Entry 74

6th January 2021

2020 may not be the best year but it made us strong. I've learned a lot.

Belated Happy New Year!

Time flies so fast. Hindi man tulad ng nakasanayan kong bagong taon, ayos lang! Naging masaya naman kasi kasama ko si Hiraya.

Dumaan si Uncle Rei noong gabi ng December 31 para bumati at magdala ng pagkain sa kwarto ko. Ang lagkit pa nga ng tingin niya saamin ni Hiraya, siguro hinihintay na niyang umamin kami.

Kalma ka lang, Uncle Rei. Sasabihin ko rin sa'yo. Pagdating ng araw.

Pagkauwi niya, pumunit ng papel si Hiraya galing sa journal ko. Sumulat raw kami ng listahan ng mga gusto naming bitawan at iwan sa 2020 at isa pang listahan ng mga pinagpapasalamat namin sa buong taon.

Kaya 'yun ang ginawa namin nang magkaharap habang nasa gitna ang adjustable table bilang patungan.

Nang matapos, pinunit ni Hiraya 'yon.

"Dapat talaga susunugin 'to eh. Pero dahil bawal sa ospital, i-flash na lang natin sa inidoro!"

So we did. Parang may bigat na nawala sa loob ko. Nakakatawa. Mukhang mababaw pero nakatulong.

Sunod naman ay 'yong isang listahan. Na-realize ko masyado ko palang naituon sa 'di magandang bagay ang pokus ko na 'di ko na napansing marami rin palang dapat ipagpasalamat.

I was surprised dahil tuloy-tuloy ang pagsulat ko.

Huminto lang ako nang maabutan kong nakangiti at nakatitig sa'kin si Hiraya.

"Ayieee, dami niyang gustong ipagpasalamat! Hahah! Dahil diyan, repeat after me. Charot! 'Wag ka ma-weird-an. Gusto ko talagang gawin 'to eh, mag agree ka na lang o kahit pikit na lang! Thank you!"

Naguluhan pa ako pero nang hawakan niya ang kamay ko at pumikit, that's when I knew that she wanted to pray.

As her eyes closed, her mouth started to speak. She praised Him and gave thanks. Declared for my healing and for victorious year ahead.

I might go to hell because I was just half listening to her prayer and was more focused on her beauty. I was in awe. Hindi ko inakalang magmamahal ako ng tipo niya.

She's not religious, but she's spiritual. There's a difference between that two. Her strong faith made me believe that there's really a Guy from above.

No'ng pumatak na ang 12AM nagtatatalon si Hiraya para tumangkad daw siya. 'Kala ko nagbibiro lang siya, seryoso pala talaga. Baliw nga.

Sobrang tahimik sa ospital 'di tulad sa labas. Halos wala kang maririnig na ingay maliban kay Hiraya na sobrang ligalig.

I was watching her do her stuff habang nakasandal ang likod ko sa unan ng kama. Hindi ko makakalimutan ang paraan ng pagngiti niya. Parang may tumutulak pa nga sa'king halikan ko siya kasi sobrang ganda niya. Pero syempre, 'di ko tinuloy.

I don't want to scare her. I know what we feel is mutual pero gusto na pag ginawa ko ang isang bagay, gusto niya rin gawin.

So instead of kissing her, I just hugged her. Mahigpit. Yung tipong 'di siya makakawala. I don't know if I was too emotional that night pero baka nga kasi namuo ang tubig sa mata ko.

Masaya lang talaga ako kasi ngayon ko lang naramdaman 'to at kay Hiraya pa talaga. Tinapat niya ang tainga niya sa dibdib ko. Gusto kong marinig niya ang tibok no'n. Gusto kong malaman niya na bumilis 'yon hindi dahil sa sakit ko kundi dahil sakanya.

Nang mag-umaga na, bumisita rin si tatay dala ang isang apple pie. Paborito ko 'yon no'ng bata ako. Hiling ko sakanya lagi 'yon tuwing umuuwi siya galing trabaho. Naaalala niya pa pala. Ngumiti naman ako na naging dahilan ng pagluha ng mata niya.

The day turned out fine. Walang sigawan o tabuyan na naganap. Hiraya was so happy because of it.

Somehow, lumaya ako sa mabigat na bagay na matagal nang humihila saakin pababa.

Nang bitawan ko ang galit ko kay tatay, pakiramdam ko pinagbigyan ko ang sarili kong kumawala sa kulungang ako rin ang may gawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top