Entry 59

25th September 2020

Nagpapahinga ako at nagpapalakas para sa operasyon na gagawin sa'kin sa 29.

I am beyond grateful that Hiraya never left. Hindi na siya umuwi at natutulog na siya sa ospital, uuwi lang siya para kumuha ng gamit at nangakong pag gigising ako nandito pa rin siya sa tabi ko.

Masaya si Uncle Rei dahil binabantayan ako ni Hiraya. Siguro nga pinababantayan ako ni Uncle sakanya pero for me, sobra naman yata 'yon.

Babantayan ba ako ni Hiraya ng ganito kung dahil lang sa pakiusap ni Uncle? I doubt.

Pero may nagsasabi rin sa'kin na baka kasi mabait lang talaga siya at hindi niya kayang tumanggi sa Uncle ko dahil malapit 'to sa mama niya.

Right now, she's peacefully sleeping on the couch. Kung pwede lang na siya ang pahigain ko sa kama ginawa ko na. She looked so tiny and adorable.

Hindi ako makatulog. Ang plano ko mamaya ay panuorin na lang siya hanggang sa mag-umaga na.

We never had a chance to talk about us simula nang biglang mangyari ang mga bagay-bagay. Syempre, 'di na rin niya inisip 'yon dahil sa sitwasyon ko ngayon.

But if I will be given a chance, I want to talk about it.

Maybe, I was just being in denial before because I knew I like her.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top