Chapter 28: Peace Under The Storm

°°°

A WHIMPER covered the whole mansion that morning. It was so sudden that even Zefarino barged into the writing room to check what happened to Jaffnah. All he saw was the lady on her knees, with her head duck, covered by her arms, non stop crying.

"Pit?! What did you do to Miss Fleurdevuille?! Did you already tell her the news?" Sir Mon shouted.

Zefarino worriedly glanced at Pit and now he can confirm everything. He immediately went to Jaffnah and grabbed the arms of the lady. "Let's get inside your room. Come to me."

Inilagay ni Zefarino ang braso ni Jaffnah sa kaniyang balikat at akmang bubuhatin si Jaffnah nang magsalita ito. "Did you know the news already?"

Hindi nakasagot si Zefarino kaya mas lalong naluluha si Jaffnah. "Alam mo na, ano? B-bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad? Nagpapasarap pa ako sa buhay ko tapos wala na pala sila? Ang kapatid ko? Ayos lang ba siya? Alam niya na ba ito? Of course, hindi niya malalaman. Paano niya malalaman?" Nabasag ang boses ni Jaffnah. Nangangapal na nga rin ito dahil sa hirap ng paghinga. Nanunuot na ang bara sa kaniyang ilong at lalamunan. Maging ang mga mata niya ay sumasakit dahil sa labis na pag-iyak at paghagulgol.

Si Carizza naman ay puno ng pag-aalala sa kaniyang mukha dahil hindi alam ang nangyayari.

"Let's continue the discussion tomorrow, Miss Carizza. And thank you for being here. Mon and Pit will bring you home," stated the man giving them the hint to leave them in the writing room. Napabuntong-hininga naman si Sir Mon at pinili na lang din sundin ang gusto ni Zefarino. Lumabas na ang tatlo at naiwan si Zefarino at Jaffnah sa carpeted floor ng writing room. Napasandal na lang si Zefarino sa pader habang pinakikinggan ang malakas na pag-iyak ni Jaffnah.

"P-paanong namatay si papa? Nakita ko siya noong nasa City of Dreams ako. Si mama? Kailan lang ay magkausap kami... Paano siya namatay? At bakit kasama niya ang lalaking muntik na akong pagsamantalahan? Hindi ko maintindihan..." namamaos na mga tanong ni Jaffnah.

"Pit showed me CCTV footage of your mom when she left the Marova hospital that day when you asked for money. And she grabbed a taxi to Art's apartment for reasons I won't know about. May mga nag-iimbestiga na rin pala kay Art ng mga panahong iyon kaya nakita sa dash cam na nakausap ng mama mo ang lalaki bago siya namatay."

"Then, that man might be the one who killed my mother. Hindi naman basta-basta mamamatay si mama! Wala siyang sakit! At isa pa, masamang tao ang lalaking iyon, hindi ba? Pinatay niya ang asawa niya! Siguradong pinatay niya si mama!"

"That is not what I think it is. Based on the CCTV footage, your mother seemed to be pretty close to that man. The man embraced your mother and even invited her to the apartment but his wife didn't agree. Later on, your mother left."

"Umalis si mama roon? Kung gano'n paano ninyo nalaman na patay na si mama? Saan ninyo nakita? Anong katibayan na wala na siya? Pati si papa? Nakita siya ng dalawang mata ko, Zefarino! Buhay siya! Paanong mamamatay ang mga magulang ko? Ni hindi man lang sila nagpaalam sa akin? Iniwan talaga nila akong mag-isa rito? Paano si Jefferxone? Paano ang kapatid ko?" Hindi pa rin matigil ang mga hikbi ng dalaga. Lalo siyang naguguluhan kahit na lahat ng tanong niya ay sinusubukang sagutin ni Zefarino. Hindi siya makapaniwalang darating ang araw na mawawala sa kaniya ang mga magulang niya nang hindi man lang niya nakakausap.

"Your brother is safe. I told you before that I paid for someone to take care of him and even Siah is visiting him to check on his status. What you need to worry about now is yourself, Lereve."

"How am I supposed to do that?" Patuloy ang pagpatak ng mga luha sa pisngi ng dalaga. Ngayon namamaga na talaga ang mga mata nito at nahahalatang nahihirapan nang makamulat. Maging ang labi ni Jaffnah ay namamaga na rin. "How am I supposed to take this, Zefarino? They're dead. Why do they have to leave me here alone? They should've brought me to wherever they are now... and the fact that I have hated my father for a long time because he left me with so many responsibilities, and I felt resentful towards my mother for lying to me... and now they will be discovered dead. What am I supposed to feel? Literal na nila akong iniwan."

Zefarino, on the other hand, felt the sorrow of the miserable agony of the lady. Somehow, he felt the same sentiments. Although his parents are still alive, knowing they didn't care about him, even after discovering what happened to him, sucks his heart.

Nanatili silang dalawa roon sa loob ng writing room habang pinakikinggan ang malakas na pag-ulahaw ng isa, at ang lihim na mga patak ng luha ng lalaki.

Lumipas ang mga araw na nakikita ni Zefarino na nakatulala lang si Jaffnah. Hindi kumakain o nagsasalita. Batid niyang mabigat pa rin ang dinadala nito at kahit na alukin niyang mag-usap, ay hindi siya nito pinapansin. Gusto sana ni Zefarinong bigyan ng break ang dalaga sa lahat ng bagay, pero hindi niya masabi dahil nga para siyang kumakausap ng hangin. At ang nakakabahala sa lahat ay ang mabilis nitong pagtapos sa chapters ng webtoon niya. Hindi niya inaakalang makakatapos agad ng libro ang dalaga at ngayo'y nagsisimula na sa pangalawang libro habang siya ay nahihirapan pa ring magsulat kasama si Carizza.

"What do you think if we put a bed scene in the first chapter of the book, Zeffy? Magandang pang-hook iyon sa readers. A heavy groan of a male lead with a hard curse."

Napayuko si Zefarino nang matapos niyang tumitig sa writing room nang matagal.

"H-hey! Are you listening?"

Zefarino glanced at the woman now with eyebrows furrowed. "What are you saying again?"

Carizza scoffed in annoyance but decided to hide it. "I said, if you want we should put a hot bed scene on the first page so readers would be hooked."

"A bed scene? Is that even necessary?"

"Yes, of course. All of my best-selling books started that way and people like it."

"But the genre of this collaboration book is mystery-hot romance, meaning it should be more on the side of the mystery. Why should we open a book in that sense? I suggest starting a book with something sensical."

"Ano namang-"

Hindi na natapos ni Carizza ang sasabihin niya nang tumayo si Zefarino. Napatingin siya sa tinititigan nito-si Jaffnah na kalalabas lang ng writing room at naglalakad papunta sa kusina. Sinundan ni Zefarino ang dalaga at hinayaang maiwan si Carizza.

Carizza rolled her eyes in disbelief. "I can't believe I am letting myself into this. They are treating me like garbage. Nakakalimutan ba nila kung sino ako? Ako ang pinakasikat na writer sa Pilipinas sa larangan ng ero, tapos babalewalain lang ako para sa isang pipitsuging babae? I can't take this anymore! Sino ba 'yang Jaffnah na 'yan at parati siyang sinisilip ni Zefarino? Nakakaimbyerna na, ha?!" naiinis na litanya ni Carizza sa kaniyang sarili. Nakatitig siya nang masama sa kusina kung saan naroon si Zefarino at si Jaffnah. Mukhang nagluluto si Jaffnah ng pagkain para sa kanilang lahat. Mas lalong nainis si Carizza.

"Ano bang klaseng babae siya para maitsapuwera ako ni Zefarino?! I have been planning to make this collaboration true in order for him to have some alone time with me and now, this?! Nasisira ang plano ko, dahil sa babaeng iyon! Hindi pwede 'to! I need to do something! Hangga't may umeepal, hindi ko masosolo si Zefarino!"

Natigil ang pagkausap ni Carizza nang lumabas si Zefarino sa kusina. "Miss Carizza, our lunch is ready. Let's eat."

Malambing namang ngumiti si Carizza. "Really? Kasabay na naman ba nating kakain si Miss Jaffnah?" tanong ni Carizza habang naglalakad papunta sa dining room.

"No, she wants to be alone so she'll be in her room to rest for a while."

Kumislap naman ang mga mata ni Carizza. "Ganoon ba? So, tayong dalawa lang ang kakain nang magkasabay?"

"No, I have no appetite. You can go ahead and eat. I'll be in the potato field for a moment and will come back in the afternoon. Feel free to make yourself welcome in the mansion."

Bagsak ang mga balikat ni Carizza nang iwanan din siya ni Zefarino sa dining room. Nayayamot siyang tinapon ang masarap na pagkain sa basurahan na pinaghirapang lutuin ni Jaffnah. "Who wants to eat alone for fucking sake?!"

Carizza brushed her blonde hair and scoffed multiple times out of frustration. She couldn't believe the mistreatment she's experiencing in this house. It feels awful. Natatapakan ang ego niya.

"You pushed me into doing this." Madilim ang mukha ni Carizza nang pumasok siya sa writing room. Agad niyang nakita ang working station ni Jaffnah. The drawing monitor is still on and she saw the panels that Jaffnah exerted her full efforts these past few days.

Gritting her teeth, Carizza deleted everything and made sure to save the file without any content. No, she even deleted the entire thing.

"Let's see how you will handle this. You annoyed the hell out of me," whispered Carizza to herself with a triumphant evil smile on her lips.

"What are you doing?"

Napalingon siya sa nagsalita. Agad namang napangisi si Carizza nang makita si Jaffnah na nakakunot ang noo.

"You guess," mayabang na litanya ni Carizza, bago lumayo sa working station ni Jaffnah. Jaffnah gazed upon her table. Mabilis siyang lumapit sa drawing monitor niya dahil sa kutob na may ginawang kung ano si Carizza sa gamit niya. And she was right, all of her files were deleted, even the book one she was supposed to submit to Sir Mon this weekend.

Bumilis ang paghinga niya at sinubukang hindi muna magalit. She tried retrieving everything but even the recycle bin was empty. Jaffnah bit her lips and stared at the woman standing tall on her side, smirking frantically.

"Did you do this? Binura mo ba ang lahat ng gawa ko?" tanong pa ni Jaffnah na sinusubukang kumalma pero sa naiisip niya pa lang ang lahat ng pagod at hirap na sinakripisyo niya para lang matapos iyon, nauubusan na siya ng pasensya.

"What if I said yes? Anong gagawin mo? Magsusumbong ka kay Zefarino? Sure, go ahead! Magsumbong ka! Sisiguraduhin kong magbaback-out ako sa collaboration na ito at ipaaalam ko sa lahat na wala siyang kwentang manunulat!"

"What did I do to you?" Magkasalubong na ang mga kilay ni Jaffnah. Gusto niyang magalit, sabunutan, sampalin ang babaeng nasa harap niya, pero pinipili niyang kumalma at kimkimin ang lahat. Sa mga ganitong pagkakataon niya kailangan si Red, her confrontational friend. Sa tuwing wala siyang lakas ng loob para lumaban, naroon ang kaibigan niya para ipagtanggol siya.

"What did I do to you? Tinatanong mo pa talaga ako niyan? Since I came here, you have disrespected me. At wala akong pakialam kung nagluluksa ka ngayon dahil sa pagkamatay ng mama mo! Dapat inaasikaso ninyo ako! Bisita ninyo ako, hindi ba? Be professional! I have been exerting my efforts to go back and forth here in this mansion just to do the collaboration but what did you do to me? You have neglected me! I felt left out! Ngayon lang ako nakaranas nito! I can't believe it! Dapat nga lang sa 'yong mamatayan kasi wala kang kwenta!"

Napakurap si Jaffnah. Parang may kung anong matinis na tunog na humugong sa tainga niya nang marinig ang mga salitang iyon. Now, she couldn't hold herself back. Nagngitngit ang mga ngipin ni Jaffnah. Ramdam niya na ang maiinit na dugong pumupunta sa kaniyang ulo at maging ang mga mata niya ay parang nagdidilim sa galit.

"Anong sabi mo?"

"Bingi ka ba? Sinasadya mo sigurong mag-inarte para asikasuhin ka ni Zefarino, ano? Iyan ba ang tactics mo para makuha siya? Magpaawa? At balita ko, kayong dalawa lang ang nakatira dito sa mansyon. Inaakit mo rin ba siya? Nakapagtataka kung bakit ikaw ang pinili niyang maging illustrator, eh, hamak naman na mas maraming magagaling kaysa sa iyo. Ibinigay mo ba ang katawan mo kapalit nitong lahat?"

Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Jaffnah. Nanginginig pa ang kamay niya nang idampi niya iyon sa mukha ng babae kanina. Hindi naman makapaniwala si Carizza na makakatanggap siya ng ganoon kalakas na sampal na halos bumingi sa kaniya.

"Wala kang karapatang kuwestyunin ang kakayahan ko dahil wala kang alam! Lahat ng meron ako ay pinaghirapan ko! Mapapatawad pa kita kung sinadya mong burahin lahat ng gawa ko para sa webtoon ni Zefarino, pero ang pagsalitaan ako ng masasakit at idamay si mama? Ang kapal naman ng mukha mo! Sikat ka, pero hindi iyon lisensya para mangmaliit ka ng ibang tao!"

Jaffnah stormed out from the writing room with tears in her eyes. She ran out of the mansion to the woods where she can cry with no one to witness, but that was her assumption. Zefarino, seating on the potato fields while on his deep conversation with himself, saw Jaffnah with her arms covering her eyes. He immediately got up from his seat, worriedly running after the lady.

"Lereve!" Zefarino keeps on calling her name but Jaffnah was out of her mind to hear them. Hindi niya na nga alam ng dalaga kung gaano na kalayo ang natakbo niya mula sa mansyon para mapunta sa masukal na gubat na nasa likod ng mansyon. It was her first time to see that a forest exists inside the mansion of the famous writer. Hindi na nakapagtataka kung mamaya ay maliligaw siya rito, pero wala na siyang pakialam. Ang mahalaga ay mailabas niya lahat ng sama ng loob niya sa mundo.

Unti-unti nang kumukulimlim ang kalangitan at mukhang dadamayan pa nga ng langit ang kalungkutang nararamdaman ni Jaffnah. Kailan lang nang malaman niyang wala na ang mama niya, ni hindi siya makalabas ng lugar na ito dahil sa takot na baka mangyari ulit ang nangyari sa kaniya sa kamay ni Art kahit pa nasa kulungan na ito. Natatakot siya. At dahil sa labis na kirot na pumipiga sa kaniyang puso, hindi niya na kinaya pang tanungin si Zefarino tungkol sa iba pang mga detalye. Hindi niya kayang malaman.

"Lereve!"

An arm surrounded on her waist. It was late for her to realize that she almost tripped on the rocks. Good thing, Zefarino saved her, if it wasn't for him, for sure, her face would be full of bruises and scratches.

"What happened? Why are you running?" Zefarino anxiously inquired. His eyes were perplexed by how Jaffnah's state at the moment. Hinila niya ang babae para makatayo ito nang maayos bago muling tanungin. "Did something happen between you and Carizza? Tell me, Lereve, what did she do? Why are you crying this way?"

Para bang sa mga tanong ng manunulat, mababakas na mas nasasaktan siya sa nakikita niya. Hindi niya maatim na ang babaeng nasa harap niya ay umiiyak at wala man lang siyang magawa para pahintuin ang mga iyon. Gusto niya ring sisihin ang sarili niya dahil hindi niya naipagtapat sa dalaga nang maayos ang nangyari sa ina nito. He felt guilty for hiding the truth to her for a while. He wanted to solve the case beforehand before confessing all to her.

"W-why..." Tumulo ang luha sa pisngi ng dalaga. "Why did you choose me?"

Kumunot ang noo ni Zefarino.

"You can work with the most expensive and prominent team even in the Chillest Pacific to do your webtoon, why does it have to be me? I messed up your first and last booksigning. I also accused you a murderer in front of everybody. I disrespected you, lied to you, and became your living breathing headache but all you did was return everything with kindness. And now that I don't have anyone else in this world, my parents left me, you are here. Why? Why would you choose a loser to stay here with you? Why are you letting the problem lurk around here? You're a famous person, why would you waste your time on me?"

Zefarino wiped her tired tears. "It is not a waste if it's for my peace of mind."

It was just a pure sentence but that make Jaffnah shed tears even more. She felt miserably sorry for the man in front of him. He has a lot of problems on his own, additionally about his writing career, but still accommodating every problem that she has in this world.

Zefarino placed her head on his chest and embrace her under the pouring rain.

"Why would it be for your peace of mind? It doesn't make sense," she cried.

"It is peace... if you stay like this with someone you adore, Lereve. It is peaceful, even under the storm."

°°°


[MissyForevah: 1 VOTE = 1 SCREAM 🙈🙉 Vote, comment, share this story and help me promote this book to everyone!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top