Entry 40
6th September 2020
Uncle Rei was mad. Real mad.
Hindi ko alam kung nagsumbong ba si Hiraya o baka yung mga staff na tumulong saakin magbaba galing rooftop.
Sa huli nalaman kong si Hiraya nga ang nagsabi. Kung hindi lang siya si Hiraya malamang nainis na ako at sinungitan ko na siya pero naiintindihan ko naman kung bakit niya ginawa 'yon.
Kinabahan siguro talaga.
Grabe. Daming sinabi saakin ni Uncle. Suicidal daw ba ako? Sabihin ko naman daw kung anong problema dahil kinakabahan siya sa mga ginagawa ko.
Nag sorry ako. Wala namang ibang ginawa si Uncle kung 'di bantayan ako. That's the least I can do.
Until now, I'm still lying on my bed. Nakamonitor rin ang heart beat just in case.
Okay naman ako. Nakakapagsulat pa nga eh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top