Chapter 26


Nakabalik na ako sa Manila. Pagkababa ko sa bus ay nakita ko agad si Clark na nag-aabang.

"Clark!" Tawag ko kaya napatingin siya sakin.

"Good morning," nakangiting bati niya.

"Good morning din." Sabi ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan kaya pumasok na ako.

"Uuwi ka ba muna o diretso na tayo sa ospital?" Tanong niya.

"Diretso nalang tayo sa ospital." Sagot ko. Mamaya nalang ako uuwi. Gusto ko muna makita si Andrei.

Tahimik lang kami habang nasa byahe.

Clark broke the silence when he asked about Andrei's father.

"Wala talaga siyang balak dalawin si Andrei?" Tanong niya.

"Ewan ko. Pero nakausap ko yung isang anak niya, kukumbinsihin daw niya ang tatay nila." Sagot ko.

"Sana makapag-usap na sila. Miss na miss na ni Andrei ang papa niya. Dad treated Andrei as his real son, but we also want to see Andrei with his real father. We want him to feel the love from his real father." Tumango ako.

Iba pa rin talaga ang pakiramdam kapag kasama mo ang tunay mong magulang.

***

Bumili muna kami ng donut bago pumunta sa ospital. Napansin ko kasi na parang favorite 'to ni Andrei. Noong magkita kasi kami sa cliff bago ko malaman na may sakit siya, siya lang ang nakaubos nung isang box ng donut na dala niya.

"Iwan ko nalang muna dito yung gamit ko." Sabi ko kay Clark. Baka magtaka si Andrei kung bakit ang dami kong dala.

Nang makarating sa kwarto ni Andrei ay nadatnan namin siyang nakaupo sa kama. Suot na naman niya yung favorite hoodie niya. May nakalagay na earphones sa tenga niya at tutok na tutok sa laptop.

Si Clark ay nagpaalam na lalabas muna ulit dahil may tatawagan daw siya. Lagi naman siyang may kausap sa phone. Pumapag-ibig din ata.

Napansin lang ako ni Andrei nang naupo ako sa tabi niya.

"Katie!" Masayang sigaw niya at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik.

"Namiss kita!" Natawa ako. Namiss ko rin siya.

Ganito ba talaga pag in love ka sa isang tao? Kahit isang araw palang kayo na hindi nagkikita ay miss mo na agad siya?

Humiwalay ako sa kaniya at sinilip ang laptop niya.

"What's that?" Tanong ko.

Nagtaka ako nang bigla siyang sumimangot. "This is a laptop, Katie." Napairap nalang ako sa kaniya. Ang akala niya ba ay hindi ko alam ang tawag dyan?

"What I mean is... anong ginagawa mo dyan sa laptop mo? Bakit tutok na tutok ka dyan?" Tanong ko sa kaniya.

Tumawa naman siya. "Wala kasi akong magawa kaya naisip kong mag edit nalang ng video. Naglagay din ako ng mga pictures natin." Saad niya. Ipinakita niya sakin yung video na ine-edit niya. Pinagsama-sama niya yung mga videos na galing kay Clark. Ito yung araw na itinakas lang namin si Andrei sa ospital. May mga pictures din siyang nilagay.

"Ise-save ko lang tapos panoorin natin ng buo." Sabi niya.

May mga pinindot siya para ma-save yung video. Pagkatapos nito ay sinimulan niya ng i-play yung video.

Unang lumabas ay mga pictures namin sa plaza, sa cliff, at sa amusement park. May mga stolen shots din.

"Nakakainis ka! Bakit pati 'yan ay sinama mo?" Tanong ko sa kaniya nang lumabas yung isang picture ko. Nasa playground kami nito at nakabusangot ako.

"Ang cute kaya!" Saad niya at tumawa pa.

Sunod na lumabas ay mga wacky pictures niya. Kasama din ako sa pictures pero hindi ako nakatingin.

Andrei hugged me from the back and he rested his chin on my left shoulder. I looked at him and gave him a smile.

Binalik ko ang tingin ko sa laptop. Mga pictures naman namin sa amusement park ang pinapakita. Blurred pa yung iba dahil nakasakay kami sa rides.

Sumunod naman ang mga videos namin.

Natawa nalang ako nang makita yung mukha ni Andrei na takot na takot at nakayakap sakin. Ang lakas pa ng sigaw niya.

"Stop laughing!" Imbis na sundin ang utos niya ay mas lalo lang akong natawa. "Gwapo pa rin ako dyan."

Napatakip ako ng mukha nang makita ang reaksyon ko habang nakasakay kami sa Vikings. Si Andrei naman ang tumatawa ngayon.

"Nasa phone ko pa yang video na 'yan. Mai-screenshot nga tapos gagawin kong wallpaper." Sabi niya at tumawa na naman.

"Tumigil ka!" Sigaw ko sa kaniya at mahinang pinalo ang braso niya nakapulupot sakin.

Natapos na yung video. In fairness, magaling mag edit ng video 'tong si Andrei. May nakita rin akong ilang videos sa laptop niya. Mga dating projects daw yun sa school. Siya daw lagi ang taga-edit kapag may mga ganoong projects.

Napatingin kami sa pinto nang may kumatok dito. Bumukas ito at pumasok sina Tita Alexis at Dexter. Mukhang nagulat pa si tita nang makita niya ako dito.

Alam naman niya na ngayon ang uwi ko pero hindi ko nasabi na dumiretso ako dito sa ospital.

Binati niya kami at nilapag ang mga dala niyang pagkain sa mesa.

"Nag dala ako ng mga pagkain para mamaya sa lunch. Pero kung nagugutom kayo, pwede na kayo kumuha dito." Sabi niya.

"Mamaya nalang po, tita. Salamat po." Nakangiting saad ni Andrei.

Bumaling ulit sakin si tita at napansin ko na malungkot siya. Dahil siguro parin 'to sa tatay ni Andrei. Pilit nalang siyang ngumiti bago tumalikod.

Si Dexter naman ay pilit na umaakyat sa kama kaya tinulungan ko na dahil baka mahulog pa.

"Hi, Ate Katie!" Bati niya at hinalikan ako sa pisngi. Medyo nagulat ako doon pero tumawa nalang ako at mahinang kinurot siya sa pisngi.

"Hello, Dexter!" Bati ko rin sa kaniya. Napatingin ako kay Andrei na masama ang tingin sa bata.

"Bakit ganyan tingin mo kay Dexter?" Tanong ko sa kaniya. Pati si Dexter ay napatingin sa kaniya.

"Bakit hinahalikan mo si Ate Katie mo?" Tanong niya kay Dexter.

"Sabi mo po dati kapag may gusto akong babae, pwede ko siyang halikan sa cheeks. I like Ate Katie, that's why I kissed her cheeks." Nagulat ako sa sagot ni Dexter.

Tinignan ko si Andrei at nakangiti lang siya habang nagkakamot ng batok.

"Hehe, ako pala nagsabi nun?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Kung ano-ano ang tinuturo mo sa bata!"

Ngumiti lang siya at nag peace sign.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top