Entry 47

10th September 2020

I saw my mother today.

Hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin but clearly, she was saying something.

Sa tahimik kasi ng kwarto ko kaninang umaga, wala akong nagawa kung hindi ang mag-isip. Hobby ko yata ang mag over-think kaya naman kung ano-ano na ang pumasok sa utak ko.

Binuksan ko ulit ang phone ko para makaiwas kaso kusang gumalaw ang kamay ko at binuksan ko yung unread messages sa'kin ni tatay.

Kumusta ka, anak?

Bakit 'di ka nag o-online?

Nag react ka sa picture kahapon. Gusto mo ba makita mga kapatid mo?

Mababait sila.

Nasa ospital ka pa rin ba? Baka lagnat lang 'yan.

Inom ka gamot, nak..

Pagaling ka.

Online ka ulit.

Nagtipa ako ng mensahe pero binura ko. Anong karapatan niyang mangamusta ngayon kung noon hindi niya naman ginawa?

Ayos lang sana kung hindi niya ako inabandona kaso hindi eh. Ilang taon niya akong 'di kinausap at hindi ko na siya kailangan ngayon.

Ang lakas ng loob niyang ayain ako para makita mga anak niya sa babae niya. Kapatid ko? Gago ba siya?

Nanginig ako sa sobrang galit ko kanina kaya nabato ko 'yung cell phone sa pader. Hinagis ko rin lahat ng bagay na malapit sa'kin hanggang sa hindi na tumigil ang pagtaas baba ng dibdib ko.

Hindi ako nakahinga at nanikip rin puso ko. Iba sa dating nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paanong may rumesponde na nurse kasi pumikit na ako no'n.

Sobrang sama ng loob ko na gusto ko na lang matapos na lahat.

Kaya sa gitna ng paghabol ko ng hininga at pagsabit saakin ng kung ano-ano ng mga nurse at ni Uncle Rei, nakita ko si mama.

Maganda pa rin siya at mukhang 'di na nahihirapan pero malungkot ang mata niya. Bumubukas ang bibig niya pero wala akong maintindihan.

In that moment, I just wanted to go where she is. I wanna hold her hand, at least do'n, hindi na ako mag-isa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top