Entry 51

14th September 2020

It was a normal/abnormal day for me.

Hiraya came to my room again. Though, I'm not expecting that she will visit after I've kissed her.

Pumunta siya ulit gaya ng nakasanayan, wearing a denim jumper and a rainbow shirt inside.

Nakangiti pa rin pero 'di maingay at 'di in-o-open yung nangyari kahapon. She looked so awkward pati tuloy ako nahawa.

Gago. Hindi ako makapagsalita pakiramdam ko nang-abuso ako ng bata kahit 'di naman na siya bata.

She gave me a lunch box, so she cooked for me still, huh? Sobrang bait naman talaga.

Kinuha ko naman sakanya saka nagpasalamat, naupo siya sa dulo ng kama pero agad ring tumayo saka nagtanong kung pwede ba siyang maupo do'n.

God. Kailan pa siya nagpaalam sa gagawin niya?

I nodded, of course. Kumakain ako kaya naman inaya ko siyang kumain rin. Ginagawa naman namin 'yon, nagdadala siya ng lunch para sa'kin at susubo rin siya kapag nagugutom siya.

Pero kanina, tumanggi siya. Hindi rin niya ko sinubuan. Not that I want her to. Okay?

Um-oo na lang ako at para bang bigla kaming nagteleport sa sementeryo. Napakatahimik!

Well, you have to deal with it, Synth. You signed up for it.

Pagtapos kumain ililigpit ko na sana 'yung pinagkainan ko pero bigla siyang nagsalita, nagulat tuloy ako. Muntik nang tumalsik yung lunch box. Siya na raw magliligpit.

'Di na ako nakipagtalo at hinayaan ko na siya. Pagbalik niya sabay yata naming gustong umiwas sa katahimikan kaya sabay rin naming inabot ang remote ng T.V.

Nahawakan ko ang malambot niyang kamay na agad ko namang pinakawalan. Sa huli siya na nagbukas no'n tapos ang weird kasi walang channel na matino.

Walang maayos na mapanuod, mayroon pa ngang bold! Ang lakas pa naman ng volume kaya pinatay agad ni Hiraya. Bigla kaming nagkatinginan. Pulang pula siya.

Kung 'di ko lang siya hinalikan kahapon malamang tinawanan ko na mukha niya. Pero pati yata ako namumula rin.

Marami pang ka-awkward-an na naganap. Ultimo sa banyo, palabas kasi siya at papasok naman ako, nagkahiyaan pa pati sa dadaanan.

Tumawa siya pero obvious na pilit. Naisip ko bakit pa kasi siya pumunta? Inutusan ba siya ni Uncle bantayan ako?

Bago dumating ang oras ng uwi ni Hiraya hindi ko na napigilan ang sarili ko. I was sitting aback on my hospital bed at nasa kabilang dulo naman siya.

I realized na hindi tama na hinalikan ko siya bigla kaya nagsorry ako.

It was inappropriate. Gulat na gulat siguro siya. She listened (nang hindi tumitingin saakin). Okay lang daw, 'di niya lang daw alam gagawin niya kasi it was her first kiss.

Napanganga ako no'n. For real? Hindi ko inaasahan 'yon. Hindi naman sa tingin ko na marami na siyang nahalikan pero with her personality and beauty?

Malabong walang nagtangkang humalik sakanya. Tangina. Ibig sabihin ako lang?

Gago 'di ko alam anong naramdaman ko pero parang ang saya ng puso ko.

What the hell is happening to me?

Kahit na gano'n nagsorry pa rin ako ng paulit-ulit kasi I sabotaged her first kiss. Syempre, para lang sa taong gusto niya 'yon dapat.

Pero sa sinagot niya pakiramdam ko nalaglag na nang tuluyan ang puso ko sa sahig.

"Kaya nga, para sa taong gusto ko lang."

Fucking shit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top