Entry 45

8th September 2020

Umuwi na si Hiraya at tingin ko hindi na ulit siya babalik.

Alas tres pa lang ng hapon at tahimik na ulit sa kwarto, mag-isa na ulit ako.

Kaninang lunch, nag prisinta pa siyang subuan ako ng pagkain. Kahit na nakakainis, pumayag ako. Hindi ko alam parang hindi ako makatanggi sa kakulitan niya.

Siguro kasi kumportable na rin ako sa kanya kaya gano'n. Pagtapos kumain, nagbukas ulit ako ng cell phone. Mabilis namang tumabi sa kama ko si Hiraya at humiga pa talaga.

Bigla akong nanigas. 'Di agad nakagalaw sa ginawa niya. Nanunuot sa ilong ko ang tamis ng pabango niya. Amoy watermelon na candy pero hindi naman matapang.

God. That girl. She didn't know her effect on me.

Hindi naman biglang nagbabago ang tibok ng puso ko kapag 'di napapagod pero kanina bumilis 'yon, hindi sa nakakatakot na paraan.

Alam ko ang irregular heart beat na dala ng sakit ko at alam ko rin na hindi 'yon ang kaso kanina.

My heart was beating fast because of Hiraya.

Hindi ko na lang pinansin 'yon at nagsimula nang magscroll sa facebook.

Maling desisyon nanaman kasi nakita kong may panibagong post ulit ang tatay ko. Ilang segundo ko ring tinignan ang litrato ng bago niyang pamilya. Kumpleto sila, mukhang masaya.

Dumungaw si Hiraya sa screen saka tinanong kung sino 'yun. I told her that it's my father na matagal ko nang 'di nakikita.

Nag banyo ako saglit at pagbalik ko sa kama, ngiting-ngiti si Hiraya habang hawak ang phone ko.

"Ganda ng lahi niyo ah, teka bakit pala 'di alam ni papa mo na nandito ka?"

Mabilis kong hinablot ang phone at do'n ko lang nakita na naka-heart react na ang picture nila gamit ang account ko.

May convo na rin kami ni tatay, nangangamusta siya at tinanong kung nasaan ako na sinagot naman ni Hiraya.

Sa galit ko kay tatay nasigawan ko si Hiraya. I didn't mean to, but what she did? Hindi dapat gano'n.

Napatalon siya sa kama at agad lumayo. Namuo ang luha sa mata habang humihingi ng tawad. Hindi niya daw alam na hindi kami ayos ng papa ko.

Ginawa niya lang daw 'yun kasi kala niya matutuwa ako, parang kaswal naman daw kasi ang pakikipag-usap ng tatay ko.

'Yun nga eh. Parang okay lang. Parang normal lang. Parang wala siyang kasalanan, parang hindi siya nang-iwan.

I felt guilty after.

Alam kong nasaktan ko si Hiraya no'ng sabihan ko siyang pakielamera. Sinigawan ko rin siya ng wag mangialam sa buhay ko kasi wala naman siyang alam at hindi ko naman siya kilala talaga.

Namumula ako sa inis kanina pero agad ring huminto nang makita kong walang tigil sa pag-iyak si Hiraya.

What I've said was out of the line. Mali nga ang ginawa niya pero hindi ako dapat gano'n nag react. Hindi naman niya alam. I should've not lashed out my anger at her.

Nasabi ko lang 'yun out of emotions pero mukhang hindi na ako makakapagpaliwanag kasi tumango siya at tumakbo na palabas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top