Chapter 6: Foolish Request of Kindness
°°°
NAKASILIP si Jaffnah sa kwarto ng kaniyang kapatid na si Jefferxone. Hindi pa rin ito nagigising.
Ilang taon na ba simula nang madala ito sa hospital? Dito na sa Marova Hospital lumaki ang kaniyang kapatid. Ni hindi niya nga rin ito mabisita nang regular pagka't kailangan niyang maghanapbuhay para sa kanila.
Tumulo ang luha mula sa mga mata ni Jaffnah. "Kumapit ka lang, bunso. Gagawa si ate ng paraan para lang gumising ka. Kahit ano ay gagawin ko para sa 'yo, huwag mo lang kaming iwan ni mama." Hindi na pinili pa ni Jaffnah ang pumasok sa loob ng kwarto at nagdesisyon na siyang umalis. Kailangan niya na rin kasing pumunta sa mansyon ng sikat na manunulat para umpisahan ang trabaho niya.
Ngayon sila pipirma ng kontrata—anim na buwan. Anim na buwan na mamamalagi si Jaffnah sa mansyon ni Zefarino bilang isang webtoon artist sa umaga at sa gabi ay bilang isang dream enterer.
Nadatnan ni Jaffnah si Sir Pit at Sir Mon sa tanggapan ng mga bisita nang makarating na siya sa mansyon. Sinalubong din siya ng mga ito.
"Miss Fleurdevuille! Nariyan ka na pala!" pagbati ng editor na si Sir Pit. Sumalubong din sa kaniya si Sir Mon at nakipagkamay.
"It's good to see you here. Akala ko ay hindi kayo magkakasundo ni Zef, Miss Fleurdevuille."
"Jaffnah na lang po," nakangiting sambit ng dalaga.
"Are you going to hold the contract signing there at the main entrance?"
Kapwa naman napalingon ang tatlo sa lalaking naroon sa hagdan—si Zefarino. Naka-itim na naman itong long sleeves at naka-black trousers. Kakulay talaga nito ang bahay niyang parang pagmamay-ari ng patay.
"Let's go, Jaffnah," pagyaya ni Pit sa dalaga. Si Jaffnah naman ay pinagmasdan lang si Zefarino na bumababa sa hagdanan.
"What are you looking at?" tanong ni Zefarino sa baritonong boses. "I am not the contract you need to sign for."
Jaffnah secretly rolled her eyes and sat on the couch. Sumunod din naman sa harapan niya si Zefarino. Samantalang si Pit at si Sir Mon ay magkatabi sa gilid habang inaasikaso ang mga papeles.
Sir Mon cleared his throat before starting to discuss the job offered to Jaffnah. "You will be an exclusive illustrator for Mr. Zefarino's books, Miss Fleurdevuille. Meaning to say, hindi ka pwedeng tumanggap ng kahit na anong trabahong pagguhit mula sa iba."
"I understand, Sir Mon."
"As requested, you will live here at the mansion for six months to finish the first installment of the book 'Dick Brain'. You will have the 25% royalty of sales of the webtoon plus your regular rate of $200 per hour for being an exclusive writer for six months."
Halos lumuwa ang mga mata ni Jaffnah sa kaniyang narinig. "Two hundred dollars? Are you serious? Just for an hour?"
"Why? Is the offer lower than you expected? Then, we'll make it five hundred," sabat naman ni Zefarino.
Kung pwede lang magmura ay nagawa na ni Jaffnah sa gitna ng tatlong lalaki. "W-what? Sobrang laki naman yata!"
Nagkatinginan ang tatlo. "Sobrang laki? Isn't that the minimum offer for an illustrator?"
"I-I never experienced getting an offer that big. Honestly, from my previous job, they only give me $25 per day."
"W-what?!" gulat na tanong ni Sir Mon. "That's an abuse. That's too low, Miss Fleurdevuille. I can't believe it. May mga kumpanya pa palang ganiyan magpasahod. But anyway, let's stick to the $200 per hour. Since you will have no team but only yourself, tell me, if the workload is too heavy and we'll make it to $500, okay?"
Napailing-iling naman si Jaffnah. "Naku, hindi na po. Okay na po ako sa first offer. Sobra-sobra na nga po iyon," nahihiyang sambit ng dalaga.
Makahulugan naman ang tingin ni Zefarino kay Jaffnah na para bang inoobserbahan niya ito—ang kilos at galaw, ang pananalita, maging ang paghinga nito at pagkurap.
Natapos ang kanilang pag-uusap at pirmahan ng kontrata. Anim na buwan, anim na buwan na mamamalagi si Jaffnah sa mansyon kaya naman minabuti nang ipasyal ni Pit ang dalaga sa kabuuang mansyon habang si Zefarino naman ay pumunta sa kaniyang opisina kasunod si Sir Mon.
"Dito. Ito ang library kung saan naritong lahat ang mga libro ni Zef mula sa mga international writers." Namangha si Jaffnah sa laki ng library room ng manunulat. "Naroon naman sa taas ang lahat ng mga librong isinulat niya."
Tinanaw iyon ni Jaffnah at muli niyang naalala ang librong binili ni Red—ang Dick Brain: The Last Case. Nakita niya rin iyon doon.
"Maaari mong basahin ang lahat ng libro rito sa loob ng library. Huwag mo lamang dudumihan, lulukutin, o tutupiin. Matagal nang iniingatan ang library na ito dahil ito ang pinakamahalagang parte ng bahay para kay Zef. Madalas siyang narito kapag hindi siya makapagsulat, lalo na ngayong may writer's block siya."
Nakaramdam naman bigla ng himok ng awa si Jaffnah sa manunulat. "Bakit hindi na lamang siya mag-imbento ng isusulat? Hindi ba't ganoon ang ginagawa ng iba? Likha lang lahat mula sa imahinasyon?"
Ngumisi si Pit. "Hindi dahil ginagawa ng lahat ay dapat mo nang gawin, Jaffnah. Kakaiba si Zef kaya ganoon na rin pinahahalagahan ng mga mambabasa ang gawa niya. Iba ang paraan ng pagsulat niya. Lahat ng mga gawa niya ay galing lamang sa kaniyang panaginip. Walang dagdag, walang bawas. Iyon nga ang kabilib-bilib sa kaniya dahil siya lang ang kilala kong magkakadugsong ang mga panaginip. Katulad mo, hindi ba't may kakayahan kang makapasok sa panaginip? Hindi lahat ng tao ay kayang makagawa ng ginagawa mo. Nakakabilib. Dahil sa 'yo, maaari nating mapigilan ang pagreretiro niya."
Napabuntong-hininga naman si Jaffnah dahil ngayon lang niya napagtanto. Paano siya makakatulong kay Zefarino? Kung panonoorin niya ang panaginip nito, sapat na ba iyon para masagot lahat ng katanungan nilang pareho? Mapipigilan ba talaga nila ang maaaring mangyari?
And at that moment, she clearly realized why that writer wants her. Maybe he wants to prevent it so his career and reputation won't be stained. Baka katulad niya ay natatakot din ito. Doon, naging kumbinsido si Jaffnah na lalong gawin ang trabaho.
"Para bang magkakonekta ang mga kakayahan ninyo," dagdag pa ni Pit na nagpalingon sa dalaga. "Namamangha ako at natutuwa. Hindi na ako makapaghintay na mabasa ang susunod niyang gawa kasama ka, Jaffnah."
Punong-puno ng pag-asa ang mukha ni Pit. Bakas sa ngiti nito ang galak. "Gawin mo ang lahat para matulungan siya, Jaffnah. Gusto kong bumalik siya sa pagsusulat. Ayokong mawala siya sa larangang ito. Dito siya masaya."
Nangilid ang luha sa mga mata ng lalaki, pero bago pa iyon tumulo ay niyaya na ni Pit si Jaffnah sa magiging kwarto nito. Nasa kabilang wing ang kwarto ni Jaffnah samantalang ang kwarto ni Zef ay nasa katapat na dulo. Napapagitnaan sila ng malaking espasyo.
"Huwag kang mangamba. Kahit dalawa lang kayo rito, sigurado naman akong walang gagawin sa 'yong masama si Zef," wika ni Pit. "Pero i-lock mo pa rin ang pinto mo kapag matutulog ka."
Agad namang kinabahan si Jaffnah sa sinambit ng lalaki. Namutla siya lalo na nang maalala ang naging panaginip ni Zef na napasukan niya.
Malakas na tawa ang pinakawalan ni Pit. "Ito naman! Nagbibiro lang! Huwag kang mag-alala dahil hindi naman pumapatol sa bata si Zef. Hindi ba't twenty-five ka pa lang?"
"O-opo."
"Thirty-two na 'yon at isa pa, wala siyang ka-amor-amor sa pag-ibig. Sigurado na kaming tatanda siyang binata. Walang kahit na anong pagmamahal na dumadaloy sa sistema ng taong iyon. Isa siyang bato."
Namula si Jaffnah dahil naniniwala siyang hindi bato si Zefarino lalo na't napasukan niya ang panaginip nito. Imbes na maginhawaan sa mga habilin ni Pit, ay lalong rumagasa ang kaba sa kaniyang dibdib.
"May mga tanong ka pa ba bago kami umuwi?" tanong ni Pit nang makababa sila sa hagdan pabalik sa tanggapan ng mga bisita. Nakita din naman nila na lumabas na sa opisina si Sir Mon.
"Wala naman na po. Naituro niyo naman na rin sa akin kung saan ang working station ko kaya tingin ko ay okay na ako."
"Mabuti naman kung gano'n. Bukas ng umaga ay babalik kami para dalhin ang mga gamit mo. Siguradong matutuwa ka dahil magandang klase ang bibilhin namin para sa iyo."
Napangiti naman si Jaffnah. "Maraming salamat po."
"Kumusta? Tapos na kayo?" singit naman ni Sir Mon.
"Opo."
"Kung gano'n, maiwan ka na namin, Miss Fleurdevuille para makapagpahinga ka. Kung may mga katanungan ka pa, katukin mo lang ang kwarto o opisina ni Zefarino. Mas maganda kung mag-uusap kayo dahil magkakasama kayo nang matagal."
"Naiintindihan ko po."
Tuluyan nang umalis ang dalawa at naiwan sa main entrance si Jaffnah. Humampas sa kaniya ang malamig na simoy ng hangin at doon nakaramdam siya ng pagkailang. Pagkailang sa pagbabago. Simula ngayong gabi ay dito sa mansyon siya matutulog, kasama ang lalaking pinatay siya sa kaniyang panaginip. Gaano kalaki ang tiwala niya sa lalaki para dito tumira at kasamahin ito sa trabaho?
Hindi, dahil hindi siya nagtitiwala rito.
Ginagawa niya lang ito para sa kapatid niya.
At kung lilipas ang gabi na walang gagawing masama sa kaniya si Zefarino, doon siguro ay makakahinga na siya nang maluwag.
"Konting tiis lang, Jaffnah, makakaipon ka rin para sa kapatid mo." Napakagat siya sa kaniyang labi. "Sana pala ay tinanong ko sila kung maaari akong makatanggap ng paunang bayad ngayong Linggo." Napabuntong-hininga si Jaffnah. Kasabay no'n ay kumalam ang sikmura niya. Inabot na rin kasi sila ng ilang oras sa pagpirma ng kontrata at mukhang mag-aalas dos na nga ng hapon.
"Kumain ka na ba?"
Nanigas sa kinatatayuan si Jaffnah nang marinig ang malagom na boses na iyon. Nilingon niya ito at nakita niya si Zefarino sa likod niya.
"H-ha? O-oo."
"Liar. Let's go to the kitchen."
"H-ha? P-pero hindi ako nagsisinungaling. Kumain na ako kanina."
"I know when someone is lying in front of me, Miss Lereve."
Natahimik naman si Jaffnah.
"If you're not that hungry then, ipagluto mo na lang ako. Nagugutom na ako."
Napaawang ang bibig ni Jaffnah. "A-ako? Magluluto para sa 'yo?"
"Yeah, I told you, I don't know how to cook." Nakasunod si Jaffnah sa lalaki hanggang sa makarating sila sa kusina. "Anong kakainin natin kung hindi ka magluluto?"
"P-pero, kung hindi ka marunong magluto, anong kinakain mo dati? Mag-isa ka lang dito."
Binuksan ni Zefarino ang mamahalin niyang refrigerator. Jaffnah was shocked. "Patatas?" Lumapit si Jaffnah sa ref at pinagmasdan ang laman nito. Nakita niyang puro patatas ang loob kaya naman napailing-iling siya sa pagkadismaya. Mayroon pang nakalaga lang na patatas na mukhang iyon lang ang tinitira ng sikat na manunulat. "Are you serious? Ito lang ang kinakain mo sa buong buhay mo?"
"Not really. Sometimes, they bring food here for me. Also, I tend to forget to eat because I was busy writing, so if you don't like to eat potatoes during your stay here for six months, you are free to use this kitchen. Nasa sa iyo kung ipagluluto mo rin ako."
Nakakita ng pagkakataon si Jaffnah kaya sinamantala niya iyon. "Sige, ipagluluto kita, pero..."
"Pero?"
"Okay lang ba kung..."
"Kung?"
Nahihiya man ay lakas loob siyang nagtanong. "Pwede ba akong..." Jaffnah averted her gaze. "Pwede ba akong mag-cash advance?"
"How much?"
Bumalik ang tingin ni Jaffnah sa lalaki. Hindi niya inaasahang tatanungin siya kaagad kung magkano, pero lalo siyang nahiya nang maalala niya kung gaano kalaking pera ang kailangan niya.
"One hundred t-twenty thousand." Nanlumo si Jaffnah at napaiwas muli ng tingin. Alam niya nang hindi ito papayag. Sinong tangang employer ang magpapa-cash advance ng ganoon kalaking pera sa taong hindi pa nga nagsisimula sa trabaho?
"Alright. Do you want it in cash?"
"H-ha?" Bumilis ang tibok ng puso ng dalaga. She couldn't believe that the man in front of him would be this stupid to say yes to her foolish request.
"Or you want me to wire the amount to your account?"
Napatakip na lamang si Jaffnah sa kaniyang bibig. Alam niyang kung hindi niya ginawa iyon ay mapapamura siya.
"H-hindi ka man lang ba magtatanong kung saan ko gagamitin ang pera?"
Umiling si Zefarino. "No, why would I ask?"
"I mean, why would you—" Nabasag ang boses ni Jaffnah. Nangingilid na rin ang mga luha niyang nagbabadyang umalpas.
"Why not? What's wrong? Are you about to cry? Did I do something that offends you?"
Jaffnah shook her head. Her lips tremble as she forgets to utter her words of gratitude for a second. "N-no... of course not. I just... don't expect it."
"Na?"
"Na pahihiramin mo ako ng pera."
"No, you said it is a cash advance. Basically, mauuna lang naman ang bayad, but you'll still work for it. Why would I not let you do that? And also, you are my exclusive employee, who would you ask to give you a cash advance except for me?"
Jaffnah covered her eyes as tears streamed down her cheeks. Zefarino was surprised to witness that and he didn't know what to do nor say.
"T-thank you. I'll do my best to return the favor, I promise. I will work hard for your kindness."
°°°
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top