Entry 67

27th October 2020

Today, my father visited me again but I threw him out.

Hinihintay ko si Hiraya kaninang umaga kasi may binili siya sa cafeteria pero imbes na siya ang makita ko sa pinto, si tatay ang nakita ko.

Nasa likod niya si Hiraya na nakayuko, hindi sinasalubong ang mata ko. Nahihiya dahil hindi niya napigilan si tatay sa pagpasok ng kwarto.

Mabilis lumapit sakin si tatay saka ako binalot ng yakap pero pumalag ako. Hirap man akong gumalaw pero nagawa ko siyang itulak, ayokong hawakan niya ako.

Natigilan siya pero patuloy na humihingi ng tawad. His eyes were bloodshot but he looked me with his apologetic eyes. I don't need that!

Hindi ko kailangan ng awa mula sakanya. Noon sana kaso 'di niya naman binigay. I am tired of him. Tuwing nakikita ko siya lalo lang akong nasasaktan kaya tinaboy ko siya. I told him I don't need him. Na hindi ko na siya kilala at 'di niya kailangang magpanggap na concern para lang 'di siya kainin ng konsensya niya.

He's almost crying but my pride was too high. Sumigaw na ako sa galit pero hindi pa rin siya gumalaw, umalis lang siya no'ng makitang nahihirapan na ulit ako sa paghinga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top