Chapter 12: Losing Senses
°°°
NAKAKUNOT ang noo ni Jaffnah hanggang sa makabalik siya sa kwarto. Iniwan niya si Ayra doon sa kusina. Sandali siyang nag-isip-isip bago pumunta sa writing room at simulan ang trabaho niya.
A couple of hours had passed when Zefarino came home. Sumilip siya at nakita ang paghalik ni Ayra sa pisngi ng manunulat. Zefarino didn't even stop her and then Jaffnah realized Ayra might be someone Zefarino adored.
Baka nga may relasyon ang mga ito lalo na't nabanggit ni Ayra sa kaniya kanina na tumira silang magkasama ni Zefarino sa iisang bahay.
She didn't know why she felt something in her heart. Parang may tumutusok kaya kumikirot ito. Minabuti niya na lang na ibaling ang atensyon sa ginagawa, pero talaga yatang masyado siyang na-distract sa kaniyang nakita.
"Grrr... why am I feeling this way?!" bulalas ni Jaffnah.
"What way?"
Jaffnah jolted onto her seat when Zefarino appeared on her side, looking at her monitor.
"P-po? W-wala po." Tiningnan ni Jaffnah ang kaniyang relo. "Alas sais na pala. Babalik na po ako sa kwarto ko, Sir Zefarino."
Akmang lalabas na si Jaffnah nang higitin ni Zefarino ang kaniyang braso. "What's wrong?"
"Wala naman po. Hindi ba't oras na po para matulog?"
Pero hindi kumbinsido si Zefarino. "Why are you acting so strange? Did something happen here while I was away? Ayra was here earlier."
Umiling si Jaffnah. "Wala naman po, Sir."
Zefarino's forehead creased and for a moment became annoyed by how Jaffnah's answering him. "Then, why are you avoiding my gaze?"
"H-hindi naman po."
"Look at me." Jaffnah stared at the man's eyes. At sa pagkakataong iyon, nakita niyang parang nagsusumamo ang mga mata ng manunulat. Sigurado siyang hindi lang si Ayra ang mapapanaginipan niya ngayong gabi, kung hindi pati na rin si Zefarino. "You locked eyes with Arion Lamusca last night. What is your dream about him?"
Hindi inaasahan ni Jaffnah ang tanong na iyon. "Hindi ko po maalala."
"Well, then good. I did my best last night for you not to dream about him. Just keep on looking at me from now on. Only me, Miss Lereve."
Matagal na nagkatitigan ang dalawa at sa sandaling iyon, naalala ni Jaffnah ang nangyari kagabi.
"Zefarino!" malakas na sigaw ni Sir Mon na ngayo'y nagmamadaling tumakbo palapit kay Jaffnah na salo-salo ang manunulat. Kasunod ng manager ang editor na si Pit na nababahala na rin sa biglang pagkawala ng malay ni Zefarino. "Jaffnah, anong nangyari kay Zef?!"
Natataranta namang sumagot ang dalaga. "Ininom niya 'yong wine, Sir Pit! Mabilis ba siyang malasing?" Pit glanced at that glass now emptied and immediately looked at Sir Mon, seeming wanting to confirm something. At sa mabilis na tinginang iyon ay tila ba pareho sila ng naisip.
"Hindi, Jaffnah. Hindi agad napapatumba ng alak ang lalaking ito."
"Also, the red wine served has the least alcohol content since they were preventing chaos from happening," saad naman ni Sir Mon.
"Siguradong may kakaibang laman ang red wine na 'yan kaya ganito ang naging reaksyon ng katawan ni Zef."
"A-ano pong ibig niyong sabihin?" Hindi na sinagot pa nila Sir Mon ang tanong ni Jaffnah kung hindi, mabilis na inaksyunan ang kaguluhang nangyayari. Doon lang din napansin ni Jaffnah na nakuha na nila ang atensyon ng lahat.
"Everyone! Continue the event! The author enjoyed the night and passed out," nakangiting wika ni Sir Mon tsaka muling bumaling kay Pit. "Pit, get the red wine glass secretly."
"Kopya."
"Miss Fleurdevuille, you go bring Zefarino to room 912. Here is the keycard."
"P-po? Hindi ba natin siya dadalhin sa hospital?" nag-aalalang tanong ng dalaga habang yakap-yakap pa rin ang manunulat at inaabot ang keycard mula kay Sir Mon.
"No, kahit anong mangyari, huwag mo siyang dadalhin sa hospital," bilin pa ng mga ito.
"P-pero paano kung—"
"Sige na, Jaffnah. Umalis na kayo rito. Umakyat na kayo. Ikaw na ang bahala kay Zef. Tawagan mo ako kapag may nangyari sa kaniyang kakaiba."
"H-hindi pa ba kakaiba ito? Hindi po ba siya mamamatay?"
"Hindi. Sige na, sumunod ka na lang."
Nagpatuloy na ang awarding. Samantala, si Jaffnah naman ay nagtataka sa ikinikilos ng dalawa at sa mga lihim na usapan ng mga ito gamit ang mga mata. Nagdesisyon na siyang lumabas sa event hall habang akay-akay ang walang malay na manunulat.
Ilang sandali pa ay nakarating na siya sa room 219 kasama si Zefarino. Bumungad sa kaniya ang maganda at mamahaling kwarto.
"S-sir Zefarino... halika na sa kama."
Akmang hihilahin niya na ito nang kumalas ito sa kaniya. Mas ikinagulat ni Jaffnah ang paghubad nito ng coat.
"S-sir Zefarino, what are you doing?"
Hindi ito sumagot sa halip ay niluwagan ang kurbatang suot. Nararamdaman kasi ng lalaki na parang may kung ano sa loob ng katawan niya. It is really impressive how he can still stay calm in the midst of the burning sensation he felt because of that deadliest wine drink. No one can manage to stay on their feet after experiencing hell except him now standing like a nonchalant man who endures many pains before. Trained well to hide his feelings and emotions.
"Sir Zefarino, anong nararamdaman mo? Sabihin mo sa akin."
Lumapit si Zefarino kay Jaffnah. Tinitigan nito ang dalaga nang malalim. Sa unang pagkakataon ay nasabi niya ang nararamdaman niya. "It's suffocating..."
"P-po?"
"Hindi ako makahinga, Miss Lereve."
"S-sandali, tatawagan ko si Sir Pit! Oh, god, wala akong phone!" Natutulirong sigaw ni Jaffnah. Ibinaling niyang muli ang tingin kay Zefarino at walang pag-aatubiling tinastas ang mga butones ng polo nito. "W-what are you doing, Miss Lereve?"
"I'm helping you! Sabi mo, hindi ka makahinga! Ano pang nararamdaman mo, Sir Zefarino? Tell me! May masakit ba sa iyo?" Bakas sa mukha ng dalaga ang pag-aalala at tila ba nagugulat si Zefarino sa inaasta niya. Hinawakan ng lalaki ang kamay niya.
"I would appreciate it if you would distance yourself."
"H-ha? Bakit na naman? Noong una, ayaw mong kausapin kita. Ngayon naman ay huwag akong lumapit sa 'yo? Eh, sa akin ka nga hinabilin ni Sir Pit!"
"If you want to be safe, don't go near me," seryosong wika ng lalaki tsaka naglakad papunta sa couch. "I am not drunk but there's an eerie feeling I have inside like an effect of a strong alcohol. I am thirsty. I feel hot," paglalarawan pa ng manunulat habang nakaupo at sinusubukang pakalmahin ang sarili.
"Kung gano'n, ikukuha kita ng inumin." Nagmadaling pumunta si Jaffnah sa ref at kumuha ng bottled water bago bumalik sa sala. Lumuhod siya sa harap ng lalaki at ibinigay ang inuming iyon. "You are sweating a lot, Sir Zefarino. It might be because of that drink. Iyon din ang sabi nila Sir Mon."
Hindi nagsalita si Zefarino sa halip ay tinitigan lamang ang tubig na ibinigay sa kaniya ng dalaga.
"Ibig sabihin, it was supposed to be mine. Ako ang binigyan ni Arion ng wine. Ako ang dapat uminom at nakararanas ng ganito."
"Stop talking."
Tumunghay muli ang dalaga at nagkasalubong sila ng tingin ng manunulat. "No, sir. Hindi ba natin siya ipapupulis? He put something on the drink, and now you're suffering. Hindi makakaya ng kunsensya kong panoorin ka lang. Kung ako ang nakainom no'n, baka namatay na ako."
"I can no longer hear you, Miss Lereve." Zefarino sweetly chuckled despite the pain he felt inside. Maybe because he liked her seeing being worried about him.
"W-what? At nagagawa mo pang tumawa?"
"I can't even see you now."
Jaffnah bit her lips. Hindi niya alam kung sasabayan niya ba sa pagtawa ang amo niya dahil ngayong nakikita niya ito, nakakaramdam siya ng awa. "Sir Zefarino naman, mukha ba akong nakikipagbiruan sa inyo? Bakit ba kasi hindi ka pwedeng dalhin sa hospital? Mamaya kung ano nang mangyari sa 'yo!"
"Why? Are you worried? It's such a waste I can't see your eyes if you're lying or not."
"Sabi mo, hindi mo ako naririnig! Ikaw ang sinungaling!"
"You were shouting, of course, I can hear a bit."
Napakamot na lang si Jaffnah tsaka tumayo at umupo sa tabi ni Zefarino. "Ito ba? Naririnig mo na ako?!" Lumapit si Jaffnah sa tainga ni Zefarino. "Sir Zefarino!"
"You go near my ear and shout, of course, I will hear you, Miss Lereve." Nilingon ni Zefarino si Jaffnah. At ang inosenteng dalaga ay tila ba hindi naalala ang bilin sa kaniya ng manunulat na huwag lumapit.
"Kung gano'n, ano pang nararamdaman mo, Sir Zefarino? Anong maitutulong ko para hindi ka mamatay?"
"Do you really wanna help me?" tanong ng lalaki.
"Oo nga, tutulungan nga kita. Basta siguraduhin mong magiging maayos ka. Gagawin ko ang lahat para tulungan ka."
"Then, check my senses. I think I'm losing all of it. List down all of the effects I am feeling right now."
Napatigil naman ang dalaga. "Fine. Iyon lang pala, eh! So, hindi ka makarinig at makakita..." Kumaway si Jaffnah sa harap ng mukha ni Zefarino upang tingnan kung magkakaroon ba ito ng reaksyon. "Sense of hearing, sense of sight... How about the sense of smell? Naamoy mo ba ako?"
"Come closer so I can sniff."
Tila ba pinagsisihan iyon ni Jaffnah dahil hinila siya nito at napaupo siya sa pagitan ng mga hita ng lalaki. Nanlalaki ang mga mata niyang nagtitimpi habang sinisinghot-singhot ni Zefarino ang kaniyang leeg. "I can't."
Zefarino placed his hand on Jaffnah's nape and continued to sniff her scent but the answer was still the same. "Wala akong maamoy, Miss Lereve."
"I-I see... how about the sense of touch?" nauutal na sambit ni Jaffnah. Hindi siya nakainom ng kahit na anong alak, pero tila ba nararamdaman niya ang init sa kaniyang katawan dahil sa ginagawa nilang dalawa. Lalo pa't nakahawak ang lalaki sa kaniyang batok at parang hahalikan siya nito.
No, Jaffnah, behave. This is not the time to think nasty about the man. Hold yourself!
Nagulat si Jaffnah at hindi nakapalag nang hawakan ng manunulat ang kamay niya at idinikit sa pisngi nito. Nakapikit si Zefarino habang ninanamnam ang haplos ng kamay ng dalaga. Jaffnah also did the same. She touched his ear and gently rubbed her fingers. Hindi niya rin alam kung anong pumasok sa isip niya para bumaba ang kamay niya papunta sa leeg ng lalaki at hinaplos-haplos pa ito. Pero tila ba hindi pa nakumbinsi si Jaffnah na walang nararamdman si Zefarino dahil ibinaba niya pa ang kaniyang kamay papunta sa nakabukas na polo ng lalaki... sa maganda nitong katawan na malaya niyang nasisilayan.
"I can't feel anything, Miss Lereve." But that seems to be a lie, she can feel his manhood now erect between her thighs.
"Then, should we move on to taste?" tanong ni Jaffnah na tila ba parang nawawala sa sarili.
"How are we supposed to do that? Are you going to order foo—" Hindi natapos ang sasabihin ni Zefarino nang bigla siyang sunggaban ng halik ni Jaffnah.
°°°
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top