Chapter 5: Dream Enterer
°°°
HAWAK ni Jaffnah ang business cards na galing sa manager at editor ng Scribers Publishing House: Si Sir Mon Don Bosco at si Sir Pit Marovar. They also gave her the address to meet the writer in his house since bihira daw itong lumabas ng bahay. Mas maigi raw na siya ang pumunta rito.
"Also, if you have decided to come, huwag ka nang magpahatid pa sa loob. You can walk from the gate to the old mansion. The writer doesn't want to be bothered by any sounds."
Napahinga nang malalim si Jaffnah bago sumakay ng taxi papunta sa address na ibinigay sa kaniya ni Sir Mon. Katulad ng bilin sa kaniya ay nagpahatid lamang siya sa driver hanggang doon sa kanto na matatanaw naman na ang itim na gate.
"Hija, sigurado ka bang d'yan ka pupunta? Hindi ba 'yan haunted house?" tanong ng taxi driver.
"Opo, dito po ang lugar na nakalagay sa address, eh, hindi ba po?"
"Oo, dito nga iyan, pero malayo pa ang lalakarin mo. Ayaw mo ba talagang magpahatid doon sa may gate man lang? Mapapagod ka."
Umiling si Jaffnah. "Hindi na ho. Ang bilin po sa akin ay maglakad na lang. Maraming salamat po sa concern ninyo, manong. Ingat po kayo."
"Sige, mag-iingat ka rin, hija."
Nagbayad na at nagpaalam si Jaffnah sa matandang taxi driver. Nakaramdam siya ng kaunting kaba dahil para bang bigla siyang natakot sa mga katagang 'haunted house' na binanggit ni manong kanina.
"Hindi, trabaho ang ipinunta ko rito. Sigurado akong walang multo dahil maaga pa naman."
Tanaw ni Jaffnah sa 'di kalayuan ang malapad na itim na gate. Naglakad na siya papunta roon. Hindi rin biro ang layo ng nilakaran niya mula sa lugar kung saan siya bumaba. Sana pala ay nagdala siya ng inumin.
Pumasok na siya sa gate at habang naglalakad ay naalala niya ang pag-uusap nila ng kaniyang kaibigan na si Red kaninang umaga.
"Are you sure that's not a scam?"
"Yeah? Ito 'yong business cards nila."
"I know and I can see but sabi mo, sinabi mo sa kanila ang kakayahan mo. It is very hard to convince someone about your ability. Alam mo naman ang nangyari doon sa book fair, right?"
"Tingin ko nakatulong pa iyon kasi naalala nila ako. Ipinakita ko rin sa kanila 'yong sketches ko at nagustuhan nila."
"Pero Jaff, sorry, ha? Duda lang ako. You know, marami nang scammers ngayon. Gusto mo gawan kita ng pepper spray?"
"No need! I'll be fine. Nakita ko sila sa panaginip ko kagabi. Magaganda naman ang panaginip nila kaya safe ako. Mabubuti naman sila, sa tingin ko."
Napalunok na lamang si Jaffnah nang makarating na siya sa malaking pinto ng lumang mansyon. Dahan-dahan itong bumukas at sumalubong sa kaniya ang malawak na kapaligiran. May itim pang carpet na nakalatag mula sa pinto papunta roon sa malapad na hagdan na katapat niya sa hindi kalayuan.
Tahimik. Tanging pagpinig lang ng pinto pasara ang naging ingay nang makapasok ang dalaga. Ilang sandali siyang nakatayo roon sa main entrance nang mapansin niya ang lumalakas na ingay ng makinilya. Sinubukan niyang hanapin kung saan nanggagaling ang tunog at dinala siya sa tapat ng isang kwarto.
Dumungaw siya sa pintong may salamin na nakikita ang loob. May isang lalaki roon na nakasalamin habang patuloy na tumitipa sa makinilya. Siya ba ang manunulat na tinutukoy nila Sir Mon at Sir Pit?
Kumatok si Jaffnah sa pinto ngunit hindi iyon narinig o napansin man lang ng lalaki. Masyado ba siyang abala sa pagsusulat?
"Sige, maghihintay na lang ako rito sa labas," sambit ni Jaffnah. Umupo na lamang siya sa sala habang naghihintay. Napansin niya ang pitsel ng tubig maging ang malinis na basong nakahanda sa may lamesa. "Hindi naman siguro kasalanang uminom muna ako tutal ang haba ng nilakad ko. Ang init pa sa labas at natutuyuan na ako ng laway."
Muli siyang umupo nang makainom na siya ng tubig at sinubukang libangin ang sarili habang naghihintay sa manunulat na iyon. Ipinasada niya ang kaniyang mga mata sa paligid at dahil sa pagkamangha sa interior design nito ay sinubukan niyang iguhit ang buong tanggapan ng bisita, hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na siya.
Naramdaman ni Jaffnah ang mainit na pagdampi ng kamay sa kamay niya. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya at nakita niya ang isang lalaking ilang pulgada lang ang layo sa kaniyang mukha. Nakatayo ito sa likod niya at sinisilip ang notebook kung saan siya gumuhit.
"S-sir..." Inayos ni Jaffnah ang kaniyang sarili at kinapa ang magkabilang pisngi kung may tumulo bang laway dahil nakaidlip siya. "S-sorry, nakatulog ako."
Lumingon si Jaffnah sa lalaki kaya naman muntikan nang magdait ang mga labi nilang dalawa. Agad na umusbong ang kaba sa kaniyang dibdib lalo na nang magsalita ito.
"Did you wait long?"
Jaffnah shook her head. "H-hindi naman po."
"Liar."
Umalis ito at saka umupo sa tapat ni Jaffnah nang nakadekwatro. Halos mawalan naman ng hininga ang dalaga nang makita ang mukha ng lalaking nasa harapan niya.
"Z-Zefarino? Ikaw? Ikaw ang manunulat na tinutukoy nila Sir Pit at Sir Mon?!" hindi makapaniwalang tanong ni Jaffnah.
"Why? Are you expecting someone else?" Zefarino even crossed his arms before playfully stared at the woman. Hindi nakapagsalita si Jaffnah. Totoong nakakawala ng boses ang kaguwapuhang taglay ng sikat na manunulat lalo pa't wala na itong suot na salamin. Naka-itim itong longsleeves at itim na pantalon, katulad ng itsura nito noon sa Book Fair. Ang pinagkaiba lang ay bagsak ang makapal at may katamtamang haba nitong buhok buhok.
"So, you are the webtoon artist that my manager and editor were talking about," saad niya.
Timbre pa lang ng boses ng lalaki ay parang gusto nang muling matulog ni Jaffnah pagka't sobrang lalim at baba ng boses nito na para bang nanghihila ng antok.
"Y-yes, I think so. Are you expecting someone else too?" nauutal na sagot ng dalaga. Hindi pa rin siya maka-recover sa nakikita niya sa harapan niya at halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon; inis, gulat at pagtataka. Kahit pilitin niyang kumalma at maging professional sa harap ng manunulat, nasisiguro niyang kitang-kita sa buong pagmumukha niya na sumisigaw ang kaniyang kalooban dahil sa pagkataranta.
"No. I expect you to come but not in a way that you would perm your hair just for this day."
Napasinghap ang dalaga at napahawak sa kaniyang buhok. "I did not do this for you!"
Ngumisi si Zefarino at tsaka ipinagdaop ang kaniyang dalawang kamay. He leans toward the lady. "Oh, really? I thought you dolled up for me."
"Why would I? Are we close?" Tila ba nakabawi na si Jaffnah at bumalik na sa kaniyang sarili dahil nagagawa niya nang sumagot pabalik. Katulad ng ginawa niya nitong nakaraang araw sa lalaking ito sa book fair.
"Are we not? After all, we already did the deed in my dream. Am I right?"
Nanlaki ang mga mata ni Jaffnah nang maalala ang malagim na panaginip na iyon. Agad na nag-init ang kaniyang pisngi.
"Based on your reaction, you were there. You entered again. You saw it."
"Oo, tama ka! I was there! Ngayon, naniniwala ka na ba na nakakapasok talaga ako sa panaginip? Babawiin mo na ba lahat ng sinabi mo na walang kabuluhan ang panaginip ko?"
Umiling si Zefarino bago sumandal muli sa mahabang upuan. "Not yet."
"Not yet? Hindi pa ba sapat na katibayan na totoo ang sinasabi kong may kakaiba akong kakayahan? Kailangan ba ipaliwanag ko pa sa 'yo lahat ng nakita ko para maniwala ka?" Napatingin si Jaffnah sa pantalon ng lalaki at nakaisip ng paraan. "Should I describe your manhood so you would believe that I am not crazy and I am telling the truth?"
Zefarino gaped in awe. He couldn't believe that the woman in front of him was way more assertive than him. "That is... unnecessary." The man cleared his throat.
"Then, it is my turn to ask. Why would you kill me that night in your dream Mr. Zefarino? Do you know me? Are you a murderer?"
Natahimik ang manunulat. Paulit-ulit itong huminga nang malalim habang nakatitig sa sahig na para bang may iniisip. "That is... what I am also confused about." He gazed at her. "I am certain that I don't know you, and I am not a murderer. I told you, I couldn't even hold a knife to cook. How am I supposed to stab you multiple times?"
Naging seryoso ang tono ng pagsasalita ng lalaki. Maging si Jaffnah ay kumalma na at nanatiling nakikinig.
"I don't know why you keep appearing in my dreams, lady. That is also my question, and so when I saw you that day... My dreams became worse. It became a nightmare. It was as if you were a curse but yet it feels like you are the only one who can help me."
Napalunok si Jaffnah. "What do you mean?"
"I don't need a webtoon artist, Miss Lereve."
Jaffnah shivered when she heard her second name from the lips of the man who once kissed her in his dreams. It is the first time someone called her that way. It stirs her inside.
"If your ability is real, then I need you. I need you to enter my dreams and help me decode everything so we can be sure if it is a premonition. With your help, we can prevent that to happen."
*****
"I need you, Miss Lereve."
PARANG sirang plakang paulit-ulit sa pandinig ni Jaffnah ang linyang iyon na mula sa manunulat na si Zefarino. She is now in her room waiting for her best friend to come home. She wanted to discuss what she and Zefarino talked about earlier at his old mansion. Hindi niya kasi inaasahan ang offer ng lalaki.
"You have your questions, and I have mine too. We have no choice but to help each other, Miss Lereve. I know you need a job, and I am not stopping you to be a webtoon artist. You can do whatever you want in the morning, but in the evening, I need you here."
Muling napabuntong-hininga si Jaffnah. Nakatanggap pa siya ng tawag mula sa kaniyang ina kanina nang pauwi na siya mula sa mansyon.
"Anak, makakapagpadala ka ba sa Linggo? May sinasabi kasi ang doctor na kailangang gawin sa kapatid mo, na kapag hindi nagawa ay maaaring hindi na ito magising. Ang kaso, nangangailangan ng malaking pera..."
Napapikit si Jaffnah. Doon niya naalalang muli na hindi nga pala siya nakapagbayad noong nakaraang buwan dahil nagkasakit siya, kaya nabawasan ang naipadala niyang pera sa pamilya niya. Hindi na nga sana siya magpapagamot kaso naisip niyang baka mahawaan niya si Red at maaapektuhan ang trabaho nito kung sakali.
"Magkano po, ma?"
"One hundred twenty thousand."
Napasinghap si Jaffnah. Ni hindi niya nga rin alam kung saan kukuha ng pisong duling, one hundred twenty thousand pesos pa kaya? Pero alam niya namang siya na lang ang inaasahan sa kanila kaya wala siyang pagpipilian kung hindi punan ang lahat ng pangangailangan ng pamilya niya, lalo ng kaisa-isa niyang kapatid na pinakamamahal niya.
"Sige po. Gagawan ko po ng paraan. Kumusta po si Jefferxone, ma?"
"Ganoon pa rin ang lagay niya. Hindi pa rin siya gumigising. Nawawalan na ako ng pag-asa."
Jaffnah swallowed a lump on her throat. Ramdam niyang napupuno na ng sakit ang dibdib niya. Nagbabadya na ang mga luha na bumagsak. Kapag tungkol kasi sa pamilya, lalo na sa bunso niyang kapatid ay nanghihina siya.
"Huwag po kayong magsalita ng ganiyan, mama. May awa ang Diyos. Magiging maayos din ang lahat. Huwag po kayong mag-alala dahil magpapadala po ako kaagad."
Pinunasan ni Jaffnah ang luhang pumatak sa kaniyang pisngi. Inayos niya rin ang kaniyang sarili nang maramdamang dumating na ang kaniyang kaibigan na si Red.
"Oh, Jaff, gising ka pa pala. Kumusta ang lakad mo kanina? Tanggap ka na ba sa trabaho?" sunod-sunod nitong tanong.
Nilingon siya ni Jaffnah, pero sa halip na sagutin ang mga tanong ay nagsalita siya. "He wants me there..."
"Who?"
"Zefarino..."
"A-ano?" Halata ang pagkagulat sa mukha ni Red. "Tama ba ang narinig ko? As in 'yong lalaking pumatay sa 'yo sa panaginip mo?"
"Oo, siya nga. Siya ang manunulat na pinuntahan ko kanina."
"Nakapagdesisyon ka na ba?" Nahagip ng mga mata ni Red ang bagaheng nasa sahig. "What are those, Jaff? Are you leaving?"
"He wants me to stay in."
"Oh, god! Are you sure? Nakalimutan mo na ba kung anong ginawa niya? Talaga bang ilalagay mo ang sarili mo sa panganib? Webtoon artist ang inapplyan mo, hindi ba? Bakit kailangan mong tumira sa kaniya?"
"He doesn't need an artist, Red. He wants me to see his dreams."
Napasinghap naman si Red sa sinabi niya. "What the hell?"
"He said he wanted to prevent it if it is a premonition."
"At naniwala ka naman?"
"Tumawag din si mama kanina, kailangan na kailangan ko na talaga ng pera, Red. And I think, wala akong ibang pagpipilian. Zefarino told me that I can work as a webtoon artist in the morning and a dream enterer in the evening. Imagine, kikita ako ng doble sa isang araw lang? Who would have thought that someone would give me money just to sleep and observe his dream?"
May pag-aalala sa mukha ni Red habang umiiling. "Hindi ako kumbinsido, Jaffnah, at iiwan mo ako ritong mag-isa?"
"I am sorry..."
"Jaff, I understand that you need money and I will try to live without you but how can I be sure that you'll be safe? Lalo na't nasa poder ka ng lalaking iyon. Paano kung habang natutulog ka ay patayin ka niya?"
Hindi nakasagot si Jaffnah.
"Jaff, you don't know him. Why would you live in that place?"
"Hindi ko rin alam, Red. Basta ang alam ko lang, kailangan na kailangan ko ng pera para kay Jefferxone, para sa kapatid ko."
°°°
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top