Chapter 4: Her Peculiar Ability

°°°

BAGSAK ang magkabilang-balikat ni Jaffnah nang tumimo sa kaniya ang lahat ng kaniyang pinaggagawa sa event ng sikat na manunulat na si Zefarino. Sigurado siyang magiging laman siya ng diyaryo, telebisyon, at internet.

Ilang beses niyang sinabunutan ang kaniyang buhok at tinampal-tampal ang sarili sa sobrang pagkainis.

"Sabi ko naman kasi sa iyo, huwag kang magpadala sa bugso ng damdamin mo. Iyan tuloy," wika ni Red tsaka binigyan ng tubig ang kaniyang kaibigan.

Kasalukuyan silang nasa labas ng hall dahil pinalayas sila ng security. Sinabi pang ban na raw sila sa kahit na anong book fair na magaganap sa lugar. Nakaupo sila sa bench sa tabi ng malaking puno habang pinakakalma ang mga sarili.

"Wala, eh. He pushed me to my limits. Masyado bang hindi kapanipaniwala ang kakayahan ko? I was telling the truth," singhal ni Jaffnah na may inis pa rin para roon sa lalaki.

"Pero hindi lahat ay katulad ko, Jaff. Hindi lahat ay kayang maniwala sa kakayahan mo. Lalo na ang manunulat na iyon. Sikat siya. Malamang ay pagtatawanan ka lang niya."

"Anong magagawa ko? Pinatay niya ako sa panaginip niya. Dapat ba ay ipagsawalang bahala ko na lang ang lahat? Alam mo namang lahat ng panaginip ko ay may kabuluhan. Saksi ka," maluha-luhang sambit ni Jaffnah.

"Right, it was you who told me about my parents. Kung hindi tayo bumisita sa kanila noon, hindi ko sila makakapiling sa huling sandali ng mga buhay nila."

It was the day before Red's birthday when Jaff had a dream of her. Tungkol iyon sa mga magulang nito kaya naman nagdesisyon silang umuwi sa probinsya para bisitahin ang mga magulang ni Red. At kinagabihan nga ay binangungot ang mga ito. It was truly a nightmare indeed for Redeiah, but she's thankful because she has Jaffnah all along that can visit the dreams of others. Nakasama niya kahit papaano ang kaniyang mga magulang at napasaya niya ang mga ito. At nang gabi ding iyon, napanood ni Jaff ang mga panaginip ng magulang ni Red.

"But now, we're in a different position, Jaffnah, and it worries me a lot. Pakiramdam ko, iba ang tinutukoy ng panaginip na napasukan mo. Kinakabahan ako para sa 'yo, Jaff. Iba ang tingin sa 'yo ng lalaking iyon kanina. At naiimagine ko sa kaniya ang sketch mo. Ang gwapo niyang mukha... nagiging nakakatakot."

Nanindig din ang mga balahibo sa katawan ni Jaffnah. She felt she did a wrong move, lalo pa ngayong wala siyang trabaho. Kung malalaman ng mga employers ang ginawa niya, siguradong wala na siyang makukuha pang pagkakakitaan and worst, kapag nalaman ng mama niya ang tungkol dito.

Napabuntong-hininga na lamang ang dalaga at nanlulumong bumigkas, "Paano na ako makakahanap ng trabaho?"

"Hindi ko rin alam, Jaffnah, pero magtiwala tayong may darating ding trabaho para sa 'yo. Malay natin 'di ba?"

Hindi kumbinsidong umiling si Jaffnah sa kaniyang kaibigan. Kumain na lamang sila sa llao llao para magtanggal ng inis bago namasyal sa mall. Sinubukan nilang magsaya para makalimutan ang lahat at nang mapagod ay nagdesisyon nang umuwi.

Jaffnah was staring at the ceiling. She's alone again because her friend, Red, is at work. A sigh left her lips as she closed her eyes to sleep but she couldn't believe what dream she was about to enter again. It was red.

*****

"How dare he?" tanong ni Jaffnah sa kaniyang sarili habang ipinupuyos ang kamao sa ibabaw ng kaniyang palda. "Sinadya niya bang hamunin ako para mapanood ko ang karumaldumal niyang panaginip kagabi? Mas malala pa iyon kaysa makita ko ang sarili kong patayin! Bakit kailangan niya akong hubaran?"

Impit siyang sumigaw dahil sa inis. Jaffnah is now at the park trying to find some ease to calm herself, but how is she supposed to do that kung pagmulat ng mga mata niya kaninang umaga ay maaalala niya lang ang wet dreams na napasukan niya.

She clenched her fists. Kahapon lang nang mag-eskandalo siya sa book fair kaya naman pinagtitinginan pa rin siya ngayon ng mga tao at minumukhaan. Wala tuloy siyang choice kung hindi ang magsuot ng cap at mask. Nag-DIY perm nga rin siya ng buhok para may mabago sa kaniyang itsura. Ibinalita ba naman kasi sa national tv ang gulong ginawa niya. Hindi niya nga alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob para lumabas kahit alam niyang sinira niya na ang buhay niya sa madla.

"Why did I even do that? Wala na nga akong trabaho na siyang pangunahing problema ko, nadagdagan ko pa. Malamang sa malamang hindi na ako makakahanap ng trabaho dahil nakita na ng mga employer ang tinatago kong anger issue."

Sumandal siya sa bench at kinuha na lamang ang sketchbook at charcoal pencil na dala niya. She should just draw traditional sketches for now para roon sa mga clients na nagpa-commission sa kaniya ng book covers, at ililipat na lamang mamaya sa digital pagkauwi.

Huminga siya nang malalim at nagsimulang gumuhit ayon sa details na ibinato sa kaniya ng una niyang kliyente. Hindi naman ganoon kahirap ang request ng client niya dahil lalaki at babae lang naman na nakaupo malapit sa bintana. Ang sabi sa kaniya ay college students daw ang mga iyon. Ang babae ay ang writer at ang lalaki ang reader. Hindi raw kasi alam ng lalaki na ang roommate niya raw ay ang paborito niyang author.

Jaffnah found the concept cute kaya naman hindi naging mahirap sa kaniya ang pag-sketch ng first draft. Nang matapos niya na ito ay pinagmasdan niya iyon. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto na parang may kamukha ang lalaking naiguhit niya.

"What is this, Jaffnah?!" naiinis niyang tanong sa kaniyang sarili. "Why would you draw that man?!"

Agad na umusok ang ilong niya nang makita ang mukha ng manunulat na 'yon sa sketch book niya. Lalo na't maging ang babaeng naroon ay kamukha niya. Hindi niya tuloy maiwasang maalala ang panaginip na nagpaubos ng pasensya niya kagabi.

"Ahh!''

Isang sigaw ng babae ang nagpagising ng diwa ni Jaffnah. At alam niyang hindi siya gising sa totoong buhay dahil narito na naman siya sa isang panaginip. Nakatayo siya sa labas ng bukas na pinto.

"Mukha ba akong fan mo?"

Pamilyar ang boses. Nanuot ang kaba sa dibdib ni Jaffnah, ngunit pinili niyang pumasok sa loob ng kwarto at napanganga siya nang makita ang manunulat na 'yon habang kausap ang isang babae—walang iba kung hindi siya. Nakaupo ang babaeng iyon sa kama, habang ang manunulat na si Zefarino ay nasa tapat nito at nakatayo.

"Then if you are not, why are you here?"

Nanigas si Jaffnah sa kinatatayuan niya lalo na nang makita niya ang sunod na ginawa ng Jaffnah sa panaginip niya. That Jaffnah reached for the author's lips and devoured him. Jaffnah gulped when she saw how that man's firm arms wrapped on her waist while his other huge hand cupped on her cheek.

Napapikit siya nang maramdaman niya ang init sa katawan na tila ba parang siya talaga ang binibigyan ng mapupusok na halik.

"This is insane. Why would he dream like this with me?" tanong ni Jaffnah sa kaniyang isipan.

Unti-unti siyang inihiga sa kama ni Zefarino, habang patuloy na hinahalikan. Nawalan siya ng hininga nang hubaran siya nito at pagmasdan ang maputi at makinis niyang katawan.

"What is this? Nababaliw na ba siya?" nangangaling tanong ni Jaffnah habang patuloy pa ring nasasaksihan ang mainit na eksena ng sarili niya at ng manunulat na iyon. Wala siyang magawa dahil hindi naman siya nakikita ng mga ito at kahit na pigilan niya pa ang dalawa ay hindi rin eepekto.

Nanigas ang katawan ni Jaffnah when Zefarino stopped kissing her then stood up again to take off his clothes. Nakatitig ang manunulat sa Jaffnah na nasa panaginip niya habang naghuhubad.

Napapapikit na lang at napapamura si Jaffnah dahil pakiramdam niya nanonood siya ng porn. At ang karumaldumal pa rito ay siya ang bida.

Mas lalong lumalim ang paghinga niya nang makita niya ang malapad na likod ng lalaki na maganda ang pagkakahulma. Napakamatipuno, na lahat na yata ng babae na makakakita nito ay handang maghubad at bumukaka sa harap ng lalaki.

Napahawak si Jaffnah sa bibig niya nang makitang kinalas ng manunulat na iyon ang sinturon ng kaniyang pantalon. She felt any moment naw, mamamatay na siya. She wants to wake up. Iyon lang ang paraan para matapos ang lahat.

Binuksan ng lalaki ang pantalon niya at pigil-hininga si Jaffnah habang nasasaksihan ang unti-unting pagbaba ng zipper nito.

Nabalik sa reyalidad Jaffnah at ramdam ang init sa magkabila niyang pisngi. Nagpapasalamat siya na nagising siya kanina, bago niya makita ang kabuuan ng lalaki dahil baka iyon na nga ang totoong ikamatay niya.

Jaffnah shook her head multiple times while she calmed herself. She decided to focus on what she's doing and was about to start another sketch when she heard a conversation behind her. May bench din kasi sa likuran niya na maaaring maupuan ng iba pang tambay dito sa park.

"It was announced. It is final. He's retiring. No one can bend that, Pit," sambit ng isang lalaki na nagpatigil kay Jaffnah sa kaniyang ginagawa.

"Bakit daw ba kasi siya magre-retire, Sir Mon? He's only thirty-two. Was it writer's block?" tanong naman ng isa.

Saglit silang sinulyapan ni Jaffnah. They look young because of their casual attire. Ibinalik ni Jaffnah ang atensyon sa pagguhit habang lihim silang pinakikinggan.

"Wala naman akong choice na makinig kasi dito nila piniling mag-usap. At isa pa, alangang ako ang mag-adjust? Ako ang nauna rito," pangungumbinsi pa ni Jaffnah sa kaniyang sarili. But honestly, she's just like a cat, a curious one.

"Because of his unfinished dream. You know that all of his books are made from his dreams, right? Kung anong mapanaginipan niya, iyon din ang sinusulat niya. Frankly, you can say that it was writer's block but in a different aspect. He's been dreaming weird dreams recently and he couldn't finish watching them since it was really scary."

"Scary? Anong ibig mong sabihin, Sir Mon?"

"He's killing someone."

Natigil sa pagguhit si Jaffnah nang marinig niya iyon.

"What the fuck? Then, what are we going to do now? Hayaan na lang siyang mag-retire? Hindi ako papayag . Alam nating pareho na mahalaga ang pagsusulat para sa taong iyon."

"We need to think of ways. Normally, kapag may writer's block, kailangan lang magpahinga. Baka masyado lang siyang nape-pressure."

Humugot muli ng buntong-hininga ang lalaki. "Pwede bang mag-hiatus na lang muna siya then habang nagte-take siya ng rest, let's produce a manga or manhwa version of his books? Or webtoon? Para hindi rin makompromiso ang Scribers Publishing House. Marami tayong writers na hindi ganoon bumebenta ang libro at tanging humahatak lang sa lahat ng gastusin ng pub house ay ang sales ng libro ni Zefarino."

"Naisip ko na rin ang tungkol sa manga at sa webtoon but I prefer the webtoon since everything now is dependwnt on technology. Creating a webtoon is a really good idea, but I've been proposing a lot of artists to him since then. Wala siyang nagugustuhang art style. Gusto niya, kung anong nakikita niya sa panaginip niya, ganoon ang makikita sa libro."

Napakagat sa labi si Jaffnah pagka't lalong nagiging interesado sa mga naririnig.

"How I wish we could meet someone who can enter dreams."

Sandaling natahimik ang mga lalaki at tila ba nag-usap mata sa mata. Kitang-kita iyon ni Jaffnah dahil napalingon siya sa mga ito.

"Hold on, why did I realize it just now?"

"Ang alin, Sir Mon?"

"That lady who caused chaos at the Book Fair. She was claiming she can enter dreams, right? I heard it. And it was all in the news."

Natawa naman ang isang lalaki na nagngangalang Pit. "Ah, natatandaan ko! Huwag mong sabihing naniniwala ka roon? At isa pa, kung nakakapasok nga siya sa panaginip, marunong naman ba siyang gumawa ng webtoon?"

Nag-usok ang ilong ni Jaffnah. Pagdating talaga sa kakayahan niya, nagiging sensitive siya at may gustong patunayan. Mabilis siyang tumayo at nagsalita dahilan para mapalingon ang dalawang lalaki.

"I can draw, Sir! Nakakapasok din ako sa panaginip ng tao! At patutunayan ko sa inyong totoo ang mga sinasabi ko! Ako ang babaeng hinahanap niyo!"

°°°

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top