Chapter 31: Under that Bridge
°°°
"Red?! A-anong ginagawa mo rito?" hindi makapaniwalang tanong ni Jaffnah nang makita ang kaniyang kaibigan sa passenger's seat. "Sir Pit?! Anong ibig sabihin nito? Bakit kasama mo ang kaibigan ko?"
Napakamot naman sa batok si Sir Pit. "Ahhh... ipapaliwanag ko na lang sa iyo mamaya, Jaffnah. Ang mahalaga ngayon, makaalis na tayo."
Jaffnah tilted her head, in disbelief at what she witnessed. She immediately grabbed the door and hopped into the back seat.
Pilit niyang tinatagpo ang mga mata ng kaniyang kaibigan na si Red sa rearview mirror, pero umiiwas lang ito. What is really going on here? Ganoon din ang ginagawa ni Sir Pit kapag susulyapan niya ito, na para bang hindi nila gustong mapasukan ni Jaffnah ang mga panaginip nila sa pagsapit ng gabi.
Pinili na lamang na isantabi ni Jaffnah ang mga tanong at hinayaang magmaneho si Sir Pit. Isang oras at kalahati ang nakalipas ay tumigil na ang sasakyan. Napakunot ang noo ni Jaffnah at napadungaw sa bintana. Her chest tightened when she saw that the surroundings were dark because it was still midnight. At para bang ayaw niyang hawakan ang pinto at lumabas sa kotseng iyon. But Sir Pit and Red went out of the car, so Jaffnah had no choice but to follow them. A cold breeze welcomed her and an eerie feeling lingered inside.
As she slowly stepped her feet on the road, her heart was pounding in fear. She gradually remembers the dream she had about the killer pulling a man from a white car and throwing the body on the bridge. Sumisikip ang dibdib niya at nanunubig ang mga mata dahil ngayon palang, nakukumpirma niya na na nasa lugar siya na nasa panaginip niya.
"Jaffnah, doon, doon natagpuan ang mga magulang mo. Gusto mo bang puntahan natin sa baba?" tanong ni Sir Pit. Hinawakan naman ni Red ang braso ni Sir Pit na para bang pinipigilan ito.
"Jaff, kapag hindi mo kaya, pwede na tayong bumalik sa mansyon."
Umiling si Jaffnah at nilingon si Sir Pit. "Gusto kong makita, Sir Pit. Gusto kong malapitan."
Doon sa ilalim ng tulay, may bahagyang lupa kung saan maaaring mapuntahan ng mga tao. Bumaba sila Jaffnah sa batong hagdan sa gilid upang tuluyang makababa.
"Here, Jaffnah. Narito ang mga pictures na nakuhanan ng mga pulis at forensic team nang matagpuan ang bangkay nila." Galing sa coat ay ibinigay ni Sir Pit ang isang sobre na puno ng mga litrato. "Malakas na kasi ang amoy at pilit na hinahanap ng mga tao kung saan iyon nanggagaling at isang araw nga ay natagpuan nilang palutang-lutang ang katawan ng iyong ina. Dahil doon, nakita rin ng mga pulis ang katawan ng iyong ama."
Pinagmasdan ni Jaffnah ang mga litrato na hawak niya. Gamit ang flashlight na ibinigay din ni Pit ay nakita niya ang mga iyon. Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman. Gusto niyang pumalahaw ng iyak dahil hindi niya maatim na makita ang mga magulang niya sa ganoong kalagayan.
"Sabi mo, matagal nang patay ang papa ko. Paanong makikita ang katawan niya?" naguguluhang tanong ni Jaffnah. Nagkatinginan naman si Red at Sir Pit.
"Jaff..." pagtawag ni Red at hinawakan ang kamay ng dalaga.
"May hindi ba kayo sinasabi sa akin? Hindi ko maintindihan. At sino naman ang gagawa nito sa mga magulang ko?"
"May pumatay sa mga magulang mo, iyon ang makokompirma ko, Jaffnah."
"Sino? Sabihin ninyo sa akin kung sino!" Hindi na napigilan ni Jaffnah ang sumigaw. Tuluyan na ring tumulo ang mga luha niya sa pisngi. "Gusto ko siyang tanungin, bakit kailangan niyang patayin ang mga magulang ko! Ano bang ginawa namin sa kaniya? Bakit ako pa ang kailangang mawalan ng mga magulang?! Masaklap na ang buhay ko! Ano bang kasalanan ko para parusahan ako nang ganito?"
"Jaffnah, ginagawa namin ang lahat para imbestigahan ang nangyari sa mga magulang mo. Katulong ang kapatid ni Zefarino na si Rioh, tinutukoy na nila kung sino ang posibleng gumawa nito. Naniniwala kaming isa itong serial killer na tinatarget ang pamilya mo, kaya naman ganoon na lang kung paano ka protektahan ni Zefarino at ayaw ka ring palabasin dahil natatakot siyang may mangyari sa iyo," mahabang paliwanag ni Sir Pit.
"Kaya rin sumama ako, Jaff, dahil hindi ko hahayaang may mangyari sa iyong masama."
Napatigil naman si Jaffnah nang may mapagtanto. "Ang kapatid ko... si Jefferxone, okay lang ba siya? Paano kung siya naman ang sunod na galawin ng sinasabi ninyong serial killer?"
"Huwag kang mag-alala, Jaff. Dahil nabisita ko siya kanina. Wala na siya sa Marova Hospital dahil nailipat na siya sa private hospital na pangangalaga raw ng kapatid ni Sir Zefarino na si Doctor Siah. Doon ko nakita ang lalaking ito kaya magkasama kaming nagbabantay sa kapatid mo hanggang kanina noong tumawag ka," pagturo naman ni Red kay Sir Pit.
"Sigurado ba kayong magiging maayos ang kapatid ko? Nasa mabuti siyang kalagayan?"
Si Sir Pit naman ang nagsalita. "Hindi pa rin siya gumigising pero nasisiguro kong ligtas siya roon. Walang makakasakit sa kapatid mo. Sarili mo na lang ang kailangan mong isipin ngayon, Jaffnah."
Pinunasan ni Jaffnah ang mga luha sa pisngi niya. "Maraming salamat sa tulong ninyo. Kung wala kayo, baka nasiraan na ako ng bait sa sobrang daming problemang dumadating sa buhay ko."
Hinaplos naman ni Red ang balikat ni Jaffnah. "Para saan pa't naging magkaibigan tayo, Jaff? Narito ako para sa iyo palagi. Handa kong ibuwis ang buhay ko para sa iyo."
"Ganoon din ako kay Zefarino, at kung sasabihin niyang unahin ka at iligtas ka, susundin ko iyon, Jaffnah."
Jaffnah felt warmth despite the sadness and coldness overcrowding her heart. She must be really lucky to have supportive friends around her. Minalas man siya sa buhay, masuwerte siya dahil kahit papaano ay mayroon siyang mga kaibigang mapagkakatiwalaan.
"Gagawin ko rin ang lahat para sa inyo, lalo na kay Zefarino. Kung wala ang mga tulong niya, hindi ko alam kung makakaya ko pa itong lahat."
"Huwag kang mag-alala, Jaff, dahil may awa ang Dios. Malalaman din natin kung sino ang nasa likod nitong lahat at sisiguraduhin nating pagbabayarin niya ang lahat ng ginawa niya sa pamilya mo. For now, umuwi na tayo, bago pa malaman ni Sir Zefarino mo na lumabas ka."
Tumingin naman si Jaffnah kay Sir Pit. "Pwede bang mabisita ko kahit sandali kung saan ninyo inilibing ang mga magulang ko? Baka mawalan na ako ng pagkakataong makalabas ulit."
Muling nagkatinginan si Sir Pit at Red. "Sige, Jaffnah, pero sasaglit lang tayo roon. Malapit na rin kasing mag-umaga. Maagang nagigising si Zefarino at baka maabutan kang wala sa mansyon. Okay lang ba sa 'yo?"
"Opo, Sir Pit."
NAKADUNGAW lamang sa bintana si Jaffnah habang binabaybay nila ang daan papunta sa private cemetery na minsang tinukoy sa kaniya ni Zefarino kung saan nakalibing ang mga magulang niya. Tahimik lang si Jaffnah at hinahayaan lang siya ni Sir Pit at ni Red na kanina pa rin nagpapalitan ng tingin dahil sa pag-aalala sa dalaga. Mayamaya lang ay nakarating na sila roon at nakaabang lang din si Red at Sir Pit sa labas, habang si Jaffnah ay naroon sa loob at tahimik na umiiyak.
Jaffnah caressed the cold coffin of her parents while she's slumping on the floor. She's talking to them like she wasn't aware they won't be able to hear her agonies. No one dares to stop her, even Red that once experienced the same misery.
"Magiging maayos lang ba ang kaibigan mo? Gusto mo ba sabihin ko kay Zefarino na bigyan muna siya ng break at bumalik sa iyo?" Pit asked full of concern.
"Hindi, mas mabuti kung magiging abala siya sa ibang bagay. May trabaho ako at tiyak na hindi ko rin siya maasikaso kapag bumalik siya sa bahay namin. Mas lalo siyang malulugmok kung maiiwan siya roon mag-isa," paliwanag naman ni Red.
Malamig ang simoy ng hangin sa loob ng pribadong sementeryo. Nakakakilabot dahil madilim pa ang kalangitan nang bumisita sila, pero tama si Jaffnah, baka hindi na siya magkaroon pa ng pagkakataong makalabas sa poder ni Zefarino dahil nangangamba rin siya na baka may mangyari sa kaniyang masama katulad nang muntikang mangyari sa kaniya sa kamay ni Art.
"Naiintindihan ko. Hayaan mo at palagi ko siyang dadalawin. Ako kasi ang may kasalanan kung bakit nalaman niya ang lahat nang biglaan. Gusto ko na rin kasing sabihin sa kaniya dahil hindi ko maatim na tingnan siya na walang kamuwang-muwang sa nangyayari sa labas. Naaawa ako sa bata."
Napangisi naman si Red. "Kung makabata ka naman, bakit, ilang taon ba ang tingin mo sa amin?"
"Mas matanda ako sa inyo ng limang taon kaya bata ang turing ko sa inyong dalawa."
Red scoffed in disbelief while shaking her head. Somehow she felt the same sentiments she and Jothea shared over the telephone last time. "So, alam mo kung ilang taon na rin ako?"
"Hula ko lang."
"Tsk. Mas matanda ako sa kaniya ng dalawang buwan, okay? At isa pa, alam ko na 'yang mga linyahang ganiyan. Narinig ko na iyan. At hula ko ay magkakagusto ka rin sa akin."
Napapalatak naman ng tawa si Sir Pit. "Ano? Nagpapatawa ka ba? Hindi ngayon ang oras para magpatawa, Miss Red. Nagluluksa ang kaibigan mo."
"Advance ako mag-isip. Paglaon, hahalikan mo rin ako at sasabihin mong matulog ako sa kwarto mo."
Hindi makapaniwalang napabuga ng hininga si Sir Pit. Hindi niya inaasahang ang isang babae ay may ganito kalakas na loob na pagbibintangan siya sa mga bagay na ni minsan ay hindi sumagi sa isipan niya. "Miss Red, masyado ka na yatang maraming nababasang mga libro. Bago pa lang tayong magkakilala, at hindi mo pa nga alam ang tunay kong pagkatao. Hindi mo nanaising mahalikan ng isang tulad ko at madawit sa mga kabalbalan ko sa buhay."
"Hmmm... red flag. Okay. Sabi mo, eh. Mabuti na 'yang malinaw. Huwag mo sanang kainin lahat ng sinabi mo."
Ismid na umalis si Red para puntahan si Jaffnah. Si Sir Pit naman ay pailing-iling habang nakahawak sa kaniyang baba at pinagmamasdan ang matapang na babae. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakaranas nang ganoong komprontasyon. Hindi niya mapigilang mapangisi.
At kahit nang muling makatabi niya si Red sa kotse ay tila ba para siyang nahipnotismo ng mga babala nito at panay ay sulyap niya.
"Kalsada ang tingnan mo, huwag ako, aber," mataray na pasaring ni Red na siyang narinig naman ni Sir Pit.
"Hindi ikaw ang tinitingnan ko kung hindi ang side mirror. Masyado kang malaki. Sumandal ka kaya."
"Ah, gano'n? Kung tumigil ka muna saglit para makababa ako. Doon ako tatabi kay Jaffnah para hindi ako nakakasagabal sa iyo?"
Nagtaingang-kawali naman si Sir Pit at hinawi na lamang si Red para maisandal ito sa upuan. Sinulyapan niya si Jaffnah sa rearview mirror at nakita niyang nakatulala pa rin ito sa bintana. Alas kwatro y media na at siguradong pagdating nila sa mansyon ay umaga na. Alas sais pa naman ng umaga ay nagigising na si Zefarino para puntahan at kumustahin ang mga tanim niyang patatas sa hardin.
Napailing na lamang si Sir Pit at pinilit na itakbo nang matulin ang kotse niya hanggang sa makarating sila sa gate.
"Jaffnah, hindi na kita sasamahan sa loob. Ikaw na ang bahala," wika ni Sir Pit na wari'y kinakabahan din. Alam pa naman niya kung paano magalit ang kaibigan.
"Opo, maraming salamat. Ikaw na po ang bahala sa kaibigan kong si Red."
"Huwag kang mag-alala dahil ihahatid ko siya sa bahay niya."
Nakangiting tumatango si Jaffnah at tsaka sinulyapan ang kaibigan para magpaalam. "Mamimiss kita, Red."
"Makapagsalita naman ito, parang hindi tayo pwedeng mag-usap sa telepono. Don't worry, bibisitahin din kita rito kapag may time ako."
"Maraming salamat, Red." Niyakap ni Jaffnah ang kaibigan bago tuluyang nagpaalam sa dalawa. Madali siyang tumakbo papasok ng mansyon habang unti-unti na ring nagbubukang-liwayway. Nanuot ang kaba sa dibdib niya nang maalala na posibleng makagalitan siyang muli ni Zefarino kapag nalamang nagsinungaling na naman siya at sinuway ito.
"Sana hindi pa siya gising," bulong ng dalaga tsaka hinawakan ang doorknob ng main door. Kagabi pa naman ay pinuntahan siya ng lalaki para yakapin at samahang matulog pero harap-harapan niya rin itong niloko at hindi sinunod. Ano na lang ang naghihintay sa kaniya kapag nalaman nitong lumabas siya? Ito pa naman ang huling chance niya para patunayan na hindi na siya gagawa ng kalokohan.
Maingat niyang ipininid ang pinto at saka dahan-dahang naglakad patungong hagdan. Saktong paakyat na siya nang marinig ang langitngit ng pinto. Nakita niyang nagbukas ang kaniyang kwarto at iniluwa no'n ang nakakunot-noong si Zefarino.
"Saan ka galing, Lereve?"
°°°
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top