Chapter 19: Water for Defense

°°°

NAGISING si Jaffnah na nakatungo siya sa kama ni Zefarino. Agad siyang napabalikwas nang mapagtantong nakatulog siya. She immediately leaped to check him and saw the man now leaning his back on the headboard while staring at her, with his arms crossed.

"S-sir Zefarino, k-kumusta po ang pakiramdam ninyo?" nag-aalangang tanong ni Jaffnah. Muli niya na namang naalala ang nangyari kanina. Kinain na naman siya ng guilt. "Kanina pa po ba kayo gising? Si Sir Pit po? Nakaalis na po ba siya? Dumating po ba 'yung kapatid mong doctor?" sunod-sunod na tanong ng dalaga.

"I appreciate your concern but I'm fine now. You can leave," malamig na sagot nito. Napalunok si Jaffnah pero sinubukan niyang tatagan ang sariling loob.

"No, Sir. Hindi po ako aalis kahit ipagtulakan ninyo pa po ako. Dito lang ako," matigas at seryosong wika ni Jaffnah. She's biting her lip while playing with her fingernails.

"Why? Do you wanna sleep beside me from now on?"

Napatunghay naman si Jaffnah. "P-po?"

"We can do that later but not right now. It's time for work, Miss Lereve."

Hindi nakasagot si Jaffnah at sandali pang pinroseso ang ibig sabihin ni Zefarino.

"Isn't that the reason why you came back? Para magtrabaho? Move now. Mataas na ang araw."

Tumayo si Zefarino mula sa kama. He brushed his hair and turned to face Jaffnah again, now seeming still oblivious.

"H-hindi ka na galit sa akin? Tinatanggap mo na akong muli?"

"Do I really have to say it word by word?"

Namangha si Jaffnah at muling naramdaman ang panunubig ng kaniyang mata. At dahil sa nag-uumapaw na galak ay napayakap siya kay Zefarino. "I swear, I'll do my job properly. Promise hinding-hindi na ako maglilihim sa iyo, Sir Zefarino."

"You better be. This is your one last chance, Miss Lereve."

"Lahat ng iutos mo sa akin, gagawin ko. Kahit alilain mo pa ako, wala na akong pakialam."

"Why would I do that?"

Zefarino couldn't also hide his bliss. In that moment he found himself drowned by that embrace. The warmth of that sincere lady confirms that their misunderstandings have officially ended without any apologies. Hindi niya rin sigurado bakit hinayaan niya ang babaeng yakapin siya nang ganoon kahigpit. He felt like she was a child he wanted to take care of. O baka mas tamang sabihin na inaasahan niya nang babalik ang babae dahil natutunan niya na ang leksyon ba gustong ituro ni Zefarino sa kaniya.

Jaffnah on the other hand, proved herself and her loyalty. Maging sa pagluluto ng pagkain ay sinigurado niyang masusustansiya ito at hindi makakasira sa natitirang bato ni Zefarino. Everything is going well between the two of them since the day they started anew.

"Si papa ang may-ari ng kotseng AMF 4699, Sir Zefarino. Iyon ang nabanggit sa akin ni Sir Pit. Si Jeoffrey Fleurdevuille ang papa ko," pag-amin ni Jaffnah. "Pero matagal na siyang nawawala at kahit ako ay wala na ring balita sa kaniya."

"Kailan siya nawala?" tanong ni Zefarino na matamang nakikinig sa mga pahayag ng dalaga. Kasalukuyan silang nasa writing room, sa couch at doon masinsinang nag-uusap.

"I'm not sure, pero nagising na lang ako na wala na siya at ang sabi nga ni mama ay iniwan na kami ni papa. Akala ko noong una ay patay na si papa, akala ko iyon ang ibig sabihin ni mama, pero isang gabi noong bata ako, nahuli kong kausap ni mama si papa sa cellphone niya."

"Hmm... are you sure that is your father?"

"O-oo. She even told him to take care and she loves him so much, at siya na raw ang bahala sa amin ni Jefferxone."

Napasandal naman sa couch si Zefarino na para bang malalim ang iniisip. "Then, I would like to invite your mother here so we can confirm that information. In that case, we can ask her about your missing father."

Bumagsak ang mga balikat ni Jaffnah at saka umiling. "Nawawala rin si mama, Sir Zefarino. Ang totoo niyan, kaya nakita mo akong umiiyak noong isang gabi ay dahil nalaman kong hindi niya ginamit para kay Jefferxone ang perang ni-cash advance ko sa 'yo. At sabi pa ng nurse sa hospital, matagal na raw na hindi binabantayan ni mama ang kapatid ko."

"I see, I'm sorry to hear that and for knowing that just now." Lalong sumeryoso ang mukha ni Zefarino. "Do you have pictures of your parents? We can ask Pit's assistance to search for them."

"Wala, but I can ask Red to bring them here."

Tumango naman si Zefarino bilang pagsang-ayon sa ideya. "Invite her here anytime."

"Thank you, Sir Zefarino." Akmang aayusin na ni Jaffnah ang kaniyang mga gamit nang magsalitang muli ang manunulat. "How about your brother? Sino na'ng nagbabantay sa kaniya ngayon?"

Umiling si Jaffnah. "Paminsan-minsan dinadalaw siya ni Red, pero hinabilinan ko na rin ang nurse na i-check si Jefferxone every now and then."

"You want me to hire someone to look after your brother?"

Kumislap ang mga mata ni Jaffnah at pinigilang mapaluha sa harap ni Zefarino. "Can we do that?"

"Of course."

"T-thank you, Sir Zefarino."

"I can also ask Zufresiah to have another room for your brother in her hospital. In that, you won't have to worry about the hospital bills," pahayag pa ni Zefarino.

Lalong napahikbi si Jaffnah. "Are you really going to do that? Hindi ba parang sobra-sobra na iyan? Illustrator mo lang ako."

"That's the reason why I'm trying to help you so you can focus on your job."

Hindi inaakalang sandali lang palang masosolusyunan ni Jaffnah ang lahat niyang problema. Tama si Red, Zefarino will definitely help her.

At sinadya yatang maunang lumabas ni Zefarino para hayaan ang dalagang makaiyak mag-isa. Jaffnah was in tears because once again, the man gave her a helping hand. Mas lalo niyang napatutunayan na mabuting tao si Zefarino. At wala siyang ibang dapat gawin kung hindi gawin ang trabaho niya para suklian ang lahat ng kabutihang ginagawa nito sa kaniya.

Iniligpit niya na ang kaniyang mga gamit sa working station tsaka pumunta sa kusina para magluto ng hapunan. Muli niyang naalala ang chapter na iginuhit niya kanina. It was about that detective who saved another case and outsmarted the murderer. Talagang tila ba lalong napapahanga si Jaffnah sa talino ng manunulat dahil sa galing nitong mag-isip. Kung napapabilib siya ng character sa libro, lalo naman sa sumulat nito.

"Why are you smiling?" tanong ni Zefarino na napatingin sa dalaga habang naghihinaw ng kamay sa lababo. Malapit na rin kasing matapos ang niluluto ni Jaffnah na Beef and Broccolli kaya naman si Zefarino na ang nagkusang maghanda ng lamesa.

"Wala naman. Naalala ko lang 'yong eksenang iginuhit ko kanina," sagot ng dalaga.

"Bakit? Anong tungkol doon?"

"Honestly, noong una, akala ko porn 'yong book mo. Kasi naman Dick Brain. Pero ayun, ibang salita pala siya sa detective."

"Yes, it is a slang term for detective. It is derived from the Roma slang dekko, meaning 'to look' as in hiring a private detective to locate someone or something," matalinong paliwanag ni Zefarino habang hinahanay ang mga kubyertos sa tabi ng dalawang pinggan. Naglabas din si Zefarino ng bote ng wine at sinalingan ang red wine glass na nasa pwesto niya. "You want wine?" tanong pa nito.

"Sure." Si Jaffnah naman ay nagsandok na ng mainit na kanin at naglagay na rin sa separate bowl ng ulam nila tsaka isa-isang dinala sa table kung saan sila kakaing magkasabay. If someone enters the mansion and witnesses how they set the table, no one would believe that they are not in a relationship. How harmonious they move, the flow of their body languages, it was as if they had been living together for years. Kulang na lang ng kandila sa gitna at tumutugtog ng violin para masabing isa itong dinner date, pero para kay Jaffnah at Zefarino, ito ang karaniwan nilang hapunan gabi-gabi.

"Biruin mo 'yon, naisip mong gawing ganoon ang title. Nakakakuha naman siya talaga ng interest. Kaya siguro ganoon na rin kasikat ang libro mo at ang daming tumatangkilik. Napakaswerte ko na ako ang pinili mong illustrator. It is such an honor, Sir."

Umupo na si Jaffnah at ganoon din si Zefarino. Sabay nilang pinagsaluhan ang mga pagkain habang nag-uusap.

"Well, it is not only about the title. It is also about the story. Hindi ko rin alam na magugustuhan ito ng marami. It was just about a detective who woke up in a room full of white who had no choice but to solve cases just to answer all of his questions since he has no memories. I'm glad that it hits their heart and interests. It was just a simple dream and I wanted to record it. Now, it will have its webtoon version, of course, with your help. It is also my honor working with you, Miss Lereve."

Sandali namang kinilig si Jaffnah sa sinabi ni Zefarino pero alam niya namang wala iyong ibig sabihin. Hindi niya lang mapigilang maging masaya lalo na't pinupuri siya ng sikat na tao at nakakausap niya pa ito nang matagal, nakakasama sa pagkain.

"Have you been doing arts since birth?" tanong naman na ikinagulat ni Jaffnah. Kahit minsan ay hindi niya inisip na magiging interesado ito para tanungin ang tungkol sa art life niya. Pinunasan niya ang kaniyang bibig tsaka nagsalita. "I think since I was three years old? Pero siyempre hindi pa ako ganoon kagaling. Mas lalo lang nahasa noong nag-enrol ako sa fine arts."

"Oh, you have graduated with the same degree as mine? Bachelor of Fine Arts?"

Umiling si Jaffnah. "Hindi po. Due to financial constraints, second year lang po ang natapos ko."

"Ah, I see. If you ever want to continue your studies, don't hesitate to tell me. I can sponsor your scholarship."

Napanganga naman si Jaffnah. "W-what? Bakit?"

"Anong bakit?"

"Why are you so kind? Balak mo bang tumakbong Governor?"

"No," angal ni Zefarino. "Governor lang ba ang pwedeng magbigay ng scholarship sa bata?"

"Hah!" bulalas ni Jaffnah. "You really treat me like a child, aren't you?"

"Because you're a child."

"I am already twenty-five, Sir!"

"But I'm thirty-two."

Nainis si Jaffnah pero natatawa-tawa din. "Tsk. Ginagawa mo lang ba itong lahat dahil feeling mo anak mo ako?"

"Perhaps. Seems like I wanted a baby."

"Eh, bakit hindi ka pa mag-asawa? Lagpas ka na sa kalendaryo. Baka nga kaya ginagawa mo itong pagtulong sa akin ay gusto mo nang magkaanak. Gusto mo ng may inaalagaan."

"Gusto ko ng may mag-aalaga sa akin."

Sandaling katahimikan naman ang namayani sa gitna ng pagkain nila ng hapunan. A few moments later, Jaffnah had the courage to start another conversation with the writer again.

"Minsan ba, nagsulat ka na ng tungkol sa pag-ibig, Sir Zefarino?" tanong ni Jaffnah na sigurado niyang hindi sasagutin ng lalaki.

"You mean, romance genre?" paninigurado ni Zefarino habang nakatingin sa mga mata ng dalaga.

"Y-yes. About love, romance."

Ngumiti si Zefarino. "A novel, no. A poem, once."

Namangha naman si Jaffnah sa sinagot ng lalaki. "Really? What is it all about?"

"Secret," sagot ng manunulat tsaka ngumiti. "It was just a requirement to pass a subject back in college so I had no choice but to write one."

"I'm curious."

Pailing-iling naman si Zefarino. "There's no reason for that. It is just a simple poem."

"Ganun? Sabi kasi ni Sir Pit, wala ka raw kaamor-amor sa pag-ibig kaya naman naku-curious ako kung paano ka magsulat kapag tungkol na sa pag-ibig. Puro naman kasi patayan ang sinusulat mo. Nakakatakot din kayang basahin ang mga libro mo."

"Well, it is not for the weak."

Napairap naman si Jaffnah. "Hindi kaya ako weak! Pinapasok ko nga 'yong mga bangungot mo, eh!"

Natawa naman si Zefarino. "Yeah, right. I commend you for that."

Napangiti si Jaffnah habang nakayuko at pinaglalaruan ang brocolli gamit ang tinidor. Natutuwa siya dahil sa unang pagkakataon, nakausap niya ang manunulat nang ganito. Natanong niya ito ng tungkol sa personal na buhay at pakiramdam niya nakaapak siya papalapit sa lalaki. "Masaya siguro ang babaeng iyon..."

"Who?"

"Iyong pinatungkulan mo sa sinulat mong tula. For me, that is the sweetest grand gift you can receive from someone—a poem about you. If I ever have someone who can write a poem for me, I might cry in happiness."

Jaffnah glanced at him and at that moment she saw the man staring at her before she even does. She was smiling from ear to ear that little did she know, she had the power to hypnotize someone to agree to whatever she asked for.

Natapos na silang kumain at uminom ng wine. Napapanganga na nga lang si Jaffnah dahil hindi man lang na-trauma si Zefarino sa wine pagkatapos nitong makainom ng opium noon.

Tumulong naman si Zefarino sa paglinis ng lamesa habang si Jaffnah ang naghuhugas ng mga pinagkainan nila. Sabay silang umakyat sa hagdanan papunta sa kani-kanilang kwarto.

"Good night, Sir Zefarino," paalam ni Jaffnah at para bang may tama na ng alak. Pagdating kasi sa alak ay mahina talaga ang babae at madaling malasing kaya namumula na ang magkabilang pisngi nito at inaantok. Mabuti na nga lang at wala itong nabasag na pinggan kanina habang naghuhugas.

Lumingon naman si Zefarino para sagutin siya. "Good night, Miss Lereve."

"Sweet dreams po, Sir," wika pa ng dalaga habang nakangiti. She even waved her hand to the man.

Zefarino found her cute and also chuckled. "I never had one. I guess, it will be sweet if you'll visit."

Nanlaki ang mga mata ni Jaffnah at napahawak na lang sa nag-iinit na mukha. "Sure naman na bibisita ako, hindi mo lang alam," bulong ng dalaga.

"See you in my dreams, Miss Lereve."

*****

"Okay, basta hindi ko pwedeng ipasok sa loob ang taxi. Dapat ay bumaba ako sa malayo at maglakad na lang sa loob papunta sa mansyon. Tama?" tanong ni Red. Kasalukuyang kausap ni Jaffnah ang kaniyang kaibigan sa telepono. Nasa writing room siya at sandaling natigil ang pagguhit nang tumawag si Red.

"Oo, sasalubungin kita. Ngayon din. Nasaan ka na ba?"

"Malapit na ako. Dinalhan na rin kita ng ilang damit para naman hindi ka mahirapang maglaba araw-araw. At isa pa, dinalhan kita ng mga pagkain at ng paborito mo! Mabuti na lang may nadaanan akong maagang nagbukas."

Lumawak naman ang ngiti ni Jaffnah. "Yey! Thank you so much, Red! Namimiss ko nang kumain ng isaw! Sakto, iyan ang kakainin ko mamayang hapon."

"Alright! Alright! I can't wait to see you! Bye!"

"Bye! Labas na rin ako para aabangan na lang kita sa may gate!" Masiglang ibinaba ni Jaffnah ang telepono tsaka lumabas sa writing room. Nakasalubong niya naman si Zefarino na mukhang kababalik lang mula sa potato field at inaasikaso ang lamesa na tanggapan ng bisita. Napakunot naman ang noo ni Jaffnah nang makitang parang may inilalagay ang lalaki sa inumin.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Jaffnah tsaka lumapit kay Zefarino.

"Nothing. Papunta na ba ang kaibigan mo? Salubungin mo na siya."

"May inilalagay ka sa tubig?" Mabilis na kinuha ni Jaffnah ang pitsel at saka inamoy. "Kaya ba nakatulog ako noon dahil nilagyan mo ng pampatulog?"

"Yes." Hinablot namang muli ni Zefarino ang pitsel at nagpatuloy sa ginagawa. "This is my defence to someone who wants to come here so I have the time to check who she is and her things as she was sleeping." Nilingon ni Zefarino ang dalaga. "Don't worry, it is not that harmful. Look at yourself, you're still alive."

Wala naman nang nagawa pa si Jaffnah kung hindi hayaan na ito. Lumabas na lang siya sa mansyon at naglakad papunta sa gate para salubungin ang kaibigan niya. Hindi naman nagtagal ay dumating na si Red at tinulungan niya ito sa mga dala nito para sa kaniya.

"Wow, his mansion is scary," komento ni Red habang naglalakad na kasama si Jaffnah at pinagmamasdan ang mansyon mula sa malayo. "Are you sure dito ka tumitira? At dalawa lang kayo? Wala bang multo?"

"Don't ever say that word baka makatawag ka nga ng multo."

"Okay, okay. Anyway, it's so nice to see you, pero pwede bang hindi na ako tumuloy sa loob? Tumatayo ang balahibo ko, eh."

"Sira. At least say hi to him. He's expecting you to drop by. Nagluto din ako ng pagkain para sa 'yo kaya halika na sa loob."

Red, despite fear, followed her friend to enter the mansion. Sumalubong naman sa kanila si Zefarino na ngayon ay nakapaglinis na ng mga kamay at nakapag-ayos na rin ng itsura para maging presentable sa bisita.

At katulad ng inaasahan, dahil sa mahabang paglakad ay uminom si Red ng tubig at walang ilang segundo ay nakatulog ito sa sala.

°°°

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top