Chapter 9: Don't Wake Me Up

°°°

KABABALIK pa lang ni Jaffnah sa kaniyang kwarto nang marinig niya ang kaniyang cellphone na tumutunog. She immediately picks it up to answer her best friend's call.

"Hey, I was about to call you to update you," sambit ni Jaff tsaka siya umupo sa bedside sofa.

"Really? Tell me what happened. How are you in there?"

"I'm fine, so far, pero may bad news." Ibinalita ni Jaffnah ang tungkol kay Arion Lamusca pati na rin sa plano nitong magkaroon na rin ng webtoon. "I remember him since you have his book that you forced me to read."

"Right! And you said, you get bored reading it because it has romance. Ang ganda kaya! Hindi pa siya ganoong sikat no'n nung binili ko 'yon at nagandahan talaga ako."

Jaffnah chuckled. "Maganda naman, except sa part na may bed scene. Tsaka alam mo namang comedic books ang hilig kong basahin at ayoko ng mystery o ng romance!"

Natawa rin dahil doon ang kaniyang kaibigan na si Red. "I know, I know, yet you have no choice but read mystery books because it us your job. Anyway, bakit hindi ka na lang kay Arion magtrabaho? Nakita ko, naghahanap siya ng artist, Jaff. Kung sa kaniya ka, mas mapapanatag ako. At least, malalayo ka sa taong pumatay sa iyo sa panaginip."

Sumeryoso naman ang timpla ni Jaff. "Hindi pwede, Red. Nakapirma na ako ng kontrata at isa pa, nakapag-cash advance na ako."

"C-cash advance? For real?" hindi makapaniwalang tanong ng kaniyang kaibigan. "Magkano? Kung iyon ang problema mo kaya hindi ka makaalis, ako muna ang magbabayad. Papalitan ko, para hindi ka na mag-stay d'yan. You know that I am really worried about you."

"One hundred twenty thousand."

"W-what the fuck? Ganoon kalaki? At pinayagan ka niya?"

"Yeah, hindi kapani-paniwala, 'no? Who in his right mind would let you borrow a hundred thousand without even knowing you well?"

Napabuntong-hininga si Red. "Mas lalo tuloy akong kinakabahan sa manunulat na 'yan. I mean, given na gwapo siya, pero naaalala ko 'yung sketch mo kasi, Jaff. What if he's mind conditioning you? He's trying to tame you so one day when the time has come, he'll proceed with his plan of killing you."

"Hindi naman siguro. Pakiramdam ko nga, mali ang hinala natin sa kaniya, Red. Even if he's kinda assertive, I can feel that there's kindness in his heart. Parang hindi niya magagawang pumatay ng tao."

Red scoffed in disbelief. "Wait, Jaff, tama ba itong naririnig ko? Ipinagtatanggol mo siya? Don't tell me, nahuhulog na ang loob mo sa kaniya?"

"Sira. He's too old for me and I am too young for him. Sabi ng editor niya, bato raw ang puso ni Sir Zefarino, at naniniwala ako roon. Isa pa, sino ba ako para magustuhan niya? Ako lang naman ang sumira ng first and last meet and greet slash book signing niya. At, ginagawa ko lang naman ang lahat ng ito para sa kapatid ko. Kaya ako narito ay dahil gusto kong makaipon para sa hospital bills ni Jefferxone."

Red let out a sigh. A short silence enveloped both of them. "I guess you really have no choice but to stay there. Ipagdadasal ko na lang na walang mangyaring masama sa iyo at palagi kang okay."

Pinilit ngumiti ni Jaffnah kahit nararamdaman ang pangungulila sa kaibigan. "I'm sorry that I have to leave you, Red."

"Ano ka ba? Kaya ko naman ang sarili ko! Ikaw lang talaga ang inaalala ko. Paano kung magkaroon ka ng masamang panaginip? Sino ang gigising sa 'yo?"

Hindi nakasagot si Jaffnah. The truth is, hindi na lang basta panaginip ang pinapasok niya ngayon dahil kung kaklaruhin, bangungot na ang pinanonood niya—bangungot na siya ang pinapatay.

"Who are you calling? Your boyfriend?"

Napalingon naman si Jaffnah nang may magsalita sa likod niya. Agad siyang nagpaalam kay Red at ibinaba ang tawag, bago hinarap ang manunulat.

"Boyfriend? Wala akong boyfriend," sagot ni Jaffnah habang nakatitig sa lalaki. Zefarino is leaning on the door wearing his usual long sleeves and black loose pants. Nakatitig din ito sa kaniya habang nakahalukipkip.

"Good."

Napakunot ang noo ng dalaga habang naglalakad papalapit kay Zefarino. "Good? Anong good?"

"Good that no one's gonna be jealous because you're staying here with me."

"Wala naman. Kung meron, 'yong best friend ko na si Red. At isa pa, purong trabaho lang naman ang ginagawa natin."

"You are living with a man, Miss Lereve."

"Eh, ano?"

"I could be dangerous."

Natawa naman si Jaffnah. "Sir Pit said, isa kang bato kaya wala naman akong dapat ipag-alala." Pero ang totoo'y may kaba na sa dibdib ng dalaga lalo na't nakikita niya ang paraan ng pagtitig sa kaniya ng lalaki. Ikinukubli niya lang iyon ng tawa. Hindi naman siya manhid para walang maramdaman.

"A stone... I see." The guy grunted and his forehead knitted. "Anyway, I don't want you to make a phone call from now on," pag-iiba nito ng usapan.

Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga. "What? Bakit naman?"

"If you want to call someone, you can use the telephone instead." Tinuro ni Zefarino ang telepono sa bed side table ni Jaffnah. "Mayroon din sa living room."

"Why should I not call using my phone? Wala iyan sa kontrata."

Naglakad palapit si Zefarino kaya naman napaatras si Jaffnah. Umupo ito sa kama ng dalaga. "Well, a phone is a dangerous device. Who knows who touched it before you. It might be already tampered or someone has already installed a spy device or wiretap on your phone. I don't know. Someone might be listening to us right now."

Agad namang kinilabutan si Jaffnah sa sinabi ng manunulat. "Fine! But I have to make a phone call for my mother."

"Are you deaf? If you want to call, you can use the telephone."

"That's impossible. Walang telepono si mama, okay?"

"Then, should I buy one for her?"

Napaawang naman ang bibig ni Jaffnah sa tinuran ng lalaki. "No, of course not! Bakit mo naman gagawin iyon? At saka, kung bibilhan ko man si mama, hindi niya rin iyon magagamit dahil madalas siyang wala sa bahay kung hindi nasa hospital."

"Then call the hospital."

Tila ba nauubusan ng pasensya si Jaffnah nang sagutin niya si Zefarino. "Hindi ko alam ang number."

"Which hospital?" Kung may gagawaran man ng pinakamahabang pasensya ngayong gabi, si Zefarino na iyon. At tila ba ito ay naliligayahan sa reaksyon ng dalaga na nagpipigil ng inis sa kakulitan niya.

"Marova Hospital."

"Okay." Sinundan naman ng tingin ni Jaffnah si Zefarino nang pumunta ito sa bedside table niya para tumawag sa telepono. May kinausap ang lalaki sa kabilang linya. Zefarino picked up his leather notebook and his one of a kind pen from his pocket. May sinulat ito roon.

"Here." Inabot ni Zefarino ang kapirasong papel kung saan naroon ang numero ng hospital. Wala namang nagawa kung hindi tanggapin iyon ni Jaffnah, kasabay no'n ay ibinigay niya ang cellphone niya kay Zefarino.

"Why are you giving me your phone?"

"I thought you're confiscating it."

"No," sagot ng binata. "You can hide it yourself. It is up to you if you're gonna break the rule. Your actions, your consequences."

*****

"Oo, maraming stalker si Zef. Lalo na noong hindi niya pa nilalabas ang identity niya," sambit ni Pit kay Jaffnah. Narito sila ngayon sa writing room upang pag-usapan ang mga nagawa ni Jaff kahapon, pero nabaling ang diskusyon nila tungkol kay Zefarino na ngayon ay wala pa sa writing room kung hindi nagliliwaliw sa labas ng mansyon. Mayroon kasing potato field sa likod at doon naglilibang ang manunulat. "Ano pa bang aasahan? Sikat ang mga gawa niya kaya gustong-gusto siyang makilala ng mga tao. And now, mas lumaki ang threat sa buhay niya dahil nagpakilala na siya."

Sumandal si Jaffnah sa kaniyang upuan upang lingunin si Pit. "Tungkol d'yan, I am curious about that also. Why did he suddenly show himself to the public?"

Napangiti naman si Pit. "Secret."

Kumunot ang noo ni Jaff lalo na nang makitang hindi mapigilan ang pagngiti ng lalaki. "Sige na, maiwan na kita. Baka nakakaabala na ako sa 'yo. Dumalaw lang ako rito para kumustahin ang equipments mo. Mukhang wala namang problema."

Nagpaalam na si Pit kay Jaffnah, at ang dalaga naman ay bumalik na sa kaniyang ginagawa. Balak niya kasing magpasa muna ng character design kay Zefarino for approval, para masimulan niya na ring i-lineart ang storyboard na nagawa niya para sa Chapter 1. Gumawa na rin siya ng checklist para sa mga dapat niyang gawin sa mga susunod na araw para hindi mawala sa isipan niya. Ang webtoon cover naman ay pinaghahandaan niya pa at hihingi siya ng ideya kay Zefarino sa gusto nitong mangyari. Jaffnah wanted to finish everything before she presented it to the writer, para hindi niya masayang ang oras ng lalaki sa pagpapa-check.

Masyadong nalibang si Jaffnah at madilim na ang paligid nang mapagtanto niya.

"Anong oras na ba?" tanong ng dalaga sa kaniyang sarili. Katatapos niya lang sa sketch ng characters na involved sa libro ni Zefarino at doon niya lang namalayang nakalimutan niya nang kumain sa sobrang pagkaabala. Kung hindi pa nga nakaramdam ng panghihina dahil sa gutom ay hindi siya tatayo mula sa upuan.

Muli niyang tiningnan ang sketches na natapos niya at napangiti. She felt proud and decided to go to Zefarino's room. She wanted to ask for his insights about her work. She was about to knock when she heard a loud growl from inside. Rinig ito hanggang sa labas ng pinto.

"S-sir? Okay lang kayo?" nag-aalalang tanong ni Jaffnah. Idinikit niya ang kaniyang tainga sa may pinto at mas lalo niyang narinig ang nakababahalang ungol ng lalaki. Isa lang ang pumasok sa isip ng dalaga. "Is he asleep already? Is he having a nightmare?"

Walang pagdadalawang-isip na binuksan niya ang pinto ng kwarto ni Zefarino. Sumalubong sa kaniya ang madilim at lumang kwarto. Agad niyang hinanap ang manunulat at nakita niyang naroon ito sa kama na marahas na umiiling. Maging ang mga kamay nito ay nanginginig na para bang may nilalabanan. Ang mga paa'y parang sumusubok na gumalaw pero nakapinig pa rin sa higaan.

Jaffnah was scared and worried so she immediately went to the bed and woke him up. "S-sir Zefarino! Gising! Sir Zefarino!" Tinapik-tapik pa ni Jaffnah ang pisngi ng lalaki at niyugyog-yugyog ang balikat nito. "Sir!"

Hindi nagigising ang lalaki at hindi alam ni Jaffnah kung anong pumasok sa isip niya para hawakan ang talukap ng mata ni Zefarino para imulat ang mga iyon. She is now in panic. It is the first time she witnessed something like this. The man's eyes were twitching. Ganito ba ang nasasaksihan ng kaniyang kaibigan na si Red kapag binabangungot siya?

A tear left her eye nang maalala niya ang kaniyang kaibigan. Ngayon naiintindihan niya na ang takot nito dahil sa pagkakataong iyon, natatakot na rin si Jaffnah.

"Sir Zefarino, please wake up!" sigaw pa ni Jaffnah habang nauubusan ng pag-asa. She doesn't want to witness death in front of her. Maging ang bunso niyang kapatid ay naiisip niya sa mga oras na iyon. She is afraid of death of others. Indeed. "Sir, please..." Napayuko na lamang si Jaffnah habang lumuluha.

"Did you just wake me up?"

Napatunghay siya at nakitang nakamulat na ang mga mata nito. Hawak din ng lalaki ang pulsuhan ng kamay niya. Mahigpit. Punong-puno ng galit.

"Sir Zefarino—" Magsasalita pa sana si Jaffnah nang putulin iyon ni Zefarino.

"Who the fuck told you to wake me up?!"

°°°

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top