak niya."
"Kaya nga po, tita. Nakita ko po kung gaano kasaya si Andrei kanina habang nag-uusap sila ng papa niya."
"Nasaan na si Lucio ngayon?" Tanong niya.
"Nandito po ako sa canteen ngayon kaya hindi ko alam kung nasaan siya. Baka po magkasama pa rin sila ni Andrei ngayon." Sagot ko.
"Katie, maraming salamat. Maraming salamat dahil kinausap mo si Lucio. Matagal ng gusto ni Andrei na magkasama sila ng papa niya at dahil sayo ay nagkaroon siya ng chance para magkasama sila."
Napangiti ako. "Walang anuman po, tita. Thank you din po dahil tinulungan niyo ako para makausap si Sir Lucio."
Dumako ang tingin ko sa pintuan ng canteen at nanlaki ang mata ko nang makita yung isang anak ni Lucio Zamora.
"Tita, nandito po yung anak ni Sir Lucio. Kakausapin ko lang po siya." Paalam ko.
"Sige, hija. Mamayang hapon ay pupunta ako dyan. Mamaya nalang ulit tayong mag-usap."
Sabi niya.
Nang mamatay ang tawag ay nakita ko na siyang nakapila. Tumayo ako at lumapit sa kaniya.
Naningkit ang mata niya nang makalapit ako sa kaniya.
"Ikaw yung pumunta sa bahay diba?" Tanong niya.
Tumango ako at nilahad ang kamay ko. "Katie Cordova." Pakilala ko. Baka kasi nakalimutan niya na yung pangalan ko.
Tinanggap niya naman ang kamay ko. "Keifer Zamora." Pakilala niya.
"Keifer, pwede ba tayong mag-usap saglit?" Tanong ko sa kaniya.
"Sure." Sagot niya. Ngumiti ako at nagpaalam na babalik muna ako sa pwesto ko kanina para makapag order siya.
Ilang minuto lang ay lumapit siya sakin na may dalang mga pagkain.
"Keifer, gusto ko lang mag thank you dahil nakumbinsi mo si Sir Lucio na pumunta dito sa Manila para dalawin si Andrei." Panimula ko.
Magsasalita na sana siya nang may biglang tumawag sa kaniya.
Napalingon din ako para makita kung sino ang tumawag sa kaniya. Nakita ko ang isang babae na kamukha rin ni Keifer. Nasa likuran nito ay si Sir Lucio.
"Mom," tawag ni Keifer doon sa babae.
Ahh siya pala yung bagong napangasawa ng tatay ni Andrei. Dumako yung tingin sakin nung babae at ngumiti. Ngumiti nalang din ako.
Napatingin naman ako sa tatay ni Andrei at tumingin din sakin ito.
"Miss Cordova, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya.
Ngumiti ako at agad na tumango.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top