Chapter 21: Flashbacks of Past
°°°
"Any familiar guy?" tanong ni Zefarino na hindi sinagot ni Jaffnah dahil masyado itong abala sa paglilipat ng pahina habang masinsinang tinitingnan ang mga mukha ng nasa listahan. Nakaalis na si Sir Pit, pero narito pa rin si Jaffnah sa writing room at matiyaga naman siyang hinintay ni Zefarino.
Umiling si Jaffnah.
Zefarino heaved a sigh and it seemed like he's losing hope. "Then stop flipping the pages over and over again."
"Eh, kaysa naman sumama ako kay Sir Pit? I don't want to go there, Sir Zefarino! Lahat gagawin ko para sa 'yo, pero huwag naman ito! Katulad ng sinabi mo, that man gave that drink to me. May balak siyang gawin sa akin at kahit mag-disguise ako, sigurado akong makikilala niya ako! Pwede bang bawiin mo na ang sinabi mo?"
"Give me a reason why I should take it back."
Bumagsak naman ang balikat ni Jaffnah. "Fine! Fine! Kung saan mo ako mapakikinabangan, sige! Sana lang ay walang mangyaring masama sa akin."
"Nothing will happen to you as long as I'm around."
ABALA si Jaffnah sa pagkuha ng orders sa guests nang mapansin niya sa kabilang table na nakatingin sa kaniya ang isang lalaki. Nagte-take din ito ng orders sa ibang guests pero habang nagsusulat ito ay nakatitig ito sa kaniya.
With a smile, Jaffnah left that table to give the orders to the kitchen. She was about to leave the place when a man blocked her. It was that man.
"Hi, Miss?" Tiningnan nito ang nameplate na nasa dibdib ng dalaga. "Reeve. Nice name." Pinagmasdan din ni Jaffnah ang pangalan ng lalaki—Art. Malaki itong tao at kasingtangkaran nga ni Arion Lamusca. Malalim ang boses at base sa paghawak nito ng ballpen kanina, left-handed ito. Siya na nga ang taong hinahanap nila na nag-serve ng red wine na may opium sa kaniya.
"Hello!" nakangiting wika ni Jaffnah habang ikinukubli ang takot. Idagdag pa ang nakakapanindig balahibong ngisi ng lalaki.
"You know what, you're so familiar. Nagkita na ba tayo before?"
Ibig sabihin, hindi siya namumukhaan ng lalaki.
Umiling ang dalaga. "I'm not sure. Hindi kasi ako nakikipag-one night stand." Jaffnah didn't know where she picked up those words. It was as if she became flirty as a coping mechanism. She is hiding her trembling hand under her short apron. Nasaan na ba si Sir Pit?
The man in his late 20s chuckled fantastically. "I like your attitude. Mukhang magkakasundo tayo. Are you free tonight? I might change your mind because we won't be standing at all." He winked.
Tinitigan ni Jaffnah ang mga mata ng lalaki. If she can kill him with stares, the man would be no longer alive now, but she chose to fake her smiles at magpatay-malisya para sabayan ang trip ng lalaki. Kahit halos tumayo na lahat ng balahibo niya sa pagkasulasok ay pinilit niyang pakalmahin ang sarili. "Pag-iisipan ko. Pakipot ako, eh," malandi pang tugon ni Jaffnah na ikinangising lalo ng lalaki.
"The harder to get, the tastier it is. Sabay tayo ng lunch mamaya, Miss Reeve." Hinawakan nitong sandali ang baywang ng babae bago tuluyang pumasok sa kusina. Jaffnah, on the other hand, was pale and furious. Nanginginig ang mga kamay niya, maging ang ngipin dahil sa galit. She doesn't want to feel this way. She hates it. Ang ayaw niya sa lahat ay ang binabastos siya. Siguro nga malaking pagkakamali na sinasabayan niya pa ito, pero anong magagawa niya? Kailangan niyang gawin iyon lalo pa ngayong nawawala sa paningin niya si Sir Pit.
Sinubukan niyang patatagin ang sariling loob. She doesn't want to make a scene dahil baka lalong makatimbre ang lalaki tungkol sa plano nila kaya naman pinili na lamang ni Jaffnah na hintayin ang lunch time para mahanap na si Sir Pit.
It was past one in the afternoon, when she went down to the back office, using the staff's elevator. Nasa ground floor kasi ang canteen kung saan libre ang lahat ng pagkain para sa mga employees. Inisip niyang baka makita niya na roon si Sir Pit. At tama nga siya, Jaffnah saw the editor who just came into the cafeteria. Lalapitan niya na sana ito nang muli ay may kumabig sa baywang niya.
"Hey, hinahanap mo ba ako?" tanong ni Art. Jaffnah's eyes widened, but Sir Pit just averted his gaze, kaya naman mas lalong ikinabahala ni Jaffnah ang nangyayari. Natangay na siya ni Art sa table kung saan naroon na rin ang pagkain niya. "Akala ko, hindi tayo magkakasabay kasi bigla kang nawala kanina. Good thing I saw you here. Ano? Tuloy ba tayo mamaya?"
Inilagay ng lalaki ang kamay sa sandalan ng upuan ni Jaffnah. Para tuloy itong nakaakbay sa kaniya. "H-ha? Ano kasi..." Patuloy na tinititigan ni Jaffnah si Sir Pit, pero nagpapatay-malisya lang ito. Hindi niya maintindihan.
Napansin niyang pinagtitinginan siya ng ibang employee. Malalakas din ang mga bulungan ng mga ito. "Wow, Art! Pinopormahan mo na agad 'yong trainee! Kahihiwalay mo lang sa asawa mo, ah!" sigaw ng isang matandang lalaki na naka-chef uniform.
"Gago! Bawal ba? Ganoon talaga kapag binata na ulit! Palibhasa sa 'yo, walang nagkakagusto!"
"Naku, hija, mag-ingat ka d'yan! Baka buntisin ka lang niyan!"
Gustong mainis ni Jaffnah dahil tila ba pinapako ni Sir Pit ang pangako niyang hindi siya nito pababayaan, pero anong ginagawa niya? Hinahayaan lamang siya nitong mapag-usapan ng ibang empleyado. Kapag nakalabas siya rito, sigurado siyang isusumbong niya ito kay Zefarino.
The shift ends and Jaffnah was about to confront Sir Pit when she couldn't find him. Ang usapan din kasi nila kanina ay magkikita sila sa exit, pero wala ni anino nito.
"Ano na bang nangyayari? Iniwan niya na ba ako rito? Nakakainis naman!" bulong ni Jaffnah sa kaniyang isipan. Magkasalubong na ang kaniyang kilay sa sobrang pagkayamot. Ipinagpilitan niya na lang sana na hindi siya sumama kung iiwan lang din siya sa ere. Paano na siya uuwi ngayon? She couldn't help but shed tears in frustration.
Lumabas na lang siya sa hotel para mag-isang umuwi. It was past eight in the evening and she's outside looking for a cab to take her to the mansion. Kung pwede nga lang kay Red na lang siya umuwi dahil sa sama ng loob. She was walking at the pavement when she saw the view she once sketched on Zefarino's notebook—ang tinutukoy niyang itlog at mga sticks, ngayon ay nakikita niya nang personal. Kagayang-kagaya ng lugar na nakita niya sa panaginip ni Zefarino. It was that place, she can confirm.
Nagsitayuan naman ang balahibo niya lalo nang ipasada niya ang kaniyang paningin sa kalsada. There was also a traffic light nearby. Mabilis siyang tumakbo papunta roon katulad ng ginawa niya sa panaginip ni Zefarino.
"Ito nga, ito ang lugar kung saan nangyari ang aksidente sa panaginip ni Sir Zefarino," wika ni Jaffnah sa kaniyang sarili habang nakatitig sa may intersection. Ilang segundo pa siyang nakatingin sa lugar hanggang sa may makita siyang pamilyar na lalaki.
"P-papa?" bulalas ni Jaffnah habang sinusubukang sundan ng paningin ang matandang lalaking iyon. Mabilis siyang kumilos para habulin ito. Tumawid siya sa pedestrian lane habang sumisigaw. Tila ba nakalimutan niya lahat ng poot para sa kaniyang ama dahil sa pagkakataong iyon, gusto niya lang mayakap ito.
Pero sumalo na ang lalaki sa daloy ng tao at hindi niya na nakita.
"Miss Reeve!" sigaw ng isang lalaki na papalapit kay Jaffnah. It was Art looking so worried about her. "Are you okay?"
Hindi nakasagot si Jaffnah sa halip ay umiyak sa harap ng lalaki. Binigyan naman siya nito ng panyo. But that handkerchief, when she was about to wipe it on her eyes, she smelled something that immediately put her on black out.
*****
"I knew it! You were that lady I saw on the awarding night!"
NAGISING si Jaffnah sa malakas na halakhak ng isang lalaki. She was in a car, on the backseat, with her hands and feet tied. She forced herself to look at the man who's driving and it was confirmed, it was Art.
"I guess you came to investigate me, don't you?" Sinulyapan ni Art si Jaffnah at napangisi na lang ito na parang demonyo nang makitang gising na ang babae. "Your friend, Fifth, that guy, I locked him in the sleeping quarters. Kanina pa masama ang tingin sa akin ng taong 'yon, eh. Pasensyahan na lang, hindi ninyo ako maiisahan."
Kahit gustuhing sumagot ni Jaffnah, hindi niya magawa dahil may tape sa bibig niya. Hindi niya rin ito matanggal dahil ang kamay niya ay nakatali sa likod.
"You were giving motives, so I guess this is consensual."
Umakyat ang kaba sa dibdib ni Jaffnah. Hindi niya inakalang mapupunta siya sa ganitong sitwasyon. Ang buo niyang pagkatao ay nanginginig sa takot lalo na at ang nakikita niya lang sa paligid ay kadiliman. Walang buwan, walang bituin. At tila ba parang nasa liblib silang lugar.
Is this really her end?
Biglang huminto ang sasakyan. Kasunod ay ang pagbukas ng pinto sa backseat. Naroon si Art habang nakangisi sa kaniya at pinagpapantasyahan ang kalagayan niya. "I told you, we won't be standing at all."
Pinunit ng lalaki ang stockings na suot niya tsaka ito hinila. Now, the man can see her flawless legs. The man touched her and with that, she felt tears streamed down her face. Napapikit na lang siya habang naiisip na mararanasan niya ngayon ang ikinatatakot niya.
Lumakas ang hikbi ni Jaffnah at nag-flashback sa kaniya lahat ng mga masasakit na nangyari sa kaniya sa buong buhay niya. The sudden disappearance of her father, the hospitalization of her brother, the lying of her mother, getting lost her job twice, and now being here in this car because the writer told her to do this impeccable thing she didn't imagine would take her to this.
But what hurts the most is how can he look at his brother's face after this?
She admits defeat but before Art could do the next thing he wants, someone aggressively grabbed his nape, closed the door, and pinned his head to the car. Kasunod ay ang ingay at ang ilaw sa paligid na nagmumula sa police car. Pinosasan ng mga ito ang lalaking naglalaban pa at tila ba parang hindi maintindihan kung paano siya nahuli ng mga ito.
Nagbukas ang pinto at sumalubong sa paningin ng dalaga ang mukha ng manunulat. "Miss Lereve, I'm sorry for being late." Tinanggal ni Zefarino ang tape sa bibig ni Jaffnah, kasunod ay ang pag-alis ng mga tali sa kamay at sa paa nito.
"S-sir Zefarino..."
"I know. This is my fault. Let's go home."
Binuhat siya ng lalaki. Napayakap na lang si Jaffnah at tuluyan nang nawalan ng malay sa mga bisig ni Zefarino.
°°°
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top