Chapter 27: Heartbreaking News

°°°

"I just want to know about that dream and why am I killing her? I don't want to ruin my name and be a murderer! That's it!"

THE MAN marched to his room upstairs leaving his manager, editor and illustrator in despair. Napatingin si Pit at Sir Mon sa kawawang dalaga na naroon lang sa pintuan ng writing room habang nakatayo, pinipigilan ang pagluha. Hindi niya alam na mas masasaktan pala siya sa mga salitang iyon ngayong akala niya ay naging malapit na sila sa isa't isa.

Wala lang ba sa lalaki ang lahat ng nangyari? Wala ba 'yong ibig sabihin? 

"Miss Fleurdevuille..." pagtawag ni Sir Mon.

"Tama po si S-sir Zefarino. Ganoon lang naman po ang usapan namin. Bukod sa pagiging webtoon illustrator sa umaga, sa gabi ay tinutulungan ko siyang pasukin ang panaginip niya. Hindi naman po natin mapipilit ang isang tao sa bagay na hindi niya na gustong gawin."

"No, Miss Fleurdevuille, he doesn't know what he's talking about. That's the kind of man he is. He just keeps on blabbing what he doesn't mean. I am sure it is not the only reason. He wants you back because he wanted to write again."

"Sa kaniya na po mismo nanggaling, Sir Mon. Mas mabuti po kung pakinggan na lang natin siya at mag-isip tayo ng paraan para mapatunayan na wala talaga siyang ghostwriter."

"Miss Fleurdevuille, I'm telling you. There's a reason why you're here. Why he sudden showed hims—"

Naputol ang pagsasalita ni Sir Mon nang tapikin ni Pit ang dibdib niya. Napabuntong-hininga na lang si Sir Mon at tinanaw na lamang ang kwarto ng lalaki sa itaas. "I guess we have no choice. I'll call Carizza and we'll accept her proposal for a collaboration. That lady writer has been asking us for that. It's about time to accept her. It will make the issues covered."

Aalma pa sana si Jaffnah nang muling magsalita si Sir Mon. "Tell Zefarino that I'll invite Carizza here. We're leaving now."

Tinapik na lamang ni Pit ang balikat niya at umalis na rin. Ni hindi niya na naitanong ang tungkol sa mga magulang niya.

Bumunot ng malalim na hininga si Jaffnah bago lakas-loob na umakyat sa hagdan. Nagdadalawang-isip kung papasukin ba ang kwarto nito na siyang lugar na pinagsaluhan nila ang masasayang alaala kagabi, pero sa isang iglap, napalitan kaagad ng delubyo.

Kumatok siya sa pinto ng kwarto ni Zefarino kahit nasisilaban ng takot sa dibdib. Lalo na't alam niyang galit ang manunulat.

"Come in," wika ni Zefarino na para bang alam niya na kung sino ang kumakatok dahil sa hina ng pagkatok nito. 

Dahan-dahan namang binuksan ni Jaffnah ang pinto at tsaka siya pumasok. Nakita niya ang manunulat na naglakad papunta sa veranda. Dito niya ito nakita noon nang lumabas din siya sa veranda mula sa kwarto niya nang malaman niyang hindi pala talaga kinailangan ng kapatid niya ang malaking pera. Now, she can see the man in the same situation but in a different reason.

"Sir Zefarino..."

"Sir?" naiinis na tanong ni Zefarino. "Didn't I tell you to not call me 'sir' anymore?"

"B-but you also called me 'Miss Lereve' earlier," tugon ng dalaga. "I told you to call me just by my name."

It feels distant. Both of them. Kagabi lang ay magkalapat sila sa isa't isa, ngayon kahit ilang pulgada lang ang layo nila, parang nasa magkabila silang kalsada.

"Ah," stopped the man. "I see. What is it then? Why are you here?"

Jaffnah mustered up and speak, "Pinapasabi po ni Sir Mon na tatanggapin niya na ang alok ni Carizza sa collaboration ninyo."

Zefarino heaved a deep frustrated sigh. "Without my say, I see."

"To cover the issues."

"I know."

Napansin ni Jaffnah ang lalong pagdilim ng mukha ni Zefarino at para bang nauulinigan niyang ayaw ni Zefarino sa balitang iyon. Pero mas ayaw niya sa kaniyang nararamdaman. She is on the verge of crying, and she nearly wanted to cry but not in front of the man. She is hurting.

"Is there anything else you wanted to say?"

Nangilid ang mga luha sa mga mata ni Jaffnah. Somehow, she realized, since morning she woke up, the man became different from last night. Base sa paraan ng pakikipag-usap sa kaniya ng lalaki, para bang wala lang rito ang lahat ng nangyari sa kanilang dalawa. Kahit na ang mahaba nilang pag-uusap tungkol sa isa't isa, para bang nawalan ng saysay. Lalo lang silang pinaglayo nang akala niyang paraan para maging malapit sila.

"If it's about what happened last night, I wan—"

She cut him off. "Let's forget it. Don't think about unnecessary things and focus on your collab, Sir."

"What do you mean?" Nakakunot-noong tanong ng manunulat.

"It is clear to me that it was a mistake and you don't have to apologize because even I wanted that to happen. Maybe because a lot of things are bugging me too so I needed comfort from you. Don't worry, I'm not the type of woman who would be clingy after something happened between the two of us. I will stay civil just as you prefer and mind my own business. I'll still work on your dream and unravel why you're killing me. So, if you'll excuse me, I'll get back to work now since I have lots to do."

THE NEXT DAY, the famous female author Carizza Vireno visited the mansion. Nakakasilaw ang angkin nitong ganda. Maputi, balingkinitan, matangkad, maganda ang kutis ng balat at maganda rin ang blonde nitong buhok. Naka-black itong dress at stiletto. Mapula din ang lipstick at sopistikada ang dating. Ibang-iba sa lagay ni Jaffnah na nakasimpleng bestida lang na puti at naka-jeans. Nakataas ang buhok at walang kahit na anong make-up sa mukha. Mabuti nga at naisipan niyang huwag magpambahay dahil nakakahiya.

"Zefarino! I am so happy to see you! Sa wakas naman ay pumayag ka na sa collaboration natin!" pagbati ng dalaga tsaka yumakap at humalik sa pisngi ni Zefarino. "You know that I have been asking your manager for years and good thing you finally accepted it! Gusto kong masilayan ang gwapo mong mukha! Mabuti naman ang nagpakita ka na sa madla!"

Nagkatinginan naman si Sir Mon at Pit at parehong sinulyapan si Jaffnah na nakatingin lang sa gilid na mukhang nababagot. On the other hand, Zefarino discreetly wiped his cheek and glanced at Jaffnah. He doesn't know why he felt disturbed by her sudden changes of actions.

"So, ano? Paano ang set-up natin? Should we get into it?" bakas ang excitement sa mukha ni Carizza.

Sir Mon cleared his throat, cutting Zefarino's plan to speak. "I would also like to introduce to you, Miss Carizza, the illustrator of Zefarino's book, 'Dick Brain,' Miss Jaffnah Fleurdevuille."

"Oh, may kasama pala tayong babae rito? I'm sorry, I did not notice her kanina. Anyway, I'm Carizza, but I'm sure you already know me. I bet you secretly read my erotic novels too, don't you?"

"Ahh... h-hi. Hindi ako mahilig magbasa kaya hindi kita kilala."

Napanganga si Carizza sa naging pabalang na sagot sa kaniya ng dalaga. "Oh, I just thought. I'm sorry!"

An awkward silence filled the guest's receiving area. Mabuti na lamang at nagsalita si Pit para paupuin ang bisita.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Zefarino nang makitang aalis si Jaffnah.

"Babalik na po ako sa trabaho ko, Sir Mon, Sir Pit."

"Oh, sige, hija. Mabuti pa nga." Jaffnah walked towards the writing room but before she entered the room she heard Sir Mon's voice. "Oh, ikaw, Zefarino, saan ka pupunta?"

Zefarino glanced at Jaffnah. He let out a deep sigh. "Nothing. Never mind."

Tuluyan nang pumasok si Jaffnah sa writing room at sinubukang bumalik na sa ginagawa na naantala kanina dahil sa pagdating ni Carizza. Napupuno man ng kyuryosidad, alam niyang wala naman siyang karapatan para makiusyoso pa sa collaboration na gagawin nila. Wala naman siyang maiaambag roon. At mas mabuting magtrabaho na lamang.

"Magkaaway na naman ba kayo ni Zefarino?"

Halos mapatalon si Jaffnah sa upuan nang makita si Sir Pit na kapapasok lang sa writing room.

"Sir Pit! Anong ginagawa mo rito? Tapos na ba kayong mag-usap tungkol sa collaboration?" pilit na pag-iiba ni Jaffnah ng usapan.

"Hindi pa, pero hindi pa naman ako kailangan doon dahil editor lang ako. Pagkatapos pa ng libro, ang trabaho ko."

"Kung gano'n, ano pong ginagawa ninyo rito? Hindi po ako matatapos sa trabaho ko kung narito kayo."

Natawa naman si Pit at piniling umupo sa couch malapit sa bintana. "Bakit? Naaabala ba kita? Naaabala ko ba ang pag-iisip mo tungkol kay Zefarino?"

"Ano bang sinasabi mo, Sir Pit? Nangako kang hindi mo na ako aasarin sa kaniya, hindi ba? At saka, hindi ako makakafocus sa pagdo-drawing kung nariyan ka! Bumalik ka na roon kung aasarin mo lang ako!"

"Ano na naman bang pinag-awayan ninyo?" pang-uusisa pa ng lalaki. "Para kayong mag-asawa kung mag-away. Ang lamig masyado! Nararamdaman ko, eh. Kahit ako nahihirapang huminga kapag nagsasagutan kayong dalawa."

"Nagsasagutan? Hindi kami nagsasagutan!"

"Nagsasagutan kayo ng buntong-hininga!"

Natahimik naman ang dalaga. Ngayon niya lang din napansin na kanina pa nga siya bumubuntong-hininga.

"Si Zefarino rin kanina pa bumubuntong-hininga. Para kayong mga sira. Kayo na nga lang ang magkasama rito sa bahay, nag-aaway pa kayo."

"Hindi po kami nag-away."

"Ano lang? Misunderstanding?"

"Hindi po. Wala naman po."

"Nasaktan ka ba dahil sa sinabi niya noong nakaraan kung bakit ka narito? Para tulungan lang siya sa panaginip niya?"

Hindi na naman nakasagot si Jaffnah. "Hayaan mo, tama lang ang ginagawa mo. Iparamdam mo sa kaniya na nasaktan ka, kasi kung palagi lang okay sa iyo ang lahat, at magkukunwari kang wala lang ang ginawa niya sa iyo, hindi siya magbabago. Let him take his own medicine, ika nga." Natatawang sambit ni Pit.

"Bakit ninyo po sinasabi sa akin ito, Sir Pit? Hindi ba't kakampi niya kayo?"

"Oo, kaya nga ginagawa namin ito dahil mahal namin siya. Sinasabi ko sa 'yo ito dahil alam kong nagkakaroon ka na rin ng pakialam sa kaniya. Hindi namin gustong iwanan siya ng lahat dahil sa ugali niya, lalo na ikaw, Jaffnah. Noong dumating ka rito, unang beses naming nakitang ngumiti nang totoo si Zefarino. Napapansin ko ang mga palihim niyang ngisi dahil sa 'yo. Ikaw lang ang naging malapit sa kaniya, Jaffnah, mas malapit kaysa sa amin at sa mga kapatid niya, at hindi namin gustong mapagod ka at umalis. At iwanan si Zefarino. At nakikita kong nagugustuhan mo na rin ang lugar na ito."

Tama si Sir Pit. Pakiramdam ni Jaffnah, ito ang bahay niya. Kaya niyang hindi lumabas ng ilang araw at linggo dahil sa lugar na ito siya mas nagiging malaya. Tahimik, walang iniisip. Nakakalimutan ang lahat ng mga problema. Sa tulong ni Zefarino ay para bang naging magaan ang lahat.

"Kaya huwag mong isipin na iyon lang ang dahilan ni Zefarino. Malihim lang siyang tao, pero lahat ng ginagawa niya ay may dahilan. Mahalaga ka sa amin, Jaffnah, at alam kong mahalaga ka rin kay Zefarino. Huwag ninyo nang patagalin pa ang away ninyo kung meron man."

Mahabang katahimikan ang nanaig sa apat na sulok ng writing room bago muling nagsalita si Sir Pit. "Tungkol nga pala sa mama at papa mo..."

Napaangat ng ulo si Jaffnah. "May balita na kayo sa kanila?"

"Oo, Jaffnah, pero alam kong hindi ka matutuwa sa balitang ito."

"Bakit po?"

"Natuklasan kong matagal nang patay ang papa mo."

Nawalan ng hininga ang baga ni Jaffnah. "A-ano po?"

"At ang mama mo... patay na rin siya."

Mas lalong nanghina ang mga tuhod ni Jaffnah sa narinig. "A-anong ibig ninyo pong sabihing patay na si mama?"

"At ang huling taong nakita na kasama ng mama mo ay si Art, ang waiter sa City of Dreams."

°°°


[MissyForevah: What do you think about this chapter? 🤔 Vote, comment, share this story and help me promote this book to everyone!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top