Entry 69
11th November 2020
Hiraya surprised me real good today. I'm so blessed to have her. Sana lang ramdam niya kung gaano ako nagpapasalamat na kasama ko siya ngayon.
Sinakay pala ako sa wheel chair ng isang nurse kaninang umaga at dinala para sa mga ng kung ano-anong check-ups.
Ilang minuto rin ang tinagal, inip na inip nga ako dahil gusto ko nang makatabi si Hiraya. 'Di ko gets kung bakit 'di ako sinamahan kanina, 'yun pala may binabalak.
Pagbalik ko kasi sa kwarto, naguluhan ako kung bakit parang may party. Kala ko mali lang pero same room number, do'n ko lang napagtanto na tama naman 'yung pinasukan ko nang makita ko si Hiraya palabas ng banyo halatang nagulat, si Uncle na din nando'n, sa gilid ng kama ko.
"Uh, Synth. Hala, nandito ka na?! Dr. Rei nandito na si Synth!!! Surprise!!"
Napakamot na lang ako sa ulo. 'Di ko alam kung para saan 'yun kanina kaya wala akong reaksyon pero na-appreciate ko no'ng malaman kung bakit.
Well, the surprise is that Uncle Rei got me a heart. Wala pa masyadong details pero gusto niya na raw agad ibalita.
Kaya buong araw sobrang saya ni Hiraya. Akalain mo 'yun, naghanda pa talaga siya ng mga lobo na lumulutang sa kisame. May mga pictures pa namin sa dulo ng tali!
For the past days, walang ibang inatupag si Hiraya kundi mag-ipon ng memories naming dalawa (which includes a lot of snaps together).
Natawa ko kasi halos lahat ng mukha niya nakawacky habang ako naman nakayuko o nakatakip ang kamay sa mukha. Ang pinaka nagustuhan ko ay 'yung tulog ako habang nakasiksik sa gilid ko si Hiraya, nakangiti habang nakadantay ang ulo niya sa balikat ko.
God. That smile. I will never forget that.
Uncle Rei was very supportive for the both of us. Hindi naman siya nagtatanong tungkol saamin ni Hiraya pero alam kong ramdam niya na gusto namin ang isa't isa.
Habang tumatagal kasi mas nasasanay na ako sa tabi ni Hiraya. Habang tumatagal mas kong gustong mapalapit sakanya. Habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog.
Kaya naman bago matulog nagpasalamat ako sa effort niya. Nagkibit lamang siya ng balikat at tipid na ngumiti. I asked her why, she just told me na mas sasaya pa sana kung alam ng tatay ko ang tungkol dito para 'di ito mag-alala.
"Anyway highway, thank you, papa G! Ang lakas ko talaga sa'yo. Good night, Synth. Ang saya ng araw 'no? Haha. Tulog na tayo!!"
Humiga na siya sa couch pero pinalipat ko siya sa tabi ko. Kaya ngayon, nandito siya sa gilid ko habang nagsusulat ako. Payapang natutulog.
I just needed her presence because tonight, I'll consider forgiving my father. Kahit sa sarili ko muna.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top