Chapter 12


"Katie, gising na." Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko nang maramdamang may tumatapik sakin.

Nakita ko agad ang pagmumukha ni Andrei pag dilat ko.

"Good morning," bati niya.

"Good morning."

Napatingin ako labas ng tent. Oo, may tent kami. May dala si Andrei at inayos niya 'to kagabi bago kami matulog. Ay, hindi ko pala alam kung natulog siya. Nauna kasi akong pumasok sa tent kagabi at naiwan siya sa labas para ayusin daw ang mga gamit namin.

Medyo madilim pa sa labas.

"Anong oras na?" Tanong ko. Napatingin naman siya sa wrist watch niya.

"5:30. Mamayang 6:30 ay aalis na tayo dito. Uuwi muna tayo tapos sabihan mo nalang ako kapag gusto mo na pumasok." Sabi niya.

"Okay. Pagkauwi sa bahay ay maliligo lang ako para makapasok na tayo agad." Sabi ko.

"Hindi ka ba muna matutulog saglit? Baka hindi ka nakatulog ng maayos sa tent." Tanong niya. Nakatulog naman ako ng maayos. Saka ayaw ko ma-late kahit pumayag naman ang tita niya.

"Nakatulog naman ako ng maayos." Sagot ko. Hindi na siya naka angal pa at tumango nalang. Lumabas na kami sa tent at nakita kong may nakahanda ng pagkain.

Naupo ulit ako sa nakalatag na sapin at ganun din si Andrei. Tahimik kaming kumain habang inaantay ang sunrise.

"Ang ganda diba?" Tanong ni Andrei. Nagsisimula ng lumitaw ang haring araw.
Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko at binuksan ang camera.

Kinuhanan ko ng picture yung araw pati na rin yung paligid. Sayang hindi ko napicturan yung city lights kagabi.

Nagulat ako nang biglang agawin ni Andrei yung cellphone ko at inakbayan ako. Argh! Ito na naman yung puso ko na ang bilis ng tibok. Akala mo naman nakikipag karerahan sa kabayo. Kailangan ko na ata mag patingin sa doktor.

"Let's take a picture," aniya at itinapat samin ang phone ko. Sunod-sunod ang pag click niya kaya hindi ko alam kung anong itsura ko doon dahil hindi manlang ako makapag pose ng maayos. Matapos mag picture ay ibinalik niya sakin ang phone ko. Lalayo na sana ako sa kaniya pero pinigilan niya ako.

"Wait, sa phone ko naman." Sabi niya at itinapat samin ang phone niya. Gaya ng ginawa niya sa phone ko, sunod-sunod na naman ang pag click niya. Pinilit kong ngumiti at mag pose ng maayos, cellphone niya pa naman ang gamit.

"Yan!" Ipinakita niya sakin ang mga pictures at buti naman ay maayos yung itsura ko, ewan ko lang doon sa cellphone ko.

Pagkaayos ng mga gamit ay bumaba na kami at dumiretso sa dala niyang sasakyan. Habang nasa byahe ay sumasabay lang siya sa kanta.

"Just text me pag gusto mo na umalis." Sabi niya nang nasa tapat na kami ng bahay.

"Wala akong number mo. Chat nalang---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang mag salita siya.

"Na-saved ko na ang number ko sa phone mo." Nakangiting sabi niya na kinagulat ko. Then, I remembered na wala palang password manlang ang phone ko.

Masamang tingin ang ibinigay ko sa kaniya. "Ginamit mo ang cellphone ko nang walang paalam?" Mariing tanong ko sa kaniya.

Nginitian niya lang ako nang napakalapad at nagmadaling sumakay sa sasakyan at pinaharurot ito.

"See you later, Katie!" Sigaw niya pa habang papalayo. Napailing nalang ako.

Pagpasok sa bahay ay agad kong tinignan ang contacts sa phone ko. Agad kong nakita ang pangalan niya na may katabi pang heart emoticon. At may picture pa siyang naka peace sign.

"Sira-ulo talaga." Bulong ko.

Naligo nalang ako at nag-ayos. Nang okay na ay nag text na ako kay Andrei. Wala pang isang minuto ay may nag doorbell na agad.

Ang bilis ah!

"Kanina ka pa jan 'no?" Tanong ko kay Andrei.

"Hmm... 5 minutes bago ang text mo." Ibang klase talaga.

"Mag ba-bike tayo?" Tanong ko nang mapansin ang dalawang bike sa likod niya.

"Hindi, ako lang. Naka bike ako pero maglalakad ka." Sinamaan ko agad siya ng tingin at akmang hahampasin siya pero nakalayo na agad siya.

"Joke lang naman!" Sabi niya. Inirapan ko nalang siya.

Nang makarating kami sa convenience store ay nakita namin si Ben na parang antok na antok na.

"Good morning," bati niya na parang tamad na tamad.

"Good morning." Bati ko at pumunta muna sa cr para makapagpalit ng uniform. Paglabas ko ay wala na si Ben.

"Nasan si Ben?" Tanong ko kay Andrei.

"Umuwi na. Antok na daw siya eh." Tumango nalang ako.

Nag simula na kaming mag trabaho. Maya't-maya ay may pumapasok. Kadalasan ay mga nag tatrabaho sa malapit na company dito sa convenience store.

"Ate Katie!" Napatingin ako sa pinto nang may tumawag sakin. Napangiti ako nang makita si Dexter. Sa likod niya ay ang tita ni Andrei.

"Hello, Dexter." Bati ko sa kaniya. Tumingin ako sa tita ni Andrei. "Hello po, ma'a-- Tita Alexis." Bati ko rin sa kaniya.

"Tita..." Nakalapit na samin si Andrei, nginitian naman siya ni Tita Alexis.

"Oy, Dexter ako pinsan mo ah. Bakit kay Ate Katie ka dumiretso?" Nagtatampong tanong ni Andrei kay Dexter pero dinalaan lang siya nito.

"Andrei, usap muna tayo saglit. May sasabihin lang ako." Seryosong sabi ni Tita Alexis. Napansin kong napawi ang ngiti ni Andrei at tumango nalang.

"Katie, ikaw muna bahala dito. Kakausapin ko lang si Andrei." Sabi ni Tita Alexis.

"Sige po."

Naupo na sila sa isang mesa malayo sa counter. Habang nag-uusap sila ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa direksyon nila.

May nilabas si Tita Alexis na isang brown envelope at ibinigay ito kay Andrei. Nang basahin niya ang mga papel na nasa loob ay bigla niya nalang itong binitawan at napayuko. Hinawaka ni Tita Alexis ang kamay niya na parang pinapakalma siya.

"Miss, pakibilisan naman oh. May pupuntahan pa kasi ako." Nagulat ako nang may nag salita sa harap ko at nakita ang isang babae na parang kanina pa nag-aantay.

"Sorry po..." Inayos ko na ang mga pinamili niya. Pagkaabot ko ng sukli ay napatingin ulit ako sa gawi ni Andrei. Wala na si Tita Alexis at si Dexter doon. Naiwan nalang mag-isa si Andrei.

Bigla siyang napatingin sakin at bahagya pang nagulat nang mahuling nakatingin din ako sa kaniya.

Agad siyang ngumiti pero alam kong hindi siya okay. Kitang-kita sa mata niya ang kalungkutan.

May problema ba siya?

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top