Prologue
°°°
Inilahad ni Jaffnah ang kamay niya na siyang tinatakan ng tagabantay.
"Welcome to the Manila International Book Fair!" masiglang bati ng lalaki kay Jaffnah habang nakangiti.
Sumalubong sa dalaga ang makukulay na banderitas at lobo sa hangin pati na rin ang malalaking booth na nakahanay kung saan makabibili ng iba't ibang klase ng libro, pero hindi iyon ang ipinunta ng dalaga. Hindi siya fan ng kahit na anong libro o manunulat, iba ang dahilan ng pagsugod niya sa nasabing book fair.
"Jaff! Sandali!" tawag sa kaniya ng best friend niyang si Redieah Veridez, ngunit hindi iyon pinakinggan ni Jaffnah. Wala siyang pakialam kung makagulo siya sa event, dahil ang mahalaga sa kaniya ngayon ay makita niya ang lalaking iyon.
Dere-deretsong pumunta si Jaffnah roon sa stage kung saan isinasagawa ang book-signing at meet and greet ng isang sikat na author, ang lalaking hinahanap niya.
Hindi siya maaaring magkamali.
He's the one she saw in her fucking dream last night.
At nakapagtataka iyon dahil ni minsan ay hindi niya nakita nang personal ang mukha ng lalaki, ni hindi rin siya isa sa mga tagahanga nito.
That man is a celebrity.
No, he's a famous published author of mystery books. Lalo na ang series niya tungkol sa isang detective na si Dick Brain.
What a title!
Pinipilahan ang lalaking iyon ng mga tao. Hindi lang dahil sa kaniyang libro, kundi dahil sa kaniyang mukha.
But that fucking face, the man in Jaffnah's dream almost fucking killed her, kaya ganoon na lang ang galit ng dalaga rito.
"Hoy, miss! May pila!"
"Saan ka pupunta?"
"Ang kapal ng mukha mo! Kanina pa kami rito! Doon ka sa likod!"
But Jaffnah did not listen to them and walked straight to that table where she could see that man...now looking at her.
"Zefarino Zalvatorre Hawthorne," mahinang bigkas ni Jaffnah sa malamig na hangin. "Do you remember me?" agad na tanong niya, habang nakatukod ang dalawa niyang kamay sa lamesa kung saan nakaupo ang manunulat na iyon.
Their eyes locked and she knows something will happen tonight. Again.
"I don't," sagot ng lalaki na naging dahilan ng pagngisi ni Jaffnah.
"This is the face you fucking killed last night," litanya pa ng dalaga na nagpakunot ng noo ni Zefarino. Maging ang mga nakarinig na fans ay nawindang sa sinabi ni Jaffnah. Malakas na bulungan ang yumanig sa buong hall. Ang masasaya nilang mukha ay napalitan ng mapanghusga.
"What are you talking about?" Bakas sa mukha ni Zefarino na hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Jaffnah.
Sandali lang ay may humawak na sa braso ni Jaffnah at pinalalayo siya roon, ngunit hindi siya nagpatinag.
"You killed me in your dream!" bulyaw niya.
"In my dream?" Napalitan ng mapang-insultong itsura ang nababahalang mukha ni Zefarino. Tumawa siya nang malakas. "How come you know my dream last night?"
Nagngitngit ang mga ngipin ng babae lalo na nang marinig niya ang mga bulung-bulungan sa paligid na nababaliw na raw siya.
Marahas na tinanggal ni Jaffnah ang mga kamay na nakakapit sa braso niya at muling lumapit kay Zefarino.
"I can enter dreams," matigas at makahulugan niyang bigkas. "...and dreams represent unconscious desires, nightmares of the past or a premonition of the future," dagdag pa niya. "You killed me last night."
Ngumisi naman ang manunulat. Umiling ito bago dahan-dahang isinara ang librong pinipirmahan niya tsaka nagsalita habang nakatingin kay Jaffnah. "For in the multitude of dreams and many words there are also diverse vanities, Ecclesiastes 5:7 it says."
Jaffnah gritted her teeth in dismay as she shouted, "Sinasabi mo bang walang kabuluhan ang panaginip ko?!"
That man stared at her intently, with a smirk on his red soft lips.
"Then, prove that it has. See you in my dreams tonight, my lady."
°°°
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top