Entry 73
26th December 2020
I never thought that the genuine happiness I was long looking for would be found in this hospital.
For years, I was living in the dark, I couldn't see things clearly, I couldn't see the big picture. Pain, hatred, doubt, and pride, I was full of that. I was living for that that I actually forget how to live. I was missing the joy of life.
But it's here now.. She's here now. Lying right next to me as I write down in my journal.
It's Hiraya.
This connection I have for her feels very new yet familiar. It's something I'm totally unprepared for, but willing to work up for. Susugal na ako kaysa pakawalan pa ang isang tulad niya.
Shit. Did I really said that? Grabe. Ilang months lang kaming nagkasama pero 'di ko na makilala sarili ko.
Nga pala. Napakaganda ng araw. 'Di ko alam kung paano sisimulan isulat pero paano nga ba?
Tonight, we went to Grand Canyon.
Not literally, of course. But it's the thought that counts. Tumingin kasi kami ni Hiraya sa langit kanina. Nakaupo lang ako sa wheel chair ko habang siya naman nakadantay ang mga siko sa bintana.
The night was peaceful. It was so beautiful. Like her. Kaya lang 'di kita masyado ang mga bituin.
Gusto raw sana mag star gazing ni Hiraya pero mukhang imposible. 'Di niya yata alam na resourceful at creative akong tao kaya naman nagawaan ko ng paraan.
"Higa na tayo, Hiraya." I told her.
Bigla namang nanlaki ang mata niya no'n, 'di ko alam kung para saan pero dahil loko-loko 'to, mabilis kong naintindihan 'yon.
"Hoy! Anong higa sinasabi mo diyan?! Tandaan mo may sakit ka, Synth. Hindi pwede 'yang gusto mo! Saka sino nagsabing papayag ako?! Dito talaga??? Dito talaga sa ospital?! Ugh, ang bastos mo!"
Halos humagalapak ako sa tawa. Ang O.A talaga netong babaeng 'to pero I love her that way. She's funny.
Do'n lang siya kumalma pero bakas pa rin ang pamumula ng mukha niya. How adorable.
Sumunod naman siya. Humiga kami sa kama at kahit masikip pinilit naming magkasya saka ako pumilas ng isang papel sa journal. I made some star cut-outs at no'ng nakakorte na, tinapan ko 'yun ng flashlight.
The lights were off and it made an shadow illusion. Pareho lang kaming nakatitig sa kisame. Tinaas niya pa ang kanang kamay niya na para bang inaabot ang mga 'yon.
We started talking with depth. It's so peaceful and quiet that I felt the warmth of our conversation. Tinanong niya pa ako kung anong pinaka pangarap ko. To be honest, hindi ko pa rin sigurado kung ano talaga pero gusto ko nang magtino. A good start, isn't it?
Ilang taon ko ring sinisi ang sakit ko pero ang totoo, ako lang 'yung takot. Ako ang lumayo. Ako ang 'di gumalaw para maabot kung ano ang gusto ko dahil sa huli pakiramdam ko mabibitawan ko rin lahat.
"You're changing, Synth. I'm so proud of you." That's what she said.
Napangiti na lang ako. Dahil sakanya 'yun. She influenced me to be better.
"Ikaw? Itutuloy mo ba ang pagiging chef? You're really good at cooking, Hiraya. No joke. Pangarap mo 'yun 'di ba?"
She just nodded pero may ibang pangarap pa raw siya. Yung mas malalim at makabuluhan. Nagkalat naman daw ang mga magagaling magluto, yung mga makakabusog sa tiyan ng marami pero konti lang ang mga taong tumutulong sa mga talagang nangangailangan.
"Gusto kong mag-iwan ng legasiya sa mundo, Synth. 'Di ko alam basta gets mo na 'yon. Hahah! Gusto kong tumulong gaya nila papa at mama. Kahit sa anong paraan. Kahit sa maliit na bagay lang."
She said that with sincerity. Clearly, Hiraya has a kind heart. Pinanuod ko lang siya habang nagkukwento. Her eyes were dreamy that I saw her desire and passion through it.
Nag-usap kami hanggang sa makatulog na siya. Hindi ko na nga namalayan ang pagtakbo ng oras dahil tinitigan ko lang ang mukha niya.
Hiraya made me so damn whipped. Wala pa akong nakilala na taong gaya niya. Nag-iisa lang siya.
Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat na dumating siya sa buhay ko kaya pagtapos ko talagang gumaling, gagawin ko lahat ng makakaya ko para makabawi sakanya.
Hiraya, you may not hear it right now, of course. You're already sleeping beside me, but thank you for bringing light in my life.
Good night. Matutulog na rin ako. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top