Chapter 18: The White Vehicle
°°°
HINDI na hinintay pa ni Jaffnah na tumawag sa kaniya si Sir Pit. Dala niya ang kaniyang gamit pabalik sa mansyon. She is coming unannounced. At tila ba wala nang makakapigil pa. Kahit ang malakas na ulan ay hindi nagawang antalahin ang dalaga.
"Are you really coming back? Alas tres y media pa lang ng madaling araw, Jaff!" apela ni Red na siyang nagising nang mag-uungot si Jaffnah sa gitna ng kanilang pagtulog.
"I have to go, Red! I saw him killing himself! What am I supposed to do now? Paano kung nasa gitna siya ng peligro ngayon? Mag-isa lang siya roon sa mansyon! Paano kung biglang may pumasok na kung sino man sa kwarto niya habang natutulog siya?" nagpapanic na tanong ng dalaga.
"Are you crazy? Sino naman ang gagawa no'n sa kaniya? Sa 'yo na rin mismo nanggaling—he was killing himself!"
"I don't know!" Naalala ni Jaffnah ang nangyari doon sa awarding night kaya lalo siyang kinain ng takot. "Kailangan kong masiguro na ayos lang siya. Don't worry dahil tatawagan kita. Pangako, tatawagan kita. Ikaw na muna ang bahala kay Jefferxone. Babalik ako, pangako."
Sakay ng taxi ay bumaba si Jaffnah roon sa gate. Mabilis siyang nagbayad tsaka lumabas ng sasakyan. Mabuti na nga lang at may nasakyan siya kahit na madilim pa ang paligid, idagdag pa ang malakas na ulan.
Madali siyang tumakbo papasok sa loob at laking gulat niya nang makita si Zefarino na naglalakad papunta sa kaniya.
"S-sir Zefarino!" malakas niyang pagtawag dito pero nilagpasan siya nito.
"Miss Lereve, d-did you just get here by a taxi?"
"O-opo, Sir Zefarino!" Nilingon ng dalaga si Zefarino at nakita itong nakahabol-tingin sa puting sasakyan na umalis na.
"Didn't they t-tell you n-not to go h-here b-by a c-car?" nauutal na wika ng lalaki habang pinagsisikapang lingunin ang dalaga. Napanganga na lamang si Jaffnah nang makita ang mukha ni Zefarino na nanlalaki ang mga mata at nanginginig ang bibig na para bang nahihirapang huminga. "D-did you j-just n-not obey a-again?"
"Sir Zefarino!" malakas na sigaw ni Jaffnah nang masaksihang biglang bumagsak sa lupa ang sikat na manunulat. Agad niya itong pinuntahan. "S-sir Zefarino, I-I'm s-sorry... a-akala ko t-tulog ka... s-sorry... a-anong nangyayari sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Jaffnah. Kitang-kita kung paano siya lumuluha sa gitna ng ulan dahil sa pinaghalong takot at pagkabalisa.
"M-my p-pen..."
"P-po? A-ano 'yon, Sir Zefarino?" umiiyak na tanong pa nito dahil hindi niya masyadong maintindihan ang sinasabi ng lalaki. Inilapit niya ang tainga sa bibig nito.
"G-get my p-pen in my p-pocket..." nanghihinang wika ni Zefarino. "P-press it hard before y-you inject it to m-my n-neck."
Jaffnah, even in shock, inserted her hand in his pocket. She immediately found the pen she once used to sketch. Just like what he said, he pressed the pen hard and the tip changed to something like a syringe.
"Get it d-done, Miss Lereve. I can no longer b-breathe."
She closed her eyes before she injected it to Zefarino. And without a moment, the writer passed out. Jaffnah felt really sorry for what happened and just by looking at the pitiful man now unconscious, she couldn't help herself to blame. Kababalik niya pa lang, pero nakagawa na naman siya ng malaking pagkakamali.
Bakit ba niya kasi naisipang patigilan ang taxi sa may gate sa kamamadali niyang puntahan ang manunulat? She should have obeyed what Sir Mon and Sir Pit told her. Kung hindi lang siya makulit ay hindi niya mailalagay sa peligro ang buhay ni Zefarino.
"Huwag ka nang umiyak. Magiging okay lang siya, Jaffnah," pagpapagaan ng loob ni Sir Pit kay Jaffnah. Kasalukuyan silang nasa kwarto ng manunulat habang pinagmamasdan ang wala pa ring malay na si Zefarino.
Kanina ay dinala ni Jaffnah si Zefarino sa loob ng mansyon kahit na mabigat ito. Nakatulong ang ilang araw niyang pagtatrabaho sa restaurant bilang isang waitress na bumubuhat ng tray dahil nakaya niyang buhatin ang lalaki. Malaking tulong na rin siguro ang adrenaline at labis niyang pag-aalala kaya nakaya niyang dalhin ito sa sala.
Mabilis niya ring tinawagan si Sir Pit at kahit hindi pa sumisikat ang araw ay pumunta ito sa mansyon. Magkatuwang nilang inilipat si Zefarino sa kama at pinalitan ng damit.
"Kasalanan ko ito, Sir Pit. Kung hindi lang ako naging pasaway, hindi siya mapupunta sa kalagayang 'to," umiiyak pa ring saad ni Jaffnah. Namamaga na ang mata niya pero hindi niya pa rin magawang patigilan ang mga luha niya. "Akala ko kasi ayaw niya lang ng ingay."
"Lahat naman tayo ay nagkakamali, Jaffnah."
"Pero sobrang dami ko nang maling nagagawa sa kaniya, Sir Pit. Tingin mo ba dahil sa nangyari ay mapapatawad niya ako? Baka lalo niya lang akong itaboy."
"Lalo ka niyang itataboy hangga't hindi ka nagpapalit ng damit. Sige na, bumalik ka muna sa kwarto mo. Magpalit ka na. Nabasa ka rin ng ulan. Mas lalong magagalit sa 'yo ang lalaking ito kapag nagkasakit ka pa. Tinawagan ko na rin si Zufresiah, para tingnan si Zefarino."
"Zufresiah po?"
"Kapatid niyang doctor."
Wala naman nang nagawa si Jaffnah kung hindi ang sundin na si Sir Pit. Bumalik na siya sa kaniyang kwarto at naligo sandali bago nagpalit ng damit. Inasikaso niya na rin ang mga tulo ng tubig sa sahig mula sa first floor hanggang second floor bago bumalik sa kwarto ni Zefarino na may dalang kape para kay Sir Pit.
"Maraming salamat, pero magpahinga ka na. Ako na ang bahala rito," giit ni Sir Pit tsaka humigop ng kape.
"Ayoko po," matigas namang sambit ni Jaffnah na siyang ikinatawa ni Sir Pit.
"Ang kulit mo rin talaga. Hindi halata sa mukha mo."
"Kayo po, baka gusto niyo pong magpahinga. Ako na po ang magbabantay kay Sir Zefarino. Pasensya na po kayo sa naging abala ko."
Muli na namang natawa si Sir Pit. "Hindi naman abala ang ginawa mong pagtawag sa akin, Jaffnah. Kahit anong oras pwede mo akong tawagan basta tungkol kay Zef. Willing akong pumunta rito kahit siguro nasa gitna ako ng kasal ko. Ito lang ang magagawa ko para sa kaniya kapalit ng pagtulong niya sa akin noon."
Sinulyapan ni Sir Pit si Zefarino tsaka nagsimulang magkuwento. "Alam mo bang isa na lang ang kidney ng taong 'yan?"
"Po?"
"Ibinigay niya sa akin 'yong isa niya," maluha-luhang kwento ni Pit habang pinipilit na tumawa. "Katulad mo rin ako noon, bata pa, pasaway. Wala rin kasi akong mga magulang na pumapatnubay sa akin kaya napabayaan ko rin ang sarili ko. Kaya eventually, nagkasakit ako. Alam mo 'yon? Hindi niya ako ganoon kakilala pero nagpresinta siyang maging kidney donor ko. Hamak na tambay lang naman ako sa presinto dati dahil labas-masok ako sa kulungan. Now, look at what he did to me. Pinag-aral niya ako at naging editor niya pa."
Jaffnah couldn't believe what her ears were witnessing. Zefarino is not a hero but she couldn't help to see him as one. Lalo na sa puntong ibinigay nito ang isang parte ng organ niya sa isang tao, it just proves how selfless he is. At saksi din naman siya sa kabutihan nito dahil minsan na rin siyang tinulungan ng lalaki.
Muling tumulo ang butil ng luha sa pisngi niya. Hindi niya mapigilang humanga kay Zefarino. How dare she do something that will make his life in danger like this? She deserved punishment. Iyon ang naiisip niya.
"I'm glad that you came back, Jaffnah. Tama naman ako, hindi ba? Kaya ka narito?"
Nag-alinlangang sumagot ang dalaga lalo na't kababalik niya pa lang ay may nagawa na naman siyang hindi maganda. "Ano po bang nangyari? Hindi ko maintindihan anong kinalaman ng taxi kanina kung bakit bigla siyang nagdeliryo sa gitna ng ulan," tanong ni Jaffnah na puno ng kyuryosidad.
"It is his phobia, Jaffnah. Hindi lang sa taxi kung hindi kahit na sa anong sasakyan basta puti, nagkakaganito siya."
Lumalim ang paghinga niya at muling napasulyap kay Zefarino. "Kaya pala okay lang sa kaniya noong may limousine na pumarada sa harap ng mansyon."
"Oo, Jaffnah. Itim naman kasi iyon."
Jaffnah stares at the man as she tries to figure out why he has one of a kind phobia. Kung tutuusin ang alam niya lang ay ang nababalita noon tungkol sa puting van na nangunguha ng mga bata para kunin ang mga lamang-loob. But isn't he too old for that? May iba ba siyang karanasan sa puting sasakyan?
Napatigil si Jaffnah sa pag-iisip.
Puting sasakyan... isn't that the car she was in inside his dreams?
Ang kotseng may plakang AMF 4699.
°°°
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top