Chapter 16: One Must Not Lie

°°°

HINAPLOS ni Jaffnah ang mukha ng kaniyang kapatid na si Jefferxone. Nakarating na siya sa Marova Hospital at katulad ng inaasahan, wala ang kaniyang ina at tanging ang kaibigan niya lang na si Red ang naroon. Hindi niya mapigilang makaramdam ng awa sa kaniyang kapatid na hanggang ngayon ay natutulog pa rin at walang kaalam-alam sa nangyayari, pero mabuti na nga iyon na matulog siya dahil baka lalo siyang mapighati kapag nakita niya ang kaniyang ate na nahihirapan na rin sa buhay.

"Ano ba kasing nangyari?" tanong ni Red kay Jaffnah. "Bakit ka narito sa labas? Akala ko stay-in ka roon."

"Tinanggal na ako sa trabaho," sagot ng dalaga. "He let me sign the contract termination letter."

"Bakit? May nagawa ka ba o masama lang talaga ang ugali ng manunulat na iyon?"

Umiling si Jaffnah tsaka umupo sa tabi ni Red. Kapwa sila nakatingin sa mukha ni Jefferxone habang nag-uusap. "Ako ang may kasalanan. Nagsinungaling ako sa kaniya."

"Nagsinungaling ka?" Hindi inaasahan ni Red na magagawa iyon ng kaibigan niya. She knows that Jaffnah is an honest person. "I-I'm sure may dahilan. Ano ba 'yong hindi mo sinabi nang totoo, Jaff?"

Nangingiming umamin si Jaffnah habang nakatingin sa mga mata ng kaibigan. "Tungkol kay papa, Red."

"S-sa papa mo? Kay Tito Joeffrey?"

Jaffnah nods. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya na napigilan ang pagluha. "Ang daming nangyari, Red, at pasensya ka na kung hindi kita natawagang muli."

Hinagod ni Red ang balikat ng dalaga. "No, naiintindihan ko naman 'yon dahil alam kong hindi ka gagawa ng isang bagay nang walang dahilan. Alam mong palagi kitang maiintindihan, Jaff. Kaibigan mo ako. At kahit nga nagtatampo ako dahil doon, nang marinig kitang umiiyak sa tawag natin kanina, naglaho na agad lahat."

Napayakap si Jaffnah kay Red. "Sa sobrang daming nangyari, hindi ko na alam kung paano ko sisimulan lahat sa iyo. Ang totoo kasi, may hinahanap kaming sasakyan... 'yong sasakyan kung nasaan ako sa panaginip ko. Nabanggit ko sa 'yo iyon, hindi ba?"

"Oo, bakit? Napanaginipan mo bang ulit?"

Tumango si Jaffnah. "Oo, at sa pagkakataong iyon, sinubukan kong libutin ang panaginip niya at nakita ko rin ang plate number nung kotse kung saan ako naroon. Sinabi ko iyon kay Sir Zefarino."

"And then?" naghihintay na tanong ni Red.

"Ayun, pinahanap niya sa editor na si Sir Pit. Ako ang nakatanggap ng tawag at sabi ni Sir Pit si papa nga raw ang nakalagay sa registration name ng sasakyan. Masyado akong nagulat na marinig ang pangalan niya kaya nawala ako sa sarili ko at hindi ko nabanggit kay Sir Zefarino ang tungkol doon," mahabang paliwanag ni Jaffnah. "Matagal nang nawawala si papa, Red. Ako nga ang umako ng lahat ng responsabilidad niya para sa amin. You know how much I hate him and to think that his name is involved in this case... mas lalo akong natatakot."

Pinunasan ni Red ang luha sa pisngi ng kawawa niyang kaibigan. "I know... I know..."

"Tapos si mama, hindi niya man lang bantayan si Jefferxone. Nagsinungaling pa siya tungkol sa one hundred twenty thousand. Hindi naman pala totoo ang sinabi ng doctor na may kailangang gawin para kay bunso..."

"W-what?" Maging si Red ay nagulat sa sinabi ni Jaffnah. Now, seeing her best friend in a worst situation like this, hindi niya rin mapigilan ang sarili niyang maawa sa kalagayan ng kaibigan niya. "Why would Tita Anjelou do that?" naluluha niya na ring tanong.

Jaffnah shrugged in frustration. "H-hindi ko alam. Ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko." Napasapo na lang si Jaffnah sa kaniyang mga mata habang umiiyak. Ang mga kinikimkim niyang sama ng loob, nasabi niya nang lahat kay Red. Para siyang isang batang nagsusumbong dahil hindi niya na kaya pa ang lahat ng dinadala niya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Red. Paano na si Jefferxone? May pera ako, oo, pero paano sa mga susunod na buwan ngayong wala na akong trabaho?"

"Gusto mo ba doon ka na muna sa resto? Kahit pansamantala lang para habang naghahanap ka ng trabaho. May hiring kasi ngayon sa amin, baka maipasok kita," suhestiyon ni Red na lalong nagpaiyak kay Jaffnah. "Tapos, baka wala pang nahahanap na illustrator si Arion Lamusca. What if i-try mo roon?"

Sa isang banda, hindi magawang malugmok ni Jaffnah dahil pakiramdam niya hindi naman siya pinababayaan ng Diyos dahil katulad na lang ngayon na parang nagkakalakip lahat ng nangyayari. Kahit papaano ay nariyan ang kaibigan niya na handang tumulong sa kaniya.

"S-sige, Red. Maraming salamat."

"Ano ka ba? Wala kang dapat ipagpasalamat sa akin. Kaibigan mo ako, natural lang na gawin ko ito para sa 'yo."

Kapwa sila nag-iyakan sa loob ng ICU habang binabantayan si Jefferxone. Nakausap na rin ni Jaffnah ang nurse na bibisitahin niya ang kapatid niya araw-araw at habang wala siya ay pinakisuyuan niya ang mga ito na tingnan-tingnan si Jefferxone. Pilit niya pa ring tinatawagan ang mama niya pero hindi ito sumasagot kahit nagri-ring naman ang phone nito.

"Ano? Okay ka na?" tanong ni Red kay Jaffnah na ngayon ay naka-formal waiter uniform na kulay pula. Natutuwa si Red na makita ang kaniyang kaibigan na hindi na naka-loose shirt kung hindi fitted blouse at pencil skirt. Ibang-iba sa palagi nitong suot. May light make-up din ito kaya naman hindi maitatangging lumilitaw ang kagandahan.

"Oo, maraming salamat talaga, Red. Kung wala ka, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Napakaswerte ko na kaibigan kita."

"Ano ka ba? Magaling ka kasi, kaya nakapasok ka rin kaagad. Ang galing mo raw sa interview," sagot naman ni Red.

"Ni-refer mo ako kaya nakapasok ako."

"Naku, halika na nga, baka ma-late pa tayo sa trabaho. Maghahanap ulit tayo ng poging guests!" humahagikgik na sabi ni Red habang kinikilig-kilig pa.

"Huy, baliw!"

Magkasabay silang lumabas mula sa kanilang bahay at bumiyahe papunta sa La Les Bons Restaurant. It was past eight in the evening when they got into the place. Ilang araw na rin namang naka-duty si Jaffnah kaya nasasanay na siya sa mabilis na kilos at pagsilbi sa mga guest. Idagdag pa na captain waitress ang kaibigan niyang si Red kaya naman kapag may hindi siya alam ay nagpapaturo siya rito.

"Table number 5, out!" pahayag ng pantry chef sabay palo sa bell. Narinig naman iyon ni Jaffnah kaya pumunta siya sa loob ng kitchen upang kunin ang tray ng mga pagkaing ise-serve sa table number five.

"Kaya mo 'yan?" tanong ni Red. "Ako ang nag-take ng orders niyan kaya ang dami. Puro upsell."

"Ang galing mo talaga!" humahangang sambit ni Jaffnah tsaka niya binuhat ang tray. "Huwag kang mag-alala dahil kaya ko na 'to."

Jaffnah, wearing her genuine smile, went to table number five where there were three guys seated.

"Good evening, sir. Thank you for waiting. Here are your orders—Risotto Milanese, Lobster Bisque, New Orleans Bouillabaisse and Red Wine for three," pagpapakilala pa ni Jaffnah sa mga dishes na inilalapag niya sa table na tila ba inaaliw na rin ang mga ito para hindi magalit dahil hindi siya tumitingin sa mga mata. Iyon kasi ang downside ng trabaho sa hospitality industry—you need to maintain your eye contact, but considering her abilities, hangga't maaari, nililimitahan niyang gawin iyon upang hindi siya mahirapan sa pagtulog. She's avoiding eye contact, as simple as it is.

"If there's anything else you need, don't hesitate to call me," wika pa ng dalaga tsaka tumunghay at doon niya lang nakita ang kanina pa nakatangang mga lalaki sa kaniya.

"Jaffnah?" "Miss Fleurdevuille?" sabay na pagtawag ni Sir Mon at Pit sa kaniya. At sandali niya lang binigyan ng tingin ang mga iyon dahil mas natulala siya nang makita si Zefarino sa harap niya na makahulugang nakatitig sa kaniya.

Sa damit at porma nito, at sa paraan ng pag-igting ng panga ay biglang pumintig ang puso ng dalaga. Naalala niyang muli ang nangyari sa kanilang dalawa at nakaramdam siya ng pagkahiya.

"Dito ka nagtatrabaho, Jaffnah?" tanong ni Pit.

Napakamot naman sa ulo si Jaffnah. "O-opo, gawa ng kaibigan ko, ipinasok niya po ako rito. Habang naghihintay ng tawag mula sa mga inapplyan ko, dito po muna ako nagtatrabaho."

"Hindi kita masyadong nakilala, hija, dahil sa damit at ayos mo. You look so feminine today just like that awarding night," komento naman ni Sir Mon.

"Who are you trying to fool?" singit naman ni Zefarino. Inakala pa ni Jaffnah na siya ang kinakausap nito at talagang natakot siya sa lamig at lalim ng boses ng lalaki. "Pinagplanuhan niyo ba itong dalawa? You invited me for dinner here because you knew she's working here. How many times do I have to tell you that I don't want to work with someone who isn't trustworthy?"

"Zefarino, calm down. I wasn't there when you terminated the contract. Mag-usap muna tayong lahat, then we'll get to decide if both parties still wanted to proceed or not," pamamagitna naman ni Sir Mon.

"Tama, hindi natin alam ang dahilan kung bakit inilihim ni Jaffnah ang tungkol sa impormasyon na iyon. Baka may dahilan siya."

"May dahilan man o wala, hindi dapat nagsisinungaling ang isang tao," matigas na litanya ni Zefarino habang nakatitig pa rin kay Jaffnah na para bang itinatanim nito ang mga salitang iyon sa kokote ng dalaga. "If you're going to force this, then I'm out." Tumayo si Zefarino tsaka umalis at lumabas ng restaurant.

"Zefarino!" sigaw ni Pit.

"Miss Fleurdevuille, wait for us here. Kukumbinsihin ko lang si Zefarino na bumalik dito," paalam ni Sir Mon tsaka sumunod kay Zefarino. Naiwan naman siya at saka si Pit sa table number 5 na parehong hindi alam ang gagawin. Lalo na si Jaffnah, ngayon ay hindi niya makontrol ang malakas na kabog sa dibdib. Nangliliit siya sa kaniyang sarili. Kung hindi siya nagkamali ay hindi naman magkakaganito sumi Zefarino. She was supposed to help him get back on his feet in writing, pero mukhang siya pa ang naging dahilan kung bakit pati ang mga pangarap nito ay maglaho katulad na lang ng pangarap niya.

"Is everything okay here?"

Napalingon naman si Jaffnah sa kaibigan niyang si Red na lumapit na sa kaniya para magtanong.

"May problema ba?" dagdag pa nito tsaka hinaplos ang balikat ng dalaga. Tiningnan din ni Red si Pit at kinausap. "May nangyari po ba? Hindi niyo ho ba nagustuhan ang pagkain? Bakit po umalis ang mga kasama ninyo?"

"Hindi, wala namang ganoon. Don't worry, magkakilala naman kami. Nagkaroon lang ng misunderstanding doon sa kasama ko," propesyonal na sagot ni Pit kay Red. "Sige na, Jaff, bumalik ka na sa trabaho mo. Mukhang imposible nang bumalik rito si Zefarino. Tatawagan na lang kita kapag lumamig na ang ulo niya."

"Okay na po ako rito, Sir Pit. Maraming salamat po. Mas mabuti nga po sigurong huwag na natin siyang pilitin. At isa pa, nag-apply na po ako kay Arion Lamusca."

Napaawang ang bibig ni Pit, tila ba hindi inaasahan ang naging desisyon ni Jaffnah. "Jaffnah, why would you do that?"

Hindi nakasagot si Jaffnah.

"Sa maniwala ka't sa hindi, kailangan ka namin. Kailangan ka ni Zefarino. Matigas lang talaga ang ulo ng matandang 'yon kaya ganoon siya kasakit magsalita. Well, hindi ko rin masisisi. Masyado lang din kasing ayaw niya sa mga taong hindi nagsasabi sa kaniya ng totoo. Pakiramdam niya, ginagawa siyang tanga," paliwanag nito. "Please, take back your application from Arion Lamusca. We'll make everything para makabalik ka. We'll settle this."

Si Jaffnah naman ang napabuntong-hininga. Muli na naman siyang kinain ng konsensya. Kung hindi nga lang siya nangangailangan ng pera ay hindi naman niya iko-consider ang mag-apply kay Arion Lamusca, but she has no choice. Hindi naman panghabangbuhay ang trabaho niya sa restaurant na ito at mas gugustuhin niyang gawin ang totoong nagpapasaya sa kaniya.

Pero sa kabilang banda, pakiramdam niya ang tanga din niya sa desisyong iyon. Masama na nga ang loob sa kaniya ni Zefarino, siya pa ang nagmamatigas at parang walang pakialam. Idagdag pa na may utang na loob siya rito dahil minsan itong naging mabuti sa kaniya. Masyado siyang naging abala sa sariling problema at nakalimutan niyang tanawin ang lahat ng iyon.

"Kung ganoon, ano pong kailangan kong gawin?"

°°°

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top