Chapter 32: Potato Flowers
°°°
"Saan ka galing, Lereve?"
Nanigas ang katawan ni Jaffnah nang marinig ang boses na iyon ni Zefarino. Nakaramdam siya kaagad ng takot at lalong nabahala kung magsasabi ba siya ng totoo. Ito na nga ba ang ikinababahala niya, pero para rin naman kay Zefarino kaya niya ginawa iyon. Bukod sa gusto niyang malaman kung saan naroon ang mga magulang niya, gusto niyang makumpirma kung ang tulay nga bang pinuntahan nila Sir Pit at Red kanina ay ang tulay na nasa panaginip niya. At nakumpirma niya iyong lahat.
"H-ha? A-ano, kasi... l-lumabas ako."
"Lumabas ka? Saan ka pumunta?" bakas ang pagkaseryoso sa mga tanong ng lalaki. Nakakunot ang noo nito habang nakahalukipkip na parang pulis na ineenteroga siya. Naglakad papalapit si Zefarino at muling nagsalita, "Alas sais pa lang ng umaga, Lereve."
Lalong nautal si Jaffnah nang makita niyang nasa harapan niya na ang manunulat. Natutuyuan siya ng laway. Hindi naman ito ang unang beses na makita ang gwapong lalaki sa umaga, pero parang nauumid ang dila niya at maging ang puso niya ay bumibilis ang tibok. Ni hindi niya na alam kung dahil ba ito sa pangambang malaman ni Zefarino ang totoo o may iba pang dahilan.
Napakamot sa ulo si Jaffnah habang sinusubukang mag-isip ng irarason dito. "Ano... pumunta ako roon sa potato fields. Na-curious kasi ako kung bakit ka palaging pumupunta roon sa umaga."
Matagal naman siyang tinitigan ni Zefarino na para bang tinitingnan kung nagsasabi ba siya nang totoo.
"You're wearing a coat..."
Napakapit si Jaffnah sa suot niya. Oo nga pala at nagsuot siya ng coat bago umalis. "O-oo, malamig kasi sa labas. Alangan namang magpajama lang ako."
"Hmmm... I see, who would in her right mind dare to get out of the mansion wearing a nightdress? I guess you did not go to that bridge looking like that."
Jaffnah gulped in fear. If she can just curse, she did. Zefarino is indeed a genius! And now Jaffnah is eaten by guilt and couldn't afford to look at the eyes of the writer for so long.
"Oo naman! Actually, gigisingin nga kita para tanungin kung anong gusto mong almusal. I'll cook for you." Si Jaffnah na talaga ang tinaguriang batikan pagdating sa pagsisinungaling at kahit na alam niyang maaari siyang mabuko dahil matalino ang lalaking nasa harapan niya, sinubukan niya pa ring isahan ito.
"I'll eat whatever you cook," malamig na sagot ni Zefarino tsaka naglakad palampas sa dalaga. Habang ang mga kamay ay nasa magkabilang bulsa ng robang suot.
"O-okay."
Jaffnah bit her lower lip as she felt the dripping remorse in her heart. Of course, Zefarino would know she's lying. But she doesn't want to have an argument early in the morning. They slept well last night and she could agree that being between the man's embrace is comforting. If she doesn't need to visit the bridge to be sure about her dream, she wouldn't mind staying between his arms. It felt home and a shield from all the catastrophe.
Pinagmasdan na lamang ni Jaffnah si Zefarino habang lumalabas sa main entrance. Sigurado siyang pupunta ito sa potato fields kaya naman nagdesisyon na rin siyang magluto ng almusal nilang dalawa.
"Then I'll just cook a meal like I am really asking for forgiveness," whispered Jaffnah to herself, feeling pity inside. She took off her coat and went to the kitchen to prepare breakfast tacos that screamed apology. The sun is out and the rays are striking on the window across the dining room. Like it was another day to have another hope. She heaved a sigh as she remembered the pictures that Sir Pit showed to her earlier. It is still in her coat's pockets. She needed to see it in detail later. Even if the photos are painful to see, they were the only pictures remaining about her parents.
She tried to contain herself and set the table for breakfast. She doesn't want Zefarino to see any trace of distress from her errand last night. She needs to be strong.
Jaffnah put the plated healthy tacos above the table and beside those are fresh pomegranate juices. It was really satiating to see and she couldn't wait to know how it would taste in Zefarino's palate later on.
"Nasaan na ba siya? Mamaya pa ba siya babalik? Mas magandang kainin 'to ng fresh para hindi kumunat," bigkas ni Jaffnah habang tinutukoy ang mga masasarap na tacos sa harap niya. She covered it and decided to go out of the mansion to seek for the famous writer.
"Sir! Kakain na tayo! I mean, Z-Zefarino! Halika na!" pagtawag ni Jaffnah sa lalaking kasalukuyang nagkukutingting na naman ng mga patatas sa field, pero hindi siya nito pinansin at wari'y nagbingibingihan at nagpatuloy lang sa pangungumusta ng mga alaga niyang patatas. Bakit nga ba ang hilig-hilig ni Zefarino sa patatas? Lagi niya itong kinukumusta araw-araw.
Naglakad papalapit si Jaffnah kay Zefarino at nakita niyang may pinipitas ito.
"Bulaklak?" nabulalas niya. Ito ang unang beses niyang makakita ng kulay lilac na bulaklak ng patatas. "May bulaklak pala ang patatas?" wika pa ni Jaffnah sa kaniyang isipan habang namamangha roon at sa mga pananim ni Zefarino.
Nilingon naman siya ni Zefarino bago tumayo at inabutan siya ng bulaklak ng patatas.
"W-what is this for?" nauutal na tanong ni Jaffnah. "Bakit mo ako binibigyan ng bulaklak?"
Halata naman ang pamumula sa pisngi ng dalaga. Idagdag pa ang sikat ng magandang araw na sumisinag sa kaniyang maganda ring mukha. Kahit pa bulaklak lang iyon ng patatas, hindi maitatanggi ni Jaffnah na nagulat siya at bahagyang kinilig.
"You look like it was your first time seeing a potato flower so I gave you one, for you to see it closer."
"Ahh... g-gano'n ba? Akala ko kung anong dahilan."
Nakatanggap ng pitik sa noo si Jaffnah. "Silly, don't tell me you're blushing because of that potato flower?"
"Eh, bakit ba? This is my first time receiving a flower! At isa pa, ngayon lang ako nakakita ng kulay lilac na bulaklak ng patatas! Ni hindi ko nga alam na may bulaklak pala sila! Malay ko ba? Nakakamangha kaya! Okay lang ba silang pitasin?" may halong pag-aalalang tanong ng dalaga
"Yeah, it's fine."
"Nakakain ba ito?"
"You can try."
At dahil uto-uto si Jaffnah, ibinuka niya ang bibig at akmang kakainin ang bulaklak para tikman nang kabigin ni Zefarino ang kamay niya. "What are you doing?!"
"Kakainin! Sabi mo, subukan ko!"
"What?! Are you that gullible? I was just kidding. They are not edible, Lereve."
"Ano?! Nagbibiro ka lang? Hindi halata, ha? Muntikan ko nang malason ang sarili ko sa bulaklak na iyan!"
Zefarino shook his head in disbelief. Earlier, his face was blank because he discovered Jaffnah was not there beside him when he woke up. Well, he's kind of disappointed. He was having a good sleep because he thought the lady would stay in his arms but when he opened his eyes in Jaffnah's bedroom, he was all alone. For a moment, he suddenly felt empty and scared. But now, look at those smiles shining brightly om Zefarino's lips because of Jaffnah's naivety about the potatoes he has been taking care of since then.
"I apologize. I'm so bad at making jokes."
Napakamot na lang sa batok si Zefarino at muling tinanaw ang malawak na taniman niya ng patatas.
"Fine! Pasalamat ka, mapagpatawad ako, pero sayang 'yong bulaklak! Iyon nga ang unang beses kong makatanggap ng bulaklak, naitapon pa."
"It's not even a real flower, why sulk that way, Lereve? I can give you a bunch of red roses if you want."
Napasinghap naman si Jaffnah. Talaga bang sinabi iyon ni Zefarino?
Jaffnah stared at the man for a couple of seconds and disappointment expressed her face. Of course, walang ibig sabihin ang mga salitang iyon dahil sa mukha lang din ni Zefarino nang banggitin iyon, para bang gagawin niya lang na bigyan siya ng bulaklak out of courtesy, but not out of fondness.
"Huwag na. Hindi naman kailangan, tsaka hindi ako mahilig sa bulaklak," pahayag na lamang ni Jaffnah. Katahimikan ang bumalot sa pagitan nilang dalawa. "Sandali, kapag ba may bulaklak na ang patatas, anong ibig sabihin?" pag-iiba ng usapan ng dalaga.
"It means they are growing well."
"Really? How would we know if the potatoes are ready to harvest?"
"When the the plant dies."
"Huh?" Napalingon si Jaffnah. "Anong ibig mong sabihin? Kapag namatay 'yung halaman, doon malalaman na ready na ang bunga?"
"Yes, it's a signal that the potatoes are ready to harvest but there are instances that potatoes may die because of disease. Some potatoes are harvestable within three months while others may take at least four to five months. If the potatoes die before they reach full maturity, it only means that the potatoes are damaged or infected."
Tuluyan nang napanganga si Jaffnah sa mga matatalinong paliwanag ni Zefarino. Totoo ngang marami pa siyang hindi alam sa mundo at isa na rito ang mga patatas. Wala siyang ibang nagawa kung hindi ang makinig sa mga salita ng manunulat at nakukuha niya naman iyon. Tila ba nakalimutan na niyang yayain ang lalaki na kumain ng almusal dahil kahit siya ay nawili sa pakikipag-usap kay Zefarino.
"So I am always here to check if they are growing fine, Lereve. In case you're wondering about that. Kailangang bantayan, para makasigurong hindi ito mamamatay."
Napatitig si Jaffnah sa itim na mga mata ni Zefarino at nang pagkakataong iyon, tila ba iba ang ibig nitong ipunto. Naglakad na papabalik sa mansyon si Zefarino at sinundan naman siya ni Jaffnah. Jaffnah felt the guilt again inside her. Of course, Zefarino is taking care of her because he wanted to prevent killing her. Pero dahil sa kakulitan ni Jaffnah, mukhang mahihila niya pa ang galit ng manununlat at baka nga isang araw mapatay siya nito dahil sa sakit ng ulo na naidudulot niya.
Zefarino sat on the table and ate what Jaffnah prepared for breakfast. He was silent, and Jaffnah was afraid to ask further questions about the food. At kahit na masarap ang pagkaing nakalatag sa harap nila ay hindi magawang enjoyin ni Jaffnah dahil nga nababagabag siya na may nililihim siya sa lalaki.
"Zefarino..."
"I'm done. I appreciate the food. Thank you," malamig nitong sabi tsaka pinunasan ang bibig ng tablenapkin at umalis sa dining area.
"T-teka, sandali. Okay ka lang ba? Hindi ba masarap?" pahabol na tanong ni Jaffnah pero hindi na ito nasagot. Napabuntong-hininga naman ang dalaga at pinili na lang ding ligpitin ang mga pagkain. Kahit siya ay nawalan ng ganang kumain dahil nangingibabaw ang sama ng loob niya sa sarili, nakukunsensya talaga siya sa ginawa niya kagabi.
"Should I tell him what I did? Pero baka paalisin niya na naman ako rito. Baka magalit siya." Jaffnah bit her lip, full of anxiety. "What should I do now? Hindi ako sanay na hindi na naman kami magkasundo."
Jaffnah's lips escaped a deep sigh. She chose to wash the dishes and cleaned the dining and kitchen area before she went to her room. Naligo na siya at nagbihis para pumunta sa writing room at magtrabaho nang maalala niya ang coat niya.
"Sandali, saan ko nga ba iyon hinubad?" natatarantang tanong ni Jaffnah at saka kumaripas ng takbo papunta sa kusina. Nakahinga naman siya nang maluwag nang makita ang coat na siyang sinuot niya nang pumunta siya sa tulay. Kinapkap niya ang bulsa nito at nakita niyang naroon ang pictures na ibinigay sa kaniya ni Sir Pit. "Titingnan ko kayong muli mamaya. Tatapusin ko lang ang trabaho ko."
Pumanaog muli si Jaffnah para dalhin ang coat sa kwarto niya at saka bumaba sa writing room para umpisahan na ang task niya ngayong araw.
***
"Hindi tayo matutulog nang magkatabi?" tanong ni Jaffnah kay Zefarino. Pasado alas sais na ng gabi at hinihintay ni Jaffnah si Zefarino sa pintuan ng kwarto niya nang makita si Zefarino na papasok sa kwarto nito.
"No. You're leaving me anyway so why bother to sleep together?"
Jaffnah scoffed in disbelief. She was about to speak and rebut when Zefarino entered his room and slammed it. Para bang pinarinig pa talaga nito kay Jaffnah na ni-lock niya ang pinto. Nakaawang ang bibig ni Jaffnah habang nakatitig sa kwarto ni Zefarino.
"Naiinis ba siya dahil lumabas ako o dahil umalis ako sa tabi niya?" tanong ni Jaffnah tsaka piniling pumasok na lamang sa kaniyang kwarto.
Nakatulala siya sa kisame. "Ngayon, paano ako makakatulog nito kung iniisip ko siya? I mean, of course, nakakagalit naman talaga ang ginawa ko dahil sinuway ko siya. Pero kung hindi niya ako kakausapin, hindi ko maipapaliwanag ang side ko na ginawa ko lang naman iyon dahil para sa kaniya rin. At least ngayon alam kong hindi siya ang nasa panaginip ko."
Pumikit na lamang si Jaffnah at pinilit na matulog pero kahit anong gawin niya ay hindi siya makakuha ng antok. Bukas na bukas ang diwa niya. Hindi katulad kagabi na sa isang mahigpit at mainit na yakap lang ni Zefarino ay nakatulog na siya.
Kanina pa siya paikot-ikot sa kama pero hindi talaga siya mapakali. Bumalikwas siya at sumigaw. "Ugghhh! Hindi 'to pwede! Pupuntahan ko siya sa kwarto niya!"
Akmang tatayo na si Jaffnah nang tumunog ang telepono sa side table kaya naman mabilis niya iyong kinuha. "Tama, makikipagkuwentuhan na lamang ako kay Red! Paniguradong siya ang tumatawag!"
Kinuha ni Jaffnah ang telepono at sinagot iyon. "Hello?"
Kumunot ang noo ni Jaffnah nang walang sumagot sa kabilang linya. Nakaramdam siya ng takot nang mapansing paghinga lang nito ang naririnig niya. "Hello? Sino 'to? Magsalita kung ayaw mong ibaba ko ang tawag."
Isang malagom na boses ang nagsalita dahilan para bumigat ang paghinga ng dalaga.
"It's me, Jaffnah Lereve Fleurdevuille."
°°°
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top