Entry 70
1st December 2020
Ilang araw na ba ang lumipas? Tagal ko ring 'di nakapagsulat simula nang malaman ko na may mas nauna pala sa'kin sa heart transplant list at sa susunod pa ulit ako makakakuha.
Sa isang iglap, parang bumalik lahat ng pangamba at takot ko. Ayoko na 'rin umasa? Sakit eh. Kala ko may pag-asa na, wala pa rin pala.
'Di naman umalis sa tabi ko si Hiraya. Mas lalo pa nga siyang nanatili. 'Di ko alam kung 'di ba siya napapagod sa'kin? Naaawa kasi ako baka habang-buhay na lang siya mag-alaga sa'kin. Naaawa ako kasi na-stuck siya sa'kin. Na-realize ko, hindi ko siya kayang pasayahin kung 'di naman ako gagaling.
'Di naman siya nagkukulang, hindi pa kami nito ha. Paano na lang kung kami, baka igugol niya na lahat ng oras niya para sa'kin, ayoko no'n.
I love her that's why I want her to live her life. Not like this. Not in this four-cornered room of the hospital.
Uncle Rei told me not to lose hope. Maghintay lang daw ulit but I don't want to put my hopes up. Not again.
Ayoko nang umasa sa bagay na 'di naman mangyayari. Mag bi-breathing exercise ako pero sa huli 'di ko pa rin maabot 'yung dapat na oxygen ko. Nahihirapan lang ako huminga lalo. Paulit-ulit lang na gano'n hanggang sa mapagod ako.
I don't want it anymore.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top