Chapter 20: Secret Operation
°°°
"Now what?" tanong ni Jaffnah kay Zefarino nang masaksihan niyang nakatulog na ang kaniyang kaibigan na si Red sa sala.
"You go check. Do you want me to touch your friend?"
"Sabi ko nga, ako na!" Nilapitan na ni Jaffnah ang kaibigan para i-check ito. "Why am I even doing this? Sigurado naman akong wala 'tong gagawing masama sa atin."
"Prevention is better than cure, Miss Lereve." Pinanood lang siya ni Zefarino habang kinakapkapan ang kaibigan. She also checked the bags that her friend brought her and just like what she thought, wala namang kahit na anong kahina-hinala.
"Stop now, Miss Lereve," bigkas ni Zefarino na ngayon ay nakaupo na sa harapang sofa. "She's about to wake up."
Mabilis namang kumilos si Jaffnah at napaupo sa tabi ni Zefarino. Saktong gising naman ni Red at napatingin sa kanilang dalawa.
"Jaffnah? Why are you holding his hand?!" agresibong tanong ni Red. Nagulat naman din si Jaffnah sa kamay niyang nakakapit pala sa kamay ni Zefarino at mabilis niya naman iyong tinanggal.
"H-ha? W-wala. M-may lamok kasi kaya binigay ko lang sa kaniya."
"Ano?!" Hindi kumbinsido nitong tanong. At magsasalita pa sana nang sumabat nang muli ang natatarantang si Jaffnah. "Ahhh, R-red, nasaan 'yong pictures nila mama? Dala mo ba?"
"Yes, of course! Teka, nakatulog ba ako kanina? Bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko?"
Nagkatinginan naman si Zefarino at Jaffnah. "Nakaidlip lang, baka dahil sa pagod sa layo ng nilakad mo. Nasaan na 'yong picture?" pag-iibang muli ni Jaffnah ng usapan.
"Here." Inilabas ni Red ang isang maliit na sobre kung saan naroon ang larawan ng mama at papa ni Jaffnah. "Are you sure this man will help you to find your mom, Jaff?"
"Oo, tama ka sa sinabi mo noon. Tutulungan ako ni Sir Zefarino na hanapin si mama at si papa."
Tumango-tango naman si Red. "Which is a good thing. Kahit gustuhin man nating ipahanap sa mga pulis ang mama at papa mo, wala tayong gaanong kapangyarihan para gawin iyon. Unlike him, he's a famous writer, I'm sure he has connections... and the money."
"Rest assured that we'll sort things out and immediately locate their whereabouts. It is very essential to the case we're trying to solve," komento naman ni Zefarino.
Seryosong tinitigan ni Red ang lalaki—"Good to hear that,"—tsaka sinulyapan si Jaffnah at ngumiti. "Wala na naman siguro akong nakalimutan? Aalis na ako. Maaga pa ang pasok ko mamaya." Tumayo na si Red.
"Already?" pagpalag pa ni Jaffnah. "But I told you, ipinagluto kita. Tsaka hindi pa tayo masyadong nagkakausap. Hindi mo ba ako na-miss?"
Natawa naman si Red tsaka lumapit sa tainga ni Jaffnah tsaka bumulong. "Even if I wanted to stay, the way he gazes is kinda creepy. Mas nakakatakot siya sa personal kaysa sa sketch mo."
Sinulyapan naman ni Jaffnah si Zefarino sandali. "Ganun? Kung aalis ka na, ipagbabalot na lang kita ng pagkain mo para naman hindi ka na mamroblema sa kakainin mo mamayang hapunan kapag nag-duty ka na sa work mo."
Hindi na hinintay ni Jaffnah ang sagot ng kaniyang kaibigan at nagmadali nang pumunta sa kusina para kumuha ng pagkain. Naiwan naman sa sala si Red kasama si Zefarino.
Red cleared her throat as she spoke towards the writer, "Take care of my friend. Protect her at all costs."
"I will." Napangiti naman ang dalaga at parang dahil sa sagot ni Zefarino ay may nakumpirma siya.
"I hope you don't do what you did to her in your dreams, if it is a premonition."
Malalim namang buntong-hininga ang pinakawalan ni Zefarino bilang sagot.
"She's the only one I have in this world, and I'm letting her here because it is what she wants despite the danger. I hope you're getting what I mean." Napakagat sa labi si Red habang pinipigilan ang luha sa mga mata. Labis-labis pa rin ang pag-aalala niya sa kaniyang kaibigan, pero dahil nakita niya na at nabisita ang lugar kung saan naninirahan si Jaffnah, kahit papaano ay nakaramdam siya ng ginhawa. Seeing her bestfriend looks fine in this place, somewhat lessens her worries.
Magsasalita pa sana si Zefarino nang bumalik nang muli si Jaffnah na may dalang paperbags para sa kaniyang kaibigan.
"Ang dami naman, Jaff!" hirit ni Red.
"Syempre! Ipinagbalot na rin kita ng patatas para makapagprito ka ng fries. Ang dami kasing patatas doon sa likuran. Si Sir Zefarino ang nagtatanim. Kami-kami lang ang nakikinabang."
"Does he even know you're giving these to me?"
"Okay lang 'yan! This is one of my privileges here as I am his cook. 'Di ba, Sir?"
Nagkibit-balikat naman si Zefarino tsaka sumagot. "You do what you please."
"See? He spoiled me here! He sees me as his child!"
Natawa naman si Red. "His child? Who are you fooling?" At parang hindi kumbinsido. "But I'm glad to see you enjoying yourself here. Basta kapag inaway ka, sabihan mo lang ako kasi susugod ako rito para ipagtanggol ka."
Tuluyan nang nagpaalam si Red, pero bago siya makalabas ay nakabangga niya si Sir Pit na papasok din sa main entrance at hindi nakaiwas sa dalaga. Napanood nila Jaffnah at Zefarino ang sandaling pag-uusap ng dalawa bago tuluyang umalis si Red sa mansyon.
"Kaibigan mo iyon?" tanong ni Sir Pit nang makalapit na siya kay Jaffnah.
"Opo, Sir Pit. Siya si Red. Dinala niya 'yong pictures ng mga magulang ko kasi nire-request ni Sir Zefarino."
"Speaking of that, kaya ako narito ay para kuhanin ang mga iyon. Zef called me to ask for that favor." Umupo siya sa couch katapat si Zefarino at akmang iinom ng tubig nang pigilan niya ang sarili niya. "No, I won't be a victim anymore. Pwede mo ba akong kuhanan ng bagong tubig, Jaffnah?"
"Opo, Sir Pit." Muling bumalik sa kusina si Jaffnah para kumuha ng isang basong tubig para sa editor. Mukhang alam na nito ang tungkol sa tubig na may nakahalong pampatulog kaya hindi iyon ang ininom niya. Sandali lang ay nakabalik na siya at naabutan niyang nag-uusap si Zefarino at Sir Pit.
"I'll make sure, I'll find her parents as soon as possible. Also, about the waiter, I told the manager what really happened to Zefarino that night, kaya naman nakipagtulungan sila sa atin since they don't want their hotel to have a bad reputation. I checked their CCTV footage that night, but sadly, the folder was deleted."
"Ask Zofrah to revive it. I'm sure he can find a way to access it," sagot ni Zefarino.
"S-sino po si Zofrah?" sabat na tanong ni Jaffnah.
"My younger brother."
"Hacker ang kapatid niya." Napansinghap si Jaffnah. Noong nakaraan ay nakilala niya si Zafira. Nabanggit din ni Sir Pit ang tungkol sa doctor na si Zufresiah, pero hindi niya ito nakita. Ngayon naman ay si Zofrah na hacker. Ilan ba ang kapatid ni Sir Zefarino?
"A pro hacker, Jaffnah," dagdag pa ni Sir Pit na sandaling tumingin sa kaniya bago muling bumaling ng lingon kay Zefarino. "Hindi sumasagot sa tawag ko ang kapatid mo, kaya hindi ako makahingi ng tulong sa kaniya. Kay gumawa ako ng paraan, I asked the hotel manager to provide me with a list of the employees who have duty that night. Baka sakaling mamukhaan ni Jaffnah."
"But I told you she didn't see his face."
"I know, that's why I already segregated those names who already got married. Nag-ikot-kot din ako para kumalap ng impormasyon kung may bagong hiwalay ba."
"Hindi po ba kayo magiging suspicious no'n?" Inilapag ni Jaffnah ang coaster at ang baso ng malamig na tubig sa tapat ni Sir Pit tsaka niya tiningnan ang folder kung saan naroon ang list ng mga empleyado. Zefarino lets her check that while Sir Pit is quenching his thirst.
"No, because I disguised myself as an on-call employee." The editor winked.
"P-po?"
Natawa naman si Pit sa naging reaksyon ng dalaga. "We always do this, Jaffnah. Lalo na kapag may bagong character sa book ni Zefarino. Nagvovolunteer kami kung saan-saan para ma-experience onhand ang background ng character, para may maisulat si Zefarino."
"Pero sabi ninyo purong panaginip lang ang nasa libro ni Sir Zefarino?"
"Yes, but I still need to describe the setting, Miss Lereve. I need to have the knowledge of what I am writing," singit naman ni Zefarino.
"Hindi po ba delikado ang ginagawa ninyo, Sir Pit? Paano kung makahalata sila? Isa pa, ang pinag-uusapan natin ay 'yong waiter na naglagay ng opium sa red wine na dapat ay iinumin ko. Paano kung may masama siyang gawin kapag natuklasan niya na naroon ka at nagmamanman?" nag-aalalang tanong ni Jaffnah.
"Taong kulungan na ako noon. Wala nang delikado sa akin."
Jaffnah glanced at the writer unconvinced. "And you're letting him do that, Sir?"
"Kung gusto mo, ikaw na ang gumawa."
*****
NAKABUSANGOT ang mukha ni Jaffnah habang nakatingin sa mansyon. Hindi siya makapaniwalang ngayong araw na ito ay pupunta siya sa City of Dreams kasama si Sir Pit para mag-disguise at ilagay sa peligro ang mga buhay nila.
"Don't worry, kasama mo naman ako. At isa pa, mas masisiguro natin kung siya talaga ang hinahanap natin kung sasama ka dahil alam mo ang boses niya, hindi ba? Halika na sa loob ng kotse."
"Bakit kasi nangialam pa ako?" nagsisising tanong ni Jaffnah habang padabog na pumapasok sa itim na kotse ni Sir Pit. Tama nga si Sir Zefarino, parang bata si Jaffnah kung magmaktol. "Hindi kaya, kaya siya mabait sa akin ay may ganito na siyang pinaplano? Balak niya na talagang gawin akong pain sa lalaking iyon?"
"Hindi totoo 'yan, Jaffnah, pero knowing him, baka nga."
Jaffnah sucked her teeth in despair. "O baka pinagtitripan niya ako? Nag-aalala lang naman ako sa 'yo, Sir Pit, pero bakit kailangan akong idamay?" Kinakabahan siya sa gagawin nila. Lalo pa't aware siya na ang lalaking sasagupain nila ay kursunada siyang gawan ng masama noong awarding night.
"Ayaw niya kasi ng makulit."
Napasapo na lang sa noo si Jaffnah. "Bakit hindi siya sumama sa atin? Dapat kasama siya para patas."
Napangiti naman si Pit habang nagmamaneho. "He limits exposing himself to the public. Alam mo na rin naman ang phobia niya. Mamaya ay maging sagabal pa siya sa atin."
"Tsk. Pasalamat siya..." Masunurin na ako ngayon.
Ilang sandali ang lumipas at nakarating na sila sa City of Dreams. Dumeretso naman sila sa opisina ng Manager na si Nox.
"Fifth, ikaw pala 'yan. May kasama ka?" tanong ni Manager Nox habang nakatingin kay Jaffnah. Nagtaka pa sandali si Jaffnah sa pangalang itinawag nito kay Sir Pit, pero naalala niya ang ibinigay ni Sir Pit na ID kanina habang nasa kotse sila. They got fake IDs.
"Yes, si Reeve," pagpapakilala naman ni Sir Pit kay Jaffnah. "Tutulungan niya rin ako para hindi naman kami ganoong makaabala sa operation ng hotel. May experience naman siya sa pagse-serve ng guests sa F&B kaya pwede siyang ma-assign sa restaurant."
"I see." Ngumiti ito kay Jaffnah pero kababakasan ng pag-aalinlangan. "I am really sorry about what happened. I will do everything to help you just to prevent this to the public and to the police. I also want you to capture the man already so he won't be able to stain our reputation. We already have a lot of competitors. This will lead to a big loss if the issue is not handled right."
"Huwag kayong mag-alala dahil narito lang kami para mag-imbestiga. Iyon lang naman ang utos sa akin at pangakong hindi kami manggugulo."
"Thank you. Sige na, magpalita na kayo. I will introduce you to the team."
Sumunod naman si Jaffnah kay Sir Pit sa kabila ng kaba sa dibdib. She felt like she's under a mission—to find that man who drugged Zefarino, almost drugged her. Kahit na kinakain ng takot, she needs to do this so they can catch that man. Hindi man niya alam ang buong plano at binabalak ni Zefarino, gagawin na lang niya ang parte niya.
Pagkatapos niyang magbihis at maglagay ng fake bangs, lumabas na siya sa female quarters. She is wearing a black and gray blouse and a pencil skirt with an apron. She is also wearing heels. Nakasalubong naman niya si Sir Pit na kanina pa pala siya hinihintay sa labas.
"Jaffnah, all you need to do is to find that man. Huwag kang mag-alala dahil hindi kita pababayaan. Malalagot ako kay Zefarino kapag may nangyaring masama sa 'yo kaya huwag kang masyadong lalayo. Magkasama naman tayo sa duty."
"Opo, Sir Pit. Don't worry, I'll be fine."
But that was before she saw the man in the room when Manager Nox introduced them to the team. Rumagasa sa dibdib niya ang malaking takot. Kahit sa gitna ng morning prayer ay hindi niya magawang pumikit dahil nararamdaman niyang nakatingin sa kaniya ang lalaki.
"Sir Zefarino... why did you ask me to go here?"
°°°
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top