Chapter 10: Full-bodied Red Wine
°°°
"Who the fuck told you to wake me up?!"
JAFFNAH was terribly shocked of Zefarino's shout. She did not expect that someone would yell at her because she was just worried. She was broken-hearted while clearing the tears on her cheeks.
"I-I was just worried..." sambit ng dalaga.
"Who told you to be worried? You fucking wake me up, Miss Lereve!"
Kung dati ay nakakaramdam siya ng kakaiba kapag binibigkas ng lalaki ang pangalan niya sa ganoong paraan, ngayon ay muli niyang kinamumuhian ang pangalawa niyang pangalan dahil dito.
"At anong ginagawa mo rito? Did I tell you that you can go here without my permission? Aren't you supposed to sleep? Don't tell me you were not sleeping?"
Napansin ni Zefarino ang sketchbook na nasa gilid ng kama niya kaya lalo siyang nayamot. "Did you just spend your night time sketching?"
Hindi nakasagot si Jaffnah. Hindi na kailangan dahil kahit magsinungaling siya ay malalaman na agad iyon ng manunulat. "Fuck that sketch! Get off of me!"
Sinusubukang kumalma ni Zefarino pero naiinis pa rin siya. Nakatayo siya habang pinipigilang huwag magsalita ng masasakit pero hindi niya na napigilan lalo pa ngayong hindi man lang siya sinasagot ng dalaga. "So, does it mean you did not see my dream? My fucking nightmare?"
Nahihiyang tumango si Jaffnah habang nakaupo pa rin siya sa kama at tinatanggap ang sigaw sa kaniya ng manunulat. "Hah!" Napahawak na lamang si Zefarino sa kaniyang sintido habang hinihilot ang kaniyang noo. "Kung gano'n, muntikan na akong mamatay para sa wala."
"I-I'm s-sorry."
Zefarino's teeth were all gritted in annoyance. "Get out."
"I'm sorry."
"I said, get out!" the man yelled. Jaffnah stood up shamelessly. Bago siya umalis ay may pahabol pang salita sa kaniya ang manunulat na lalong nagpadurog ng puso niya. "Be useful. That's the only reason you're staying here."
Jaffnah's heart was ripped apart when she left that room. Pakiramdam niya, ipinamukha sa kaniya ng lalaking iyon na wala siyang kwenta. At kahit gusto niyang magalit at ipaglaban ang side niya ay hindi niya magawa. Ang trabaho niya na nga lang ay matulog, hindi niya pa naayos.
Bumalik siya sa kaniyang kwarto habang umiiyak. The overpowering sadness crept into her heart now being cold in the desert. Tama naman si Zefarino at naiintindihan niya kung saan nanggagaling ang inis nito sa kaniya, kung bakit nasigawan siya nito.
She tried to calm herself and stopped crying while she's staring on the ceiling across her soft cold bed. Ilang sandali pa ay nakatulog na rin siya kaiiyak.
KINABUKASAN, inagahan niya ang kaniyang gising para paglutuan ng pagkain si Zefarino. She made him a meal for breakfast. Balak niyang humingi rin ng tawad dito dahil sa nangyari pero nilampasan lang siya ng lalaki at dumeretso na ito sa labas ng mansyon. Nang sundan niya si Zefarino, nakita ng dalaga na naroon lang ang lalaki sa may potato field at kinukutingting ang mga patatas na nakatanim.
It was broad daylight, pero daig pa nila ang may LQ sa lamig ng pakikitungo ni Zefarino kay Jaffnah. Buong maghapong nasa hardin lang si Zefarino, ni hindi nito ginalaw ang mga pagkaing inihanda ni Jaffnah para sa kaniya. Iniisnab lang ng manunulat at naglalaga lang ng patatas para kainin, bago bumalik sa labas.
Naluluhang kumakain si Jaffnah ng hapunan sa kusina nang makitang bumalik na si Zefarino mula sa labas. Lakas-loob niya itong kinausap,-"Sir Zef-"-pero pinutol lang iyon ng lalaki.
"It is not your job to talk to me."
The man's eyes were lifeless while staring at her. Samantalang ang kay Jaffnah naman ay nanunubig nang muli. She is not that sensitive, but why does she always cry in front of that man?
Sinundan niya ng tingin ang lalaki na muli siyang nilampasan. Zefarino drew the line that she should not trespass, kahit ang kausapin ito para humingi ng tawad ay hindi na pinilit pa ng dalaga.
Sa mga sumunod na araw ay pinilit niyang huwag nang kausapin pa ang manunulat. Jaffnah still cooked meals for the man, but she did not press him to eat. Siya na lang ang kumakain no'n at bumabalik na rin sa trabaho pagkatapos. Maaga na rin siyang bumabalik sa kwarto para magpahinga. At kahit pa ini-insomnia na siya ay umiinom na lang siya ng pampatulog na minsang pinabili niya kay Pit.
"May problema ba sa inyo?" tanong ni Pit. "Bakit parang hindi kayo nagkikibuan?"
Kasalukuyan silang nasa writing room at nag-uusap. Naroon si Sir Mon, Pit, Zefarino at si Jaffnah na hindi rin masagot ang tanong ng editor.
"Let them. It is not our business to pry on their personal problems," sabat naman ni Sir Mon. "Anyway, we're just here to tell you, Zefarino, that you are invited to an awarding event. This will be on Saturday. Everyone wants to see you and I think it would be beneficial for your career to attend."
"Pero hindi umaattend si Zef sa ganoon," singit naman ni Pit. "Kahit nga may award na siya, tayo pa rin ang pinakukuha niya ng trophy niya at plaque."
Nanatiling nakikinig si Jaffnah habang nakayuko. She is curious why this man in front of him is not fond of public appearance. Is he that introvert? Well, hindi niya rin masisisi dahil kahit nga sa kaniya ay hindi ito kumikibo, paano pa kaya ito haharap sa maraming tao? Baka na-trauma na rin ito dahil nang minsang nagkaroon ng meet and greet ay ginulo niya pa.
"That was before, Pit, but now everybody knows his face. At lahat ay inaasahan siyang pumunta roon." Seryosong tumingin si Sir Mon kay Zefarino. "You need to go there, Zefarino, para na rin matigil na ang usap-usapang natatakot ka kay Arion Lamusca."
"Naroon din po si Mr. Arion Lamusca?" napatanong ni Jaffnah.
Nagngitngit ang mga ngipin ni Zefarino habang naniningkit din ang mga matang nakatingin sa dalaga. "I'll come..." sagot ng manunulat na siyang ikinagulat ni Pit. "...with her."
Napaturo si Jaffnah sa kaniyang sarili. "Ako? Kasama ako?"
Nagtagpo ang mga mata ni Zefarino at ni Jaffnah. Ngayon na lang ulit at tila ba may kung anong humimok sa puso ng dalaga. "Why? Are you that excited to see him?" malamig na tanong ng lalaki.
"H-hindi..."
"Liar." Zefarino stood up and put his hands on his pockets. Nakatitig pa rin siya kay Jaffnah na para bang maraming gustong sabihin. "This is your chance to prove that you're useful or else, I'll terminate our contract."
Nawalan ng hangin ang baga ni Jaffnah. Gusto niya na talagang sigawan ang lalaki sa galit, pero pinigilan niya ang sarili niya at pinagmasdan na lamang ang manunulat na lumabas mula sa writing room. Nagkatinginan na lang din si Pit at Sir Mon dahil sa kanilang nasaksihan.
"Mukhang hindi sila nagkakasundo," komento ni Pit. Sinulyapan naman sila ng kaawa-awang dalaga. "Huwag kang mag-alala, Jaffnah, sigurado akong hindi gagawin iyon ni Zefarino. Madalas lang talaga siyang may saltik sa utak. Ganoon kapag tumatanda na tapos walang lovelife."
Sir Mon comforted her also. "I'm sure everything's gonna be fine. Who knows what will happen at the awarding night? Baka magkabati na kayo."
Napabuntong-hininga si Jaffnah. "Sana nga po. Ayokong mawalan ng trabaho."
SATURDAY night came and Jaffnah was preparing herself to attend that awarding night her boss was invited. May ipinadalang dress si Sir Mon para sa kaniya at manghang-mangha siya sa ganda nito. It is the very first time she would wear a bloody red dress. It hugs her hourglass body that was always hidden by her loose shirt everyday. She is also have make-up on. Siguradong kung makakasalubong siya ni Red ay hindi siya makikilala. Idagdag pang nakasuot siya ng stilletos.
Lumabas na siya sa kaniyang kwarto at bumaba sa hagdanan. Maingat niyang inaapak ang kaniyang paa sa bawat baitang dahil nag-aalala siya na baka siya matalapid pagka't hindi siya sanay na magsuot ng ganoon kataas na heels.
"Oh, nariyan na pala si Miss Fleurdevuille," sambit ni Sir Mon nang makita si Jaffnah.
"Woah, Jaffnah, ikaw ba 'yan? Ang ganda mo naman!" bigkas din ni Pit. "Hindi kita nakilala!"
Unti-unting lumingon si Zefarino sa dalagang bumababa sa hagdan. Nakita niya ang magandang babae na nakangiti sa kaniyang manager at editor. Sandaling nawala ang pagkakakunot ng kaniyang noo sa pagkainip nang masilayan ang illustrator niyang umaapaw ang kagandahan. Lalong nag-complement ang red dress sa maputi at makinis nitong balat.
Zefarino, on the other hand, is wearing an expensive dark red suit. His hair brushed gorgeously, looking so hot and attractive. But the man stares more into the woman now walking towards them. He couldn't stop himself from looking at her as if he was waiting for her to look back and when she did, he became speechless. Nakalapit na ito sa kanila at mas naaninagan niya ang maganda nitong mga mata.
"Parang may magbabati talaga ngayong gabi," hirit ni Pit habang humahagikgik. Nabalik naman sa wisyo si Zefarino at bumusangot na naman ang mukha. Si Jaffnah naman ay nahihiya-hiya.
"Get inside the limousine. We'll arrive at the event in an hour," utos ni Sir Mon.
May nakaparada na palang limousine sa harap ng mansyon. Nagtataka man si Jaffnah ay pumasok na rin siya sa loob nito.
Sir Mon and Pit are on the front while both her and Zefarino are on the back seat. Silang dalawa lang habang nakasara ang private glass sa pagitan ng upuan nila at ng upuan ng manager at editor. Wala silang pagpipilian kung hindi pakinggan ang paghinga ng isa't isa. Magkaharap pa naman sila.
Jaffnah just focused her eyes outside the window. Gusto man niyang magtanong kung bakit siya isinama ng lalaki sa event ay naaalala niya ang sinabi nito sa kaniya na hindi niya trabahong kausapin ito kaya natatakot siyang magsalita. Hindi niya gustong lalong mainis sa kaniya ang lalaki.
Hanggang sa makababa sa limousine ay hindi pa rin siya kinikibo ni Zefarino. Pero tila ba nasagot ang mga tanong niya nang makita kung nasaan sila-nasa City of Dreams. Ang hotel na nasa panaginip niya.
Kaya ba siya isinama ni Zefarino ay para masiguro ang pakiramdam niyang parang nakapunta na siya sa lugar na ito?
"Sir Zefarino-"
Hindi natapos ang salita ni Jaffnah nang bumulong ito sa kaniya.
"Later. We'll talk later."
Their gazes met. Mukhang hindi rin nila inaasahan na ganoon kalapit ang mga mukha nila sa isa't isa. Amoy ni Jaffnah ang mabangong hininga ng lalaki, maging ang pabango nitong masarap singhutin. Parang hinihila siyang matulog sa mga bisig nito. But she snapped herself to focus. "O-okay, sir."
At dahil sa saglit na pag-uusap, nabunutan ng tinik sa dibdib si Jaffnah. Pakiramdam niya, nawala na ang galit sa kaniya ng manunulat. Ngayon, kailangan niyang patunayan ang sarili niya rito at huwag pumalpak sa kung anong iutos sa kaniyang gawin. She will do her best whatever it takes, huwag lang siyang mawalan ng trabaho.
Pumasok na silang dalawa sa event hall. Jaffnah looked around to find Sir Mon and Pit but she did not saw them. Nawala na ang mga ito nang walang pasabi. And then, she realized, napahiwalay na rin pala siya kay Zefarino.
Kinakabahan siya habang nagpapalinga-linga at nakahinga naman nang maluwag nang makitang may kausap lang pala ito. Marahil isa sa mga manunulat na gustong makipagkilala sa kaniya.
Jaffnah decided to go to the cocktail table while staring at her boss from afar. The man is talking to some other ladies with a smile on his face.
"Kayang-kaya niyang makuha ang puso ng mga babae sa simpleng pakikipag-usap lang," bulong ni Jaffnah sa kaniyang sarili. Nabasa niya rin kasi ang librong isinulat nito at hindi niya maikakailang matalino ang manunulat. Kahanga-hanga ang takbo ng utak ng lalaki, kung paano niya laruin ang mga salita, lituhin ang mga mambabasa, at konektahin lahat ng sagot... Walang masabi si Jaffnah at talagang tumaas ang tingin niya kay Zefarino. Kahit hindi siya mahilig magbasa ng mystery ay nahu-hook siya sa mga libro nito.
"Samantalang ako, twenty-five years old na, wala pa ring nangyayaring maganda sa buhay ko. Ang pangarap kong makapasok sa Chillest Pacific ay tuluyan nang naglaho dahil natanggal ako sa Serial Weeber." Pinagmasdan niya ang kaniyang mga kamay. "May magagawa ka bang maganda? Kung ganoon, galingan mo, dahil ikaw ang guguhit ng mga gawa ng manunulat na 'yon. You need to do your best so you can give justice on his works. Huwag mo siyang ipahiya," pagkausap pa ni Jaffnah sa kaniyang sarili.
"Are you alone, Miss?" Naputol ang pakikipagdiskusyon ni Jaffnah sa kaniyang sarili nang may magsalita sa likod niya. Malapit ang bibig nito sa kaniyang tainga na naging dahilan ng pagtayo ng balahibo niya sa katawan.
"H-ha? Hindi," sagot ni Jaffnah habang minumukhaan ang lalaki at nanlalaki ang mga mata niya nang makilala ito. "Mr. Arion Lamusca?"
Ngumiti ang gwapong lalaki sa harap niya. Matangkad ito at may itsura din na parang isang model. Pero kumpara kay Zefarino, ay parang mas bata ito ng ilang taon. "Ako nga. Ikinagagalak kong kilala mo ako, Miss?"
"Jaffnah... Jaffnah Fleurdevuille." Iniabot niya ang kamay sa lalaking kanina pa naghihintay.
"What a beautiful name. Kasing ganda mo rin. It's nice to meet you, Miss Jaffnah. Can I ask why are you here? Ngayon lang kita nakita. Are you a new writer?"
"Naku, hindi. Illustrator ako. Kasama ko si Sir Zefarino." Itinuro ng dalaga ang amo niya.
"Zefarino?" Nawala ang ngiti sa mga labi ni Arion tsaka nilingon si Zefarino na ngayon ay nahuli na rin silang nakatingin. "Oh, I almost forgot who he is. Zefarino Hawthorne, the one who created the book Dick Brain," sarkastiko nitong litansya. "I see, I see, so, you're working for him?"
"Yes, I am."
"So you're his illustrator. I guess he's also starting to make a webtoon, am I right?"
"Uhm..."
Natawa naman si Arion. "Of course, you don't have to answer. Anyway, I gotta go, but before I leave, let me treat you to a drink."
Tumawag ng waiter si Arion. Hindi na nakapalag pa si Jaffnah nang iwanan na siya nito ng red wine. Sinundan niya na lamang ng tingin ang likod ng lalaki.
"What is this, Miss Lereve?"
Nagulat si Jaffnah sa biglaang paglitaw ni Zefarino sa tabi niya habang tinuturo ang red wine glass.
"Wala. Bigay lang." Hinawakan iyon ni Jaffnah at akmang iinumin nang agawin ni Zefarino. "H-hey, give it back!"
Nanlaki ang mga mata ni Jaffnah nang inumin 'yon ni Zefarino. That full-bodied red wine. "I got thirsty, my bad."
"T-thirsty? May tubig kaya!" Itinuro ni Jaffnah ang water goblet na nasa table. She even rolled her eyes and forgot for a moment that it was the famous author she was rolling her eyes at.
"Oh, I did not see that."
"H-huh? Paanong hindi mo nakita? Ang laki-laki, oh." Napapailing na lamang si Jaffnah habang tinitingnan ang mga labi ni Zefarino na ngayon ay namumula na dahil sa red wine na nainom. Nanghihinayang man siya dahil hindi man lang siya nakatikim ng wine ay naisip niyang hindi naman pag-inom ang ipinunta niya rito. "Anyway, can we talk now, Sir? Hindi ka na ba galit sa akin? Napatawad mo na ba ako? Bakit mo ako isinama rito? Dahil ba alam mong dito gaganapin sa City of Dreams ang awarding night? Should I look around to check if the place is really that place in your dream?" sunod-sunod na tanong ni Jaffnah.
"One at a time, Miss Levere." Hinawakan ni Zefarino ang balikat niya. "I feel dizzy."
"With my questions, Sir?"
"N-no, Miss Lereve... I feel strange."
"S-strange?" Tinagpo ni Jaffnah ang mga mata ni Zefarino. Pinagmasdan niya ito. Napakunot ang kaniyang noo nang makitang namumula ang mukha ng lalaki. "Bakit?"
Hindi nasagot ang tanong na iyon dahil napunta ang tingin niya sa stage.
"This award will be presented by the one and only author of the famous book, Dick Brain, Mr. Zefarino Salvatorre Hawthorne!" the emcee announced which caught all of the attention to be buried to Zefarino. Maging si Jaffnah ay napalingon sa manunulat na katabi niya, pero hindi niya inaasahan ang sunod na mangyayari-the writer suddenly collapsed on her.
°°°
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top