Chapter 2: Heinous Dream
°°°
Malaking banggaan ng sasakyan ang gumulantang sa bayan ng Romano isang gabi pasado alas diyes y media. Walang tigil ang malakas na ulan at hangin at tila ba iyon ang dahilan ng engkwentro ng isang truck at ng isang van. Ngunit iba ang hinala ng isang sikat na detective sa bayang iyon. Pinagmamasdan siya ng mga taong nakikiusyoso sa paligid habang sinusuri ang kabuuang pangyayari.
"Detective Brain, bakit ganiyan ang pagkakakunot ng iyong noo?" tanong ng Police officer na si Pito na isa sa mga unang rumesponde sa aksidente.
"Hindi ito aksidente, Officer Pito," wika ng magiting na binata habang matalim ang mga matang nakatingin sa mga walang buhay na biktima sa loob ng van. "Walang laman ang driver seat ng truck."
"Baka dahil tumakas dala ng takot."
Umiling ang detective tsaka mapaglarong sumulyap sa police officer. "Hindi, dahil wala ring laman ang driver seat ng van."
MABILIS na naisara ni Jaffnah ang libro nang magsitayuan ang balahibo niya sa katawan nang mabasa niya ang panimula ng unang chapter ng librong iyon. Kasunod no'n ay isang alaala ang bumalik sa kaniya.
That book she was holding is the book she saw earlier when she bumped into a stranger!
Muli niyang pinagmasdan ang makapal na libro at napansin na may kasunod pa pala ang title. It was Dick Brain: The Last Case. But what piqued her interest the most is there's no writer written in the book.
"Anong klaseng libro itong walang pangalan ng author?" napabulalas na lamang ni Jaffnah. "Well, it made this book more mysterious. Just like the author itself. Pero hindi ako mahilig sa mystery kaya si Red na ang bahala sa iyo."
Ibinalik na lamang ni Jaffnah ang libro sa paper bag, bago nagdesisyong ayusin ang IG feed niya dahil mag-oopen siya muli ng artwork commissions temporarily. She posted some of her work along with her negotiable rates. "Sana paggising ko kinabukasan, may client na."
Jaffnah went to her room to take some rest. Hindi naman ganoon katagal nang tuluyan na siyang makatulog.
*****
Malaking banggaan ng sasakyan ang nagpagising sa diwa ni Jaffnah, pero alam niyang hindi siya gising sa totoong buhay kung hindi nasa isa siyang panaginip, at hindi niya alam kung kaninong panaginip ang napasukan niya.
She doesn't know when her ability started, but as far as she remembers, matagal na siyang ganito... may kakaibang kapangyarihang makapasok sa panaginip.
Madilim ang buong kapaligiran. Lahat ng mga tao'y nagsisitakbuhan papunta sa gitna para makiusyoso sa aksidenteng nangyari sa intersection. Jaffnah looks around to check her surroundings. The whole place is familiar, but she doesn't remember where it is. Siguro'y nakadaragdag sa dahilan kung bakit hindi niya maalala ay dahil nagkakagulo ang lahat. Ang alam lang niya ay nasa express way siya. May traffic light na ngayo'y nakailaw ng pula.
Tumawid si Jaffnah para tingnan nang malapitan ang nangyari. The thing is she needs to find a face to see who owns the dream she entered. With that, she can know who to follow and watch.
Sumiksik si Jaffnah sa mga tao upang tingnan isa-isa ang mga mukha nila. Well, dito lang naman siya nagkakaroon ng pagkakataong matingnan ang mukha ng mga tao dahil sa totoong buhay ay hindi niya kaya, dahil kung mas marami siyang matititigang mata, mas marami siyang panaginip na mapupuntahan kapag tulog siya. It is very tiring, dahil pakiramdam niya wala siyang pahinga kahit man lang sa gitna ng pagtulog niya.
All of the faces in her dreams were blurred except in one, kaya naman matutunton niya kaagad ang may-ari ng panaginip kapag nakita niya nang malinaw ang mukha nito.
Napalingon si Jaffnah sa isang kotse nang may lumabas mula rito—isang pamilyar na lalaki. Malakas na isinara ng lalaking iyon ang pinto ng itim na kotse kung saan ito nakasakay kanina. Agad na nanigas ang mga buto ni Jaffnah pati na rin ang kalamnan niya nang makita kung sino ito. Nanuyo pa ang kaniyang lalamunan habang naeestatwa sa kinatatayuan.
"Siya ang lalaking nakabangga ko kanina sa gitna ng ulan." Bumigat ang kaniyang paghinga. "Right, I saw his eyes earlier when he helped me, so it means, sa kaniya ang panaginip na ito."
The guy is wearing the same trench coat he had when Jaffnah saw him. Basically, kung anong itsura siya nakita ni Jaffnah ay ganoon din ang itsura niya ngayon sa panaginip ng babae.
Lumapit pa si Jaffnah para masilayan ang mukha ng lalaki dahil hindi niya iyon natingnan kanina pagka't may suot itong mask, but just the same, he is wearing a mask too here in his dream. Mata niya lang ang nakikitang malinaw ni Jaffnah.
"Now, how can I see his face?" tanong ni Jaffnah sa kaniyang sarili.
Mabilis na naglakad ang lalaki papunta sa kotseng nakabangga niya, kaya sumunod din si Jaffnah roon. Hindi naman siya nakikita ng lalaki o ng kahit na sinong naroon sa panaginip, kaya malaya siyang gawin ang kahit na ano dito sa panaginip ng lalaki. Abala pa sa pagsunod si Jaffnah nang matigilan siya. Laking gulat niya nang makitang may kumislap sa kaliwang kamay ng lalaki.
"Was that a knife?" nababahalang sambit ni Jaffnah sa likod ng kaniyang isipan.
Jaffnah gulped hard when the guy abruptly opened the door of the other car, but what surprised her more was the lady in the passenger seat. The woman looks familiar, and it was too late for her to realize who it was all along. Mahaba ang buhok. Kulay pula ang damit. Maputi at may katamtaman at balingkinitang katawan. Parang kandila ang mga daliri sa kamay sa ganda nito.
Hindi man malinaw ang mukha nito ngunit nakikilala niya kung sino ang babaeng iyon na ngayo'y duguan na humihingi ng tulong.
It was her. The lady in the passenger seat, who was wearing the same clothes as earlier, was no other than Jaffnah Lereve Fleurdevuille.
She was about to go near when she saw how that man suddenly stabbed the knife at her chest, and in a split second, nawala si Jaffnah sa kinatatayuan niya at napunta sa loob ng sasakyan kung saan naroon ang katawan niya na nakikita niya kanina. Napunta siya sa kalagayan ng babaeng nasa kotse na siyang siya rin naman.
The guy removed his face mask, wearing a satanic smile and deathly stares.
Now, she can see his whole damn face, stabbing her multiple times with force until her last breath.
"What is this?"
"What's the meaning of this?"
"Why is he killing me?"
"Jaffnah! Gising! Jaffnah! Utang na loob, gumising ka!" Malalakas na tampal ang gumising kay Jaffnah pasado ala una ng madaling araw. Mabilis niyang iminulat ang kaniyang mga mata at bumungad sa kaniya ang nag-aalalang mukha ng kaniyang best friend na si Red. "Binabangungot ka..."
Jaffnah clenched her chest as she tried to catch her breath. She noticed how tears welled up in her eyes. Even her heart beats faster than usual because of that dream—no, it was indeed a nightmare that she entered.
What does it mean? Why is that man killing her?
"Here, Jaff, uminom ka ng tubig." Binigyan siya ng inumin ni Red, bago ito umupo sa tabi niya upang haplusin ang likod niya. "Thank God, nag-early out ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka sa akin."
May bakas ng takot ang tono ng boses ni Red habang patuloy pa ring hinahagod ang likod ng dalaga. "Alam mo naman kung paano namatay ang parents ko, hindi ba? I don't want to witness that again, Jaff, so please, hayaan mong ako na lang ang parati mong mapanaginipan, huwag na ang iba. Ayokong malimutan mo ring huminga." Nanubig ang mga mata ng dalaga at tila ba pinipigilan niya ang kaniyang mga luhang bumagsak. Sobrang nag-alala siya sa kaniyang matalik na kaibigan.
"Hindi ako mamamatay dito, Red. Nanonood lang ako ng panaginip ng ibang tao. Hindi akin iyon. Nakakapasok lang ako. Wala kang dapat ipag-alala."
"At kailan ako dapat mag-alala? Kapag nangyari na? Nako naman, Jaff!"
"It is a special talent."
"No, it is not! You know that I always support you, right? Pero nangangamba ako na baka iyan ang maglagay sa iyo sa panganib."
Umiling si Jaffnah. "O baka makatulong sa akin para yumaman ako? Pagkakitaan ko na ba itong abilidad na ito?" Jaffnah tried to crack a joke but it is just a waste. Red is freaking serious over the matter, so she stopped.
"Hindi nakakatawa, Jaffnah."
Napansin ni Jaffnah na nakauniporme pa ang kaniyang kaibigan, kaya sigurado siyang kararating nga lang nito sa kanilang bahay.
"Thank you," bigkas ni Jaffnah habang iniinom ang tubig na idinulot sa kaniya ni Red.
Napabuntong-hininga naman si Red. "Sino na naman ba kasi 'yang natitigan mo? Kaninong panaginip ang napasukan mo?"
Umiling si Jaffnah. "Hindi ko kilala," saad niya. Muli niyang naalala ang kakilakilabot na nakita niya kanina sa panaginip niya. Maging ang mukha ng lalaking iyon... hindi na mawala sa isipan niya. "But that man killed me in his dream."
"A-ano?!" hindi makapaniwalang tanong ni Red. Red knows her peculiar ability, and Jaffnah can see that her best friend is more bothered by it than her. Kaya mas pinili ni Red, maging ang tabihan siya sa pagtulog tuwing gabi para raw kung bangungutin siya ay maririnig niya at malalaman kaagad at mabilis niyang magigising at maasikaso si Jaffnah.
"He killed you? Natandaan mo ba ang mukha niya? Saan mo siya nakita at bakit mo siya napanaginipan?" tuloy-tuloy niyang tanong kay Jaffnah.
"He was just a random guy. Nakabanggaan ko siya kahapon, but he was wearing a mask, kaya hindi ko natandaan ang mukha niya, pero sa panaginip ko, kitang-kita ko ang buo niyang mukha... Sa malapitan."
Mabilis at mabigat ang paghinga ni Red na kababakasan pa rin ng pag-aalala kay Jaffnah. "Gosh, that is true, Jaff. Sabi nila, ninety-nine percent daw ng biktima ay kilala ang killer nila dahil nakikita nila ang mukha," may diing sabi nito. "Good thing you saw his damn face so we can find him immediately and confront him about that. Alam naman natin ang panaginip mo, it can be a premonition."
"I can sketch his face."
"Yes, you can, and you should, para mapatay ko siya!"
"Baliw!" Kinuha na ni Jaffnah ang sketchbook niya pati na rin ang mechanical pen na siyang una niyang nadampot sa drawer. Umupo ang dalaga sa study table para magsimula nang gumuhit.
Naging seryoso ang mukha ni Jaffnah habang dagling nanginginig ang mga kamay nang umpisahan niya nang gawin ang matatalim na mata ng lalaki.
"Woah, he has pretty good eyes."
Nagulat naman si Jaffnah sa komento ni Red. Hindi niya kasi alam na nasa likod niya pa pala ito na mukhang invested na invested na makita ang mukha ng lalaking pumatay sa kaniya sa panaginip.
"Red, sige na. Balikan mo na lang ako rito. Mag-skincare ka na muna," pagdadahilan ni Jaff, pero ang totoo'y ayaw niya lang na may nanonood sa kaniya habang nagdo-drawing siya.
"Fine! I'll be back in fifteen minutes. Dapat tapos ka na d'yan, ha, pagbalik ko!"
Natawa na lang si Jaffnah. "Oo na!"
Ilang minuto ang lumipas at napatigil si Jaffnah sa kaniyang ginagawa nang mapagtantong labi na lang ang kulang at buo niya nang makikita ang mukha ng lalaking pumatay sa kaniya sa panaginip niya.
Manipis... Mapula...
Bumalik sa alaala ng dalaga ang tagpong pinapatay siya nito...at ang sandaling napatingin siya sa mga labi ng lalaki.
Umangat ang kamay ni Jaffnah sa ere at umarteng parang nasa harap lang niya ang lalaki na kaya niyang hawakan ang mukha.
"Woah, your killer is a god!"
°°°
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top