Entry 54
16th September 2020
Pagbalik ni Hiraya, ngiting-ngiti pa siya pero naabutan niya akong bumibilis ang paghinga.
She was frightened. Alam ko kasi bakas sa mukha niya. Mabilis niyang nabitawan sa mesa ang binili niyang yakult para sa'kin saka ako dinaluhan sa kama.
She was panicking but I already know the drill. Hindi naman malala yung kanina, tolerable at kailangan ko lang kumalma so I hold her hand.
Tinignan niya 'yon at mabilis na linipat sa magkabilang pisngi ko.
She breathed in and out at unti-unti ko 'yong sinundan hanggang sa bumalik sa normal ang paghinga ko.
She looked so relieved after pero nagulat ako nang bigla niya na lang akong yakapin.
Nanigas ako sa kinauupan ko at 'di nakagalaw. I felt her warmth, halos ramdam ko rin ang kaba ng puso niya sa minuto ng yakap na 'yon.
Was she really scared?
When she asked if I'm already fine, I nodded pero 'di siya naniniwala kaya pinabasa ko na lang sakanya yung message ni tatay.
Kung katulad ng dati, malamang hindi ko magagawang magkwento kay Hiraya. Pero within the short span of time, she have earned my trust. Kampante ako na maiintindihan niya ako pati na ang nararamdaman ko.
I told her about my father, how he abondoned me when my mother died. Kung paano akong nagmakaawang bumalik siya at kung paano niya ako binalewala ng matagal na taon.
Hiraya didn't say a word, but I already felt at ease knowing that she's listening to this side of me. She didn't even judge or took sides, tumatango lang siya.
With her, pakiramdam ko valid ang nararamdaman ko. Maganda rin palang may napaglalabasan ng sama ng loob.
I'm happy because Hiraya was here.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top