Chapter 13: Unpredictable Woman
°°°
NANLALAKI ang mga mata ni Jaffnah habang nakatitig kay Zefarino. Tama nga ito, sa oras na maalala niya ang nangyari ay malaking kahihiyan ang mararamdaman niya. She fucking devoured the man's lips last night! At heto siya sa harap ng magiting na manunulat habang umaapaw sa kaniyang dibdib ang hiya.
"S-sorry, Sir Zefarino," sambit ng dalaga.
"Sorry for what?"
"W-wala ako sa sarili ko kagabi kaya nagawa ko ang nagawa ko. Naaalala ko na'ng lahat." Napayuko pa si Jaffnah habang umaamin kay Zefarino.
"Which part of what you did are you sorry for?"
Napatingin si Jaffnah sa mga mapupulang labi ng lalaki. This is not exactly her plan why she said she's going to help him. Hindi niya alam kung anong nagtulak sa kaniya para gawin 'yon at kahit anong paliwanag siguro ang gawin niya ay hindi mabibigyang linaw kung bakit niya sinunggaban ng halik ang lalaki.
Jaffnah is not known to be this impetuous. Well, oo pala dahil madalas siyang magpadalos-dalos katulad na lang noong sumugod siya sa Book Fair ng manunulat. Ilang kahihiyan pa ba ang madudulot niya kay Zefarino? Sa tingin niya ay puro perwisyo na lang ang dala niya.
"I-I k-kissed y-you, S-sir." Her cheeks flushed. This is really embarrassing for her. At nararamdaman din iyon ni Zefarino.
Zefarino cleared his throat and squinted his eyes attractively. "Don't worry too much about it. As if it was my first kiss to make it a big deal."
"It is my," matapat na sagot ni Jaffnah tsaka napatakip ng bibig.
"Oh, that's why you almost ate me." Pinipigilang ngumiti ni Zefarino at magbaling ng tingin sa iba habang nakayuko si Jaffnah, pero kahit siya ay natatawa sa naaalala niyang ginawa sa kaniya ng babae. The woman he thought has a strong personality gets weakened and tempted by his gorgeous lips.
"H-hindi ko sinasadya. I swear," giit pa ng dalaga. "I'm sorry because I told you I was going to help you but I ended up messing up. Malinaw naman sa akin ang bilin mong maging civil lang tayo sa isa't isa. Illustrator mo lang ako at narito ako para sa trabaho. Sorry kung may nagawa akong hindi ko dapat ginawa. Hindi ko rin alam kung bakit ko nagawa 'yon. Sana huwag mo akong pauwiin sa amin."
Matagal siyang tinitigan ni Zefarino. Tila ba iniintindi ng lalaki ang posibleng dahilan kung bakit sinasabi niya ang mga iyon, pero para bang naiinis si Zefarino dahil ganoong klase tumakbo ang isipan niya.
Nagulat si Jaffnah nang hilahin siya ni Zefarino at isinandal sa may pinto. She was astounded by how serious his gaze towards her was. "S-sir Zefarino..."
"I told you to not worry about it too much."
"P-pero hindi ko mapigilan. I crossed the line you drew between us. I was so stupid to take advantage of you when you were losing everything. I am really sorry, Sir Zefarino. I am ashamed of myself. I think I'm abusing your kindness."
Zefarino scoffed in disbelief. Kung kanina ay nakakangiti pa ito, ngayon ay namumula na ang mukha at tainga nito sa pagkayamot. "Who influenced you to be this petty?" nakakunot-noong tanong ng lalaki. "You were more complicated than I ever thought of, and you are clearly stressing me out."
"I'm s-sorry..."
"Should I kiss you so you can call it fair?"
"W-what?" Jaffnah was really shocked. Mas lalo siyang nagpigil ng hininga nang makita ang lumalapit na mga labi ng lalaki. Doon siya napapatingin habang nagsasalita ito.
"...so you would stop talking about it anymore. I am annoyed by how you apologized."
"S-sorry..."
"See? Sumasakit ang tainga ko sa kahihingi mo ng tawad. I thought you would be great, do my expectations were that high?"
Pinigilan ni Jaffnah ang kaniyang sarili na magsalita at pinilit na tumingin sa mga mata ng lalaki. Hindi niya rin alam kung bakit bigla itong nagalit na naman sa kaniya. "From now on, I don't want to hear any apologies from you even if it's your fault. If you really are sorry, then show it through your actions."
Napakagat na lang sa ibabang labi si Jaffnah. Hindi niya alam kung anong sasabihin.
"Look at me and answer."
Sinubukan ni Jaffnah na tumingin nang deretso sa lalaki. "Y-yes, sir."
"Louder."
"Y-yes, sir."
"Loud and firm."
"Yes, sir!"
"Good." Bumitiw na ang lalaki kay Jaffnah kaya naman nakahinga na nang maluwag ang dalaga. "I wasn't mad but you made me mad. I would appreciate it if you wouldn't make me repeat what I say. If I say, enough, then stop."
"Okay, sir. S-sor-I mean, noted, sir."
Nakasunod lang ang mga mata ni Jaffnah kay Zefarino na ngayon ay papaupo sa couch. "Sit down. As I promise, we will talk about what happened last night."
Atubili namang sumunod si Jaffnah at umupo sa katabing couch. Muli, naramdaman niya na naman ang distansya sa pagitan nila pero para bang mas maigi 'yon sa kaniya. Naiilang siya kapag malapit sila ni Zefarino.
"Now, tell me, did you see his face?"
Napakunot ang noo ni Jaffnah. "Nino po? Ni Arion Lamusca? Yes, Sir."
"No, the waiter."
Mas lalong kumunot ang noo ng dalaga. "The waiter?" Inalala ni Jaffnah ang gabing binigyan siya ni Arion Lamusca ng red wine. Totoong may waiter na nag-abot sa kanila ng alak, pero hindi niya nakitang masyado ang mukha ng lalaki dahil nakayuko ito. "H-hindi po."
"Bakit hindi mo nakita?"
Rumagasa ang kaba sa dibdib ng dalaga. Para bang nasa gitna siya ng interrogation.
"Hindi ako mahilig tumingin sa mukha ng tao," pag-amin ni Jaffnah. Mukhang naintindihan naman agad ni Zefarino ang dahilan.
"Good, just like what I said, I don't want you looking at someone else except for me." Jaffnah gulped as if assuming something. "You are my exclusive employee. I should be the only one you're dreaming of."
"I-I understand, Sir."
"How about the height?" pagbabalik ni Zefarino sa pangunahin nilang pag-uusap.
"Kasing-tangkad ni Arion, Sir Zefarino." Naging straightforward naman sa pagsagot si Jaffnah sa mga tanong ng manunulat kahit na hindi niya maipagtugma-tugma kung bakit iyon tinatanong ng lalaki.
"Can I ask something, Sir?"
"What is it?"
"May kinalaman ba ang waiter sa nangyari sa 'yo kagabi?"
Napasandal si Zefarino tsaka tumikhim. "Yes, Miss Lereve. He is the prime suspect of how that opium ended up in that full-bodied red wine."
Napakagat sa labi ang dalaga. "Kung gano'n, kung natitigan ko lang sana ang mata niya, malalaman ko ang mukha niya sa panaginip ko."
Kumunot naman ang noo ni Zefarino at naging interesado. "You can do that?"
Jaffnah nods. "Yes, Sir. Kaya nga nakilala ko ang mukha mo. Remember, naka-mask ka noong nagkabangga tayo? I saw your eyes not your face, but that night, nang makapasok ako sa panaginip mo, nakita ko ang buo mong mukha kaya nga noong nabalita ka sa TV, agad kitang nakilala. Kaya nga nasugod kita sa book fair," mahabang paliwanag ni Jaffnah.
"Oh, so that's the reason. I see it now." Makahulugang tinitigan ni Zefarino ang mga mata ni Jaffnah. "The moment you lock eyes with someone, you will enter their dreams at night even if it was just their eyes you saw, not the whole face."
"Yes, Sir," tugon ni Jaffnah. "But I saw his hand, sir and I heard his voice. I think, I heard his voice before."
"What do you mean?"
"His voice is kinda familiar to me. And his hand, he is left-handed, Sir Zefarino. I think, he is married. No, I think, he just got divorced."
Lalong naging interesado si Zefarino sa pinapahayag sa kaniya ng babae. "How do you think so?"
"His ring finger... May parteng maputi na para bang dating may nakalagay doon kaya hindi kakulay ang buo niyang kamay. Ano lang ba ang nilalagay sa palasinsingan kung hindi singsing, hindi ba?"
"Hmm... You're right." Patango-tango si Zefarino habang malalim ang iniisip. Seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa kawalan. Si Jaffnah naman ay pinagmamasdan ang mukha ng lalaki at hindi niya mapigilang mamangha dahil iba pala ang tama ng kagwapuhan nito kapag nakakunot ang noo.
"Then, that answers why he would put opium in your drink," said Zefarino as he moved hus attention to the woman again, who's now felt a grip on her chest.
Nagsitaasan ang balahibo ni Jaffnah sa katawan. "A-anong ibig mong sabihin, Sir?"
"That's the only possibility I can think of right now. He wants someone to be a victim of his lonely night, if he's really a divorced man. That man wanted to mess with you that's why he put an opium on the glass, at mukhang pupuntiryahin niya na rin ako dahil naging sagabal ako sa plano niya."
"No, it can't be, Sir Zefarino." Nanginginig na nagsalita si Jaffnah. "I can't believe this. Sabi ko na, eh, kaya ayokong nagsusuot ng kung anong magagandang damit, at nag-aayos dahil paniguradong magiging biktima ako ng mga masasamang mata ng mga lalaki. I forcefully taught myself to not learn wearing make-up, nor dress up because I was scared to be taken advantage of like this. Hindi ako makapaniwalang muntikan na ako."
"But it is not about the dress you wear, Miss Lereve. Even if you're wearing a loose shirt like that, someone might find you attractive," litanya ni Zefarino. "Nasa mata ng masasamang tao kung gusto ka nilang pagsamantalahan."
"T-then what should I do now? Bakit sa lahat ng babae, ako pa?"
"I don't know, Miss Lereve. I mean, I get it why he chose you. Your red bloody dress is one of a kind and actually a neck-turner that night."
Hindi magawang maging masaya ni Jaffnah. Pakiramdam niya isang kasalanang maging maganda. Kung papipiliin nga siya, hindi niya gustong maging maganda kung ilalagay lang siya nito sa kapahamakan.
"That's why we need to capture that man as soon as possible, before he gets back to you and hurt you."
Tumayo na si Zefarino para lumabas sa writing room. "Go back to your bedroom. Oras na para matulog."
Jaffnah did her very best to go back to her room alone even if her heart tightens in fear. Sino ba naman kasing hindi matatakot ngayong nalaman mong may nagkakainteres sa 'yong saktan ka?
She made her way to her bed after she took a half bath to calm herself but still she's shaking in nervousness. Lalo pa sa malaking kwarto kung saan siya lang mag-isa. Nagtatalo ang puso't isip niya kung hahayaan na lang bang buhay ang lampshade o papatayin dahil pareho siyang natatakot na baka pasukin siya ng masamang loob o kaya naman ay makita niya ang mukha ng gustong manakit sa kaniya.
Paikot-ikot si Jaffnah sa kama upang humanap ng magandang pwesto para makapag-relax at matulog pero wala pa rin. Uminom na siya ng sleeping pills, pero hindi ito umeepekto.
Napabalikwas siya sa inis dahil hindi talaga siya pinapatulog ng kaniyang bukas na diwa.
"Ughhh! Mapapagalitan ako ni Sir Zefarino nito, eh! Utang na loob, Jaffnah, matulog ka na! You are more than this! Mas dapat katakutan ang Diyos kaysa sa iba! Huwag kang matakot! Just pray and everything will be fine. Relax. Walang mangyayari sa 'yo habang tulog ka. Nasa mansyon ka ni Sir Zefarino. He'll protect you."
Pero tila ba ang huli niyang salita ang nagpangiwi sa kaniya. "He won't protect me. Ano lang ba ako? I should be the one protecting myself and to be able to do that, kailangan kong kumuha ng kutsilyo."
Napagpasyahan ni Jaffnah na bumaba papunta sa kusina. Mabilis niyang nakuha ang kutsilyo at akmang papabalik na siya sa kwarto nang may marinig na boses.
"What are you doing, Miss Lereve?" Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan nang makita si Zefarino na nakaitim na roba habang nakasandal sa may pinto ng kwarto nito. "What are you holding?"
Agad na tinago ni Jaffnah ang kutsilyong hawak niya sa kaniyang likuran. "W-wala po ito. Huwag niyo po akong intindihin. Matulog na po kayo."
"Hindi ba't ako dapat ang nagsasabi niyan sa iyo? Bakit hindi ka pa natutulog?"
Napakamot naman ng ulo si Jaffnah. "Hindi po ako makatulog, Sir."
"Why?" Naglakad si Zefarino papalapit sa dalaga. Si Jaffnah naman ay parang natameme dahil sa kakisigan ng lalaking nasa harap niya. Magulo ang buhok nito pero hindi mapagkakailang nakamamangha ang taglay na kagwapuhan. Sapat para hindi makapagsalita ang kahit na sinoman.
Hating-gabi na at tanging liwanag na lang ng buwan na tumatagos sa malaking bintana ang nagsisilbing ilaw sa second floor. Sa sobrang laki ng mansyon, magtataka ang kahit na sino kung bakit nakakaya ni Zefarino na tumira rito nang mag-isa. Pero tila ba kakampi ni Zefarino ang dilim na kaya niyang mapahina ang kahit na sinong babae kapag nakita siya sa gabi.
"Iniisip ko kasi 'yong sinabi mo na may taong gustong gawan ako ng masama."
"Kaya ba may hawak kang kutsilyo?"
Napatingin naman si Jaffnah sa kapit-kapit niya. Naaninagan pala iyon ni Zefarino sa salamin na nasa dingding. Wala nang silbi kung itago niya pa ito.
"Natatakot ako na baka saktan niya ako habang natutulog. Mabuti nang handa ako kung sakaling may gawin siya sa akin. Hindi ko alam ang nangyayari sa paligid kapag tulog ako. Hindi ako basta-bastang nagigising lalo na kung masyado akong naka-focus sa panaginip na pinanonood ko. Ito lang ang kaya kong gawin para protektahan ang sarili ko."
Napangisi naman si Zefarino. "You know what? I think you are using your brain but not really using it. On the surface, you look like you're a brilliant woman because of your bravery, but deep inside you are naive, clumsy and innocent."
"Anong ibig mong sabihin? Pinipintasan mo po ba ako?"
Umiling si Zefarino. "You have a lot of personalities and somehow I am confused if what you show to me is your genuine self. Minsan, matapang ka, minsan duwag. Minsan matalino, minsan walang alam. Minsan malakas ang loob, minsan mahiyain. Minsan masungit, minsan mabait. I don't really understand you. You're unpredictable... interesting."
Jaffnah's heart skipped a beat. For a moment, she felt teary-eyed for that compliment. Hindi pa sila ganoon katagal nagkakasama ni Zefarino pero para bang dahil sa mga sinabi nito, napatunayan niyang kinikilala talaga siya at inoobserbahan ng lalaki.
"You make people around you want to know you and protect you."
Namula ang pisngi ni Jaffnah at sa pagkakataong iyon ay nagpasalamat siya sa dilim dahil maitatago no'n ang kilig niya. Para siyang baliw dahil isang beses lang may nagsabi sa kaniya ng ganito at iba pala sa pakiramdam kapag gwapong lalaki ang pumupuri sa kaniya dahil nagagalak siya.
"You're like a child, Miss Lereve."
Napabuga si Jaffnah sa sinambit ng lalaki. "C-child?"
"Yes, parang bata na nagpapapansin at nangangapa kung ipapakita na ba ang totoong siya." Hindi inaasahan ni Jaffnah na maririnig niya iyon kay Zefarino. Nandoon na, eh. Kinikilig na siya dahil parang may ibig ipahiwatig ang mga salita nito sa kaniya pero ang tingin lang pala sa kaniya ng lalaki ay isang bata!
"I would appreciate it if you would show your true self to me."
Napairap naman si Jaffnah. "Baliw! Baliw ang totoong ako! Kung hindi ka masungit at hindi ako natatakot sa 'yo na tanggalan mo ako ng trabaho, matagal ko nang nailabas ang garapal kong pag-uugali! Pero dahil nag-request ka na, sisiguraduhin kong sasakit ang ulo mo sa akin! Umalis ka na dahil baka sa 'yo ko pa magamit itong kutsilyo ko!"
Pinagsarhan ni Jaffnah ng pinto si Zefarino. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob pero sa sandaling iyon ay tila ba guminhawa ang pakiramdam niya. Ang pagsigaw niya lang pala kay Zefarino ang magpapawala ng stress niya. Sana ay matagal niya nang ginawa.
Itinago ni Jaffnah ang kutsilyo sa ilalim ng unan. Habang nakatingin sa kisame ay kinausap niya ang sarili. "Tama si Sir Mon, kailangan ko lang ng confidence at tingnan ang sarili ko na may halaga. Dahil kung ako mismo ay walang tiwala at mababa ang tingin sa sarili, kakaya-kayanin lang ako ng ibang tao. Lalo na ang Zefarino na 'yon, palagi niya akong tinatakot at pinaglalaruan, kailangan niyang maturuan ng leksyon."
*****
"Miss Lereve... wake up..." paulit-ulit na paggising sa kaniya ni Zefarino. "Miss Lereve..."
It is the night when they were in the City of Dreams. Zefarino couldn't sleep that night and just observed the lady who's asleep after the couples of checks she did to his senses.
"Miss Lereve..." Tinatapik-tapik ni Zefarino ang dalaga pero hindi pa rin nito iminumulat ang mga mata. Umuungot-ungot lang ito habang umiiling. Tila ba may napapanaginipang masama.
"Miss Lereve..." Puno na ng pag-aalala ang mga mata ni Zefarino habang hinahaplos ang balikat ng dalaga para pilitin itong gumising. Nakikita niya pang may luha nang umaalpas sa mga mata ng babae at nasisiguro niyang masakit ang panaginip na pinanonood nito.
"D-don't kill me... please... s-sir..."
°°°
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top