Chapter 17
Tinulungan kong makatayo si Andrei. Buti nalang ay maliit na sugat lang sa labi at pasa sa mukha ang natamo niya.
"Babalikan kita dito!" Sigaw ni tito habang isinasakay ng mga pulis.
"Katie, ayos ka lang ba?" Tanong ni Andrei. Bakit siya ang nagtatanong sakin niyan eh siya nga ang nakipag-away.
"Ayos lang ako. Ikaw ang hindi okay." Sabi ko sa kaniya.
"Andrei! Andrei!" Napatingin ako sa sumisigaw at nakita ko si Tita Alexis na papalapit. May kasama siyang lalaki na parang kasing edad lang din ni Andrei. Sila siguro ang tumawag ng pulis.
"Bakit ka naman nakipag-away? Sino yung lalaking 'yon?" Nag-aalalang tanong niya sa pamangkin niya.
"Tita, sorry po. Tito ko po 'yon at tinulungan lang po ako ni Andrei. Sorry po talaga kung pati siya nadamay." Sabi ko sa kaniya.
"Hija, ayos lang. Ang mahalaga ay hindi malala ang nangyari dito kay Andrei." Sabi niya. Hinarap niya ulit si Andrei. "Halika na, umuwi na tayo para magamot yang mga sugat mo."
"Tita, mamaya na po ako uuwi. Mag-uusap po muna kami ni Katie." Sabi ni Andrei.
"Ako nalang po ang gagamot sa sugat niya." Sabi ko.
"Pero---" Hindi na natapos ni tita ang sasabihin niya nang sumingit yung lalaking kasama niya.
"Ma, hayaan niyo nalang po muna sila." Sabi nito. Pinsan pala siya ni Andrei.
Nagkatiniginan sila ni Andrei at nag tanguan lang.
"Tara na, ma." Wala ng nagawa si tita at umuwi nalang sila ng anak niya. Pumasok naman kami ni Andrei sa bahay.
"Dyan ka muna. Kukunin ko lang yung first aid kit ko sa kwarto." Pinaupo ko siya sa sofa at dumiretso ako sa kwarto ko.
Pagkabalik ko ay nakita ko siyang nakasandal sa sofa at nakapikit. Dumilat lang siya nang makalapit na ako.
"Thank you sa tulong mo pero sana hindi mo na pinatulan si tito. Nabugbog ka pa tuloy." Sabi ko sa kaniya habang nililinis ang sugat niya sa labi.
"Aray!" Daing niya. "Hindi naman pwedeng nakatunganga lang ako doon habang sinasaktan ka niya. Saka hindi naman nabawasan ang ka-gwapuhan ko kahit nabugbog ako diba?" Sabi niya at tumawa pa. Napairap nalang ako. Hindi rin nabawasan ang kakapalan ng mukha niya.
"A-aray! Dahan-dahan lang naman." Utos niya. Napangisi ako at mas diniinan ang pag dampi ng bulak sa sugat niya.
Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatigil ako. "Nananadya ka ata eh." Umiling naman ako.
"Alam mo may alam akong paraan para mabilis na gumaling ang sugat ko." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Ano?" Tanong ko.
"Kiss." Bulong niya at ngumiti nang napakalapad. Nilapit niya ang mukha niya sakin kaya hinarang ko na agad ang kamao ko sa mukha niya.
"Ito gusto mo?" Tanong ko sa kaniya. Lumayo naman siya sakin.
"Diba yung mga nanay kini-kiss yung sugat ng mga anak nila?" Tanong niya. "Dapat ganun din ang gawin mo." Sabi niya na parang bata.
"Hindi mo ako nanay para gawin ko 'yon."
"Ay oo nga pala! Hindi nga pala kita nanay," Sabi niya. Pinagpatuloy ko na ang pag gamot sa sugat niya. "...kasi soon to be girlfriend nga pala kita. Tapos magiging mag asawa tayo. At ikaw ang magiging nanay ng mga anak natin." Nakangisi niyang sabi.
"Ang advance mo mag-isip," natatawa kong sabi sa kaniya. "Sure ka bang sasagutin kita?" Pang-aasar ko sa kaniya.
"Oo naman!"
Tumawa nalang ako.
"Ay wala na pala akong band aid dito." Sabi ko nang wala akong mahanap na band aid doon sa kit.
"Tara, bili tayo. Bili na rin tayo ng makakain." Aya niya.
"Kaya mo ba? Baka may masakit pa sayo?" Tanong ko sa kaniya. Umiling lang siya at tumayo.
"Ayos lang ako. Tara na." Sabi niya at hinila na rin ako patayo.
Pinili namin na mag punta nalang sa convenience store. Pagdating namin doon ay gulat na gulat si Ben nang makita si Andrei.
"Pre, anong nangyari sayo?" Tanong niya.
"Kinagat ng langgam." Sagot ni Andrei at itinuro yung mukha. Napa irap nalang ako dahil sa sagot niya.
Lumayo muna ako sa kanila para mag hanap ng band aid. Nang makahanap ay lumapit agad ako sa kanila. May sasabihin pa sana si Ben pero nang makita niya ako ay hindi niya na itinuloy.
"Tara dito." Naupo muna kami para mailagay ko ang band aid sa sugat niya.
"Bakit hindi nalang tayo pumunta sa plaza? Tutal naman ay malapit nalang dito 'yon." Tanong niya.
"Baka hanapin ka ni Tita Alexis." Sabi ko. Ang sabi pa naman niya ay mag-uusap lang kami saglit.
"Hindi 'yon. Pagkakain natin, uuwi rin tayo agad." Aniya. Tumango nalang ako.
"Anong gusto mo kainin?" Tanong niya nang makarating kami sa plaza.
"Kahit ano nalang. Ikaw na bahala." Sagot ko at ngumiti. Sa dami kasi ng nagtitinda dito ay hindi ka na makakapili agad.
"Sige, maupo ka muna dito. Bibili lang ako ng pagkain natin." Sabi niya at iniwan ako dito sa isang bench.
Nilibot ko nalang muna ang paningin ko. Gaya ng unang punta namin dito, marami pa ring tao, kadalasan ay pamilya. Nadagdagan din ang mga nagtitinda. Naririnig ko naman ang ibang ingay mula sa kalapit na perya.
Napatingin ako sa gitnang parte ng plaza. May mga nagkukumpulang mga tao at may naririnig din akong kumakanta.
Lumapit ako doon at nakipagsiksikan. Nang makalapit ako sa unahan ay may kumakantang banda.
Naaliw ako sa panonood dahil sa ganda ng boses nila. Ang galing din nung nag da-drums. Hindi ko namalayan na napatagal na pala ang panonood ko doon. Natapos na ang kanta kaya naisipan ko ng bumalik sa bench na inuupuan ko kanina. Baka nandoon na si Andrei.
"Ang gwapooo!"
"Oh my God! Kakanta siya!"
"Gusto ko na marinig ang boses niya."
"Good evening, everyone!" Natigilan ako nang marinig ang boses nung nag salita. Mas lalong nag tilian ang mga tao dahil sa pag bati niya.
Lumingon ako sa pinanggalingan ko at napansin kong mas dumami ang nanonood. Lumapit ulit ako at sinubukang sumiksik hanggang sa makaabot ako sa harapan.
Nagulat ako nang makita kung sino ang nasa harapan ko at may hawak na gitara.
"Good evening, Katie." Bati ni Andrei bago siya nag strum sa gitarang hawak niya.
Nginitian niya ako at kumindat pa.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top