Chapter 7: Deadliest Job

°°°

JAFFNAH couldn't stop her tears when Zefarino wired a hundred twenty thousand to her account and immediately she sent the amount to her mother.

"Anak, tama ba ang nakikita ko? Nagpadala ka ng isang daang libo mahigit? Saan ka kumuha ng pera? Sigurado ka bang okay ka lang d'yan?" tanong ng kaniyang ina. Mabilis itong tumawag sa kaniyang cellphone nang matapos niyang ipadala ang pera.

"Nanghiram po ako sa amo ko, ma, kaya huwag na po kayong mag-alala, ha? Sabihin ninyo po sa doctor na gawin ang lahat para kay bunso, para gumising at gumaling siya. Ako nang bahala sa pera."

Maluha-luha rin namang sumagot ang kaniyang ina. "Maraming salamat, anak. Pasensya ka na at ikaw ang gumagawa ng lahat ng ito para sa atin. Kung hindi lang sana nawala ang ama mo ay hindi mo kailangang pagdaanan ang mga ito."

"Ayos lang po iyon, ma. Kung hindi ko ito gagawin para sa atin, walang saysay ang buhay ko. Kaya huwag na po kayong magtanong at mag-alala. Nasa mabuti po akong kalagayan. Palagi po kayong mag-iingat d'yan, ma. Mahal na mahal ko kayo."

"Mahal na mahal din kita, anak."

Pinunasan ni Jaffnah ang luha sa kaniyang pisngi. Ilang sandali niyang pinakalma ang sarili. She never thought that a man who once killed her in his dreams would do something like this. At iyon ang nakakaiyak na parte. Mukhang nagkamali siya sa hinala sa lalaking ito at mukhang kabaliktaran ng panaginip niya ang nangyayari. The famous writer is so considerate and thoughtful which she did not expect. Ito pa talaga ang tutulong sa kaniya.

Jaffnah was motivated to return the favor. Ganoon siyang tao. Ayaw niya ng may utang na loob, kaya naman pumunta siya sa library room upang paghandaan ang librong iguguhit niya simula bukas.

She wanted to read the books first hand so it would be easy for her to make a storyboard. Lumabas siya sa kaniyang kwarto para pumunta sa silid-aklatan. Hindi niya binuhay ang ilaw, sa halip ay ginamit na lamang ang phone as her flashlight. She doesn't want to disturb the famous writer nor waste any electricity just for reading. Sa tingin niya ay kahit papaano makakabawas siya sa magiging gastusin sa pagtira niya rito. She is indeed considerate also.

Good thing, Jaffnah remembered where the books were. Tumingala siya para abutin ang unang libro ng Dick Brain. It is hard binded. At bukod doon, iba ang pabalat nito kumpara sa mga nasa bookstore. Special ang cover nito na kulay maroon at napaka-expensive nitong tingnan.

But the thing is... hindi niya ito abot. She lifted her feet to reach the book but it was no use. Kaya naman naghanap siya ng upuan para pagpatungan ng kaniyang mga paa. She successfully reached it and she was so happy to finally see the front cover.

It says... Dick Brain: The Lost Child.

She was about to flip the pages when a voice echoed across the room.

"Why are you here, Miss Lereve?"

Dahil sa pagkagulat ay muntikan na siyang mahulog sa upuan, mabuti na lang at magaling siyang magbalanse pero ang problema, nabagsak niya ang librong hawak niya.

"S-sorry." Mabilis na pinulot iyon ni Jaffnah na siyang ginawa rin ni Zefarino kaya naman nagkahawakan sila ng kamay. That moment was more shocking than the sudden appearance of the writer itself. Ilang segundo silang nagkatitigan at kahit madilim, kitang-kita ni Jaffnah ang kislap sa mga mata ng sikat na manunulat. Alam niyang muli niya na namang dadalawin ang panaginip nito.

Napalayo naman si Jaffnah samantalang si Zefarino ay kalmado lang na pinapagpagan ang librong hawak. "Careful. Nagagalit ako kapag nasisira ang mga iniingatan kong libro."

"S-sorry. Hindi ko sinasadya. Hindi na mauulit."

Jaffnah's heart is pounding like crazy. Hindi niya lang sigurado kung anong dahilan—kung dahil ba ito sa pagkagulat o dahil sa kaba.

"I am sensitive when it comes to books. Pwede mo silang hawakan, pero kaakibat ng paghawak mo sa kanila ay kailangan mo silang ingatan. Hindi lang sa pabalat kung hindi maging sa bawat pahina nito. I am trying to preserve this place so I appreciate it if you will take care of them also."

"Naiintindihan ko. Pasensya ka na ulit. At... salamat din pala sa pagtulong mo sa akin kanina. Nakapagpadala na ako sa pamilya ko."

"Don't mention it. You don't have to tell me everything, Miss Lereve, about your personal problems. Let's just stay civil."

Jaffnah nodded. "O-okay po. Then, I must call you sir." Naalala ni Jaffnah ang edad ng lalaki. Pitong taon ang agwat nila kung kaya't marapat talagang kausapin niya ito ng puno ng paggalang lalo pa't sikat pa itong manunulat.

"I think you should."

"I understand, Sir. Sorry po."

Sandaling katahimikan ang namayani sa buong silid-aklatan. Napapakagat na lamang si Jaffnah sa kaniyang labi dahil hindi alam ang gagawin o ang sasabihin. Malaki pa rin ang pagkailang niya sa malaking pagbabago sa kaniyang buhay. Naninirahan siya sa isang bubong kasama ang boss niya at hindi niya mapigilang mag-isip nang kung ano-ano.

"Why are the lights off?"

"P-po?" Nagulat si Jaffnah sa tanong ng lalaki. "Ahh... balak ko kasing basahin ang mga libro mo para bukas ay hindi na ganoon katagal ang igugugol ko sa pagbabasa. Makakapag-umpisa kaagad ako sa webtoon mo."

Lalong sumeryoso ang mukha ni Zefarino at dagling bumunot ng malalim na hininga. "Don't focus too much on being a webtoon artist. Your priority is to help me unravel the truth behind my dreams. Hindi ba't iyon din naman ang dahilan kung bakit mo ako sinugod sa Book Fair?"

Nahihiyang tumango si Jaffnah nang maalala niya ang malaking kahihiyang nagawa niya sa lalaki. "O-opo."

"Then, it is clear. It is already evening, Miss Lereve. You can read tomorrow on your duty as a webtoon artist." Ibinalik ni Zefarino ang libro sa shelf tsaka lumingon kay Jaffnah. "...but tonight, focus on your duty with me."

Hindi kaagad nakapagsalita si Jaffnah, pero sa pagkakataong iyon ay parang nagiging malinaw sa kaniya ang lahat. Ang tungkol sa magiging trabaho niya sa loob ng anim na buwan. At hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa dahil maisasantabi ang talento niya sa pagguhit para sa kakayahan niyang makapasok sa panaginip. Both are important to her, but the thought that her talent is being neglected, nakakaramdam siya ng kaunting kirot sa dibdib.

"I am reminding you, Miss Lereve. You are just staying here for six months. Don't waste any time and do your job properly. Now, go back to your room and sleep. I want to see how your ability works. See you in my dreams."

Lumabas na si Zefarino mula sa library samantalang si Jaffnah naman ay naiwang nakatayo roon habang tulala. Something cold is wrapping around her heart and it is deadly. For a moment, it became difficult for her to breathe and it is not because of the deadliest dream she was about to enter again... but because of the realization that there are lives that depend on her ability. It is hers and the man's career.

*****

Jaffnah woke up and immediately stormed out of her room. It was the same time that Zefarino left his. Nagkatitigan silang pareho at kapwa naghahabol ng hininga.

"Did you see everything?" tanong ni Zefarino.

"I did, Sir, and I remember it all."

°°°

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top