Chapter 15: A Letter for Termination

°°°

Madilim. Iyon ang sumalubong kay Jaffnah nang imulat niya ang kaniyang mga mata. Alam niyang nasa panaginip na naman siya, at para bang pamilyar na sa kaniya ang lugar na iyon. It seems that it was the dream she watched recently and it was just a continuation or something. O baka, iyon lang ang pakiramdam niya?

Pinagmasdan niya ang paligid para masigurong napanaginipan niya na nga ito at doon niya napagtanto na nasa isa siyang malapad na tulay at sa ilalim nito ay isang look ng tubig. Sigurado siyang hindi niya pa napupuntahan ang lugar na iyon nang personal.

Nagulat siya nang may narinig siyang pagsara ng pinto ng isang kotse. Nakita niyang may lumabas doong lalaki na naka-hood pero mas ikinagulat niya nang masaksihang may hinihila ito—isang duguang lalaki. Nakadapa ang lalaking iyon habang hinihila sa paa ng lalaking naka-hood. At napapahawak na lang si Jaffnah sa kaniyang bibig habang nakikitang nagagasgas ang mukha ng lalaki sa magaspang na lupa at naiiwan ang mga dugo nito sa kalsada.

Hindi man niya gusto ang nakikita, wala siyang pagpipilian kung hindi ang panoorin ito. Alam niyang hindi siya magigising kahit gustuhin niya. Kahit na manginig na ang buo niyang katawan sa takot dahil sa kalunos-lunos na panaginip na ito.

At wala siyang nagawa kahit na nang itapon ng lalaking naka-hood na iyon ang walang buhay na lalaki sa tulay. Nanigas na lamang ang kaniyang paa habang nakatingin sa lalaking ngayon ay nagtatanggal ng gloves. At halos mapugto ang hininga ni Jaffnah nang lumingon ang lalaki sa kaniya nang makita niya itong walang mukha. No, it was just blurry.

Ibig sabihin, hindi sa lalaking iyon ang panaginip na napasukan ni Jaffnah. Kung ganoon, kanino?

Nanginginig ang buong sistema ni Jaffnah habang sinusundan ng tingin ang lalaking iyon papabalik sa sasakyan nito. At bago tuluyang umalis ang sasakyan ay nakita ni Jaffnah ang plate number nito.

AMF 4699.

UMAGA NA nang magising si Jaffnah na may luha sa kaniyang mga mata. Habol-habol niya ang kaniyang paghinga at tila ba nahihirapan siyang kumilos. Ang bigat ng pakiramdam niya dahil sa panaginip na iyon.

"Kay Sir Zefarino ba ang panaginip na iyon? Pero bakit wala siya?" tanong ni Jaffnah sa kaniyang sarili at napagtanto niya ang sariling tanong. "S-siya ba ang lalaking hinihila ng lalaking naka-hood?"

Agad na napatayo si Jaffnah sa kama bago lumabas sa kwarto. Tumakbo siya papunta sa silid ni Zefarino at nagkakakatok, pero walang sumasagot. Nakompirma niya na lang na walang tao sa loob nito nang may narinig siyang nag-uusap sa ibaba.

Madali siyang pumanaog papunta sa writing room at doon niya nakita si Zefarino na kausap si Sir Pit. Pareho itong lumingon sa kaniya na kababakasan ng pagkadismaya. Naalala ni Jaffnah ang ginawa niya kahapon—ang hindi niya pagsabi ng totoo kay Zefarino tungkol sa naging pag-uusap nila ni Sir Pit. She felt guilty.

"S-sir Zefarino..." pagtawag niya sa lalaki. Hihingi sana siya ng tawad nang maalalang ipinagbabawal nga pala nito sa kaniya ang gawin iyon.

Naalala niya ang naging pag-uusap nila kagabi. Dinamayan pa naman siya nito pero anong isinukli niya? Disappointment. Why did she even lie to him in the first place? Why did she keep that secret from him?

"Sige, aalis na ako," paalam ni Pit kay Zefarino tsaka tinapik ang balikat nito. "Jaffnah..." pagtawag din nito sa dalaga bago tuluyang lumabas sa writing room.

"S-sir Zefarino, h-hindi ko—"

"Get dressed," pagputol ni Zefarino sa sasabihin niya. "I'll wait for you in my office. We'll talk." Lumabas na rin ang lalaki sa writing room at naiwan naman si Jaffnah na puno ng pagsisisi sa dibdib. Binilisan niya nang kumilos sa pagpapalit ng damit at pag-ayos sa kaniyang sarili bago katukin ang pinto ng opisina ni Zefarino.

"Come in," malamig na tinig ng lalaki na narinig ni Jaffnah sa labas ng pinto. Unti-unting binuksan ni Jaffnah ang pinto at sumalubong sa kaniya ang isang maganda at malinis na opisina. Ngayon lang siya nakapasok dito simula nang tumira siya sa mansyon. Katulad ng interior sa labas, ganoon din ang nasa loob. May pagka-vintage.

Namangha si Jaffnah nang makita ang koleksyon ng makinilya ng manunulat pero ang mas lalong nagpaawang ng kaniyang bibig ay ang magandang klase ng flute na naroon sa gilid. Marunong mag-flute si Sir Zefarino?

"You're not here to sightsee, Miss Lereve."

Naputol ang paglibot ng tingin ni Jaffnah sa paligid nang magsalita ang matipunong lalaki na naroon sa may vintage table na seryosong nakatingin sa kaniya. "Sign this." Inilapag ni Zefarino ang mamahaling ballpen sa isang puting papel.

Naglakad papalapit ang dalaga at nakita niya kung anong klaseng papel ang pinapapirma sa kaniya ng manunulat—Contract Termination Letter.

"S-sir..." Maluha-luhang pagtawag ni Jaffnah kay Zefarino.

"Enough. Hindi mo na ako madadala sa pag-iyak mo."

"Pero, sir..."

"Kung sa tingin mo ay nakikipaglaro lang ako, makakaalis ka na. Nagsasayang lang tayo ng panahon sa isa't isa," matigas pang saad ng lalaki. He's staring at her blankly like his patience runs out this time. Who would have thought that his only employee he trusted of his being, sheltered her, just lied to him face to face? Hindi lang siya pinagsinungalingan nito kung hindi winalan ng respeto. Pakiramdam ni Zefarino ay napuno na siya sa lahat. Sinubukan niya pa namang maging mabuti at mabait dito, pero mukhang tama nga ang sinabi ni Jaffnah na naabuso siya. He should've believed her when she said that. Bakit ba siya nagbulag-bulagan at nagbingi-bingihan?

"Sir Zefarino, paano ang panaginip mo? Paano ang pagsusulat mo?"

Zefarino scoffed sarcastically. "Am I really the question here? Why? Sa tingin mo ba ay nakadepende ako sa 'yo at sa kakayahan mo?"

"H-hindi iyon ang ibig kong sabihin," mapagkumbabang sagot ng dalaga.

"I don't need your help anymore. In the first place, I have already decided to quit so what's the point of unravelling my dream now? Just sign this and leave. I don't need incompetent employee here."

"Pero napag-usapan na nating tutulungan ang isa't isa, Sir Zefarino!"

"Tulungan?" Zefarino pursed his lips before looking back to the lady. "Are you really helping me?"

Hindi na nakasagot pa si Jaffnah, even if she wanted to protest. This ain't right. Hindi naman niya sinasadyang magsinungaling kay Zefarino. Nadala lang siya ng takot at pagkabigla.

"If you're worried about your salary, don't worry, I'll let Zafira wire it to your account. Makakaalis ka na."

Pakurap-kurap si Jaffnah habang pinipirmahan ang termination contract na nasa lamesa. Pinipilit niyang huwag maluha dahil alam niyang mas ikagagalit iyon lalo ni Zefarino. Alam niya namang nagkamali siya, at siguro nga deserve niya ang mawalan ng trabaho dahil masyado siyang naging kampante na maaawang muli o mas mahaba pa ang pasensya ng kaniyang amo sa kaniya pero nagkamali siya. Ngayon, puno siya ng pagsisisi habang nililisan ang mansyon. Hindi niya na ipinilit pa. Dahil sa sinabi ng manunulat kanina, pakiramdam ni Jaffnah, pera lang ang tingin na habol niya rito. Half of it was true, but not in that manner. At ayaw na niyang patunayan ang sarili niya dahil parang lahat na lang ng sasabihin niya ay iba ang magiging dating sa lalaki.

Jaffnah wiped her tears. Wala pang isang buwan nang manirahan siyang kasama si Zefarino at heto siya naglalakad papalabas ng gate habang bitbit ang kaniyang mga gamit. Parang kailan lang din nang lisanin niya ang trabaho niya sa Serial Weeber, ngayon pati sa poder ng sikat na manunulat na si Zefarino ay pinaalis na rin siya.

Nilakbay niya ang daan hanggang sa makarating siya sa kanto na pwedeng mag-abang ng taxi. Hindi naman siya naghintay ng matagal dahil may tumigil na sa harap niya.

"Saan tayo, miss?" tanong ng isang lalaki.

Doon niya naalala ang nalaman niya kagabi at para bang mas lalo siyang nakaramdam ng kirot sa puso. "S-sa Marova Hospital po."

Sumakay si Jaffnah sa taxi at idinungaw ang kaniyang paningin sa may bintana. "Baka nga kaya ako tinanggal sa trabaho ay para mabantayan ko ang kapatid ko..." wika ni Jaffnah sa kaniyang sarili.

"Ano 'yon, miss? Kinakausap mo ako?"

Umiling si Jaffnah tsaka tumingin sa driver na nakasilip sa kaniya sa rearview mirrow. "Hindi po. Huwag mo na lang po akong pansinin." Tumango lang ang lalaki bago ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho.

Si Jaffnah naman ay pinahiran ang kaniyang pisngi na maya't maya tinutuluan ng kaniyang luha. Doon niya naisipang tawagan ang kaniyang kaibigan. She looked for her phone inside her bag and immediately switched it on. Sigurado siyang masama ang loob ng kaniyang kaibigan dahil napatayan niya ito ng tawag noong nakaraan. Sana lang ay sagutin nito ang tawag niya.

"Jaff?! Good lord, mabuti naman at tumawag ka! Ilang beses na kitang tinatawagan! Nasaan ka ba?!" bungad na sigaw ni Red sa kaniya. Magsasalita na sana siya nang biglang pumreno ang taxi at tumalsik ang phone niya sa unahan.

"Sorry, miss! May bata kasing tumatawid," paghingi ng paumanhin ng driver bago hinanap ang phone ni Jaffnah sa unahan. "Okay ka lang ba?" tanong pa nito habang inaabot ang phone ng dalaga.

"O-opo. Wala pong problema. Ayos lang po ako," sambit ni Jaffnah tsaka tiningnan ang phone niya na ongoing pa rin ang call ni Red kaya sinagot niya itong muli. Samantala, ang driver naman ay nagpatuloy na sa pagmamaneho papunta sa Marova Hospital.

"Anong nangyari?! Bakit may narinig akong matinis? Ang sakit sa tainga, ha? Sabihin mo kung galit ka!"

"Hindi ako galit. Tumalsik kasi itong phone ko kasi may muntikang mabanggang bata kanina, pero ayos lang ako. Ikaw? Nasaan ka?"

"So, ayon na nga. Narito ako sa Marova Hospital. Naisip ko kasing dalawin ang kapatid mo habang wala ka. Nasaan ka ba? Wait, muntikang mabangga? Nasa sasakyan ka? Bakit? Saan ka papunta?" sunod-sunod na tanong ni Red.

"D'yan din."

"H-ha? Wala ka bang trabaho?"

"Mahabang kwento. Mabuti na lang nand'yan ka. Papunta rin ako d'yan. Hintayin mo ako, Red. Kailangan kita." Napasinghot si Jaffnah dahil pakiramdam niya hindi na makapaghintay pa ang mga luha niyang bumagsak. Gusto niya na ng mapagsasabihan, mayayakap, at mabuti na lang narito ang presensya ng kaniyang kaibigan. She felt a lot happened to her when she stayed in that mansion. How ironic.

At naiiyak pa siya sa isiping pinayagan siya ni Zefarino na bumisita ang kaibigan niya sa mansyon kasi hindi niya kayang mag-open ng problema rito, pero wala na iyon at hindi na mangyayari dahil wala na siya sa mansyon.

"Umiiyak ka ba? Anong nangyari? Bilisan mo. Hihintayin kita rito. Magkuwento ka."

°°°

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top