Chapter 38: Ridiculous Headline
°°°
JAFFNAH darkened her gaze. She didn't expect that question from the writer. And that made her too stunned to speak. Both of them are still on the bayside exchanging deep breaths and stares. Even Zefarino couldn't muster any courage to take back his question and seemingly tried to understand Jaffnah's silence.
Zefarino cleared his throat as he grabbed Jaffnah's trembling hand not only because of the extreme cold breeze but because of that cold silence between the two of them. Zefarino just lets her be silent while he's walking his way together with the lady.
And Jaffnah was brought back to reality when she noticed they were heading to the main street. Of course, there's no cab around because of how late the evening is, and even if there is, Zefarino would die even before taking it. Speaking of Zefarino, Jaffnah took a glance at the man and noticed he's wearing dark glasses. She chuckled, making the man look at her.
"What are you laughing about?" he sincerely asked.
"Nothing. It's just funny to see you wearing shades when there's no sun out. Is that how you safely managed to get here?" replied Jaffnah. In her demeanour, she just recovered from the question earlier and can now talk but on a different topic. And that's what Zefarino noticed.
"No, Zufresiah brought a new drug and I took it so I am completely fine."
That made Jaffnah stop walking but still she did not let go of the man's hand. "What do you mean by a new drug? Are you serious? You kept on pointing at my health for taking sleeping pills, but here you are taking some drugs that might be dangerous for you!"
Zefarino smirked and tucked Jaffnah's hair behind like he's taming her. "Why is it so funny that you're worrying about me?"
Jaffnah rolled her eyes. "Hindi talaga nakakatawa, Zefarino," seryosong bitaw ng dalaga. "Pinagsasabihan mo ako tungkol sa kapabayaan ko at pagiging pasaway, pero ikaw rin naman. Kung hindi kaya kita sundin?"
"Alright, I'm sorry. I won't do it again," he surrendered.
"Tsk. Guess who's lying?"
Zefarino shrugged. "I never do that. I am my words."
Wala namang nang nasabi pa si Jaffnah nang muli na siyang hilahin ni Zefarino. Nagtaka siya nang dere-deretso silang naglakad papunta sa isang boutique.
"Anong ginagawa natin dito?"
"We're buying clothes," he simply stated.
"O-okay."
Tuluyan nang nagpahila si Jaffnah sa loob ng antigong boutique. Mabuti na nga lang at bukas pa ito.
"You go pick what you want," sambit pa ni Zefarino bago iniwan si Jaffnah, at pumunta roon sa matandang babaeng nakaupo sa counter para kausapin ito.
Hindi ganoon kalaki ang boutique pero halatang mamahalin ang mga damit dito. Very classic ang style ng interior at para ka talagang nasa lumang panahon, and even the clothes are kinda first-rate and when Jaffnah checked out the price tag, she immediately jolted.
"Are you serious?" napamulagat niyang sabi at madaling hinanap si Zefarino, pero nawala na ito sa paningin niya. Mukhang nakakuha na ng damit at nagpapalit na sa fitting room.
Jaffnah heaved a sigh and picked the nearest dress in front of her. Dahil sa palagi niyang pagsuot ng dress na ibinili ni Sir Pit, nasanay na lang siyang ganoon ang isuot kahit na mas gusto niya noon ang pambahay na T-shirt at jogging pants.
She went to the fitting room and took off her coat and dress. Sayang lang at walang tubig para kahit papaano ay magbanlaw ng katawan. Inamoy pa ni Jaffnah ang sarili at mabuti naman at hindi siya nasuka, thinking that the bay the both ended up falling were the dead body was once found.
Knocks were heard from the door. It was Zefarino calling her. "Not yet done?"
"I'm almost!" she answered as she picked up her drenched clothes and immediately opened the door.
Zefarino was nearly surprised to see the lady in a simple red floral dress. It is above the knee and perfectly fits her chest and body. While Zefarino is wearing a black long-sleeved polo and trousers.
"You love red?" tanong ni Zefarino.
"You mean my best friend? Yes."
Zefarino smiled softly. "Yes. I see that."
"Okay lang ba?" nagkakamot sa ulo na tanong ng dalaga habang tinutukoy ang damit na suot.
"Yes. Anything you wear looks good on you."
Agad namang namula ang pisngi ni Jaffnah kasing-pula ng damit na suot niya. "Uhmmm... pwede kaya akong manghingi ng bag para sa basang damit?"
Hindi si Zefarino ang sumagot kung hindi ang matandang babae. "Yes, hija. Sandali, heto. Gamitin mo."
Iniabot ng babae ang isang magandang eco bag at tinanggap naman iyon ni Jaffnah. "Thank you po. Magaganda po ang damit dito," komento ni Jaffnah habang inilalagay sa bag ang pinaghubaran niyang damit.
Sinulyapan naman ng matanda si Zefarino tsaka ngumiti. "Mas maganda ka, hija. Ikaw ang nagdadala sa damit, hindi ang damit ang nagdadala sa iyo. Parang si Zefarino, bagay na bagay kayong dalawa."
Nagulat si Jaffnah nang marinig na kilala ng matanda si Zefarino. Sinulyapan niya ang manunulat para tanungin kung kaano-ano ito pero nagkibit-balikat lang ang lalaki.
"Ahh... magkaibigan lang po kami ni Zefarino. Ibig kong sabihin, boss ko po siya. Empleyado niya lang po ako," pagtutuwid ng dalaga.
"Naku, ganoon ba? Pasensya na. Akala ko kasi ay may nobya na ang lalaking ito. Ngayon lang kasi siya ulit napadalaw rito at may kasama pang babae. Sorry, hija." Hinawakan ng matanda ang kamay ni Jaffnah.
"Wala po iyon. Isang karangalang mapagkamalang girlfriend ng lalaking ito, pero baka kilabutan siya," biro ni Jaffnah na nagpatawa sa matanda. "Sige po, aalis na po kami dahil anong oras na. Kailangan na po naming bumalik sa mansyon bago mag-umaga."
"Ay, oo nga pala at hindi ko na namalayan ang oras! Kailangan ko na ring magsara at matulog!" saad ng masiglang babae na pumalakpak pa ng isa tsaka hinaplos ang braso ng dalaga at ni Zefarino. "Mag-iingat kayong dalawa. Masaya akong makita kayong magkasama."
Nagpaalam na si Jaffnah sa matanda bago sila tuluyang umalis ni Zefarino sa boutique. Hindi alam ni Jaffnah kung bakit parang may kung anong galak aa puso niya nang makalabas sila mula roon.
"Oh, nasaan ang mga damit mo?" tanong ni Jaffnah nang mapansing walang bitbit na basang damit si Zefarino. Siya kasi ay may dalang bag na naglalaman ng pinaghubaran niya.
"I left them there inside," simpleng sagot nito.
"Huh? Bakit iniwanan mo?"
"I donated it."
"Huh?" Lalong naguluhan si Jaffnah sa tinuran ng lalaki.
"She can sell my clothes after she dry-cleans them. If she told everyone that it was from me, guess people will buy it or even everything she sells."
Napanganga na lamang si Jaffnah sa sinambit ng lalaki at maging siya ay hindi makapaniwalang umiiling.
"Why with the headshake?"
"Ang yabang mo rin pala," sagot ni Jaffnah na nagpangiti kay Zefarino.
"I'm just telling the truth. Don't you know the man in front of you is famous?"
"I know! At nakakainis kasi tama ka na naman!" asik ng dalaga tsaka naglakad paalis.
"Hey, that's not the path to our next destination!"
Jaffnah turned around obliviously. "Next destination? What do you mean?"
"It's only 2am. Let's make the most of my time outside the mansion before we go back."
The lady exhaled in defeat. Wala na siyang nagawa kung hindi ang bumalik kay Zefarino at sundin ang gusto nito. Tama, malamang ay susulitin ni Zefarino ang oras niya sa labas ng mansyon lalo pa't mukhang umeepekto ang drug na nainom niya. Batay kasi sa ngiti nito at sigla, halatang natutuwa ito sa drug na ibinigay sa kaniya ng kapatid niyang si Doctor Zufresiah. He seemed happy with the result of his sister's wit.
"Where are we going then?" nag-aalalang tanong ni Jaffnah habang nakatingin sa matangkad na lalaki.
"Let's go on a date."
HINDI MAWALA sa isip ni Jaffnah ang sinabi sa kaniya ng lalaki. Hindi tungkol sa date, kung hindi tungkol sa drug na ibinigay sa kaniya ng kapatid niya. And looking at the man's face with a full smile on his lips, makes her more worried about him. It was the first time she saw him so enthusiastically. Well, she saw him energetic while they're having sex before but not like this, that the man seemed no problem to think of.
"You know that your face has a subtitle, don't you?" hirit ng lalaki. Kasalukuyan silang nasa Subway para bumili ng makakain dahil wala nang kahit isang restaurant na bukas. Nakaupo sila sa maliit na table habang magkaharap.
Bumubuntong-hininga si Jaffnah at pinilit na ngumiti. "Hindi lang ako sanay na makita kang masaya."
"What do you think of me? Palaging galit?"
"Sort of," she replied.
"Hey, I'm always trying to be kind. I mean, nowadays."
"Tsk. Of course, you are. Nakukuha mo ang gusto mo, eh."
Napapalatak naman ng tawa si Zefarino. "Look who's saying I'm crude." Ibinaling ni Zefarino ang paningin sa paligid habang hinihintay ang submarine sandwich na inorder nila kanina. "Is this a famous place?"
"Tsk. Are you saying that you're a famous person that should be in a famous place?" sarkastikong wika ni Jaffnah.
"No, I'm not saying that. Your interpretation is always like I'm a bad guy."
"Then what else do you mean?" mataray na tanong ng dalaga.
"Because I want to bring you to a famous place, the one you never visited even once."
Natahimik naman si Jaffnah sa sinambit ng lalaking manunulat. Mabuti na nga lang at dumating na ang order nila dahil kung hindi baka magpatuloy pa ang pag-uusap nilang ganoon na magbunga ng paglabas ng puso niya. Kanina pa kasi malakas ang pintig at para bang nalilimutan niyang nag-aalala siya para sa lalaki dahil sa mga banat nito.
Jaffnah set aside her thougts and bite her healthy sandwich. Nagulat siya sa anghang nito at mabuti na lamang ay binigyan siya kaagad ng tubig ng lalaki dahil nasamid siya.
"I told you not to let them put Jalapeño. It is a chilli pepper."
Sinamaan ng tingin ni Jaffnah ang lalaki. "Malay ko ba kung ano 'yong Jalapeño! Tsaka first time ko lang sa lugar na ito kaya gusto kong ilahat 'yong ingredients. Palagi kong nakikita ang Subway sa Kdrama kaya gusto kong malaman kung anong experience!"
"And now you're suffering..." natatawang sambit ni Zefarino tsaka idinampi ang tissue sa ilong ng dalaga. "Blow."
"Huh?"
"Tumutulo na 'yung sipon mo," dagdag pa ni Zefarino.
"W-what?!" Mabilis na kinuha ni Jaffnah ang tissue sa kamay ni Zefarino tsaka tumalikod para punasan ang sipon niya. Napapikit na lang siya dahil sa malaking kahihiyan. Nagsisisi na siya na maanghang pa ang pinili niyang kainin.
"Are you shy? Don't worry you're still pretty even if you look like a mess."
"I am a mess?!" sigaw ni Jaffnah bago nilingon ang lalaki na ngayon ay mas malakas ang tawa kaysa kanina.
"Yes, look you're teary-eyed now," pang-aasar pa ni Zefarino kaya nakatanggap siya ng malakas na hampas mula sa dalaga.
"Nakakainis ka!"
NILALAMBING ni Zefarino si Jaffnah habang naglalakad sila sa gitna ng kalsada. Pauwi na sila sa mansyon. Nagtatampo pa rin kasi ito dahil nakatanggap siya ng mga pang-aasar sa lalaki at idagdag pa na sa unang date nila ng manunulat ay limpak-limpak ng kahihiyan ang naipakita niya rito.
"Hey, don't take it to heart. I told you I did not see you less because of those things, in fact, I am glad to witness that side of yours." Hinaplos ni Zefarino ang ulo ni Jaffnah pero tinanggal din iyon ng babae.
"Tsk. Akala mo ba gagaan ang loob ko sa mga sinasabi mo? I'm sure lahat ng kahihiyan ko, gagamitin mo laban sa akin! Ang dami mo na namang ipang-aasar sa akin!"
"No, I promise, I won't use those against you," he oathed.
Tiningnan lang siya nang masama ni Jaffnah. "Maniwala sa 'yo? Ngayon pa nga lang, inaasar mo na ako, eh! Kung makangisi ka d'yan!"
"Why? What's with my smirk?"
"Ah! Tingnan mo! Inaasar mo talaga ako! Bahala ka nga d'yan!" Padabog na naglakad si Jaffnah hanggang sa makita niya na ang gate ng mansyon. Dahil sa kaliwa't kanang pang-aasar sa kaniya ni Zefarino, parang wala lang sa kaniya ang pagod mula sa mahabang paglalakad. At sakto ngang mukhang puputok na ang pagsikat ng araw.
MALIWANAG na nang makapasok sila sa gate. At dahil sa pagbukang-liwayway ay parang nawala ang inis ni Jaffnah kay Zefarino. Pareho nila iyong pinanood habang naglalakad sila patungo sa mansyon.
"A good start," bulong ni Zefarino habang tinutukoy ang unti-unting pag-angat ng araw sa kalangitan.
"A new hope," sagot naman ni Jaffnah tsaka nilingon ang katabi niyang matangkad na lalaki.
"Did you have fun on our date?"
"Date ba 'yon? Pinagtripan mo lang ako, ih."
"Silly, I didn't. Talo-asar ka lang," sagot ni Zefarino tsaka ginulo ang buhok ni Jaffnah.
"Ikaw ba? Masaya ka bang kahit saglit ay nakalabas ka mula rito sa mansyon?"
"Yeah, thanks to your bayside assignment, I had a blast."
Tumatango-tango si Jaffnah at hindi na napigilang mapangiti dahil bumabalik sa alaala niya ang lahat ng nangyari kanina sa kanilang dalawa ni Zefarino. Agad na napapalitan ng lalaking ito ang lungkot sa puso niya. Inaalis nito ang mga hinagpis ng mga problemang dinadala niya sa buhay.
"Thank you, Zefarino. Nag-enjoy din akong kasama ka."
They gazed upon each other as if they were saying the words they are still afraid to admit. But the sunrise is a witness of the love blooming without force. Zefarino and Jaffnah share the affection that everyone can be jealous about—a good friendship, a good companionship, a good relationship.
But that moment was distracted by a man now panting after he went out of his car—it was Sir Mon bringing a newspaper to their faces.
"Not so good morning for you two lovelies, look at this. You made it on the front page," Sir Mon admonished.
And there, Zefarino and Jaffnah saw the headline—THE FAMOUS DICK BRAIN NOW HAS A DICK.
°°°
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top