Chapter 1: Dick Brain

°°°

"I'm sorry, Miss Fleurdevuille. Hindi na kayang magpasahod pa ng kompanya at kabilang ka sa mga na-layoff," sambit ni Manager Orenzo sa dalagang si Jaffnah Lereve Fleurdevuille, isang webtoon artist.

"P-po? P-pero, Sir Orenzo! Ito na lang ang pinagkakakitaan ko. Ako lang ang inaasahan sa amin. Alam niyo naman po iyon, Sir Orenzo, hindi ba?"

"I'm so sorry, hija, pero iyon ang decision ng higher ups. Sumusunod lang din ako sa utos nila. Kailangang magbawas ng empleyado dahil hindi na talaga kayang i-accommodate ang mga artist. Kakarampot lang ang kinikita ng kompanya at halos papalubog na nga. Kailangang gawin ito ng management para hindi tuluyang ma-bankcrupt. Pasensya ka na talaga, Miss Fleurdevuille."

Napakamot na lamang si Jaffnah sa kaniyang ulo habang pinipigilang huwag lumuha sa harap ng manager niya. Humugot siya ng malalim na hininga, bago nagsalita, "I understand po, sir," mapagkumbabang sagot ni Jaffnah kahit sa loob niya'y nagdaramdam siya at hindi mapigilang kuwestiyunin ang sarili niyang kakayahan. Totoo naman kasing masyadong malalakas ang mga competitors at aminado naman silang flop ang nagagawa nilang webtoon kaya hindi na nakakabigla na isang araw ay mawawalan sila ng trabaho, pero hindi ngayong araw nais ni Jaffnah na mawalan ng pinagkakakitaan.

"U-una na po ako," dagdag pa niya.

"Ingat ka, hija. Alam kong hindi naman dito nagtatapos ang career mo. Naniniwala akong may mas mahahanap kang magandang kumpanya na magpapasahod sa 'yo nang tama. Magaling ka namang bata kaya alam kong malalampasan mo rin ito."

"S-salamat po, Manager Orenzo."

Tuluyan nang lumabas si Jaffnah sa opisina ng manager niya. Wala na siyang magagawa, tanggal na siya. Alangan namang ipilit niya pa ang kaniyang sarili sa isang lugar na inalis na siya.

Napabuntong-hininga na lamang siya tsaka kinuha na lang ang mga gamit niya mula sa studio, kung saan matagal ding nagtrabaho si Jaffnah bilang isang webtoon artist. Parang kailan lang noong nanalo siya sa pa-contest ng kumpanya, kaya naging bahagi din siya ng Filipino manga and webtoon creators sa Serial Weeber na stepping stone sana niya para makapasok sa pangarap niyang company na Chillest Pacific. Kaso ngayon, wala na. Hindi man lang siya naging senior illustrator.

"Saan na kaya ako pupulutin nito ngayon?" Jaffnah asked herself as her lips left another sigh. Nasa labas na siya ng building ng Serial Weebers at naghihintay ng taxi para umuwi nang maalala niyang baka kapusin naman siya ng pera kung mamamasahe pa siya, dahil wala na nga pala siyang trabaho simula ngayon. Bakit naman kasi biglaan ang pag-layoff sa kaniya? Oramismo.

Jaffnah decided to walk home instead, but it was as if the rain was sympathising with her. Unti-unting bumagsak ang ambon, kaya naman nagsimula na rin siyang tumakbo katulad ng iba. Hindi niya gustong mabasa ang mga nakakahon niyang gamit.

She was in a rush when she immediately bumped into a man. Masyadong malaki at malakas ang lalaking iyon, kaya naman tumilapon talaga si Jaffnah sa sahig kasama ng mga gamit niya. Ang slim niya rin kasi.

"Are you okay, my lady?" tanong ng lalaki, habang tinutulungan ang dalagang pulutin ang nahulog niyang gamit na ngayo'y basang-basa na ng ulan. Tiningnan ni Jaffnah ang pen tablet niya na siyang naging kasangga niya noong nagsisimula siya sa digital arts. Nabasa na rin ng ulan. She is not sure if that thing will still work. Hindi niya tuloy maiwasang makaramdam ng labis na pagkalungkot. Tila ba ngayon niya lang napagtatanto ang nawala sa kaniya.

"Here."

Napalingon si Jaffnah sa lalaki nang abutin nito ang bag niya, ngunit isang pagkakamali ang nagawa ng dalaga. Nakita niya ang mga mata ng lalaki na hindi niya dapat tinitigan nang matagal. Their gazes locked, and it was as if something inside her opened. Hindi niya namalayan na tumagal sila sa ganoong kalagayan. His eyes were black, like a blackhole that was ready to trap her.

The man is wearing his face mask, and Jaffnah was sure it is the first time she has seen him. Nang mapagtanto niyang nakatitig pa rin siya sa lalaki ay umiwas siya ng tingin at nagmadaling tumayo. Hawak niya ang dibdib habang nakatalikod sa lalaki na naka-trench coat na black. All black.

"I am really sorry, my lady. I was in a rush," wika pa ng lalaki sabay pulot sa librong nasa sahig na ngayo'y tila ba wala nang maililigtas pang pahina.

Dick Brain...

That was the title of the book that Jaffnah also witnessed.

What kind of title is that? Was that porn?

Muling napatingin si Jaffnah sa lalaki at sa pangalawang pagkakataon ay nagtama muli ang mga mata nila. Kakaiba rin ang tingin ng lalaki kay Jaffnah. Matagal din ito na para bang kinabibisado ang magandang mukha ng dalaga.

"I apologize. I hope you're okay, my lady."

Huling mga salita ng lalaki, bago tuluyang umalis sa harap ni Jaffnah, pero dahil sa mga salitang iyon tuluyan na siyang napaluha kasabay ng ulan na nanggagaling sa langit.

I am not okay, stranger.

*****

"Oh, anong nangyari sa 'yo, Jaff?" tanong ni Redieah, nang madatnan siya ni Jaffnah sa bahay na nagpapalit ng uniporme. She is her best friend, and they were renting a house together. Magkaiba lang sila ng trabaho dahil isang captain waitress sa isang sikat na fine dining restaurant si Red samantalang si Jaff ay...wala na.

"Tinanggal nila ako," walang buhay na sagot ni Jaff, habang hinuhubad ang sapatos na napasukan na rin ng tubig dahil sa malakas na ulan. Inabutan naman siya kaagad ng tuwalya ni Red.

"Bakit?" may pag-aalalang saad ni Red. "Bakit nila tatanggalin ang magaling kong best friend?"

Jaffnah just shrugged. "I don't know. Maybe my abilities aren't enough."

Kinuha ni Red ang mga gamit ni Jaff, bago inilapag sa sahig pagkatapos ay muling lumapit sa best friend niya para tapikin ang balikat nito. "Or maybe hindi lang nila kayang tumbasan ng pera ang galing mo. Don't worry, may iba pa naman d'yan na for sure tatanggapin ka at itatrato nang tama. Mabuti na lang wala ka na roon kaysa naman baratin ka sa talent fee mo."

"You know that it is better to have little than to have nothing at all, Red," litanya ni Jaff habang nakakunot ang dalawa niyang kilay.

"No, you're wrong! It is better to have nothing than to receive a little, which you don't deserve!"

Kahit kailan, hindi maiintindihan ni Jaff ang pananaw ni Red sa buhay. Sa katulad kasi niyang praktikal at realistic, hindi niya nakukuha ang palaging sinasabi ni Red na pahalagahan niya raw ang talento niya at huwag hayaan ang ibang maliitin ito sa pagtanggap ng maliliit na komisyon.

"I don't know. Pakakainin ba ako ng pride kung iyon ang paiiralin ko?" bigkas ni Jaff sa kaniyang isipan.

"Anyway, I have to go now, Jaff. Closing shift ako ngayon, so huwag mo na akong hintayin. May pagkain d'yan sa ref, kainin mo na lang for your dinner," wika ni Red habang nagsusuot ng heels.

"Thank you. I'll buy your breakfast tomorrow." Nagpatuloy na si Jaff sa sala at nakitang may paperbag na galing sa National bookstore. "New book again?" hirit pa niya nang makitang nakaharap pa si Red sa salamin malapit sa pintuan. Mukhang papaalis na rin ito at niche-check lang ang fit ng uniform sa kaniya.

"Oh, yeah! It was newly released. Feel free to open it! Sabi nila maganda raw 'yan, so I bought it to try. Hindi kasi ako nagbabasa ng mga sikat na libro ng sikat na author, baka kasi overrated lang at naha-hype. But I don't know; the new season piques my attention. Last installment na raw, eh, at magre-retire na 'yong author."

"Magreretiro?" How can a man retire from a job when there are people who will kneel just to save her ass from being laid off? Is he that old?

"Okay, I'll check it later. Magpapalit lang ako ng damit. Ingat sa biyahe!"

"You, too! Bye! I love you!" Red sent a flying kiss, before closing the door as she left.

Jaffnah smiled, "I love you too," then whispered.

Pumunta na si Jaff sa banyo para maligo at magpalit ng damit. She is now wearing a loose-printed shirt with loose shorts. It was past six in the evening when she finished pampering herself in the bathroom. Binuksan niya ang ref para tingnan kung ano 'yong dinner na tinutukoy ni Red. She flashed a smile when she saw a pack of salad and chicken breast. It was her best friend's favorite, yet she's sharing this with her. She guesses that's what love is.

Umupo si Jaffnah sa lamesa habang kumakain. She also scrolled through her emails while eating to check if there's an email that will change her life, but sadly, wala. She suddenly thinks she should start doing commissions again, but she doesn't see that it will suffice for her daily life expenses and for her family.

"Speaking of my family..." They still don't know what happened to her. Sigurado siyang mag-aalala ang kaniyang pamilya kung ibabalita ni Jaffnah ang nangyari. She should find a job as soon as she can, so she can still support the medical finances of her younger brother, Jefferxone.

Huminga siya nang malalim nang matapos niyang kainin ang salad na iniwan sa kaniya ng kaniyang best friend. After that, she washed the dishes and brushed her teeth, before she decided to go to her study table. She was about to enter her room when she noticed the paper bag on the table again in the living room. Jaffnah almost forgot about this.

Agad niya iyong kinuha dala ng malaking kyuryosidad. What welcomed her was a red hardbound book in a special matte lamination with cream pages, and suddenly she shivered when she read the title of the book.

"Dick Brain..."

°°°

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top