Chapter 22: Kiss That Heals
°°°
"Kuya Zefarino!" sigaw ni Doctor Zufresiah nang makita ang sasakyan ng kaniyang kapatid na paparating sa mansyon. Mabilis niyang binuksan ang pinto ng driver's seat at nakita niyang mabigat at malalim na ang paghinga ni Zefarino.
"Get her first," utos ni Zefarino na tinutukoy si Jaffnah na nasa backseat.
"Anong nangyari? Sir Pit called me to say that you came out of this mansion!"
"J-just take her inside."
Wala nang nagawa si Zufresiah kung hindi ang sundin ang kaniyang kapatid. Binuksan niya ang pinto ng backseat at binuhat si Jaffnah papasok sa mansyon. Samantalang si Zefarino naman ay pilit na inaabot ang ballpen sa bulsa ng kaniyang trench coat. He pressed it hard and just a moment a syringe appeared. He immediately injected it to his neck before he passed out.
UNTI-UNTING iminulat ni Jaffnah ang kaniyang mga mata at sumalubong sa kaniya ang kisame ng kaniyang kwarto. Dala ang panaginip na napasukan niya kagabi—it is that man who almost raped her. Sa panaginip ay pinapatay ng lalaking iyon ang kaniyang asawa.
"How are you feeling?"
Nabalik siya sa reyalidad nang may magpunas ng butil ng luha sa kaniyang namamagang mata. It was Zefarino, who was scrutinizing her face.
"I still need to observe her, Kuya, so might as well, I'll be using your guest room," sabat naman ng isang babaeng nakasuot ng white coat at stethoscope sa leeg. "She needed someone to talk to after what happened. She experienced a traumatic event. Also, ikaw din."
"Don't mind me. Prioritize her."
Bakas sa manunulat ang labis na pag-aalala at pagsisisi. Kung hindi dahil sa kapabayaan niya, hindi malalagay sa peligro ang buhay ng dalaga. But Jaffnah was oblivious to answer them, in fact, she was staring at his neck. Hinawakan niya ang bakas ng injection sa leeg ng manunulat at naalala niya ang nangyari kagabi.
"T-there were police cars, S-sir Zefarino..." bigkas ng dalaga habang tumutulo ang mga luha sa pisngi. "They are all white, yet you came for me."
Sandaling sumulyap si Zefarino sa kaniyang kapatid at naintindihan naman ni Zufresiah iyon kaya lumabas muna ito. Naiwan si Zefarino na pinakikinggan lamang ang hikbi ng dalagang si Jaffnah. Jaffnah was still trembling in fear but yet all she had on her mind was the fact that Zefarino, despite his phobia, went to her to save her from that evil man.
"That doesn't matter, Miss Lerev—"
"A-are you okay?" tanong ni Jaffnah na para bang walang iniinda.
"I should be the one asking you that."
Jaffnah shook her head. Patuloy ang pag-alpas ng mga luha sa pisngi niya. "I am not okay, S-sir." Her voice cracked.
"Tell me, what should I do for you to—"
Natigilan si Zefarino nang halikan siya ni Jaffnah. It was the last thing he thought she would do. Jaffnah is really kissing his lips like it was the medicine she needs at the moment to completely forget the painful flashbacks of what happened including the nightmare she entered last night.
Parang wala sa sariling bumitiw si Jaffnah sa mapupulang labi ni Zefarino. Nakayuko ang dalaga na para bang ngayon lang napagtanto ang nagawa. "I-I'm s-sorry. H-hindi ko sinasadya."
"Did it help?" Napatunghay si Jaffnah sa tanong ng manunulat. Nagkatagpo ang kanilang mga mata at saka siya nahihiyang tumango.
Zefarino was staring at her like he was staring at her soul. He gulped hard. "Then, we should do it again, but this time longer."
Hindi pa iyon naintindihan agad ni Jaffnah, at akmang magsasalita nang abutin ni Zefarino ang kaniyang mga labi para halikan siyang pabalik. His hands hold her nape and waist while deepening the kiss. It was really passionate, like he was longing for it for a long time. Not the same kiss they shared when they were in the hotel. It wasn't aggressive at all. It was slow and soft.
At napatunayan ni Jaffnah na hindi birong makipaghalikan kay Zefarino dahil hindi ito basta-basta nauubusan ng hininga. Kung wala nga lang tumawag sa telepono ay hindi matatapos ang pagpapalitan nila ng halik.
Mabilis na bumitiw si Zefarino para sagutin ang telepono. "Alright. I'll be there."
"Saan ka pupunta?" tanong ng dalaga nang maibaba na ni Zefarino ang tawag.
"Kay Zufresiah."
"You mean, the lady doctor a while ago?" paninigurado ni Jaffnah.
"Yes."
"Ahhh... o-okay." Napatango na lamang si Jaffnah at umiwas ng tingin.
"How was it?"
"H-huh?" Jaffnah glanced again at that man. "Ang alin?"
"Are you feeling better somehow?"
Agad na namula ang pisngi ni Jaffnah habang muling naaalala ang nangyari. Sa loob ng kwarto niya, nalasap niya ang labi ni Zefarino nang matagal.
"H-ha? O-oo. M-maraming salamat. P-pwede ka nang pumunta sa kapatid mo. Pasensya ka na sa abala."
Matagal siyang tinitigan ng lalaki na para bang binabasa ang isip niya. "Alright." Lumabas na si Zefarino sa kaniyang kwarto samantala, Si Jaffnah naman ay napahiga na lang sa kama.
"What was that, Jaffnah? Why did you kiss him? Are you crazy?" Napasabunot si Jaffnah sa kaniyang buhok na parang baliw habang unti-unting kumukurba ang hindi mapigilang ngiti. She was staring at the ceiling as if it was the sky full of shining stars. Hinipo niya ang kaniyang dibdib. Malakas ang tibok ng kaniyang puso. Hindi niya rin mapigilan ang kamay na dumampi sa kaniyang mga labi habang nararamdaman pa rin ang sensasyon na ipinadama sa kaniya ni Zefarino kanina. Tila ba nakalimutan na ang lahat ng nangyari kahapon.
"This is crazy. You are crazy, Jaffnah."
*****
"How's your sleep?" tanong ni Zefarino sa dalaga saktong makalabas ito sa kwarto. It was six in the morning when Jaffnah woke up and immediately went out of the room to prepare their breakfast. She's still wearing her pajamas but decided to get dressed later after making their meal.
"O-okay naman po," sagot ni Jaffnah. Nahihiya-hiya pa itong tagpuin ang paningin ni Zefarino dahil naaalala niya lang ang nangyari. Now she can feel that something is stirring up inside her and she can confirm it while that man is walking towards her.
"Are you really okay? How was your session with Doctor Zufresiah?"
"O-okay din naman po, Sir Zefarino. Magaling po ang kapatid ninyo."
Nagulat naman si Jaffnah nang tumawa ito. "Stupid. I am not asking about her. Of course, I know how good my sister is. I am asking about you. If you're still feeling unwell, I can still give you the medicine you want."
"M-medicine?"
Napanganga si Jaffnah tsaka napatakip sa bibig. Umiiling-iling pa siya. "A-ayos na po ako, Sir! Magluluto na po ako!" Tumakbo si Jaffnah pababa ng hagdan habang tinatakpan ang buong mukha dahil ayaw niyang makita ni Zefarino ang namumula niyang pisngi.
Paano ba naman kasi? Isa na namang wet dreams ang napasukan niya kagabi at sa pagkakataong iyon. Nakita niya na ang lahat.
"Why would he say that?" tanong ni Jaffnah sa kaniyang sarili. "Does it mean he wanted us to kiss again? What the hell?"
*****
"Art Saguila was questioned by the police that night he was arrested and based on their follow up investigations, it was confirmed, he killed his wife," balita ni Sir Mon. Bumunot naman ng buntong-hininga si Zefarino habang nakikinig. Nasa may sala sila at doon nag-uusap. Naroon din si Sir Pit na kanina pa humihingi ng tawad kay Jaffnah.
"A crime of passion," komento naman ni Zefarino.
"Crime of Passion?" sabat ni Jaffnah.
"Yes, a crime that is motivated by jealousy. A response to a real or perceived infidelity," paliwanag ng manunulat. Naalala naman ni Jaffnah ang isa sa mga kasong nilutas ni Dick Brain. Isang klase ng pagpatay dahil nakita nitong nakikipagtalik ang asawa sa iba.
"And that night, police discovered in his car an amount of drugs including opium and propofol. We already filed a complaint for attempted sexual violence, and what they found out, Miss Lereve is not the first woman to experience this against him."
"Sinigurado naming mapagbabayaran niya ang ginawa niya kay Jaffnah," sambit naman ni Sir Pit. "Pasensya ka na talaga, Jaffnah, kung nagpatay-malisya ako sandali. I needed to do that to buy time."
"Good thing, Rioh was given a heads up, kaya naman mabilis ding nasundan ng mga pulis ang Art na 'yon."
"Sino po si Rioh?" tanong ni Jaffnah.
"Zefarino's brother, Zifevorioh. He is the chief of police here in this town."
Namangha si Jaffnah sa narinig. Ilan ba ang kapatid ni Sir Zefarino? Lahat may posisyon at propesyonal.
"Anyway, how are you, hija? I actually visited here to check on you," saad ni Sir Mon.
"O-okay naman po ako. Malaki po ang naitulong sa akin ni Doctor Zufresiah dahil sa mga session namin. Kaaalis lang po niya kanina at bibisitahin na lang daw po ako sa isang linggo."
"Mabuti naman kung ganoon. I am glad that you're recovering swiftly, but still take your time. Sandali kong pinostpone ang announcement ng webtoon ni Zefarino, but surely at the end of the week, we will officially announce it so next month, we can drop the initial chapters."
"Naiintindihan ko po. Maraming salamat po sa inyong lahat."
"Maraming salamat din dahil kung hindi dahil sa 'yo, baka hindi natin nahuli ang salarin. It is really relevant to Zefarino's situation now."
Napakunot naman ang noo ni Jaffnah. "Po? Bakit? Ano pong meron kay Sir Zefarino?"
"Nothing," mabilis na sagot ni Zefarino. "Don't mind them." Tumayo na ito kaya naman nagpaalam na rin si Sir Mon at Sir Pit kay Jaffnah.
"Babalitaan na lang kita tungkol sa mama at papa mo," sambit ni Sir Pit habang nasa main entrance sila. Si Sir Mon ay nauna na sa kotse at naiwan lang sandali si Sir Pit.
Bigla namang may naalala si Jaffnah. "Ah, Sir Pit! Noong nasa City of Dreams tayo, n-nakita ko si papa."
"Nakita mo? Sigurado ka? Paanong—" Natigilan si Sir Pit at saka tinitigan ang dalaga. "Sigurado ka ba na nakita mo ang papa mo?"
"Opo, Sir Pit. Hahabulin ko na sana siya kaso bigla siyang nawala sa paningin ko. Hindi ko pa ito nababanggit kay Sir Zefarino dahil ngayon ko lang naalala. Baka kapag sinubukan ninyong hanapin siya sa malapit sa lugar na iyon, makita ninyo si papa."
Huminga naman ng malalim si Sir Pit tsaka tinapik ang balikat ng dalaga. "Sige, gagawin ko ang lahat para hanapin ang papa mo. Huwag ka nang masyadong mag-isip lalo na sa gabi para hindi ka na rin masyadong nagpapabili sa akin ng sleeping pills."
Sir Pit even caressed her head before bidding goodbye, and she was about to enter the mansion when she saw Zefarino now standing straight in front of him, wearing a confused look.
"You've been taking sleeping pills, since when, Miss Lereve?" tanong nito sa baritonong boses. Agad na tumayo ang balahibo ni Jaffnah. Para na naman siyang mapapagalitan ngayong gabi.
"Ahh... S-since the night you get mad at me for not sleeping early, Sir," natatakot na sagot ni Jaffnah habang kinakalikot ang mga kamay. Sinusubukan niya pang umiwas ng tingin sa lalaki pero nahuli na nito ang mga mata niya. "Noong ginising kita at naputol ko ang panaginip mo. Nagpabili na ako kay Sir Pit kinabukasan."
Jaffnah shyly tucked her hair behind her ear before she tried to walk on the stairs but Zefarino grabbed her arm making her face herself to him. "And you have been suffering insomnia since then?"
Nahihiyang tumango si Jaffnah. "O-opo."
"Why didn't you tell me?"
Jaffnah scratched her head and answered, "B-because I don't want you to think that I'm incompetent employee. I'm trying my best to sleep at the same time you sleep, that's why I'm taking sleeping pills. But there's nothing to worry about, umeeffect naman kaagad at nakakatulog ako."
A deep sigh escaped from Zefarino's lips. He couldn't comprehend what he's hearing. "But eventually your body will be resistant to it. Later on, you will be needing higher doses to get the same effects, Miss Lereve. Hindi mo ba iyon naisip? Pagagalitan ko si Pit at pagbabawalan na bilhan ka niyan." Tumalikod ito para pumunta sa may telepono pero pinigilan siya ng dalaga.
"B-but, Sir! If you did that, paano pa ako makakatulog?"
"See? You're being dependent on sleeping pills! You're destroying your body!" Hindi na napigilan ni Zefarino na sumigaw sa pag-aalala. "You're a living breathing headache to me, Miss Lereve! Pakiramdam ko, mayroon talaga akong anak na matigas ang ulo!"
"A-anak?" Napaatras naman at natigilan si Jaffnah. Hindi niya alam bakit nakaramdam siya ng kirot sa kaniyang puso nang marinig iyon. "Is that really what you think of me?
"Is that why you're taking care of me because you see me as your child? It doesn't make sense at all!" dagdag pa ng dalaga. Hindi siya makapaniwalang ganoon ang tingin sa kaniya ng manunulat. Noong una, matatanggap niya pa, pero ngayon? Pagkatapos nilang maghalikan noon, anak ang tingin nito sa kaniya? How stupid to think that is?! Kailan lang ay sinabi nito sa kaniya na hindi siya tanga para pumasok sa incest relationship, pero ano 'to? Jaffnah couldn't understand!
"If it's not, then what else might it be?" inosenteng tanong naman pabalik ni Zefarino na nagpasinghap sa dalaga. "Besides being my employee, what else might it be why I'm letting you stay in?"
Napabuga na lang ang dalaga. "Of course! Bakit nga ba ako mag-iisip ng iba pa? Noong natulog nga tayong magkasama sa hotel ay wala naman sa iyo! Ako lang naman ang nagbibigay ng kahulugan! Kasi ako ang may ginagawa!"
"That is what I actually wanted to say..."
Napakunot naman ang noo ni Jaffnah. "What do you mean?!"
"Come to my room."
Tila ba nagpanting ang tainga ni Jaffnah sa narinig at lalong naguluhan. Hindi niya alam kung inosente lang ba ang lalaki o totoong wala itong kaamor-amor sa pag-ibig. Dahil nararamdaman niya nang may pagkamanhid ito pagdating sa mga ganitong bagay. At hindi niya maintindihan kung bakit naiinis siyang magpaliwanag.
"Bakit ako pupunta sa kwarto mo?"
"We'll sleep together."
Jaffnah was losing nuts while talking to that man. Kumpirmado. Pagdating sa ganito ay wala itong alam. Hindi alam ni Jaffnah kung maaawa ba siya sa lalaki. At hindi niya rin alam, bakit napapayag siya nito.
°°°
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top