Entry 68
27th October 2020
Hiraya didn't stop crying.
No'ng pagkaalis ni tatay, tumawag agad siya ng nurse para matulungan ako. When my breathing stabilized do'n na siya tumabi sa higaan ko.
She said sorry kasi ginawa niya naman daw lahat para pigilan si tatay pero makulit daw kasi at gusto talaga akong makita.
She remembered what I've said to her before. 'Yung 'wag na siyang mangialam sa buhay ko dahil wala siyang alam and it struck me. Dapat talaga hindi nagsasabi ng mga bagay na gano'n dahil tumatatak sa isip ng tao 'yun.
I assured her that what happened earlier wasn't her fault. She nodded, ang hindi ko maintindihan ay kung bakit tumutulo ang luha niya at hindi tumitigil.
Kumabog ang dibdib ko dahil ayoko siyang makitang gano'n kaya sinuklay ko ang buhok niya saka tinanong kung anong problema.
No'ng una ayaw niya sabihin pero pinilit ko siya. I needed to know what's making her feel sad 'cause maybe I can do something about it.
"Magiging honest ako, Synth. 'Wag ka sanang magagalit. Umiiyak ako ngayon kasi nasasaktan ako para sa tatay mo. Kung buhay lang ang tatay ko, hindi ko gagawin sakanya 'yung ginawa mo. Mahirap mawalan ng ama, Synth. Magkaiba tayo ng dinanas pero pareho tayong nagkaroon ng tatay. Naiintindihan kong nasaktan ka niya at may kamalian siya pero handa na siyang magbago. Totoo ang sinabi niya, Synth. Anak ka pa rin niya at hindi mababago 'yun."
Dahil do'n, pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig. I realized how harsh I was earlier.
"Synth. If you really want to fully live your life, you have to let it all go."
And that kept me up all night.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top