Chapter 11: Forgotten Night
°°°
UNTI-UNTING ibinukas ni Jaffnah ang kaniyang mga mata. Sumalubong sa kaniya ang sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mukha mula sa may bintana.
"N-nasaan ako?" tanong ni Jaffnah sa sarili sa likod ng kaniyang isipan. Bumangon siya at ipinasada ang paningin sa paligid at napagtantong nasa kwarto siya ng mamahaling hotel. Pamilyar ang interior design nito at para bang nakita na niya ito noon. "A-anong ginagawa ko rito? Paano ako nakapunta rito?" dagdag niya pa, at nasagot lahat ng tanong niya nang makita ang lalaking nasa tabi na mahimbing na natutulog, pero ang mas ikinagulat niya ay ang hubad nitong katawan.
"B-bakit—?!" natataranta niyang tanong tsaka sinilip ang kaniyang sarili sa ilalim ng kumot at nakitang nakabestida lamang siya na manipis. "A-anong nangyari?!"
"Hmmm..." Muli siyang napalingon sa lalaking katabi niya nang umungol ito.
"No... no, this can't be..." hindi makapaniwalang sambit ng dalaga habang napapasabunot sa kaniyang buhok. Tumagilid ang lalaki kaya naman ang makinis at malapad na likod na lamang nito ang nakikita niya.
"Anong nangyari sa amin ni Sir Zefarino?! May nangyari ba sa amin?" nagpapanic pa niyang tanong. "Nananaginip ba ako?! Nasa panaginip ba ako? This is really impossible!" Tinampal-tampal pa ni Jaffnah ang kaniyang sarili at kinurot-kurot pero wala itong epekto. "No way... this can't be..."
"Shush. You're so loud." Napaigtad si Jaffnah nang marinig ang boses ng katabi niya. Nakatalikod pa rin ito na para bang kumukuha pa ng tulog. Lakas-loob niyang kinausap ang amo niya.
"S-sir Zefarino? What the hell happened to us last night?! Wala akong maalala!" Sinusubukan niyang kumalma pero ang isiping wala siyang maalala kagabi ay talagang ikinababaliw niya.
"Isn't it obvious?"
Mas lalong napaawang ang bibig ni Jaffnah sa narinig. Muli pa itong humarap sa kaniya kaya lalo siyang nasilaw sa kagwapuhan nitong taglay. Idagdag pa na kumakawala sa kumot ang makisig nitong dibdib. Tinakpan naman iyon ni Jaffnah ng unan.
"No... no... this is not what I think it is." Jaffnah tried to calm herself and think of any possibilities why she ended up being with him on a king size bed. Tumayo siya mula sa kama at hinanap ang mga damit niya pero lalo lang siyang nanlulumo dahil nadiskubre niyang nakakalat ang mga ito sa sahig.
Panay ang paghinga niya nang malalim habang si Zefarino naman ay naaaliw sa kaniyang nasasaksihan.
"No, nothing happened. Wala namang masakit, eh. Kung meron, sana may dugo sa bedsheet, pero wala naman," pangungumbinsi ni Jaffnah sa kaniyang sarili.
"So you're telling me you were a virgin?" mapaglarong tanong ni Zefarino na ngayo'y nakasandal na sa headboard. Agad na namula ang pisngi ni Jaffnah. Hindi niya inaasahang ang iniingat-ingatan niyang virginity ay makukuha lang nang walang habas. Ang masaklap, wala pa siyang maalala. Ang tanging natitira lang sa kaniyang alaala ay ininom ni Zefarino ang red wine na dapat ay sa kaniya, pagkatapos ay niyakap siya nito at biglang nahimatay sa mga bisig niya. Ang kasunod no'n ay wala na siyang maalala.
Pero bigla siyang may napagtanto at saka natawa. Nakangisi siya habang muling lumalapit kay Zefarino.
"Why? What's with the smirk?"
"Your question confirmed that nothing happened, Sir Zefarino. Kung may nangyari sa atin, hindi ka magtatanong dahil masisiguro mo iyon."
Zefarino was amazed by how he was outsmarted by the lady. He was impressed.
"Well, we almost did it, Miss Lereve," pambawing pang-asar ng lalaki na ikinawala naman ng ngisi ni Jaffnah. "You attacked me."
"W-what?! N-no way! Hindi naman ako lasing, bakit ko gagawin iyon sa iyo? At isa pa, wala akong alam sa ganiyan!"
"Believe it or not, you did."
Nanlaki lalo ang mga mata ni Jaffnah habang sinusubukang alalahanin ang lahat pero kahit isang sandali ay wala talagang bumabalik sa kaniyang alaala. She was biting her nails in despair.
"Stop thinking about it or else you'll end up getting embarrassed."
Pangahas na tumayo si Zefarino mula sa kama. Mabuti na lang at mabilis na tumalikod si Jaffnah kung hindi, makikita niya ang lahat ng ipinagmamalaki ng lalaki.
"Come on. Get dressed. We have a lot of work to do here."
"Y-yes, sir." Dumeretso na si Jaffnah sa banyo upang maligo. Saktong pagpasok at pagbukas ng shower, bumuhos sa kaniya ang isang alaala ng nangyari kagabi.
They were sharing deep passionate kisses last night in bed. She was on top of Zefarino devouring his lips while the man's hands were on her hair, gripping it.
Nanlalaki ang mga mata ni Jaffnah habang napapahawak sa mga labi. "D-did we kiss?" Jaffnah gulped while her face was now pale. Kahit pilitin niyang isipin na panaginip lang iyon pero nakukumbinsi siyang totoo lalo na sa itsura ng labi niya ngayon na parang nalapastangan kagabi.
Bumilis at lumalim ang kaniyang paghinga lalo na nang may makompirma siya. The hotel room... It was familiar because it is the place where Zefarino and her did the deed in his wet dreams. Ibig sabihin, ang napanaginipan niya noon... nangyari na kagabi.
Hindi siya makapaniwala. Napayuko siya upang mag-isip pero sa sandaling iyon ay napansin niya ang bandaid sa gilid ng kaniyang paa.
"Sino ang naglagay nito?"
Jaffnah finished taking a bath and what welcomed her on the bed was another simple dress. Nakaroba lang siya nang lapitan niya iyon.
Hinanap niya si Sir Zefarino upang kumpirmahin na sa kaniya ang damit nang makita niya ito sa dining area kasama si Sir Mon at Pit.
"So, we brought the red wine glass to the lab and it was confirmed, may nakahalo ngang opium sa alak na nainom mo," seryosong balita ni Sir Mon na siyang ikinabahala ni Jaffnah.
"O-opium? Isn't that a drug?" sabat nito na naging dahilan ng paglingon sa kaniya ng lahat.
"Jaffnah! Tapos ka na pala. Bilisan mo nang magpalit ng damit para makaalis na tayo. May dinala ako d'yan para sa iyo. Nasa ibabaw ng kama."
Sinunod ni Jaffnah ang utos ni Pit at nagmadali siyang magbihis sa pag-aakalang maaabutan niya pa ang pag-uusap ng tatlo, pero nang matapos siya ay lumabas na silang lahat para mag-check out sa hotel.
"Nagkabati na ba kayo?" bulong ni Pit kay Jaffnah. Nasa likod sila habang si Sir Mon at si Zefarino ay nasa reception desk.
"P-po?"
"Hindi pa?" nag-aalalang tanong ni Pit at sabay na bumaba ang magkabilang balikat sa pagkadismaya. "Kaya ko nga ipinaubaya sa 'yo si Zef kagabi para magkausap kayo, wala pa rin?"
Umiling si Jaffnah. "H-hindi ko po alam. Wala po akong maalala sa nangyari kagabi."
Kumunot ang noo ni Pit. "Wala? Paanong wala?"
Jaffnah shrugged before glancing at the famous writer. "Wala po talaga akong maalala."
"Hmm... sa pagkakaalam ko, si Zefarino ang nakainom ng opium, bakit ikaw ang walang maalala? Unless..." Ngumisi naman si Pit. "...the two of you kissed."
Nanlaki ang mga mata ni Jaffnah at naramdaman niya ang pag-init ng kaniyang pisngi. "A-ano?! B-bakit naman po kami magki-kiss, Sir Pit? Wala pong ganoong nangyari! At hindi po ako papayag, bata pa ako! Tsaka ikaw di ba ang nagsabi na walang ka-amor amor si Sir Zefarino sa ganoon?"
Natawa naman si Pit. "Oo nga, wala nga, pero malay natin kung meron na? Ano bang alam ko? Kayo ang palaging magkasama sa mansyon. Malay ko ba sa nangyayari sa inyong dalawa."
"Wala pong nangyayari sa aming dalawa, Sir Pit. I swear," giit pa ng dalaga na lalong nagpahagikgik kay Pit.
"Well, alalay lang. Ingatan mo ang iyong puso. Hindi natin alam ang tumatakbo sa matalinong utak ng manunulat na 'yan. Baka mahulog ang loob mo at hindi ka niya saluhin. Huwag masyadong bibigay, ha?"
Natigilan naman ang dalaga at napabuntong-hininga. "Wala naman po sa plano ko ang bagay na iyan. Trabaho lang po ang dahilan kung bakit ako narito."
"I see, I see. Hindi na kita aasarin, pero masaya ako na nagkabati na kayo." Tinapik ni Pit ang balikat ni Jaffnah. "Naniniwala akong ikaw ang makakatulong kay Zefarino para bumalik siya sa pagsusulat."
"Anong pinag-uusapan ninyo?"
Napalingon si Jaffnah sa nagtanong—it was Zefarino looking so serious in front of them. At hindi lang sa kaniya ito nakatingin kung hindi pati sa kamay ni Pit na nakapatong sa balikat niya.
"Ah... w-wala po, Sir. Uuwi na po ba tayo?" tanong ni Jaffnah at nang mapansing nakatitig pa rin si Zefarino sa kamay ni Pit ay siya na ang nagtanggal no'n, pero tila ba nainis pa ito sa paghawak niya sa kamay ng editor.
"Oo, uuwi ka na."
"P-po? Ano pong ibig niyong sabihin?" may halong pagtataka ang tanong ng dalaga. Muli niyang naalala ang sinabi ni Zefarino noon—na kapag hindi niya nagawa ang trabaho niya ay iteterminate na nito ang kontrata nila. Agad na nanubig ang mga mata niya. "Tatanggalin niyo na po ba ako? H-hindi pa po tayo nagkakausap tungkol sa dapat kong gawin dito, hindi ba? Ang unfair naman, kung ganoon!"
"What are you talking about?"
"Hey, keep it down. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito sa lobby," paalala ni Sir Mon.
"Bakit mo ako pauuwiin sa amin?" Tila ba hindi narinig ni Jaffnah ang sinabi ni Sir Mon. "Hindi ka nakikipag-usap tapos tatanggalin mo na ako sa trabaho? Ilang beses kitang kinakausap pero hindi mo naman ako pinapansin, Sir Zefarino! Napakadaya mo naman! Ano bang problema mo sa akin? May galit ka pa ba? Bakit mo iteterminate ang contract natin?"
"When did I say that? Ang sabi ko, umuwi ka na sa mansyon at doon mo ako hintayin. Mag-uusap tayo mamaya."
Napatigil naman si Jaffnah at napaatras. Nakaramdam din siya ng hiya lalo na nang mapagtantong mali pala siya ng inaakala.
"Sige na, umuwi ka na. Mon will accompany you while me and Pit will stay and look around."
"O-okay po, Sir."
"And wipe your tears." Pinunasan ni Jaffnah ang kaniyang pisngi tsaka sumunod na kay Sir Mon sa itim na limousine na sinakyan nila kahapon. Nakatitig si Jaffnah kay Zefarino habang paunti-unting lumalayo ang sasakyan nila sa City of Dreams.
"I told you, he will not terminate your contract, Miss Fleurdevuille," wika ni Sir Mon habang ngumingiti-ngiti. "Wala kang dapat ikatakot."
"Eh kasi naman, Sir, sinong hindi matatakot? Sinong hindi kakabahan kapag pinauwi ka na ng boss mo?"
"Don't worry too much, Miss Fleurdevuille. Have you forgotten? You are the only one who can enter dreams and have the artstyle he wants so cheer up and have confidence. You are more valuable than you ever think of."
Nakarating na si Jaffnah sa mansyon. At dahil nga wala naman si Zefarino, inihatid na siya ni Sir Mon sa loob.
"Si Ayra ba 'yon?" tanong ni Sir Mon tsaka dumungaw sa bintana.
"Ayra po?" Jaffnah looked at the woman Sir Mon was talking about. The lady is in front of the main entrance.
"Yes, Miss Fleurdevuille. Ikumusta mo na lang ako sa kaniya, ha? Kailangan ko na rin kasing umalis."
"O-okay po, Sir Mon."
Bumaba na si Jaffnah sa limousine at nagpaalam na rin si Sir Mon sa kaniya. Para ngang nagmamadali itong umalis. Habol-tanaw na lang ang ginawa niya bago nilingon ang babaeng naroon sa main entrance na may dalang kung ano-ano.
"H-hello po," pagbati ni Jaffnah sa babae. Dahil kilala naman ito ni Sir Mon, siguradong kilala din ni Zefarino ang babaeng ito.
"Oh, hi!" pagbati ng babae at parang may hinahanap sa likod niya.
"W-wala po si Sir Zefarino."
"I see, kaya pala walang nagbubukas sa akin. Dinalhan ko kasi siya ng mga pagkain."
Napatingin si Jaffnah sa mga bag na dala ng babae at pamilyar ito dahil minsan niya nang nakita ang mga bag na iyon sa kusina.
"S-sige po. Tulungan ko na po kayong magpasok sa loob."
"Thank you!"
Binuksan na ni Jaffnah ang main entrance at saka tinulungan ang babae na ipasok sa kusina ang lahat ng mga dala nito. Tahimik lang siyang tumutulong dahil para siyang natatameme sa gandang taglay ng babae.
The lady is really tall and slim. Kung titingnan nga ay para itong isang artista sa Hollywood. Idagdag pa ang maganda at mamahalin nitong damit na kulay beige. Ang buhok nito ay itim na tuwid na tuwid. At kahit mataas ang tirik ng araw sa labas, wala man lang kahit na anong butil ng pawis ang mukha nito.
"May gusto po ba kayong inumin?" tanong ni Jaffnah sa gitna ng pag-aayos ng babae sa kusina. "Ipaghahanda ko po kayo."
"No, I'm okay. I can do it by myself."
"O-okay po."
Sandaling katahimikan ang pumagitna sa kanilang dalawa. Hindi rin kasi alam ni Jaffnah ang sasabihin lalo't tapos na siya sa ginagawa niya.
"You called him 'sir', are you working for him?" tanong ng babae.
"O-opo. I am an illustrator. I am Jaffnah Fleurdevuille," pagpapakilala ng dalaga.
"Hmm... So you live here?"
"Opo."
"I see. I'm Ayra, by the way. It was nice meeting you." Inilahad ng babae ang kaniyang kamay na siyang tinanggap naman ni Jaffnah. "Ikinagagalak ko rin pong makilala ka."
Ayra smirked. "Liar." Binitiwan ni Ayra ang kamay ni Jaffnah tsaka tumalikod at itinuloy ang pagre-refill ng pagkain sa refrigerator. "All I can see in your face is jealousy."
"P-po?" Lumakas ang kabog sa dibdib ni Jaffnah. Hindi iyon ang unang beses na sinabihan siya ng sinungaling. In fact, the famous writer, Zefarino, always tells her that.
"I lived with him before, so..." Ayra glanced at her. "... I know the type of man he is. He has walls around him that no one can climb. He will push you so many times to the point that you will be tired. I hope you can wait."
°°°
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top