Entry 36

4th September 2020

I woke up feeling light. Hindi ko alam pero medyo magaan ang pakiramdam ko ngayong araw.

Na-realize ko rin na simula nang ma-confine ako rito sa ospital, 'di na pala ako humawak ng kahit anong gadget. Ilang buwan na rin kaya naman naisipan kong buhayin ulit ang cell phone ko.

I opened my social media accounts just to see glimpse of what I've missed for the past months.

I've received a lot of messages from my friends. Hindi ko binasa pero nasulyapan ko sa preview na sobrang nag-aalala sila kung nasaan daw ba ako at kung buhay pa ba ako.

Buhay pa naman. Haha.

Ayos nag-aalala sila kahit wala silang idea na may sakit ako.

May iba rin na galit at caps lock yung chat. 'Di ko sila masisisi. Linayo ko naman kasi ang sarili ko sa lahat.

Naaliw naman ako sa news feed ng facebook dahil puro memes. Korni pero nakakatawa.

Nabago lang ang mood ko nang madaanan ang post ng taong kinamumuhian ko.

Happy with his new family, huh? Sana gano'n rin siya saamin ni mama noon.

Mabilis kumalat ang pait sa sistema ko. Nakalimutan niya yatang may isa pa siyang anak.

Sa huli nag log-out na lang ako. Maybe, activating my social media accounts doesn't help at all.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top