Entry 43

7th September 2020

Unang beses ko pa lang sasabihin 'to. Well, I'm trying to be optimistic here so here it goes.

Today was a great day...

No. It wasn't.

Ang magandang nangyari lang ata sa araw na 'to ay 'yung pagkaing nakain ko. May hinandang lunch at pang dinner kasi si Hiraya para sa'kin.

"Lean meats, non-fried fish, beans and fat-free milk. Konti lang rin ang asin diyan kasi kapag sobra baka tumaas blood pressure mo. Sodium kasi 'yon, ayan ha! Nag search talaga ako para sa'yo. Thanks to mareng google, isa na akong health enthusiast."

Natawa ako sa sinabi niya pero ayos, tama naman lahat 'yon.

Ang sarap ng peace offering niya. Tinanggap ko, syempre. Bakit ko naman tatanggihan? Blessing 'yon.

Pero ayon na nga, hindi ko alam kung anong mayroon sa araw na 'to dahil parang ang malas naman yata.

Paano ba naman kasi, pagtapos ko kumain ay natapunan ako ng gatas. Nasanggi ko kasi, ang lagkit tuloy.

Tumawag si Hiraya ng staff para palitan ang bed sheets kaya naupo na muna ako sa sofa kaso lang, 'yung kinakaing galon ng ice cream ni Hiraya, naupuan ko.

Tumapon lahat at dahil nahiya ako sa katangahan ko, kinuha ko ang mop sa banyo kaso nadulas ako. Tumama pa ang ulo ko sa kubeta kaya may sugat ako ngayon sa noo.

Nataranta si Hiraya pero tawang tawa rin siya sa nangyari. Ginamot niya 'yung sugat ko matapos kong maglinis ng katawan.

Tinitigan ko naman ang mukha niya habang ginagawa niya 'yon. Sobrang lapit niya saakin, ilang dangkal lang magkakapalit na kami ng mukha. Napalunok tuloy ako.

Hindi na niya ulit inungkat ang nangyari pero halatang halata sa pagnguso niya na natatawa siya. Tinanong ko kung may nakakatawa ba pero tinikom niya lang bibig niya sabay iling. Naubo pa nga kakapigil ng tawa.

That girl. Tss.

She's annoying but now it's becoming tolerable. Sige na, aaminin ko na.

I find it cute.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top